goo blog サービス終了のお知らせ 

Makapangyarihang Diyos ay Ating Tagapagligtas

Makapangyarihang Diyos-Ang Pagbabalik ng Panginoong Jesus

Paano Nadadala ang mga Matatalinong Birhen?

2020-04-24 10:41:19 | Salita ng Diyos


Clip ng Pelikulang Ang Sandali ng Pagbabago (1) “Paano Nadadala ang mga Matatalinong Birhen?


Sumusunod ang ilang tao sa salita ni Pablo tungkol sa paghihintay sa Panginoon para madala sa kaharian ng langit: “Sa isang sandali, sa isang kisap-mata: sa huling pagtunog ng pakakak: sapagka’t tutunog ang papakak, at ang mga patay ay mangabubuhay na maguli na walang kasiraan, at tayo’y babaguhin.” (1Co 15:52). Naniniwala sila na kahit patuloy pa rin tayong nagkakasala nang hindi umaalpas sa pang-aalipin ng pagiging likas na makasalanan, agad babaguhin ng Panginoon ang ating imahe at dadalhin tayo sa kaharian ng langit pagdating Niya. May mga tao ring sumusunod sa salita ng Diyos na: “Hindi ang bawa’t nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit ” (Mat 7:21). “… Kayo’y mangagpakabanal; sapagka’t ako’y banal” (1Pe 1:16). Naniniwala sila na ang mga taong patuloy pa ring nagkakasala ay malayo sa pagtatamo ng kabanalan at lubos na hindi nararapat na madala sa kaharian ng langit. Sa gayo’y isang kamangha-manghang pagtatalo ang nagsimula …. Kaya, anong klase ng mga tao ang nararapat iangat sa kaharian ng langit? Iniimbitahan ka naming panoorin ang maikling video na ito.
————————————————————————
Mangyaring basahin ang artikulong ito, alamin ang tungkol sa kahalagahan ng pagpapakita ng Panginoong Jesus sa mga tao pagkatapos ng muling pagkabuhay ni Jesus, maunawaan ang mabuting hangarin ng Diyos ng pagliligtas sa tao, at madama ang pag-ibig at kaligtasan ng Diyos.




Paano Natakot si Job sa Diyos at Iniwasan ang Kasamaan?

2020-04-23 11:38:03 | Salita ng Diyos


Ni Zhou Ming

Sa tuwing mababanggit ang mga salitang “matakot sa Diyos”, karamihan sa mga tao ay iisipin ang kuwento ni Job sa Biblia. Si Job ay natakot sa Diyos at iniwasan ang kasamaan, nagpatotoo siya para sa Diyos noong panahong siya ay sinusubok, nakamit niya ang papuri at pagpapala ng Diyos, at namuhay siya ng karapat-dapat at makabuluhang buhay na labis nating hinahangaan ngayon. Ngayon, suriin natin ang Aklat ni Job at detalyadong suriin ang mga paraan kung saan ipinamalas ni Job ang kanyang pagkatakot sa Diyos, at ito ay makatutulong sa atin para makakuha ng panibagong pagkaunawa at pagpasok sa katotohanan ng pagkatakot sa Diyos.

