Makapangyarihang Diyos ay Ating Tagapagligtas

Makapangyarihang Diyos-Ang Pagbabalik ng Panginoong Jesus

Ang Tunay na Pag-ibig ng Diyos

2020-02-05 14:35:52 | Mga Video ng mga Sayaw at Kanta


Tagalog christian worship songs|  Ang Tunay na Pag-ibig ng Diyos

I
Ngayon ako'y muling humaharap sa aking Diyos.
Puso ko'y mangungusap
pag makita ang mukha Niyang kalugod-lugod.
Iniwan ko na ang halaghag na nakaraan.
Biyaya Niyang Salita'y pinupuno ako ng kalugura't kaligayahan.
Mahabaging salita ng Diyos
ang kumandili't dumilig sa'king pagsibol.
Kanyang mahigpit na Salita
ang nagpalakas sa'kin upang muling bumangon.
Diyos, kami ngayo'y umaawit sa Iyo
nang dahil sa'Yong pagpapala.
Kami ngayo'y nagpupuri sa'Yo sapagkat kami'y iyong inangat.
Makapangyarihang tunay na Diyos na umibig sa amin!
Iniibig Ka namin! O Diyos! Talagang iniibig ka namin!

II
Nais kong tamasahin ang Iyong salita sa lahat ng araw.
Tumitingala ako sa'Yo, Diyos ko, para sa liwanag sa bawat paraan.
Dinidiliga't kinakandili Mo sa pag-ibig ang 'Yong bayan.
Sa sulsol ng diablo'y inilalayo Mo kami.
Mahabaging salita ng Diyos
ang kumandili't dumilig sa'king pagsibol.
Kanyang mahigpit na Salita
ang nagpalakas sa'kin upang muling bumangon.
Diyos, kami ngayo'y umaawit sa Iyo
nang dahil sa'Yong pagpapala.
Kami ngayo'y nagpupuri sa'Yo sapagkat kami'y iyong inangat.
Makapangyarihang tunay na Diyos na umibig sa amin!
Iniibig Ka namin! O Diyos! Talagang iniibig ka namin!

III
Mga kapatid! Tayo'y bumango't magpuri!
Mahalin ang sandaling itong ating pinagsamahan.
Nakaalpas na sa tanikalang pasan ng laman,
ipakita natin sa gawa ang pag-ibig sa Diyos,
tupdin ang ating tungkulin nang buong puso't lakas.
Iniibig Ka namin, Diyos na Makapangyarihan! Kailanma'y di Ka namin iiwan!
Mahabaging salita ng Diyos
ang kumandili't dumilig sa'king pagsibol.
Kanyang mahigpit na Salita
ang nagpalakas sa'kin upang muling bumangon.
Diyos, kami ngayo'y umaawit sa Iyo
nang dahil sa'Yong pagpapala.
Kami ngayo'y nagpupuri sa 'Yo.

IV
Mahabaging salita ng Diyos
ang kumandili't dumilig sa'king pagsibol.
Kanyang mahigpit na Salita
ang nagpalakas sa'kin upang muling bumangon.
Diyos, kami ngayo'y umaawit sa Iyo
nang dahil sa'Yong pagpapala.
Kami ngayo'y nagpupuri sa'Yo sapagkat kami'y iyong inangat.
Makapangyarihang tunay na Diyos na umibig sa amin!
Iniibig Ka namin! O Diyos! Talagang iniibig ka namin!
Sapagka't kami'y Iyong inangat.
Makapangyarihang tunay na Diyos na umibig sa amin!
Iniibig Ka namin! O Diyos! Talagang iniibig ka namin!
mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin



Napakasayang Mabuhay sa Pag-ibig ng Diyos

2020-01-30 10:51:31 | Mga Video ng mga Sayaw at Kanta


Tagalog Praise Song | "Ang Kaharian ni Cristo ay Mainit na Tahanan" | Napakasayang Mabuhay sa Pag-ibig ng Diyos

Kaharian ni Cristo'y aking mainit na tahanan,
para ito sa buong bayan ng Diyos.
Naglalakad at nagsasalita si Cristo sa iglesia
at nabubuhay kasama ng bayan ng Diyos.
Narito ang paghatol at pagkastigo ng Diyos,
gayundin ang gawa ng Banal na Espiritu.
Nagdidilig, tumutustos at gumagabay sa'tin mga salita ng Diyos,
at lumalago buhay natin.
Ito ang kahariang pinamumunuan ni Cristo,
ito'y patas at makatarungang mundo.
Kaharian ni Cristo'y mainit kong tahanan,
napakahalaga nito sa bayan ng Diyos.
Naghahari salita ng Diyos sa iglesia,
tayo'y kumikilos ayon sa totoo
at Cristo'y pinagbubunyi sa'ting puso.
Wala nang paglalaban o intriga,
hindi na kailangan ang pagtatanggol o takot.
Himlayan ng kaluluwa ng tao si Cristo,
di na kailangang gumala-gala pa ako.
Ito ang kaharian ng Diyos inaasam ng mga tao,
ito ang payapang tahanan ng sangkatauhan.
Kaharian ni Cristo'y aking mainit na tahanan,
para ito sa buong bayan ng Diyos.
Dito nararanasan ko ang paghatol at mga pagsubok ng Diyos,
at ang aking masamang disposisyon ay dinalisay at binago.
Ang aking mga kasiyahan at pagtawa,
ang kuwento ng aking paglago ay narito,
narito rin ang aking mga tahimik na salita sa Diyos.
Ang mga hindi malilimutan kong alaala ay narito,
isang talaan ng halagang binabayaran ng Diyos.
Lahat dito'y inaantig ako,
di maihahayag ng mga salita taimtim na katapatan.
Cristo ng mga huling araw, mahal Ko, pinaka-kaibig-ibig,
Binigyan Mo ako ng mainit na tahanang ito.
mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin


