goo blog サービス終了のお知らせ 

Makapangyarihang Diyos ay Ating Tagapagligtas

Makapangyarihang Diyos-Ang Pagbabalik ng Panginoong Jesus

Tagalog Christian Song With Lyrics | “Alamin na ang Pagkastigo't Paghatol ng Diyos ay Pag-ibig”

2020-04-16 16:12:34 | Salita ng Diyos

I

Ang paghatol at pagkastigo ay sinadya
upang parusahan ang mga kasalanan ng tao.
Wala sa gawaing ito ang pagsumpa
o pagpatay sa laman ng tao.
Ang malupit na pagsisiwalat ng salita’y
para sa’yo upang makahanap ng tamang landas.
Personal mong nadama ang gawain ng Diyos.
‘Di ka nito inaakay sa masasamang landas.
Whoah … Alamin ang kahulugan ng gawain ng panlulupig.
Dapat makita mo ito ngayon nang malinaw,
tingnan ito ngayon nang malinaw. Whoah …
Alamin ang kahulugan ng paghatol
at hindi na magkaroon ng maraming pananaw.
Whoah … Alamin ang kahulugan ng gawain ng panlulupig.
II
Ginagawang normal ng gawain ng Diyos ang buhay mo.
Ito’y isang bagay na maaari mong makamit.
Wala nang mabibigat na pasanin.
Ang gawain ay batay sa’yong mga pangangailangan.
Whoah … Alamin ang kahulugan ng gawain ng panlulupig.
Dapat makita mo ito ngayon nang malinaw,
tingnan ito ngayon nang malinaw. Whoah …
Alamin ang kahulugan ng paghatol
at hindi na magkaroon ng maraming pananaw.
Whoah … Alamin ang kahulugan ng gawain ng panlulupig.
III
Kung ‘di mo maunawaan ang gawaing ‘to,
ay hindi ka makakapagsimula.
Maaliw sa kaligtasan. Dapat ay matauhan ka.
Kahit na ‘di mo ‘to makita ngayon nang malinaw;
pakiramdam mo na malupit ang Diyos sa iyo,
na hinahatulan ka N’ya dahil kinamumuhian ka N’ya,
ito’y pag-ibig ng Diyos, isang bantay sa’yo.
Whoah … Alamin ang kahulugan ng gawain ng panlulupig.
Dapat makita mo ito ngayon nang malinaw,
tingnan ito ngayon nang malinaw. Whoah …
Alamin ang kahulugan ng paghatol
at hindi na magkaroon ng maraming pananaw.
Whoah … Alamin ang kahulugan ng gawain ng panlulupig.
Alamin ang kahulugan ng gawain ng panlulupig,
ang mas malalim na kahulugan ng gawain ng panlulupig.
Alamin ang kahulugan ng gawain ng panlulupig,
ang mas malalim na kahulugan ng gawain ng panlulupig.


mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

————————————————————————

Ang mga sakuna ay madalas na nagaganap. Ang mga senyales ng paghuhukom ay naglitawan.  Kaya paano tayo mara-rapture bago ang malaking kapighatian? Basahin na ngayon upang makuha ang sagot.


Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao

2020-04-15 15:10:22 | Salita ng Diyos


Mula ng sandaling isilang kang umiiyak sa mundong ito, sinimulan mo nang gawin ang iyong tungkulin. Ginagampanan mo ang iyong papel ayon sa plano ng Diyos at sa pagtatalaga ng Diyos. Sinimulan mo ang paglalakbay ng buhay. Anuman ang iyong kinagisnan at anumang paglalakbay ang nasa iyong hinaharap, walang maaaring makaligtas sa pagsasaayos at pagkakaayos na inilaan ng Langit, at walang sinuman ang may kontrol ng kanilang kapalaran, sapagkat Siya lamang na namumuno sa lahat ng bagay ang may kakayahan ng naturang gawain. Mula ng araw na dumating ang pag-iral ng tao, ang Diyos ay naging matatag sa Kanyang gawain, namamahala sa sansinukob at nangangasiwa sa pagbabago at paggalaw ng lahat ng mga bagay. Tulad ng lahat ng mga bagay, tahimik at hindi alintanang tinatanggap ng tao ang sustansya ng katamisan at ng ulan at hamog mula sa Diyos. Tulad ng lahat ng mga bagay, hindi alam ng tao na siya’y namumuhay sa ilalim ng pagsasaayos ng kamay ng Diyos. Ang puso at espiritu ng tao ay tangan ng kamay ng Diyos, at lahat ng buhay ng tao ay nakikita ng mga mata ng Diyos. Ikaw man ay naniniwala rito o hindi, anuman at lahat ng mga bagay, buhay o patay, ay magpapalipat-lipat, magbabago, manunumbalik, at maglalaho ayon sa mga saloobin ng Diyos. Ganito mamahala sa lahat ng bagay ang Diyos.
Sa pagkagat ng dilim, ang tao ay nananatiling walang malay, sapagkat ang puso ng tao ay hindi nakakaunawa kung paano lumalapit ang dilim o kung saan ito nanggaling. Habang tahimik na tumatakas ang gabi, sinasalubong ng tao ang liwanag ng umaga, ngunit ang puso ng tao ay lubhang mas malabo o hindi batid kung saan nanggaling ang liwanag at paano nito naitaboy ang kadiliman ng gabi. Ang paulit-ulit na salitan ng araw at gabi ang nagdadala sa tao sa isang panahon patungo sa isa pa, sumasabay sa galaw ng panahon, habang tinitiyak na ang gawain ng Diyos at ang Kanyang plano ay maisakatuparan sa bawat panahon at sa lahat ng oras. Ang tao ay naglakad ng mahabang panahon kasama ang Diyos, ngunit hindi alam ng tao na ang Diyos ang namumuno sa kapalaran ng lahat ng bagay at mga buhay na nilalang o kung paano isinasaayos o pinamamahalaan ng Diyos ang lahat ng bagay. Ito ay isang bagay na naging mailap sa tao mula pa sa sinaunang panahon hanggang sa kasalukuyang araw. Sa kung anong dahilan kung bakit, ito ay hindi dahil sa ang paraan ng Diyos ay masyadong mailap, o dahil ang plano ng Diyos ay dapat pang mapagtantuhan, kundi dahil ang puso at espiritu ng tao ay masyadong malayo sa Diyos. Kung kaya’t, kahit ang tao ay sumusunod sa Diyos, siya ay walang kamalay-malay na nananatili sa paglilingkod kay Satanas. Walang aktibong naghahanap ng mga yapak o wangis ng Diyos, at walang nagnanais na mamuhay sa pangangalaga at pag-iingat ng Diyos. Sa halip, sila ay handang umasa sa kaagnasan ni Satanas at kasamaan upang iangkop sa mundong ito at sa mga patakaran ng buhay na sinusunod ng makasalanang sangkatauhan. Sa puntong ito, ang puso at espiritu ng tao ay isinakripisyo kay Satanas at siyang bumubuhay dito. Higit pa rito, ang puso at espiritu ng tao ay naging lugar kung saan si Satanas ay maaaring manirahan at naging akmang palaruan ito. Sa paraang ito, ang tao ay walang kamalay-malay na nawawala sa kanya ang pag-unawa ng mga prinsipyo ng pagiging tao, at ang halaga at layunin ng pag-iral ng tao. Ang mga batas mula sa Diyos at ang tipan sa pagitan ng Diyos at ng tao ay unti-unting naglalaho sa puso ng tao at hindi na naghahanap ang tao o nagbibigay pansin sa Diyos. Sa paglipas ng panahon, ang tao ay hindi na nauunawaan kung bakit nilikha ng Diyos ang tao, ni hindi niya maintindihan ang mga salitang nagmula sa bibig ng Diyos o mapagtanto ang lahat ng galing sa Diyos. Nagsimula ang tao na labanan ang mga batas at kautusan mula sa Diyos; ang puso at espiritu ng tao ay naging mapurol…. Nawawala na sa Diyos ang taong Kanyang orihinal na nilikha, at nawawala na sa tao ang ugat ng kanyang pinanggalingan. Ito ang pighati ng sangkatauhang ito. Sa katunayan, magmula sa simula hanggang ngayon, ang Diyos ay nagtanghal ng trahedya para sa sangkatauhan kung saan ang tao ay kapwa bida at biktima, at walang kayang sumagot kung sino ang direktor ng trahedyang ito.
Sa napakalawak na mundo, hindi mabilang na mga pagbabago na ang nangyari, nang paulit-ulit. Walang may kakayahang manguna at gumabay sa sangkatauhang ito maliban sa Kanya na namumuno sa lahat ng mga bagay sa sansinukob. Walang makapangyarihan na maaaring magtrabaho o gumawa ng mga preparasyon para sa sangkatuhang ito, lalo na ang isang tao na may kakayahang mamuno sa sangkatuhang ito tungo sa hantungan ng liwanag at ng liberasyon mula sa makamundong kawalan ng mga katarungan. Ang Diyos ay dumaraing para sa kinabukasan ng sangkatauhan, at nagdadalamhati sa pagbagsak ng sangkatauhan. Siya ay nakakaramdam ng kalungkutan sa dahan-dahang pagmartsa ng sangkatauhan paibaba at sa landas na walang balikan. Winasak ng sangkatauhan ang puso ng Diyos at tinalikuran Siya para hanapin ang kasamaan. Walang sinuman ang nakapag-isip tungo sa direksyon kung saan ang sangkatauhang tulad nito ay gagalaw. Dahil mismo sa kadahilanang ito kaya walang nakadarama ng galit ng Diyos. Walang naghanap ng paraan para pasayahin ang Diyos o subukin na maging malapit sa Diyos. Higit pa rito, walang naghangad na unawain ang kalungkutan at pasakit ng Diyos. Kahit pagkatapos marinig ang tinig ng Diyos, nagpapatuloy ang tao sa kanyang landas palayo sa Diyos, umiiwas sa biyaya at kalinga ng Diyos, lumalayo sa katotohanan ng Diyos, at sa halip ay mas nanaising ibenta ang kanyang sarili kay Satanas, ang kaaway ng Diyos. At sino rito ang nag-isip kung paano makikitungo ang Diyos sa taong walang pagsisising nagpaalis sa Kanya? Walang nakakaalam na ang paulit-ulit na paalala at mga pangaral ng Diyos ay dahil sa hawak Niya sa Kanyang mga kamay ang walang kahalintulad na sakuna na Kanyang inihanda, yaong hindi kakayanin ng laman at kaluluwa ng tao. Ang sakunang ito ay hindi isang simpleng kaparusahan ng laman kundi pati ng kaluluwa. Kailangan mong malaman ito: Kapag ang plano ng Diyos ay nawalan ng bisa at kapag ang Kanyang mga paalala at mga pangaral ay hindi tinugunan anong galit ang Kanyang ipapamalas? Ito ay walang magiging katulad kumpara sa dinanas dati o narinig ng sinumang nilalang. Kaya’t ito ang masasabi ko, ang sakunang ito ay walang katulad at hindi kailanman mauulit. Ito ay sa kadahilanang isang paglikha lamang at isang kaligtasan ang nakapaloob sa plano ng Diyos. Ito ang una at huling pagkakataon. Samakatuwid, walang maaaring makaunawa sa mabuting intensyon at taimtim na pag-asa ng Diyos para sa kaligtasan ng sangkatauhan.
————————————————————————
Ang Salita ng Diyos ay buhay at mabisa. Narito ang mga piling teksto, mga audio, at mga video ng salita ng Diyos tungkol sa buhay upang matulungan kang matamo ang buhay mula sa Diyos.
————————————————————————
Nilikha ng Diyos ang mundong ito at dinala ang tao, isang buhay na nilalang na pinagkalooban Niya ng buhay. Kaya naman, nagkaroon ang tao ng mga magulang at mga kamag-anak at hindi na nag-isa. Magmula nang unang makita ng mga mata ng tao ang materyal na mundo, siya ay itinadhanang mamuhay sa loob ng pagtatalalaga ng Diyos. Ito ang hininga ng buhay mula sa Diyos na siyang sumusuporta sa bawat buhay na nilalang mula sa kanyang paglaki hanggang sa pagtanda. Sa prosesong ito, walang naniwala na ang tao ay nabubuhay at lumalaki sa ilalim ng pangangalaga ng Diyos. Sa halip, pinanghahawakan nila na ang tao ay lumalaki sa ilalim ng pagmamahal at pangangalaga ng kanyang mga magulang, at ang kanyang paglaki ay saklaw ng batas ng buhay. Ito ay dahil hindi alam ng tao kung sino ang nagkaloob ng buhay o kung saan ito nanggaling, lalo nang hindi kung paanong ang likas ng buhay ay lumilikha ng himala. Ang alam lamang ng tao ay ang pagkain ang basehan ng pagpapatuloy ng buhay, na ang tiyaga ay ang pinagmulan ng pag-iral ng buhay, at ang paniniwala sa kanyang utak ang siyang kayamanan sa kanyang kaligtasan sa buhay. Hindi nararamdaman ng tao ang grasya at panustos mula sa Diyos. Kung kaya’t aaksayahin ng tao ang buhay na ipinagkaloob sa kanya ng Diyos.… Wala ni isang tao na araw at gabing minamasdan ng Diyos ang kusang loob na sambahin Siya. Ipinagpapatuloy ng Diyos ang gawain ayon sa Kanyang mga plano sa tao nang wala Siyang kahit anong inaasahan. Ginagawa Niya iyon sa pag-asang balang araw, magigising ang tao mula sa kanyang panaginip at biglang maunawaan ang halaga at layunin ng buhay, maunawaan ang halaga kung saan binigay ng Diyos ang lahat sa tao, at malaman kung gaano nananabik ang Diyos na manumbalik ang tao sa Kanya. Wala pang nagsaalang-alang sa mga lihim na pinagmulan at pagpapatuloy ng buhay ng tao. Gayunpaman, tanging ang Diyos na siyang nakakaintindi ng lahat ng ito, ang tahimik na umiinda ng pasakit at mga dagok mula sa tao na tumanggap ng lahat mula sa Diyos ngunit walang pagpapasalamat. Binabalewala ng tao ang lahat ng pinakikinabangan niya sa buhay, at “sa ganitong paraan,” ang Diyos ay pinagtaksilan, kinalimutan, at kinikilan ng tao. Tunay bang ganoon kahalaga ang plano ng Diyos? Ang tao ba, ang nabubuhay na nilalang na nagmula sa kamay ng Diyos, ay tunay nga bang mahalaga? Ang plano ng Diyos ay lubos na mahalaga; gayunman, ang buhay na nilalang na nilikha sa pamamagitan ng kamay ng Diyos ay nabubuhay para sa Kanyang plano. Samakatuwid, hindi kaya ng Diyos na sayangin ang Kanyang plano ng dahil lamang sa galit sa sangkatauhang ito. Ito ay para sa kapakanan ng Kanyang plano at hiningang Kanyang inilabas kaya tinitiis ng Diyos ang lahat ng paghihirap, hindi para sa laman ng tao kundi para sa buhay ng tao. Nais Niya na mabawi hindi ang laman ng tao kundi ang buhay na Kanyang inihinga palabas. Ito ang Kanyang plano.
Lahat ng dumating sa mundong ito ay dapat makaranas ng buhay at kamatayan, at marami ang nakaranas ng pagpapaulit-ulit na kamatayan at muling pagsilang. Iyong mga nabubuhay ay mamamatay kalaunan at ang mga nangamatay ay muling magbabalik. Ang lahat ng ito ay ang pagdaan ng buhay na isinaayos ng Diyos para sa bawat nabubuhay na nilalang. Gayunman, ang landasin at siklo na ito ay ang katotohanang nais ng Diyos na makita ng tao, na ang buhay na ipinagkaloob ng Diyos sa tao ay walang hanggan at hindi maaaring pigilan ng laman, panahon o kalawakan. Ito ang misteryo ng buhay na ipinagkaloob sa tao sa pamamagitan ng Diyos at patunay na ang buhay ay nanggaling sa Kanya. Bagaman marami ang maaaring hindi maniwala na ang buhay ay nanggaling sa Diyos, hindi maiwasan ng tao na masiyahan sa lahat ng galing sa Diyos, naniniwala man sila o itinatanggi nila ang Kanyang presensya. Kung pagdating ng araw ang Diyos ay nagkaroon ng biglaang pagbabago ng puso at naising bawiin muli ang lahat ng nabubuhay sa mundo at kunin muli ang buhay na Kanyang ibinigay, mawawala na ang lahat kung gayon. Ginagamit ng Diyos ang Kanyang buhay para matustusan ang lahat ng bagay maging buhay man o walang buhay, dinadala lahat sa mabuting kaayusan sa bisa ng Kanyang kapangyarihan at awtoridad. Ito ay katotohanan na hindi kayang isipin o madaling unawain ng sinuman, at ang mga hindi maunawaang katotohanan ang siyang tunay na nagpapahayag ng at katibayan ng puwersa ng buhay ng Diyos. Ngayon, hayaan mong sabihin Ko ang isang lihim: Ang kadakilaan at kapangyarihan ng buhay ng Diyos ay hindi maaaring maunawaan ng kahit sinong nilalang. Ito ay ganito ngayon, ganito noon at magiging ganito pagdating ng panahon. Ang pangalawang lihim na aking ibibigay ay ito: Ang pinagmulan ng buhay ay nanggaling sa Diyos, para sa lahat ng nilikha, anuman ang pagkakaiba sa anyo o kayarian. Anumang klase ng buhay na nilalang ka, hindi mo magagawang salungatin ang landas ng buhay na itinakda ng Diyos. Sa anumang pagkakataon, ang aking tanging hiling para sa tao ay kanyang maintindihan na kung walang pangangalaga, pag-iingat, at pagtustos ng Diyos, hindi matatanggap ng tao ang lahat ng dapat niyang matanggap, kahit gaano pa katindi ang pagsisikap o pagpupunyagi. Kung walang pagtutustos ng buhay mula sa Diyos, nawawala sa tao ang diwa ng pagpapahalaga sa buhay at nawawala ang diwa ng layunin sa buhay. Papaano pinahintulutan ng Diyos na sayangin ng tao ang kabuluhan ng Kanyang buhay nang walang inaalala? At muli, huwag kalimutan na ang Diyos ang pinagmulan ng iyong buhay. Kapag nabigo ang tao na mahalin ang lahat ng ipinagkaloob ng Diyos, hindi lamang babawiin ng Diyos ang lahat ng naibigay, ngunit higit pa diyan, ang tao ay dapat magbayad nang doble bilang bayad-pinsala para sa lahat ng ginugol ng Diyos.