1. Si Job ay May Pusong-May-Takot-sa-Diyos at Wala Siyang Ginawa sa Kanyang Buhay na Hindi Ikinatuwa ng Diyos
Sinasabi sa Aklat ng Job 1:5: “At nangyari, nang makaraan ang mga kaarawan ng kanilang pagpipista, na si Job ay nagsugo, at pinapagbanal sila, at bumangong maaga sa kinaumagahan, at naghandog ng mga handog na susunugin ayon sa bilang nilang lahat: sapagka’t sinabi ni Job, Marahil ang aking mga anak ay nangagkasala, at itinakuwil ang Dios sa kanilang mga puso. Ganito ang ginawa ni Job na palagi.”
Si Job ay nagtataglay ng malaking kayamanan at tinatawag na pinakadakilang tao sa lahat ng mga naninirahan sa silangan; ang katumbas niya ay isang modernong milyonaryo. Para sa atin, Tila namuhay si Job sa karangyaan at karapat-dapat na magsagawa ng pista paminsan-minsan, at hindi magiging eksaherado na mamuhay siya ng isang marangya at maluhong pamumuhay. Gayunman ay hindi nagsagawa ng mga pista si Job at ni hindi siya dumalo sa mga pista na ginanap ng kanyang mga anak. Marahil ang ilan sa mga tao ay malilito dito, at iisipin kung si Job ba ay masyado lamang makaluma at konserbatibo? Sa katunayan, gumawa si Job ng mahigpit na kautusan sa kanyang sarili at palaging pinapairal ang pinakamaganda niyang pag-uugali sa buhay, at ang pag-uugaling ito ay direktang nauugnay sa kanyang pagkatakot sa Diyos. Bilang mga tao, wala tayong kakayahang madaig ang kasalanan, at kung tayo ay dadalo sa mga piging, tayo ay kinokontrol ng pagnanasang kumain, uminom at maging maligaya, maari tayong maging sakim sa mga kasiyahan ng laman, malaki ang posibilidad na iwasan natin ang Diyos, mawala ang normal na relasyon natin sa Diyos at gumawa pa ng mga bagay na hindi kalugod-lugod sa Diyos. Dalisay ang puso ni Job sa puntong ito, kaya naman mas pinili niyang mamuhay ng simple at payak na buhay kaysa makagawa ng kahit anong maaaring hindi kaluguran ng Diyos. Malinaw na ang ganitong klase ng pag-uugali ay hindi pagiging makaluma at konserbatibo ni Job, kundi pagtahak niya sa landas ng pagkatakot sa Diyos at paglayo sa kasamaan sa kanyang puso. Hindi siya nagbigay ng konsiderasyon sa kanyang laman at hindi binigyang pansin ang kasiyahan sa marangyang buhay. Sa halip, ang motibo niya sa likod ng lahat ng bagay na kanyang sinabi at ginawa ay para mapaluguran ang kalooban ng Diyos at huwag makagawa ng anumang maaaring ikagalit ng Diyos.
Hindi lamang sa paglihis sa daan ng Diyos natatakot si Job, nangangamba rin siya na makagawa ang kanyang mga anak ng hindi kalugod-lugod sa Diyos dahil sa madalas nilang pagdiriwang. Mula dito, makikita natin na hindi kinunsinte ni Job ang kasalanan ng kanyang mga anak dahil sa pagiging pamilya nila, ngunit sa halip ay kinamuhian at kinasuklaman ang kasiyahan ng kanyang mga anak dahil alam niyang kinamumuhian din iyon ng Diyos. Sa tuwing matatapos ang piging, madalas na pinapapunta ni Job ang isang alagad para sabihin sa kanyang mga anak na gawin nilang banal ang kanilang mga sarili, at madalas siyang naghahandog ng sinusunog na handog para sa kanila. Sinabi sa Biblia, “Ganito ang ginawa ni Job na palagi.” Higit pa nitong ipinapakita higit na pagkatakot ni Job sa Diyos sa kanyang puso. Ang kanyang pagkilos at paghahayag ng pagkatakot niya sa Diyos ay hindi lang mababaw, mas lalong hindi mga kasanayan na hatid ng masidhing damdamin o sa ilang lumilipas na emosyon. Sa halip, isinapuso niya ang pagtahak ng landas ng pagkatakot sa Diyos at paglayo sa kasamaan, at nagsimula siya sa maliliit na bagay. Gaya ng sinabi ng salita ng Diyos: “Hindi pumunta at bumisita si Job sa kanyang mga anak nang paminsan-minsan, o kung nais niya, at hindi rin siya nagkumpisal sa Diyos sa pamamagitan ng panalangin. Sa halip, regular niyang sinugo at pinapagbanal ang kanyang mga anak, at nagsakripisyo ng mga handog na susunugin para sa kanila. Ang ‘palagi’ dito ay hindi nangangahulugan na gumawa siya ng gayon para sa isa o dalawang araw, o para sa isang sandali. Sinasabi nito na ang pagpapamalas ng takot sa Diyos ni Job ay hindi pansamantala, at hindi tumigil sa kaalaman, o mga winikang salita; sa halip, ang paraan ng pagkatakot sa Diyos at paglayo sa kasamaan ang pumatnubay sa kanyang puso, ito ang nagdikta sa kanyang asal, at ito nga, sa kanyang puso, ang ugat ng kanyang pananatiling buhay. Ang patuloy niyang paggawa dito ay ipinapakita, na sa kanyang puso, madalas siyang natakot na siya mismo ay magkakasala laban sa Diyos at natakot din siya na ang kanyang mga anak na lalaki at babae ay nagkasala laban sa Diyos. Kinakatawan nito kung gaano kabigat ang paraan ng pagkatakot sa Diyos at paglayo sa kasamaan na dala sa loob ng kanyang puso” (“Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II”).
______________________________________________________
Ang Diyos ay banal at ang kaharian ng Diyos ay banal din. Paano maiiwasan ang kasalanan natin at matanggal ang makasalanang kalikasan upang makapasok sa kaharian ng langit? Dapat nating maranasan ang gawain ng Diyos ng pag-aalis sa kasalanan sa mga huling araw. Pagkatapos lamang nito maaari tayong malinis at makapasok sa kaharian ng langit.
______________________________________________________