Tagalog Christian Music Video | "Purihin ang Diyos Nang Buo ang Puso"

2020-01-29 14:46:47 | Mga Video ng mga Sayaw at Kanta


Tagalog Christian Music Video | "Purihin ang Diyos Nang Buo ang Puso"

I
Kung nais mong purihin ang Diyos,
kumanta nang malakas hangga't kaya mo.
Kung nais mong sumayaw, tumayo at sumayaw.
Kung nais mong kaini’t inumin ang mga salita ng Diyos,
kaini’t inumin ang mga ito.
Kung nais mong manalangin, manalangin ka.
Isipin ang Diyos, manalangin-magbasa at magbahagi,
magbulay, pagnilayan at hanapin ang Diyos nang higit pa.
Makulay ang buhay ng iglesia,
ang papuri ay maaaring may maraming anyo.
Sa pamumuhay sa mga salita ng Diyos araw-araw,
makikita ang kagandahan ng Diyos.
Ang pagpupuri sa Diyos ay nagpapalaya sa puso,
walang mga tuntunin o pagpipigil.
Sa totoong papuri may kasiyahan,
at kapayapaan at kagalakan.
Ang pamumuhay sa presensiya ng Diyos,
nagdudulot ng kagalakang walang kaparis,
totoong maligaya tayo.

II
Nagtipon-tipon upang matamasa ang mga salita ng Diyos,
matatamo natin ang gawain ng Banal na Espiritu.
Sa pagbabahagi sa katotohana't karanasan,
natatamasa natin mga pagpapala ng Diyos.
Ang pagsamba sa Diyos na may puso
at katapatan ay ang buhay ng kaharian.
Tayong lahat ay tao ng kaharian ng Diyos,
nagtataglay ng pusong totoong mapagmahal sa Diyos.
Sa buhay sa iglesia,
natatamasa natin ang mga salita ng Diyos
at nauunawaan ang katotohanan.
Sa pagtanggal ng kasamaan at pagiging bago,
nagpapasalamat sa Diyos at sa ating puso’y pinupuri Siya.
Sa paghatol ay nagiging dalisay tayo,
nararanasan tunay na pag-ibig ng Diyos.
Sa nakikitang kadakilaan ng kaligtasan ng Diyos,
nagpapasalamat’ nagpupuri tayo sa Diyos.
Mga kapatid, hindi madali sa ating magkatipun-tipon
upang purihin ang Diyos.
Ang masigasig na pagpigil
ng malaking pulang dragon ay lubhang mapoot.

III
Napagdusahan natin ang pag-uusig at kahirapan,
naranasang lahat na maaaring maranasan sa buhay.
Walang nakagiba sa ating paninindigan,
ito’y lubos na mula sa pag-ibig ng Diyos.
Ang maselang halagang binayad ng Diyos
para sa ating kaligtasa’y hindi masusukat.
Ang Diyos ay nabubuhay kasama natin,
nabubuhay Siyang kaagapay natin.
Itong magandang panahon,
itong magandang buhay, ito’y hindi malilimutan.
Mahal natin ang Diyos,
mahal natin ang Diyos magpakailanman,
tayo’y aawit ng papuri sa Kanya.
Mahal natin ang Diyos,
mahal natin ang Diyos magpakailanman,
tayo’y aawit ng papuri sa Kanya.
Tayo’y aawit ng papuri sa Kanya.
Tayo’y aawit ng papuri sa Kanya magpakailanman.
mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin


Drama-musikal | Kuwento ni Xiaozhen (6) - Pagbabalik

2020-01-01 14:55:57 | Mga Video ng mga Sayaw at Kanta

Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos, "Kapag ikaw ay nanghihina at kapag ikaw ay nagsimula nang makaramdam ng kapanglawan ng mundong ito, huwag nang maguluhan, huwag kang umiyak. Ang Diyos na Makapangyarihan sa lahat, ang Tagabantay, ay tatanggap sa iyong pagdating anumang oras. Nagbabantay Siya sa iyong tabi, naghihintay para sa iyong pagbabalik. Siya ay naghihintay para sa araw ng pagbabalik ng iyong gunita …" (Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Katulad ni Xiaozhen na naiwang pasa-pasa at bugbog ng mundong ito at nawalan ng pag-asa, nadama niya ang pagmamahal ng Makapangyarihang Diyos at napukaw ang kanyang puso …