Tanging si Cristo ng mga Huling Araw

2020-04-14 23:56:14 | Salita ng Diyos


Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan


Ang daan ng buhay ay hindi isang bagay na maaaring taglayin ng kahit na sino lang, ni hindi rin ito madaling makamtan ng lahat. Ito ay dahil sa ang buhay ay maaari lang magmula sa Diyos, na ibig sabihin, ang Diyos Mismo lang ang may taglay ng sangkap ng buhay, walang ibang daan ng buhay kung wala ang Diyos Mismo, sa gayon ang Diyos lang ang pinanggagalingan ng buhay, at ang walang hanggang umaagos na bukal ng buhay na tubig ng buhay. Simula nang Kanyang likhain ang mundo, maraming nagawa ang Diyos ukol sa kasiglahan ng buhay, maraming nagawa na nagbigay buhay sa tao, at nagbayad ng napakalaking halaga upang ang tao ay makamtan ang buhay, sapagkat ang Diyos Mismo ang buhay na walang hanggan, at ang Diyos Mismo ang daan upang ang tao ay mabuhay muli. Ang Diyos ay hindi kailanman nawawala sa puso ng tao, at naninirahan na kasama ng tao sa lahat ng mga panahon. Siya ang puwersang nagpapatakbo sa buhay ng tao, ang batayan ng pag-iral ng tao, at isang mariwasang lagak para sa pag-iral ng tao matapos ang kapanganakan. Siya ang nagsasanhi upang ang tao ay maipanganak muli, at tinutulungan siyang mahigpit na mabuhay sa kanyang bawat papel na ginagampanan. Salamat sa Kanyang kapangyarihan, at Kanyang di-mapapatay na puwersa ng buhay, nabuhay ang tao sa salinlahi hanggang sa susunod na salinlahi, sa buong panahon kung saan ang kapangyarihan ng buhay ng Diyos ay naging pangunahing salik sa pag-iral ng tao, kung saan binayaran ng Diyos sa halaga na walang karaniwang tao ang kailanma’y nagbayad. Ang puwersa ng buhay ng Diyos ay kayang manaig sa anumang kapangyarihan; bukod dito, nahihigitan nito ang alinmang kapangyarihan. Ang Kanyang buhay ay walang hanggan, ang Kanyang kapangyarihan ay pambihira, at ang Kanyang puwersa ng buhay ay hindi madaling madaig ng kahit na anong nilalang o puwersa ng kaaway. Ang puwersa ng buhay ng Diyos ay umiiral, at pinagniningning ang makinang na liwanag nito, sa kahit na saang panahon o dako. Ang buhay ng Diyos ay mananatiling di-nagbabago kailanman sa buong panahon ng mga kaguluhan sa langit at lupa. Lahat ng bagay ay lilipas, ngunit ang buhay ng Diyos ay mananatili pa rin, sapagkat ang Diyos ay ang pinagmulan ng pag-iral ng lahat ng bagay, at ang ugat ng kanilang pag-iral. Ang buhay ng tao ay nanggaling sa Diyos, ang pag-iral ng kalangitan ay dahil sa Diyos, at ang pag-iral ng mundo ay nagmumula sa kapangyarihan ng buhay ng Diyos. Walang bagay na nagtataglay ng kasiglahan ang kayang malampasan ang paghahari ng Diyos, at walang anumang bagay na may lakas ang kayang humiwalay sa nasasakupan ng awtoridad ng Diyos. Sa ganitong paraan, kahit na sino pa sila, lahat ay dapat magpasakop sa ilalim ng dominyon ng Diyos, lahat ay dapat mamuhay sa ilalim ng pamumuno ng Diyos, at walang kahit isa ang makatatakas sa Kanyang kontrol.
Marahil, sa ngayon, ikaw ay nagnanais makatanggap ng buhay, o marahil ikaw ay nagnanais na makamtan ang katotohanan. Anupaman ang kalagayan, nais mong hanapin ang Diyos, hanapin ang Diyos na maaari mong maasahan, at kayang magbigay sa iyo ng buhay na walang hanggan. Kung nais mong makamtan ang buhay na walang hanggan, dapat mong maintindihan ang pinanggalingan ng buhay na walang hanggan, at malaman muna kung nasaan ang Diyos. Akin nang nabanggit na ang Diyos lang ang buhay na di-nababago, at ang Diyos lang ang nagaangkin sa daan ng buhay. Dahil ang Kanyang buhay ay di-nababago, ganoon din ito ay walang hanggan; dahil ang Diyos lang ang daan ng buhay, ang Diyos Mismo ang daan patungo sa buhay na walang hanggan. Dahil dito, dapat maintindihan mo muna kung nasaan ang Diyos, at kung paano makakamtan ang daan ng buhay na walang hanggan. Pagsamahan natin ngayon ang tungkol sa dalawang usapin na ito nang magkabukod.
——————————————————————
Ang Salita ng Diyos ay buhay at mabisa. Narito ang mga piling teksto, mga audio, at mga video ng salita ng Diyos tungkol sa buhay upang matulungan kang matamo ang buhay mula sa Diyos.
——————————————————————
Kung talagang nais mong makamtan ang daan ng buhay na walang hanggan, at kung ikaw ay masigasig sa pagtuklas nito, sagutin mo muna ang tanong na ito: Nasaan ang Diyos ngayon? Maaring isagot mo na ang Diyos ay nakatira sa langit, siyempre—Siya ay hindi titira sa bahay mo, hindi ba? Maaring sabihin mo na, ang Diyos ay halatang naninirahan sa lahat ng mga bagay. O maaari mo ring masabi na ang Diyos ay naninirahan sa puso ng bawat tao, o na ang Diyos ay nasa espirituwal na mundo. Hindi ko ipinagkakaila ang alinman sa mga ito, ngunit dapat kong linawin ang paksang ito. Hindi lubos na tamang sabihin na ang Diyos ay naninirahan sa puso ng tao, ngunit hindi rin ito lubos na mali. Ito ay sa kadahilanang, sa gitna ng mga nananalig sa Diyos, may mga taong ang paniniwala ay totoo at mayroon namang ang paniniwala ay mali, mayroon ding mga sinasang-ayunan ang Diyos at may mga hindi Niya sinasang-ayunan, mayroon ding mga tao na nagbibigay-lugod sa Kanya at may mga kinamumuhian Niya, at mayroong mga ginagawa Niyang perpekto at may mga inaalis Siya. At sa gayon sinasabi ko na ang Diyos ay naninirahan sa puso ng mga ilang tao lang, at ang mga taong ito ay mga walang-dudang mga tunay na naniniwala sa Diyos, sila ay sinasangayunan ng Diyos, sila ay nakalulugod sa Kanya, at sila ay ginagawa Niyang perpekto. Sila ang mga pinatnubayan ng Diyos. Dahil sila ay pinatnubayan ng Diyos, kung gayon sila ang mga tao na nakadinig at nakakita na ng daan ng Diyos sa buhay na walang hanggan. Ang mga tao na mali ang pagkakilala sa Diyos, silang mga hindi sinang-ayunan ng Diyos, silang mga kinamuhian ng Diyos, silang mga naalis ng Diyos—sila ay nauukol na itakwil ng Diyos, nauukol na maiwan na wala ang daan ng buhay, at nauukol na manatiling mangmang sa kung nasaan ang Diyos. Sa kabalintunaan, yaong sa mga puso’y naninirahan ang Diyos alam kung nasaan Siya. Sila ang mga taong kung kanino ipinagkaloob ng Diyos ang daan ng buhay na walang hanggan, at sila ang mga sumusunod sa Diyos. Ngayon, alam mo na ba, kung nasaan ang Diyos? Ang Diyos ay nasa puso ng tao at nasa kanyang tabi. Siya ay hindi lang nasa espirituwal na mundo, at nangingibabaw sa lahat, ngunit mas higit pa sa lupa kung saan umiiral ang tao. At sa gayon ang pagdating ng mga huling araw ay nagdala sa mga hakbang ng gawain ng Diyos sa panibagong teritoryo. Ang Diyos ang may paghahari sa lahat ng mga bagay sa sansinukob, at Siya ang pangunahing salik ng tao sa kanyang puso, at bukod pa rito, Siya ay umiiral kasama ng mga tao. Sa pamamagitan lang nito maihahatid Niya ang daan ng buhay sa sangkatauhan, at maihahatid ang sangkatauhan sa daan ng buhay. Ang Diyos ay dumating sa lupa, at namumuhay kasama ng mga tao, upang ang tao ay makamtan ang daan ng buhay, at sa gayon ang tao ay maaring umiral. Kasabay nito, ang Diyos ay pinamumunuan ang lahat ng bagay sa buong sansinukob, upang sila ay maaring tumulong sa Kanyang pamamahala sa mga tao. At sa gayon, kung ikaw lang ay kinikilala ang doktrina na ang Diyos ay nasa langit at nasa puso ng tao, ngunit hindi mo kinikilala ang katotohanan ng pag-iral ng Diyos sa mga tao, kung gayon hindi mo kailanman makakamtan ang buhay, at hindi mo kailanman makakamtan ang daan ng katotohanan.