2. Si Job ay May Pusong-May-Takot-sa-Diyos at Kayang Magpasakop sa Kapangyarihan at Pagsasaayos ng Diyos Habang Siya’y Sinusubok
Inakusahan ni Satanas si Job sa harap ng Diyos at, pagkatapos ibigay ng Diyos ang Kanyang permiso, halos hindi makapaghintay si Satanas para tuksuhin si Job. Hindi nagtagal, mabilis na kumalat ang balitang ninakaw ang mga baka ni Job, ang kanyang mga tagapag-lingkod ay pinatay, at ang kanyang sampung anak ay namatay. Sa isang iglap, mula sa pagkakaroon ng lahat ng bagay ay nauwi si Job sa walang-wala. Maiisip natin kung gaano ito kakila-kilabot, at walang sinuman ang maaaring makatitiis dito, kahit na sino pa sila. Gayunman ay naging mahinahon si Job. Hindi siya nataranta at hindi siya nag-utos kaninuman upang bawiin ang kanyang mga nawalang ari-arian. Sa halip, siya ay “bumangon, at hinapak ang kaniyang balabal, at inahitan ang kaniyang ulo, at nagpatirapa sa lupa at sumamba.” Ang kahinahunang ipinakita niya ay ganap na hindi inaasahan. Sinasabi ng mga salita ng Diyos: “Napaka-mahinahon at malinaw ang pag-iisip ni Job noon. Ang kanyang perpekto at matuwid na pagkatao ang tumulong sa kanya upang makatwiran at likas na gumawa ng mga tumpak na paghatol at pagpapasya tungkol sa mga sakunang dumating sa kanya, at dahil dito, nagawa niyang kumilos nang may pambihirang kahinahunan: ‘Nang magkagayo’y bumangon si Job, at pinunit ang kanyang balabal, at inahitan ang kanyang ulo, at nagpatirapa sa lupa at sumamba;’ Ang ‘Pinunit ang kanyang balabal’ ay nangangahulugan na wala siyang suot, at walang pagmamay-ari; ang ‘inahitan ang kanyang ulo’ ay nangangahulugang bumalik siya sa Diyos bilang isang bagong silang na sanggol; ang ‘nagpatirapa sa lupa, at sumamba’ ay nangangahulugang dumating siya sa mundo nang hubad, at wala pa ring pag-aari sa ngayon, ibinalik siya sa Diyos bilang isang bagong silang na sanggol. Ang saloobin ni Job sa lahat ng sinapit niya ay hindi maaaring makamit ng anumang nilalang ng Diyos. Ang kanyang pananampalataya kay Jehova ay hindi kapani-paniwala; ganito ang kanyang takot sa Diyos, at pagkamasunurin sa Diyos, at hindi lamang siya nagpasalamat sa Diyos sa pagbibigay sa kanya, ngunit pati na rin sa pagkuha mula sa kanya. Higit pa rito, nagawa niyang ibalik ang lahat ng kanyang pag-aari, pati ang kanyang buhay” (“Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II”). “Kahit hindi niya nakita ang Diyos, napagtanto niya na tunay na umiiral ang Diyos, at dahil sa pagtatantong ito ay natakot siya sa Diyos—at dahil sa takot niya sa Diyos, nagawa niyang sumunod sa Diyos. Binigyan niya ang Diyos ng kalayaan na kunin ang lahat ng kanyang pag-aari, gayunman wala siyang hinaing, at nagpakumbaba sa harap ng Diyos at sinabi sa Kanya, sa oras na ito, na kahit na kunin ng Diyos ang kanyang laman, masaya siyang hahayaan na gawin Niya ito, nang walang hinaing. Ang kanyang buong asal ay dahil sa kanyang perpekto at matuwid na pagkatao. Ibig sabihin, bunga ng kanyang kawalang-sala, katapatan, at kabaitan, si Job ay di-natinag sa kanyang pagtatanto at karanasan na mayroong Diyos, at mula sa saligang ito inatasan niya ang kanyang sarili at binigyan ng pamantayan ang kanyang pag-iisip, pag-uugali, pag-aasal at mga alituntunin ng mga gawain sa harap ng Diyos na naayon sa patnubay ng Diyos sa kanya at sa mga gawa ng Diyos na nakita niya sa lahat ng bagay. Sa paglipas ng panahon, nagdulot sa kanya ang kanyang mga karanasan ng tunay at totoong takot sa Diyos at nagawa niyang layuan ang kasamaan. Ito ang pinagmulan ng katapatan na mahigpit na pinanghawakan ni Job” (“Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II”).
Naharap sa matinding pagsubok, hindi nagreklamo si Job, ngunit nagawang magpatirapa sa lupa at pinuri ang banal na pangalan ni Jehova, at nagpasakop siya sa katotohanang kinuha ng Diyos ang lahat ng bagay sa kanya—ito ang pagpapamalas ni Job ng pagkatakot sa Diyos. Ang pagkatao ni Job ay matuwid, tapat, dalisay at mabuti. Sa mga tao, mga pangyayari at mga bagay na nararanasan niya sa araw-araw, hinangad niyang maunawaan ang katas-taasang kapangyarihan ng Diyos at lumakad sa landas ng pagkatakot sa Diyos at paglayo sa kasamaan. Sa buong dekada ng karanasan ni Job, kahit na kailanman ay hindi nagpakita ang Diyos na Jehova sa kanya, tunay na nasaksihan ni Job ang katas-taasang kapangyarihan ng Diyos at mga gawa at lalong nakatiyak na mayroong Diyos, at kaya naman nagkaroon siya ng pusong-may-takot-sa-Diyos. Naunawaan rin niya na ang mga kayamanan, ari-arian at mga anak na mayroon siya sa buhay niya ay ibinigay lahat ng Diyos sa kanya, at ang tao mismo ay hindi matatamo ang ganoong mga bagay sa sarili niyang pagsisikap kung hindi piniling ipagkaloob ng Diyos sa kanya ang mga ito. Samakatuwid, noong ninakaw ang mga pag-aari ni Job at natamo ng mga anak niya ang hindi kanais-nais na kamatayan, malinaw na alam niya sa kanyang puso na pagsubok ng Diyos ang kinakaharap niya. Sinabi ng kanyang pagkamatuwiran na ang lahat ng bagay na mayroon siya ay nagmula sa Diyos. Na ang Diyos ay may karapatan na magbigay at bumawi at na, bilang isang sa mga nilikha ng Diyos, hindi niya dapat na sisihin ang Diyos, magsalita ng makasalanan o galitin ang Diyos. Sa halip, alam niya na dapat siyang magpasakop sa pagsasaayos ng Diyos, taglay ang pusong-may-takot-sa-Diyos. Sa huli, habang nagdurusa siya, sinabi ni Job, “Si Jehova ang nagbigay, at si Jehova ang nagalis; purihin ang pangalan ni Jehova” (Job 1:21), at nanindigan siya sa kanyang patotoo sa Diyos.