Mga Talababa:

a. Isang piraso ng patay na kahoy: isang sawikaing Tsino, nangangahulugang “hindi maaabot ng tulong.”



Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol

2020-04-03 16:15:17 | Salita ng Diyos



Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan


Ang gawain ng mga huling araw ay upang pagbukud-bukurin ang lahat ayon sa kanilang uri, upang tapusin ang plano ng pamamahala ng Diyos, sapagka’t ang oras ay malapit na at ang araw ng Diyos ay nakarating na. Dinadala ng Diyos ang lahat ng nakapasok sa Kanyang kaharian, iyon ay, lahat ng naging tapat sa Kanya hanggang sa katapusan, tungo sa kapanahunan ng Diyos Mismo. Subali’t, hanggang sa pagdating ng kapanahunan ng Diyos Mismo, ang gawaing gagawin ng Diyos ay hindi upang magmasid sa mga gawa ng tao o magtanong tungkol sa buhay ng tao, kundi upang hatulan ang kanyang paghihimagsik, sapagka’t dadalisayin ng Diyos ang lahat ng lalapit sa harap ng Kanyang luklukan. Lahat ng nakasunod sa mga yapak ng Diyos hanggang sa araw na ito ay yaong mga nagsilapit sa harap ng luklukan ng Diyos, at yamang ganito, ang bawat isang tao na tumatanggap sa gawain ng Diyos sa huling yugto nito ang siyang pinag-uukulan ng pagdadalisay ng Diyos. Sa ibang salita, ang lahat ng tumatanggap sa gawain ng Diyos sa huling yugto nito ang siyang pinag-uukulan ng paghatol ng Diyos.

Ang “paghatol” sa mga salitang nasabi na dati—ang paghatol ay magsisimula sa bahay ng Diyos—ay tumutukoy sa paghatol na ginagawa ng Diyos ngayon sa mga lumalapit sa harap ng Kanyang luklukan sa mga huling araw. Marahil ay may mga naniniwala sa ganoong higit-sa-karaniwang mga naguguni-guni kagaya ng, sa pagdating ng mga huling araw, magtatayo ang Diyos ng malaking mesa sa mga kalangitan, na kung saan ang isang puting tapete ay ilalatag, at pagkatapos, nakaupo sa isang dakilang luklukan na ang lahat ng mga tao ay nakaluhod sa lupa, ibubunyag Niya ang mga kasalanan ng bawat tao at doon ay malalaman kung sila ay aakyat sa langit o itatapon sa lawa ng nagniningas na apoy at asupre. Anuman ang mga naguguni-guni ng tao, ang nilalaman ng gawain ng Diyos ay hindi maaaring mabago. Ang mga naguguni-guni ng tao ay walang iba kundi mga nabubuong kaisipan ng tao at nanggagaling sa utak ng tao, binuo at pinagtagni-tagni mula sa mga nakita at narinig ng tao. Samakatuwid Aking sinasabi, gaano man kaliwanag ang mga larawang naisip, ang mga ito ay mga iginuhit lamang at hindi maaaring humalili sa plano ng gawain ng Diyos. Kung tutuusin, ang tao ay nagawa nang tiwali ni Satanas, kaya papaano niya maaarok ang mga iniisip ng Diyos? Hinahaka ng tao na ang gawain ng paghatol ng Diyos ay talagang di-kapani-paniwala. Naniniwala ang tao na dahil ang Diyos Mismo ang nagsasagawa ng gawain ng paghatol, kung gayon ito ay magiging pinakakakila-kilabot at hindi mauunawaan ng mga mortal, at aalingawngaw ito hanggang sa mga kalangitan at yayanigin ang lupa; kung hindi ay papaano ito magiging gawain ng paghatol ng Diyos? Naniniwala siya na dahil ito ay gawain ng paghatol, kung gayon ang Diyos ay dapat na maging lalong nakakatakot at maringal habang Siya ay gumagawa, at yaong mga hinahatulan ay dapat na nagpapapalahaw sa pag-iyak at nakaluhod na nagmamakaawa. Ang ganoong tagpo ay napakarangyang pagmasdan at masyadong nakapupukaw…. Naguguni-guni ng bawa’t tao na maalamat ang gawain ng paghatol ng Diyos. Alam mo ba, gayunman, na matagal nang sinimulan ng Diyos ang gawain ng paghatol sa gitna ng mga tao, at sa buong panahong ito ikaw ay mahimbing na natutulog? Na, sa oras na inaakala mong ang gawain ng paghatol ng Diyos ay nagsisimula na, ito na ang oras na binabago na ng Diyos ang langit at lupa? Sa oras na iyon, malamang ay noon mo pa lamang naintindihan ang kahulugan ng buhay, nguni’t ang walang-awang gawain ng pagpaparusa ng Diyos ay magdadala sa iyo, na natutulog pa ring mahimbing, sa impiyerno. Saka mo lamang biglang mapagtatanto na ang gawain ng paghatol ng Diyos ay natapos na.

Higit pang pansin:  Ano ang Paghuhukom? Paano gagawin ng Diyos ang gawain ng paghuhukom sa mga huling araw? Basahin upang mas matuto pa.

Huwag na tayong magsayang ng mahalagang oras, at huwag nang pag-usapan pa itong mga nakamumuhi at kasuklam-suklam na mga paksa. Sa halip ay pag-usapan natin kung ano ang bumubuo sa paghatol. Pagdating sa salitang “paghatol,” maiisip mo ang mga salitang sinalita ni Jehova sa lahat ng dako at ang mga salita ng pagsaway na sinalita ni Jesus sa mga Fariseo. Bagama’t matigas ang mga pananalitang ito, ang mga ito ay hindi paghatol ng Diyos sa tao, mga salita lamang na sinalita ng Diyos sa loob ng magkakaibang mga kapaligiran, iyon ay, magkakaibang tagpo; ang mga salitang ito ay hindi kagaya ng mga salitang sinalita ni Cristo habang hinahatulan Niya ang tao sa mga huling araw. Sa mga huling araw, si Cristo ay gumagamit ng sari-saring katotohanan upang turuan ang tao, ibunyag ang diwa ng tao, at suriin ang kanyang mga salita at gawa. Ang mga salitang ito ay binubuo ng iba’t ibang katotohanan, gaya ng tungkulin ng tao, paano dapat sundin ng tao ang Diyos, paano dapat maging tapat ang tao sa Diyos, paano dapat mabuhay nang normal ang tao, gayundin ang karunungan at disposisyon ng Diyos, at iba pa. Ang mga salitang ito ay nakatuon lahat sa diwa ng tao at sa kanyang tiwaling disposisyon. Partikular na, yaong mga salitang naglalantad kung paano tinatanggihan ng tao ang Diyos ay sinasabi patungkol sa kung paano kinakatawan ng tao si Satanas at naging puwersa ng kaaway laban sa Diyos. Sa pagsasakatuparan ng Kanyang gawain ng paghatol, hindi lamang basta nililinaw ng Diyos ang likas na pagkatao ng tao sa iilang salita lamang; inilalantad, pinakikitunguhan, at tinatabas nang pangmatagalan. Ang ganitong mga pamamaraan ng paglalantad, pakikitungo, at pagpupungos ay hindi maaaring mahalinhan ng mga ordinaryong salita, kundi ng katotohanang hindi man lang taglay ng tao. Ang ganitong klaseng mga pamamaraan lamang ang itinuturing na paghatol; sa pamamagitan lamang ng ganitong uri ng paghatol masusupil ang tao at makukumbinsi nang husto na magpasakop sa Diyos, at bukod pa riyan ay makamtam ang tunay na pagkakilala sa Diyos. Ang idinudulot ng gawain ng paghatol ay ang pagkaunawa ng tao sa tunay na mukha ng Diyos at sa katotohanan tungkol sa kanyang sariling pagkasuwail. Ang gawain ng paghatol ay nagbibigay-daan sa tao na magtamo ng malawak na pagkaunawa sa kalooban ng Diyos, sa layunin ng gawain ng Diyos, at sa mga hiwagang hindi niya maunawaan. Tinutulutan din nito ang tao na makilala at malaman ang kanyang tiwaling diwa at ang mga ugat ng kanyang katiwalian, gayundin para matuklasan ang kapangitan ng tao. Ang mga epektong ito ay bunga lahat ng gawain ng paghatol, sapagkat ang diwa ng gawaing ito ay ang mismong gawain ng pagbubukas ng katotohanan, ng daan, at ng buhay ng Diyos sa lahat ng may pananampalataya sa Kanya. Ang gawaing ito ay ang gawain ng paghatol na ginagawa ng Diyos. Kung hindi mo pinag-uukulan ang mga katotohanang ito ng pagpapahalaga at palaging iniisip ang pag-iwas sa mga ito o paghahanap ng isang bagong paraan bukod sa mga ito, kung gayon sinasabi Kong lubha kang makasalanan. Kung mayroon kang pananampalataya sa Diyos, nguni’t hindi mo hinahanap ang katotohanan o ang kalooban ng Diyos, ni hindi mo iniibig ang daan na nagdadala sa iyo nang mas malapit sa Diyos, kung gayon sinasabi Kong ikaw ay isa na sinusubukang iwasan ang paghatol, at na isa kang sunud-sunuran at taksil na tumatakas mula sa dakilang puting luklukan. Hindi patatawarin ng Diyos ang isa man sa mga mapanghimagsik na tumatakas sa ilalim ng Kanyang mga mata. Ang gayong mga tao ay makatatanggap ng lalo pang mas mabigat na kaparusahan. Silang mga nagsilapit sa harap ng Diyos upang mahatulan, at higit pa ay nadalisay na, ay mananahan magpakailanman sa kaharian ng Diyos. Tiyak, ito ay bagay na mangyayari sa hinaharap.

Ang gawain ng paghatol ay sariling gawain ng Diyos, kaya natural na ang Diyos Mismo ang dapat gumawa nito; hindi ito maaaring gawin ng tao para sa Kanya. Sapagkat ang paghatol ay ang paglupig sa lahi ng tao sa pamamagitan ng katotohanan, hindi mapag-aalinlanganan na nagpapakita pa rin ang Diyos bilang nagkatawang-taong larawan upang gawin ang gawaing ito sa mga tao. Ibig sabihin, sa mga huling araw, gagamitin ni Cristo ang katotohanan upang turuan ang mga tao sa buong mundo at ipaalam ang lahat ng katotohanan sa kanila. Ito ang gawain ng paghatol ng Diyos. Maraming may di-kasiya-siyang damdamin tungkol sa ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos, dahil mahirap para sa tao na paniwalaan na ang Diyos ay magkakatawang-tao upang gawin ang paghatol. Gayunpaman, kailangang sabihin Ko sa iyo na kadalasan ang gawain ng Diyos ay lumalampas nang labis sa mga inaasahan ng tao at mahirap para sa mga isipan ng mga tao na tanggapin. Sapagka’t ang mga tao ay mga uod lamang sa lupa, samantalang ang Diyos ay ang kataas-taasang Isa na pumupuno sa sansinukob; ang isipan ng tao ay katulad lamang ng isang balon ng maruming tubig na nagdudulot lamang ng mga uod, samantalang ang bawat yugto ng gawain na pinapatnubayan ng mga kaisipan ng Diyos ay pagdadalisay ng karunungan ng Diyos. Patuloy na hinahangad ng tao na makipaglaban sa Diyos, kung saan ay sinasabi Ko na hayag na hayag kung sino ang magdurusa ng kawalan sa katapusan. Ipinapayo Ko sa inyong lahat na huwag ninyong ipalagay ang inyong mga sarili na mas mahalaga kaysa ginto. Kung kaya ng iba na tanggapin ang paghatol ng Diyos, kung gayon bakit hindi mo kaya? Gaano ka na ba kataas kaysa iba? Kung kaya ng iba na magyuko ng ulo sa harap ng katotohanan, bakit hindi mo rin magawa ang ganoon? Ang gawain ng Diyos ay mayroong hindi-mahahadlangang bilis ng pagtakbo. Hindi na Niya uulitin ang gawain ng paghatol dahil lang sa “kontribusyon” na nagawa mo, at labis kang magsisisi dahil pinalagpas mo ang gayon kagandang pagkakataon. Kung hindi mo pinaniniwalaan ang Aking mga salita, kung gayon maghintay ka na lamang sa malaking puting luklukan sa langit na magpasa ng paghatol sa iyo! Kailangang malaman mo na lahat ng Israelita ay tinanggihan at itinatwa si Jesus, at gayunman ang katunayan ng pagtubos ni Jesus sa sangkatauhan ay lumaganap pa rin hanggang sa mga dulo ng sansinukob. Hindi ba ito isang realidad na matagal nang ginawa ng Diyos? Kung naghihintay ka pa rin kay Jesus na dalhin ka paakyat sa langit, kung gayon ay sinasabi Ko na isa kang sutil na piraso ng tuyong kahoy.[a] Hindi kikilalanin ni Jesus ang isang huwad na tagasunod na kagaya mo na hindi tapat sa katotohanan at naghahangad lamang ng mga biyaya. Sa kabaligtaran, hindi Siya magpapakita ng awa sa paghahagis sa iyo sa lawa ng apoy upang masunog sa loob ng sampu-sampung libong taon.