3. Si Job ay May Pusong-May-Takot-sa-Diyos at Sinaway Niya ang Kanyang Asawa—Malinaw na Alam Niya Kung Ano ang Dapat Mahalin at Kung Ano ang Kamumuhian, at Nagtaglay Siya ng Pagiging Makatarungan
Matapos na ang buong katawan ni Job ay magkaroon ng masasakit na bukol, muling sinubukang tuksuhin ni Satanas si Job sa pamamagitan ng kanya mismong asawa. Tulad ng sinasabi sa Biblia: “Nang magkagayo’y sinabi ng kaniyang asawa sa kaniya, Namamalagi ka pa ba sa iyong pagtatapat? itakuwil mo ang Dios, at mamatay ka. Nguni’t sinabi niya sa kaniya, Ikaw ay nagsasalita na gaya ng pagsasalita ng hangal na babae. Ano? tatanggap ba tayo ng mabuti sa kamay ng Dios, at hindi tayo tatanggap ng masama?” (Job 2:9-10). Nahaharap sa pambubuyo ng kanyang asawa, bakit galit siyang sinaway ni Job?
Sinasabi ng mga salita ng Diyos, “Nang makita ang paghihirap niya, sinubukan ng asawa ni Job na payuhan si Job upang tulungan siyang makatakas sa kanyang paghihirap–ngunit ang kanyang ‘magandang intensyon’ ay hindi sinang-ayunan ni Job; sa halip, binuhay nito ang kanyang galit, sapagkat itinakwil ng asawa ang pananampalataya ni Job, at pagkamasunurin sa Diyos na Jehova, at itinakwil din ng asawa ni Job ang pag-iral ng Diyos na Jehova. Hindi ito katanggap-tanggap kay Job, dahil hindi niya kailanman pinayagan ang sarili niya na gumawa ng kahit anong sumasalungat o nakakasakit sa Diyos, na walang masabi sa iba. Paano siya mananatiling walang malasakit kung nakita niya ang iba na nagwiwika ng mga salitang lumalapastangan at iniinsulto ang Diyos? Kaya tinawag niya ang kanyang asawa na isang ‘hangal na babae.’ Ang saloobin ni Job sa kanyang asawa ay may galit at poot, pati na rin ang kahihiyan at mahigpit na pangangaral. Ito ay ang likas na pagpapahayag ng pagkatao ni Job na kumikilala sa pagkakaiba ng pag-ibig at poot, at isang tunay na pangangatawan ng kanyang matuwid na pagkatao. Si Job ay nagtataglay ng katinuan ng katarungan—na dahilan upang magalit siya sa kabuktutan, at mapoot, magalit, at tanggihan ang walang katotohanang kontra sa pananampalataya, hindi kapani-paniwalang argumento, at katawa-tawang pagpapatunay, at pinahintulutan siyang maging totoo sa kanyang sarili, mga wastong prinsipyo at paninindigan nang siya ay itinakwil ng masa at iniwan ng mga taong malapit sa kanya” (“Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II”). Ang Diyos ay katotohanan, ang daan at ang buhay at Siya ang kumakatawan sa lahat ng mga positibong bagay. Lahat ng mga bagay na ikinakaila ang Diyos o lumalaban sa Diyos ay nauukol kay Satanas at mga negatibong bagay. Natakot si Job sa Diyos at lumayo sa mga kasamaan at minahal niya ang mga positibong bagay. Siya ay lubos na matuwid, nakikita niya ang kaibahan ng pag-ibig at galit at idinambana ang Diyos sa kanyang puso. Hindi niya kayang tiisin ang sinumang nagkakaila sa Diyos, humuhusga sa Diyos o lumalapastangan sa Diyos. At sa tuwing may nakikita siyang nagkakaila sa Diyos, umuusbong ang pagkamuhi sa kanyang puso, at kasama na roon ang kanyang pamilya. Kailangan pa rin niyang mahigpit na isabuhay ang paraan ng pagkatakot sa Diyos at paglayo sa kasamaan, manindigan sa panig ng hustisya at katotohanan, at hindi matakot na magalit sa kanya ang sinuman. Samakatuwid nang sabihan siya ng kanyang asawa na talikuran ang Diyos at itanggi ang katuwiran ng Diyos, hindi hinayaan ni Job na maapektuhan siya ng kanyang damdamin para sa kanyang asawa sa anumang paraan, ngunit sa halip ay sinaway niya ang kanyang asawa sa pagiging isang hangal na babae. Sa pamamagitan nito, muli niyang napagtagumpayan ang panunukso ni Satanas at nanindigan siya sa kanyang patotoo sa Diyos.
Ang mga nasa taas ay pagpapamalas ni Job ng pagkatakot sa Diyos, at mula dito ay mauunawaan natin na ang pagkatakot sa Diyos ay hindi isang bagay na maangkin ng mga salita lamang. Sa halip ay kinakailangan nating ituon ang pansin sa pagpasok sa mga tao, mga kaganapan, bagay at kapaligiran na inihanda sa atin ng Diyos, at hinihiling nito na tularan natin si Job. Sa ating pang-araw-araw na pamumuhay, halimbawa, kinakailangan nating tandaan na iwasan ang lahat uri ng panunukso: May ilang lugar ng aliwan o lugar na kung saan maaaring mapasama at malayo ang puso natin sa Diyos na hindi natin dapat puntahan o magkaroon ng ugnayan. Sa pamamagitan ng pag-iwas sa mga lugar na ito ay magiging protektado tayo. Kapag dumadaan tayo sa pagsubok, tulad ng isang sakuna sa ating tahanan o malaki ang problema ng miyembro ng ating pamilya, kung ganoon ay kahit ano pa man ang gawin ng Diyos, hindi tayo dapat magkaroon ng maling pag-unawa sa Diyos o sisihin ang Diyos, ngunit dapat na magawang magpasakop sa Kanyang katas-taasang kapangyarihan at pagsasaayos. Kapag tayo ay ginulo at nilinlang ng mga tao, pangyayari o ng bagay, dapat ay palagi nating panindigan ang katotohanan at hustisya, hindi mapipigilan ninuman, at huwag umayon sa pagsuway ninuman sa Diyos sa puntong tatalikuran natin ang Diyos at lalayo sa Kanya. Si Job ang ating pamantayan sa pagpasok natin sa katotohanan ng pagkatakot sa Diyos. Kung lahat tayo ay magiging katulad ni Job at dadalhin ang totoong pagkatakot sa Diyos at paglayo sa kasamaan sa ating buhay, isasagawa at papasok doon, at magsisimula sa maliliit na bagay, kung gayon ay madalas tayong makatatanggap ng gabay ng Diyos at mga pagpapala, at tayo ay magiging mga taong may takot sa Diyos.
_________________________________________________________
Ang Salita ng Diyos ay buhay at mabisa. Narito ang mga piling teksto, mga audio, at mga video ng salita ng Diyos tungkol sa buhay upang matulungan kang matamo ang buhay mula sa Diyos.