Nauunawaan mo na ba ngayon kung ano ang paghatol at ano ang katotohanan? Kung naunawaan mo na, ipinapayo Ko na magpasakop ka nang masunurin na mahatulan, kung hindi ay hindi ka magkakaroon ng pagkakataon kailanman na papurihan ng Diyos o madala Niya sa Kanyang kaharian. Yaong mga tumatanggap lamang ng paghatol ngunit hindi kailanman maaaring mapadalisay, ibig sabihin, yaong mga nagsisitakas sa gitna ng gawain ng paghatol, ay kamumuhian at itatakwil ng Diyos magpakailanman. Ang kanilang mga kasalanan ay mas marami, at mas mabigat, kaysa roon sa mga Fariseo, sapagkat napagtaksilan nila ang Diyos at naghimagsik sila laban sa Diyos. Ang gayong mga tao na ni hindi karapat-dapat na magsagawa ng paglilingkod ay tatanggap ng mas mabigat na parusa, isang parusang bukod diyan ay pangwalang-hanggan. Hindi patatawarin ng Diyos ang sinumang taksil na minsan ay nagpakita ng katapatan sa mga salita subalit ipinagkanulo Siya pagkatapos. Ang ganitong mga tao ay gagantihan sa pamamagitan ng kaparusahan ng espiritu, kaluluwa, at katawan. Hindi ba ito mismo ang paghahayag ng matuwid na disposisyon ng Diyos? Hindi ba ito ang layunin ng Diyos sa paghatol sa tao, at pagbubunyag sa kanya? Ipapadala ng Diyos ang lahat ng gumagawa ng lahat ng uri ng masamang gawa sa panahon ng paghatol sa isang lugar na pinamumugaran ng masasamang espiritu, at hahayaan ang masasamang espiritung ito na sirain ang kanilang katawang laman ayon sa gusto nila. Ang kanilang katawan ay mangangamoy-bangkay, at iyon ang nararapat na ganti sa kanila. Isinusulat ng Diyos sa kanilang mga talaang aklat ang bawat isa sa mga kasalanan niyaong mga nananalig na hindi-tapat at huwad, mga huwad na apostol, at mga huwad na manggagawa; pagkatapos, sa tamang panahon, itatapon Niya sila sa gitna ng maruruming espiritu, at hahayaan ang maruruming espiritung ito na dungisan ang kanilang buong katawan ayon sa gusto nila, upang hindi na sila makapagkatawang-taong muli kailanman at hindi na makitang muli ang liwanag kailanman. Yaong mga ipokrito na minsang naglingkod ngunit hindi nanatiling tapat hanggang sa huli ay ibinibilang ng Diyos sa masasama, kaya nabubuhay sila sa payo ng masasama at nagiging bahagi ng kanilang nagkakagulong mga tao; sa huli, pupuksain sila ng Diyos. Isinasantabi at hindi pinapansin ng Diyos yaong mga hindi kailanman naging tapat kay Cristo o naglaan ng anumang pagsisikap, at pupuksain silang lahat sa pagbabago ng mga kapanahunan. Hindi na sila iiral sa lupa, at lalong hindi makapapasok sa kaharian ng Diyos. Yaong hindi kailanman naging tapat sa Diyos ngunit napilitan dahil sa kanilang kalagayan na humarap sa Kanya nang madalian ay ibinibilang sa mga yaon na naglilingkod para sa Kanyang bayan. Iilan lamang sa mga taong iyon ang mananatiling buhay, samantalang karamihan ay mamamatay na kasama ng mga yaon na ni hindi nararapat na maglingkod. Sa huli, dadalhin ng Diyos sa Kanyang kaharian ang lahat ng tao na ang isipan ay kaayon ng Diyos, ang mga tao at ang mga anak ng Diyos pati na yaong mga itinakda ng Diyos na maging mga saserdote. Gayon ang bungang nakamit ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang gawain. Patungkol sa mga yaong hindi kabilang sa anumang kategoryang inilatag ng Diyos, ibibilang sila sa mga hindi walang pananalig. At tiyak na maiisip ninyo kung ano ang kanilang kahihinatnan. Nasabi Ko na sa inyo ang lahat ng dapat Kong sabihin; kayo ang magpapasiya kung aling landas ang inyong pipiliin. Ang dapat ninyong maunawaan ay ito: Ang gawain ng Diyos ay hindi kailanman naghihintay sa sinuman na hindi nakakasabay sa bilis ng Kanyang paghakbang, at ang matuwid na disposisyon ng Diyos ay hindi nagpapakita ng awa sa sinumang tao.


Talababa:


a. Isang piraso ng tuyong kahoy: isang kawikaang Tsino, ibig sabihin “walang pag-asa.



JesusPagkatapos ng Kanyang Muling Pagkabuhay

2020-03-29 16:19:07 | Salita ng Diyos
Ang Panginoong Jesus ay Kumakain ng Tinapay at Ipinaliliwanag ang mga Kasulatan Pagkatapos ng Kanyang Muling Pagkabuhay


Lu 24:30–32 At nangyari, nang Siya’y nakaupo na kasalo nila sa dulang ng pagkain, ay Kaniyang dinampot ang tinapay at binasbasan; at ito’y pinagputolputol, at ibinigay sa kanila. At nangabuksan ang kanilang mga mata, at Siya’y nakilala nila; at Siya’y nawala sa kanilang mga paningin. At sila-sila’y nangagsabihan, Hindi baga nagaalab ang ating puso sa loob natin, habang tayo’y kinakausap Niya sa daan, samantalang binubuksan Niya sa atin ang mga kasulatan?

Lu 24:36–43 At samantalang kanilang pinaguusapan ang mga bagay na ito, Siya rin ay tumayo sa gitna nila, at sa kanila’y nagsabi, Kapayapaa’y suma inyo. Datapuwa’t sila’y kinilabutan, at nangahintakutan, at inakala nila na nakakakita sila ng isang espiritu. At sinabi Niya sa kanila, Bakit kayo’y nangagugulumihanan? at bakit nangyayari ang pagtatalo sa inyong puso? Tingnan ninyo ang Aking mga kamay at ang Aking mga paa, Ako rin nga: hipuin ninyo Ako, at tingnan; sapagka’t ang isang espiritu’y walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa Akin. At pagkasabi Niya nito, ay ipinakita Niya sa kanila ang Kaniyang mga kamay at ang Kaniyang mga paa. At samantalang hindi pa sila nagsisisampalataya dahil sa galak, at nagsisipanggilalas, ay sinabi Niya sa kanila, Mayroon baga kayo ritong anomang makakain? At binigyan nila Siya ng isang putol na isdang inihaw. At Kaniyang inabot yaon, at kumain sa harap nila.

Sunod nating titingnan ang mga sipi ng kasulatan sa itaas. Ang unang sipi ay isang paglalahad sa Panginoong Jesus na kumakain ng tinapay at ipinaliliwanag ang mga kasulatan pagkatapos ng Kanyang muling pagkabuhay, at ang ikalawang sipi ay isang pagsasalaysay tungkol sa Panginoong Jesus na kumakain ng isdang inihaw. Anong uri ng tulong ang inilalaan ng dalawang siping ito para sa pagkilala sa disposisyon ng Diyos? Maiisip ba ninyo ang uri ng larawan na inyong makukuha mula sa mga paglalarawan sa Panginoong Jesus na kumakain ng tinapay at pagkatapos ay inihaw na isda? Maiisip ba ninyo, kung ang Panginoong Jesus ay nakatayo sa harapan ninyo na kumakain ng tinapay, ano kaya ang maaari ninyong maramdaman? O Siya ay kumakain kasama ninyo sa iisang mesa, kumakain ng isda at tinapay kasama ng mga tao, anong uri ng pakiramdam ang magkakaroon ka sa sandaling iyon? Kung mararamdaman mo na ikaw ay magiging masyadong malapit sa Panginoon, na Siya ay masyadong malapit sa iyo, kung gayon ang pakiramdam na ito ay tama. Ito mismo ang bunga na gustong ibunga ng Panginoong Jesus mula sa pagkain ng tinapay at ng isda sa harap ng napakarami pagkatapos ng Kanyang muling pagkabuhay. Kung ang Panginoong Jesus ay nagsalita lamang sa mga tao pagkatapos ng Kanyang muling pagkabuhay, kung hindi nila madadama ang Kanyang laman at mga buto, ngunit nadama na Siya ay isang hindi maabot na Espiritu, ano ang kanilang mararamdaman? Hindi ba sila mabibigo? Kapag ang mga tao ay nabigo, hindi ba nila madadama na sila ay iniwanan? Hindi ba nila madadama ang agwat sa Panginoong Jesucristo? Anong uri ng negatibong epekto ang malilikha ng agwat na ito sa kaugnayan ng mga tao sa Diyos? Ang mga tao ay tiyak na matatakot, na hindi sila nangahas na mapalapit sa Kanya, at sa gayon ay magkakaroon sila ng saloobin ng paglalagay sa Kanya sa isang angkop na distansiya. Magmula noon, puputulin nila ang kanilang malapit na kaugnayan sa Panginoong Jesucristo, at magbabalik sa isang kaugnayan sa pagitan ng sangkatauhan at ng Diyos na nasa langit, gaya noong una sa Kapanahunan ng Biyaya. Ang espirituwal na katawan na hindi mahihipo o madadama ng mga tao ay magreresulta sa paglalaho ng kanilang pagiging malapit sa Diyos, at gagawin din nito na ang malapit na kaugnayan na iyan—na itinatag sa panahon na ang Panginoong Jesucristo ay nasa katawang-tao, na walang agwat sa pagitan Niya at ng mga tao—na tumigil sa pag-iral. Ang mga pakiramdam ng mga tao tungo sa espirituwal na katawan ay tanging mga takot, pag-iwas, at isang walang imik na pagtitig. Hindi sila nangangahas na mapalapit o makipag-usap sa Kanya, lalo na ang sundin, pagtiwalaan, o magkaroon ng pag-asa sa Kanya. Ang Diyos ay bantulot na makita ang ganitong uri ng damdamin na mayroon ang mga tao para sa Kanya. Ayaw Niyang makita ang mga tao na iniiwasan Siya o ang pag-aalis sa kanilang mga sarili mula sa Kanya; gusto lamang Niyang maintindihan Siya ng mga tao, maging malapit sa Kanya, at maging Kanyang pamilya. Kung ang iyong sariling pamilya, nakita ka ng iyong mga anak ngunit hindi ka nakilala, at hindi nangahas na lumapit sa iyo ngunit palaging iniiwasan ka, kung hindi mo magagawang makamit ang kanilang pagkaunawa para sa lahat ng iyong ginawa para sa kanila, ano kaya ang mararamdaman mo? Hindi ba ito magiging masakit? Hindi ba magdurugo ang iyong puso? Iyan mismo ang nadarama ng Diyos kapag iniiwasan Siya ng mga tao. Kaya, pagkatapos ng Kanyang muling pagkabuhay, nagpakita pa rin ang Panginoong Jesus sa mga tao sa Kanyang anyo ng laman at dugo, at kumain at uminom kasama nila. Itinuturing ng Diyos na pamilya ang mga tao at nais din Niya ang sangkatauhan na makita Siya sa gayong paraan; sa ganitong paraan lamang tunay na matatamo ng Diyos ang mga tao, at tunay na maiibig at masasamba ng mga tao ang Diyos. Ngayon mauunawaan ba ninyo ang Aking layunin sa pagkuha sa dalawang siping ito ng kasulatan kung saan ang Panginoong Jesus ay kumakain ng tinapay at ipinaliliwanag ang mga kasulatan pagkatapos ng Kanyang muling pagkabuhay, at binigyan Siya ng mga disipulo ng inihaw na isda para kainin?