Paano Makatatanggap ng mga Paghahayag ng Diyos

2020-04-22 10:14:45 | Salita ng Diyos



Paano Makatatanggap ng mga Paghahayag ng Diyos ang Taong Limitado ang Pagkaintindi tungkol sa Diyos?


Patuloy na sumusulong ang gawain ng Diyos, at bagaman ang layunin ng Kanyang gawain ay nananatiling di-nagbabago, palaging nagbabago ang paraan kung paano Siya gumagawa, at sa gayon pati na rin yaong mga sumusunod sa Diyos. Mas marami ang gawain ng Diyos, mas lubusang nakikilala ng tao ang Diyos, at ang disposisyon ng tao ay nagbabago kasabay ng Kanyang gawain. Gayon pa man, ito ay dahil sa ang gawain ng Diyos ay palaging nagbabago kaya yaong mga hindi nakakakilala sa gawain ng Banal na Espiritu at yaong mga taong katawa-tawa na hindi nakakaalam sa katotohanan ay nagiging kalaban ng Diyos. Hindi kailanman umaayon ang gawain ng Diyos sa mga pagkaintindi ng tao, dahil laging bago ang Kanyang gawain at hindi kailanman luma. Hindi Niya kailanman inuulit ang lumang gawain bagkus ay sumusulong sa gawaing hindi pa nagawa kailanman. Dahil hindi nag-uulit ng Kanyang gawain ang Diyos at karaniwang nanghuhusga ang tao sa gawain ng Diyos ngayon batay sa Kanyang gawain sa nakaraan, lubhang mahirap para sa Diyos na isakatuparan ang bawat isang yugto ng gawain ng bagong kapanahunan. Napakaraming balakid ang tao! Masyadong makitid ang pag-iisip ng tao! Walang taong nakakaalam sa gawain ng Diyos, gayunman nagpapakahulugan silang lahat sa ganoong gawain. Malayo sa Diyos, nawawalan ang tao ng buhay, katotohanan, at mga biyaya ng Diyos, gayon man ni hindi rin tanggap ng tao ang buhay o katotohanan, mas lalo na ang mas malaking mga biyaya na ipinagkakaloob ng Diyos sa sangkatauhan. Ninanais ng lahat ng tao na makamit ang Diyos nguni’t hindi kayang pagtiisan ang anumang pagbabago sa gawain ng Diyos. Yaong mga hindi tumatanggap sa bagong gawain ng Diyos ay naniniwala na ang gawain ng Diyos ay hindi nagbabago, at na magpakailanmang nananatiling nakapirmi ang gawain ng Diyos. Sa kanilang paniniwala, ang tangi lamang kailangan upang makamit ang walang-hanggang kaligtasan mula sa Diyos ay ang pagsunod sa kautusan, at hangga’t nagsisisi at nangungumpisal sila ng kanilang mga kasalanan, mabibigyang-kasiyahan magpakailanman ang kalooban ng Diyos. Ang akala nila ang Diyos ay nagiging Diyos lamang sa ilalim ng kautusan at ang Diyos na ipinako sa krus para sa tao; akala rin nila na ang Diyos ay hindi dapat at hindi nakakahigit sa Biblia. Ang mga pag-aakalang ito talaga ang mahigpit na nagtatanikala sa kanila sa lumang kautusan at pinanatili silang nakakadena sa mahigpit na mga tuntunin. Marami pa nga ang naniniwala na anupaman ang bagong gawain ng Diyos, kailangan itong mapatunayan ng mga hula, at sa bawat yugto ng gayong gawain, ang lahat ng sumusunod sa Kanya nang may tapat na puso ay dapat mapakitaan ng mga pahayag, kung hindi ang gawaing iyon ay hindi magiging sa Diyos. Hindi na madaling gawain para sa tao na makilala ang Diyos. Karagdagan pa sa katawa-tawang puso ng tao at sa kanyang mapanghimagsik na kalikasan ng pagpapahalaga-sa-sarili at kapalaluan-sa-sarili, sa gayon lalong higit na mahirap para sa tao na tanggapin ang bagong gawain ng Diyos. Hindi pinag-aaralan ng tao ang bagong gawain ng Diyos nang maingat ni tinatanggap ito nang may pagpapakumbaba; sa halip, ang tao ay nang-aalipusta, naghihintay para sa mga pagbubunyag at paggabay ng Diyos. Hindi ba ito ang asal ng tao na naghihimagsik at sumasalungat sa Diyos? Paano makakamit ng ganoong mga tao ang pagsang-ayon ng Diyos?