Maaaring sabihin na ang mga serye ng mga bagay na sinabi at ginawa ng Panginoong Jesus pagkatapos ng Kanyang muling pagkabuhay ay mapag-alaala, at ginawa sa mabubuting hangarin. Sila ay puno ng kabutihan at pagmamahal na pinanghawakan ng Diyos tungo sa mga tao, at puno ng pagpapahalaga at mabusising pangangalaga na mayroon Siya para sa malapit na kaugnayan na Kanyang itinatag sa sangkatauhan sa panahong nasa Kanyang katawang-tao. Higit pa rito, sila ay puno ng pagbabalik sa nakaraan at ang pag-asa na nagkaroon Siya para sa buhay ng pagkain at pamumuhay kasama ng Kanyang mga tagasunod sa Kanyang panahon na nasa katawang-tao. Kaya, ayaw ng Diyos na makadama ang mga tao ng pagiging malayo sa pagitan ng Diyos at ng tao, ni hindi gustong ilayo ng sangkatauhan ang kanilang mga sarili mula sa Diyos. Higit pa rito, ayaw ng Diyos na madama ng sangkatauhan na ang Panginoong Jesus pagkatapos ng Kanyang muling pagkabuhay ay hindi na ang Panginoon na totoong malapit sa mga tao, na hindi na Siya kasama ng sangkatauhan sapagkat Siya ay nagbalik na sa espirituwal na daigdig, nagbalik na sa Ama na hindi kailanman magagawang makita o maabot ng mga tao. Ayaw Niyang maramdaman ng mga tao na mayroong anumang pagkakaiba sa kalagayan sa pagitan Niya at ng sangkatauhan. Kapag nakikita ng Diyos ang mga tao na gustong sumunod sa Kanya ngunit inilalagay Siya sa isang angkop na distansiya, ang Kanyang puso ay nagdurusa sapagkat nangangahulugan ito na ang kanilang mga puso ay masyadong malayo sa Kanya, nangangahulugan ito na magiging masyadong mahirap para sa Kanya na makamit ang kanilang mga puso. Kaya kung Siya ay nagpakita sa mga tao sa isang espirituwal na katawan na hindi nila magagawang makita o mahipo, ito ang maglalayong muli sa tao mula sa Diyos, at mag-aakay ito sa sangkatauhan na maling makita si Cristo pagkatapos ng Kanyang muling pagkabuhay bilang naging napakataas, naiiba ang uri kaysa sa mga tao, at yaong hindi na makikisalo sa mesa at kakain kasama ng tao sapagkat ang mga tao ay makasalanan, marumi, at hindi kailanman magiging malapit sa Diyos. Upang maalis ang ganitong mga maling akala ng sangkatauhan, ang Panginoong Jesus ay gumawa ng maraming bagay na madalas Niyang ginagawa sa katawang-tao, gaya nang nakatala sa Biblia, “Kaniyang dinampot ang tinapay at binasbasan; at ito’y pinagputolputol, at ibinigay sa kanila.” Ipinaliwanag din Niya ang mga kasulatan sa kanila, gaya ng nakagawian Niyang gawin. Ang lahat ng ito na ginawa ng Panginoong Jesus ang nagpadama sa bawat taong nakakita sa Kanya na ang Panginoon ay hindi nagbago, na Siya pa rin ang dating Panginoong Jesus. Bagamat Siya ay ipinako sa krus at naranasan ang kamatayan, Siya ay muling nabuhay, at hindi iniwanan ang sangkatauhan. Siya ay nagbalik upang pumagitna sa mga tao, at ang lahat sa Kanya ay hindi nagbago. Ang Anak ng tao na nakatayo sa harapan ng mga tao ay ang dati pa ring Panginoong Jesus. Ang Kanyang pagkilos at ang Kanyang pakikipag-usap sa mga tao ay ramdam na kilalang kilala. Siya ay puno pa rin ng kagandahang-loob, biyaya, at pagpapaubaya—Siya pa rin ang dating Panginoong Jesus na minahal ang iba gaya ng pag-ibig Niya sa Sarili Niya, na makakapagpatawad sa sangkatauhan ng makapitumpung pito. Gaya ng dati, Siya ay kumaing kasalo ng mga tao, ipinaliwanag ang mga kasulatan sa kanila, at higit na mas mahalaga, kagaya lamang noong una, Siya ay yari sa laman at dugo at maaaring mahipo at makita. Ang Anak ng tao sa ganitong paraan ay nagtulot sa mga tao na madama ang pagiging malapit ang loob, upang mapanatag, at upang madama ang kagalakan ng pagbawi sa isang bagay na nawala, at nadama rin nila ang kapanatagan na sapat upang buong tapang at buong pagtitiwala na simulang umasa at tingalain ang Anak ng tao na ito na makakapagpatawad sa sangkatauhan sa kanilang mga kasalanan. Nagsimula rin silang manalangin sa pangalan ng Panginoong Jesus nang walang mga pag-aalinlangan, manalangin upang makamit ang Kanyang biyaya, ang Kanyang pagpapala, at upang magtamo ng kagalakan at kapayapaan mula sa Kanya, upang makamit ang pangangalaga at pag-iingat mula sa Kanya, at simulan ang pagsasagawa ng mga pagpapagaling at pagpapalayas ng mga demonyo sa pangalan ng Panginoong Jesus.

Sa panahong gumawa ang Panginoong Jesus sa katawang-tao, ang karamihan sa Kanyang mga tagasunod ay hindi magagawang ganap na matiyak ang Kanyang pagkakakilanlan at ang mga bagay na Kanyang sinabi. Nang Siya ay umakyat sa krus, ang saloobin ng Kanyang mga tagasunod ay yaong naghihintay; nang Siya ay ipinako sa krus hanggang sa Siya ay inilagak sa libingan, ang saloobin ng mga tao tungo sa Kanya ay pagkabigo. Sa panahong ito, ang mga tao ay nagsimula nang kumilos sa kanilang mga puso mula sa pagdududa hanggang sa pagkakaila sa mga bagay na sinabi ng Panginoong Jesus sa Kanyang panahon na nasa katawang-tao. At nang Siya ay lumabas mula sa libingan, at nagpakita sa mga tao isa-isa, ang karamihan sa mga tao na nakakita sa Kanya sa kanilang sariling mga mata o nakarinig sa balita ng Kanyang muling pagkabuhay ay unti-unting nagbago mula sa pagkakaila hanggang sa pag-aalinlangan. Nang panahong mapadaiti ng Panginoong Jesus ang kamay ni Tomas sa Kanyang tagiliran, nang panahong ang ating Panginoong Jesus ay nagpuputol-putol ng tinapay at kinain ito sa harap ng madla pagkatapos na Siya ay muling mabuhay, at pagkatapos noon ay kinain ang inihaw na isda sa harap nila, noon lamang nila tunay na natanggap ang katotohanan na ang Panginoong Jesus ay ang Cristo sa katawang-tao. Maaari ninyong masabi na parang ang espirituwal na katawan na ito na may laman at dugo na nakatayo sa harap ng mga taong iyon noon ay ginigising ang bawat isa sa kanila mula sa isang panaginip: Ang Anak ng tao na nakatayo sa kanilang harapan ay Yaong umiiral na nang napakatagal na panahon. Mayroon Siyang isang anyo, at laman at mga buto, at Siya ay namuhay na at nakasamang kumain ng sangkatauhan sa mahabang panahon…. Sa panahong ito, naramdaman ng mga tao na ang Kanyang pag-iral ay talagang totoo, tunay na nakamamangha; sila rin ay talagang nagagalak at maligaya, at kasabay nito ay napuno ng emosyon. At ang Kanyang muling pagpapakita ay nagtulot sa mga tao na tunay na makita ang Kanyang pagpapakumbaba, upang madama ang Kanyang pagiging malapit, at ang Kanyang pananabik, ang Kanyang pagkagiliw para sa sangkatauhan. Ang maigsing muling-pagkikita na ito ang nagbigay-daan sa mga taong nakakita sa Panginoong Jesus na madama na parang isang habambuhay na ang nakalipas. Ang kanilang ligaw, nalilito, natatakot, nababahala, naghahangad at manhid na mga puso ay nakasumpong ng kaaliwan. Hindi na sila nag-aalangan o nabibigo sapagkat naramdaman nila na ngayon ay mayroon ng pag-asa at isang bagay na maasahan. Ang Anak ng tao na nakatayo sa harapan nila ay nasa likod nila magpakailanman, Siya ang kanilang magiging matatag na tore, kanilang kanlungan sa lahat ng oras.