Sa panahong iyon, sinabi ni Jesus na ang gawain ni Jehova ay naantala na sa Kapanahunan ng Biyaya, katulad ng sinasabi Ko ngayon na ang gawain ni Jesus ay naaantala na. Kung nagkaroon lamang ng Kapanahunan ng Kautusan at hindi ng Kapanahunan ng Biyaya, hindi sana napako sa krus si Jesus at hindi natubos ang buong sangkatauhan; kung nagkaroon lamang ng Kapanahunan ng Kautusan, maaari kayang umunlad ang sangkatauhan hanggang ngayon? Ang kasaysayan ay sumusulong; hindi ba ang kasaysayan ang likas na batas ng gawain ng Diyos? Hindi ba ito isang paglalarawan ng Kanyang pamamahala sa tao sa loob ng buong sansinukob? Ang kasaysayan ay sumusulong, pati na ang gawain ng Diyos, at ang kalooban ng Diyos ay patuloy na nagbabago. Hindi magiging praktikal para sa Diyos na magpanatili ng iisang yugto ng gawain sa loob ng anim na libong taon, sapagka’t alam ng lahat ng tao na Siya ay laging bago at hindi kailanman luma. Hindi Niya maaaring ipagpatuloy ang gawaing kahalintulad ng pagpapako sa krus, at isa, dalawa, tatlong beses … na mapako sa krus. Ito ang pagkaunawa ng isang katawa-tawang tao. Hindi itinataguyod ng Diyos ang parehong gawain, at ang Kanyang gawain ay palaging nagbabago at laging bago, tulad ng kung paano Ako araw-araw na nagsasalita sa inyo ng mga bagong salita at gumagawa ng bagong gawain. Ito ang gawain na Aking ginagawa, na ang susi ay nakabatay sa mga salitang “bago” at “kamangha-mangha”. “Ang Diyos ay hindi nagbabago, at ang Diyos ay palaging magiging Diyos”; ang kasabihang ito ay talagang totoo. Ang kakanyahan ng Diyos ay hindi nagbabago, ang Diyos ay laging Diyos, at Siya ay hindi kailanman magiging si Satanas, nguni’t hindi ito nagpapatunay na ang Kanyang gawain ay palagian at walang-pagbabago tulad ng Kanyang kakanyahan. Ipinahahayag mo na ang Diyos ay ganito, nguni’t paano mo naman ipaliliwanag na ang Diyos ay laging bago at hindi kailanman luma? Ang gawain ng Diyos ay patuloy na lumalaganap at palagiang nagbabago, at ang kalooban ng Diyos ay patuloy na ipinakikita at ipinapaalam sa mga tao. Habang nararanasan ng tao ang gawain ng Diyos, ang kanyang disposisyon ay patuloy na nagbabago, at ang kanyang kaalaman ay patuloy na nagbabago. Mula saan, kung gayon, nagmumula ang pagbabagong ito? Hindi ba ito mula sa palaging-nagbabagong gawain ng Diyos? Kung ang disposiyon ng tao ay nakakapagbago, bakit hindi nahahayaan ng tao ang Aking gawain at ang Aking mga salita na tuloy-tuloy ding magbago? Dapat ba Akong masakop ng mga paghihigpit ng tao? Hindi ba gumagamit ka lamang ngayon ng tusong pangangatwiran?