Bagamat ang Panginoong Jesus ay muling nabuhay, ang Kanyang puso at ang Kanyang gawain ay hindi iniwanan ang sangkatauhan. Sinabi Niya sa mga tao sa Kanyang pagpapakita na sa anumang anyo Siya umiiral, sasamahan Niya ang mga tao, lalakad kasama nila, at sasakanila sa lahat ng oras at sa lahat ng dako. At sa lahat ng oras at sa lahat ng dako, magkakaloob Siya sa sangkatauhan at papastulan sila, tutulutan silang makita at mahipo Siya, at titiyakin na hindi na nila kailanman mararamdaman ang kawalan ng pag-asa. Gusto din ng Panginoong Jesus na malaman ng mga tao ito: Ang kanilang mga buhay sa mundong ito ay hindi nag-iisa. Ang sangkatauhan ay may pagmamalasakit ng Diyos, kasama nila ang Diyos; ang mga tao ay palaging makaaasa sa Diyos; Siya ang pamilya ng bawat isa sa Kanyang mga tagasunod. Kasama ang Diyos para sandigan, ang sangkatauhan ay hindi na magiging malungkot o mawawalan ng pag-asa, at yaong tumatanggap sa Kanya bilang handog para sa kasalanan ay hindi na matatali sa kasalanan. Sa mga mata ng tao, ang mga bahaging ito ng Kanyang gawain na pinatupad ng Panginoong Jesus pagkatapos ng Kanyang muling pagkabuhay ay masyadong maliliit na bagay, ngunit sa tingin Ko, ang bawat isang bagay ay totoong makahulugan, totoong mahalaga, at lahat sila ay totoong mahalaga at mabibigat.

Bagamat ang panahon ng paggawa ng Panginoong Jesus sa katawang-tao ay puno ng kahirapan at pagdurusa, sa pamamagitan ng Kanyang pagpapakita sa Kanyang espirituwal na katawan ng laman at ng dugo, Kanyang nakumpleto at natupad nang perpekto ang Kanyang gawain sa panahong iyon sa katawang-tao na tubusin ang sangkatauhan. Sinimulan Niya ang Kanyang ministeryo sa pamamagitan ng pagiging katawang-tao, at tinapos Niya ang Kanyang ministeryo sa pamamagitan ng pagpapakita sa sangkatauhan sa Kanyang anyong katawang-tao. Ipinahayag Niya ang Kapanahunan ng Biyaya, sinimulan Niya ang Kapanahunan ng Biyaya sa pamamagitan ng Kanyang pagkakakilanlan bilang Cristo. Sa pamamagitan ng Kanyang pagkakakilanlan bilang Cristo, pinatupad Niya ang gawain sa Kapanahunan ng Biyaya at pinatatag Niya at pinangunahan ang lahat ng Kanyang mga tagasunod sa Kapanahunan ng Biyaya. Maaaring sabihin na sa gawain ng Diyos tinatapos Niya talaga ang anumang sinisimulan Niya. Mayroong mga hakbang at isang plano, at ito ay puno ng karunungan ng Diyos, ang Kanyang kapangyarihang walang hanggan, at ang Kanyang mga kahanga-hangang mga gawa. Ito ay puno rin ng pag-ibig at habag ng Diyos. Mangyari pa, ang pinakadiwa na nagpapagana sa lahat ng gawain ng Diyos ay ang Kanyang malasakit sa sangkatauhan; ito ay nagingibabaw sa Kanyang pagmamalasakit na hindi Niya maisasantabi kailanman. Sa mga talatang ito ng Biblia, sa bawat isang bagay na ginawa ng Panginoong Jesus pagkatapos ng Kanyang muling pagkabuhay, ang nabunyag ay ang hindi nagmamaliw na mga pag-asa at pag-aalala ng Diyos sa sangkatauhan, gayundin ang mabusising pangangalaga ng Diyos at ang pagpapahalaga sa mga tao. Hanggang sa ngayon, walang anuman dito ang nagbago—makikita ba ninyo ito? Kapag inyong nakikita ito, hindi ba kaagad-agad lamang na napapalapit ang inyong puso sa Diyos? Kung kayo ay nabubuhay sa kapanahunang iyon at ang Panginoong Jesus ay nagpakita sa inyo pagkatapos ng Kanyang muling pagkabuhay, sa isang nasasalat na anyo para inyong makita, at kung Siya ay umupo sa harapan ninyo, kumain ng tinapay at isda at ipinaliwanag ang mga kasulatan sa inyo, nakipag-usap sa inyo, kung gayon ano ang mararamdaman ninyo? Makararamdam ba kayo ng kaligayahan? Paano kung nagkasala? Ang nakaraang mga maling pagkaunawa at pag-iwas sa Diyos, ang mga pakikipag-alitan sa at mga pag-aalinlangan sa Diyos—hindi ba basta na lamang maglalaho ang lahat ng ito? Hindi ba magiging mas angkop ang kaugnayan sa pagitan ng Diyos at ng tao?

Sa pamamagitan ng pagpapakahulugan sa limitadong mga kabanatang ito ng Biblia, nakatuklas ba kayo ng anumang mga kapintasan sa disposisyon ng Diyos? Nakatuklas ba kayo ng anumang pagbabanto sa pag-ibig ng Diyos? Nakatuklas ba kayo ng anumang panlilinlang o kasamaan sa kapangyarihang walang hanggan o karunungan ng Diyos? Siguradong hindi! Ngayon masasabi ba ninyo nang may katiyakan na ang Diyos ay banal? Masasabi ba ninyo nang may katiyakan na ang mga damdamin ng Diyos ay paghahayag lahat ng Kanyang diwa at disposisyon? Umaasa Ako na pagkatapos ninyong mabasa ang mga salitang ito, kung ano ang inyong naintindihan mula rito ay makatutulong sa inyo at makapagbibigay sa inyo ng mga pakinabang sa inyong paghahangad ng isang pagbabago sa disposisyon at isang pagkatakot sa Diyos. Umaasa rin Ako na ang mga salitang ito ay magkakabunga sa inyo na lumalago araw-araw, sa gayon sa panahon ng paghahangad na ito na unti-unti kayong mapapalapit sa Diyos, unti-unti kayong mapapalapit sa mga pamantayan na kinakailangan ng Diyos, nang upang hindi na kayo maiinip sa paghahangad ng katotohanan at hindi na ninyo mararamdaman na ang paghahangad sa katotohanan at ang pagbabago sa disposisyon ay isang napakagulo o isang bagay na hindi na kailangan. Ito ay, sa halip, ang pagpapahayag ng tunay na disposisyon ng Diyos at ang banal na diwa ng Diyos na nag-uudyok na masabik sa liwanag, upang masabik sa katarungan, at upang nasain na hangarin ang katotohanan, upang hangarin ang pagpapalugod sa kalooban ng Diyos, at upang maging isang tao na nakamit ng Diyos, upang maging isang totoong tao.
__________________________________________________
Ang mga kalamidad sa buong mundo ay madalas na nangyayari at ang mga propesiya ng Panginoon ay karaniwang natutupad. Maraming tao ang natanto na ang Panginoon ay dumating na, kaya paano natin sasalubungin ang Ikalawang Pagparito ni Jesucristo?