Kasunod ng Kanyang muling pagkabuhay, nagpakita si Jesus sa mga disipulo at nagsabi, “Ipadadala Ko sa inyo ang pangako ng aking Ama, datapuwa’t magsipanatili kayo sa bayan, hanggang sa kayo’y masangkapan ng kapangyarihang galing sa itaas.” Alam mo ba kung paano ipinaliliwanag ang mga salitang ito? Nasasangkapan ka na ba ngayon ng Kanyang kapangyarihan? Nauunawaan mo na ba ngayon kung ano ang tinatawag na kapangyarihan? Ipinahayag ni Jesus na ang Espiritu ng katotohanan ay maipagkakaloob sa tao sa mga huling araw. Ito ngayon ang mga huling araw; nauunawaan mo ba kung paano bumibigkas ng mga salita ang Espiritu ng katotohanan? Saan nagpapakita at gumagawa ang Espiritu ng katotohanan? Iyon bang mga di-malinis na espiritu at masasamang mga espiritu ang Espiritu ng katotohanan? Wala silang katarungan, mas lalong walang panustos sa buhay, at pinananatili ang sinaunang kautusan nang walang ginagawa kahit kaunting bagong gawain. Sila ba ang Espiritu ng katotohanan? Mayroon ba silang buhay, katotohanan, at daan? Lumitaw ba sila nang kahiwalay sa mundo? Yaong mga kasama ninyo na nananatiling mapagmatigas sa Biblia at mahigpit na kumakapit kay Jesus—nasusunod ba ninyo ang gawain ni Jesus at Kanyang mga salita? Gaano kayo katapat kay Jesus? Ang pinakadakilang aklat ng propesiya ni Isaias sa Lumang Tipan ay hindi kailanman nagbanggit na isang batang nagngangalang Jesus ang isisilang sa kapanahunan ng Bagong Tipan, sinabi lamang na mayroong isang lalaking sanggol na maipapanganak na may pangalang Emmanuel. Bakit hindi niya tinukoy ang pangalang Jesus? Wala saanman sa Lumang Tipan na makikita ang pangalang ito, nguni’t bakit naniniwala ka pa rin kay Jesus? Tiyak na hindi mo nakita si Jesus ng sarili mong mga mata bago ka naniwala sa Kanya? O nagsimula ka bang maniwala nang makatanggap ng isang paghahayag? Tunay bang ipapakita ng Diyos sa’yo ang ganoong biyaya? At ipinagkakaloob sa’yo ang ganyan kalaking pagpapala? Ano ang iyong naging batayan upang paniwalaan si Jesus? Bakit naman hindi ka naniniwala na nagkakatawang-tao ang Diyos sa araw na ito? Bakit mo sinasabi na ang kawalan ng pahayag sa’yo mula sa Diyos ay nagpapatunay na hindi Siya nagiging katawang-tao? Dapat bang sabihin ng Diyos sa tao bago simulan ang Kanyang gawain? Dapat ba muna Niyang matanggap ang pagsang-ayon ng tao? Ipinahayag lamang ni Isaias na isisilang ang isang lalaking sanggol sa sabsaban nguni’t hindi kailanman hinulaan na si Maria ang magluluwal kay Jesus. Bakit ka kung gayon naniniwala kay Jesus na ipinanganak ni Maria? Tiyak na ang iyong paniniwala ay hindi isa ng pag-aalinlangan at pagkalito! Sinasabi ng iba na ang pangalan ng Diyos ay hindi nagbabago, kaya’t bakit ang pangalan ni Jehova ay naging Jesus? Nahulaan na ang pagdating ng Mesiyas, kaya bakit dumating ang isang tao na may pangalang Jesus? Bakit nagbago ang pangalan ng Diyos? Hindi ba ang gayong gawain ay isinakatuparan na noong matagal na? Hindi ba nakakagawa ang Diyos ngayon ng bagong gawain? Ang gawain ng kahapon ay nababago, at ang gawain ni Jesus ay nakakasunod mula roon kay Jehova. Hindi ba kung gayon nasusundan ang gawain ni Jesus ng isa pang gawain? Kung ang pangalan ni Jehova ay napapalitan ng Jesus, kung gayon hindi ba ang pangalan ni Jesus ay napapalitan din? Ito’y hindi di-karaniwan, at iniisip nga ang ganoon ng tao[a] dahil lamang sa kanilang kakitiran ng isip. Ang Diyos ay palaging magiging Diyos. Hindi alintana ang mga pagbabago sa Kanyang gawain at Kanyang pangalan, ang Kanyang disposisyon at karunungan ay nananatiling di-nagbabago magpakailanman. Kung naniniwala ka na ang Diyos ay matatawag lamang sa pangalang Jesus, kung gayon kakaunti lamang ang iyong nalalaman. Lakas-loob mo bang iginigiit na ang Jesus ay magpakailanmang ang pangalan ng Diyos, na ang Diyos ay magpakailanman at laging magpapatuloy na tatawagin sa pangalang Jesus, at ito’y hindi kailanman magbabago? Lakas-loob mo bang iginigiit nang may katiyakan na ang pangalan ni Jesus yaong tumapos sa Kapanahunan ng Kautusan at tatapos din sa huling kapanahunan? Sino ang nakapagsasabi na nawawakasan ng biyaya ni Jesus ang kapanahunan? Kung ngayon hindi mo kayang malaman ang mga katotohanang ito nang malinaw, hindi lamang na hindi mo maipapangaral ang ebanghelyo, kundi pati ikaw mismo ay hindi nakakapanatiling nakatayo. Kapag dumarating ang araw na nalulutas mo ang lahat ng pagpapahirap ng mga relihiyosong tao at napapabulaanan ang lahat ng kanilang mga kamalian, iyon ang magiging patunay na lubos kang nakatitiyak sa yugtong ito ng gawain at wala kahit katiting na pagdududa. Kung hindi mo kayang pabulaanan ang kanilang mga kamalian, sa gayon pararatangan ka nila at sisiraan ng puri. Hindi ba ito kahiya-hiya?

Ang Judio noong panahong iyon ay nagbabasa lahat mula sa Lumang Tipan at alam ang hula ni Isaias na may isang lalaking sanggol na ipapanganak sa sabsaban. Bakit kung gayon, taglay ang kaalamang ito, inusig pa rin nila si Jesus? Hindi ba ito dahil sa kanilang kalikasang mapanghimagsik at kamangmangan sa gawa ng Banal na Espiritu? Sa panahong iyon, ang mga Fariseo ay naniwala na ang gawa ni Jesus ay hindi katulad ng kanilang alam tungkol sa inihulang lalaking sanggol; tinatanggihan ng tao ngayon ang Diyos dahil sa ang gawain ng nagkatawang-taong Diyos ay hindi tumutugma sa Biblia. Hindi ba ang sangkap ng kanilang pagiging-mapanghimagsik laban sa Diyos ay iisa at pareho? Kaya mo bang maging gayon na tumatanggap nang walang tanung-tanong sa lahat ng gawain ng Banal na Espiritu? Kung ito ang gawain ng Banal na Espiritu, kung gayon ito ang ang tamang daloy. Dapat mong tanggapin ito nang wala kahit katiting na agam-agam, kaysa sa pagpulot at pagpili ng kung ano ang tatanggapin. Kung nakakamit mo ang kaunting kaalaman mula sa Diyos at may kaunting pag-iingat laban sa Kanya, hindi ba ito isang pagkilos na hindi talaga dapat? Ang kinakailangan mong gawin ay tanggapin, nang hindi kailangan ang higit pang patunay mula sa Biblia, ang anumang gawain hangga’t ito’y doon sa Banal na Espiritu, dahil naniniwala ka sa Diyos upang sundan ang Diyos, hindi upang siyasatin Siya. Hindi ka dapat maghanap ng karagdagang patunay para sa Akin upang ipakita na Ako ang iyong Diyos. Sa halip, kinakailangan mong talusin kung Ako ay kapaki-pakinabang sa’yo; iyan ang susi. Kahit na nalalaman ninyong maraming hindi-mapabulaanang patunay sa Biblia, hindi ito nakapagdadala sa inyo nang buo sa Aking harapan. Isa ka na namumuhay sa loob ng hangganan ng Biblia, at hindi sa harapan Ko; ang Biblia ay hindi nakakatulong sa’yo na makilala Ako, ni napapalalim nito ang pagmamahal mo sa Akin. Kahit na hinulaan ng Biblia na mayroong isang lalaking sanggol na ipapanganak, walang sinuman ang makakaarok kung kanino ang hula ay matutupad, sapagka’t hindi alam ng tao ang gawain ng Diyos, at ito ang dahilan kung bakit nanindigan ang mga Fariseo laban kay Jesus. Alam ng ilan na ang Aking gawain ay sa kapakinabangan ng tao, gayon man patuloy silang naniniwala na si Jesus at Ako ay dalawang ganap na magkahiwalay na kabuuan na hindi magkatugma. Nang panahong iyon, nagsalita lamang ni Jesus sa Kanyang disipulo ng magkakasunod na pangangaral sa Kapanahunan ng Biyaya, tulad ng kung paano magsagawa, kung paano magtipong sama-sama, kung paano humingi sa panalangin, kung paano ituring ang iba, at iba pa. Ang gawain na Kanyang isinakatuparan ay yaong sa Kapanahunan ng Biyaya, at Kanyang ipinaliwanag lamang ang tungkol sa kung paano dapat magsagawa ang mga disipulo at iyong mga sumusunod sa Kanya. Ginawa lamang Niya ang gawain ng Kapanahunan ng Biyaya at wala na sa huling mga araw. Nang itinalaga ni Jehova ang batas ng Lumang Tipan sa Kapanahunan ng Kautusan, bakit hindi Niya ginawa kung gayon ang gawain ng Kapanahunan ng Biyaya? Bakit hindi Niya paunang nilinaw ang gawain ng Kapanahunan ng Biyaya? Hindi ba ito magiging kapaki-pakinabang sana sa pagtanggap ng tao? Prinopesiya lamang Niya na isang lalaking sanggol ang ipapanganak at magkakaroon ng kapangyarihan, nguni’t hindi Niya isinakatuparan nang pauna ang gawain ng Kapanahunan ng Biyaya. Ang gawain ng Diyos sa bawa’t isang kapanahunan ay mayroong malinaw na mga hangganan; ginagawa Niya lamang ang gawain ng kasalukuyang kapanahunan at hindi Niya kailanman isinasakatuparan ang kasunod na yugto ng gawain nang pauna. Sa ganitong paraan lamang naisusulong ang Kanyang kumakatawang gawain ng bawa’t isang kapanahunan. Nagsalita lamang ni Jesus tungkol sa mga patalandaan ng huling mga araw, kung paano maging mapagpasensya at kung paano maligtas, kung paano magsisi at mangumpisal, pati na rin kung paano pasanin ang krus at tiisin ang pasakit; hindi Siya kailanman nagsalita kung paano dapat pumasok ang tao sa huling mga araw o kung paano hanapin na makapagbigay-kasiyahan sa kalooban ng Diyos. Sa gayon, hindi ba ito isang kamalian na hanapin sa loob ng Biblia ang gawain ng Diyos sa mga huling araw? Ano ang iyong natatalos kung basta hawak lamang ang Biblia sa iyong mga kamay? Maging isa mang tagapagpaliwanag ng Biblia o isang tagapangaral, sino ang nakakahula sa gawain ngayon?

“Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia.” Narinig na ba ninyo ngayon ang salita ng Banal na Espiritu? Ang mga salita ng Diyos ay dumarating sa inyo. Naririnig ba ninyo ang mga ito? Ginagawa ng Diyos ang gawain ng salita sa mga huling araw, at ang mga nasabing salita ay yaong sa Banal na Espiritu, dahil ang Diyos ay ang Banal na Espiritu at maaaring maging katawang-tao rin; samakatwid, ang mga salita ng Banal na Espiritu, na binigkas sa nakalipas, ay ang mga salita ng nagkatawang-taong Diyos ngayon. Maraming mga taong katawa-tawa na naniniwala na ang mga salita ng Banal na Espiritu ay dapat bumaba mula sa mga kalangitan patungo sa mga tainga ng tao. Sinuman ang nag-iisip ng ganito ay hindi kilala ang gawain ng Diyos. Sa katotohanan, ang mga pagbigkas na sinalita ng Banal na Espiritu ay yaong mga sinalita ng Diyos na nagkatawang-tao. Hindi direktang nakakapagsalita ang Banal na Espiritu sa tao, at si Jehova ay hindi direktang nagsalita sa mga tao, kahit na sa Kapanahunan ng Kautusan. Hindi ba mukhang malamang na hindi Niya gagawin ang gayon sa kapanahunan ngayon? Para magwika ang Diyos ng mga pagbigkas upang isakatuparan ang gawain, dapat Siyang magkatawang-tao, kung hindi ay hindi matutupad ng Kanyang gawain ang Kanyang mithiin. Yaong mga nagkakaila sa Diyos na nagkatawang-tao ay yaong mga hindi nakakakilala sa Espiritu o sa mga panuntunan kung paano gumagawa ang Diyos. Yaong mga naniniwala na ngayon ang kapanahunan ng Banal na Espiritu nguni‘t hindi tinatanggap ang Kanyang bagong gawain ay yaong mga namumuhay sa hindi-malinaw na pananampalataya. Ang gayong mga uri ng tao ay hindi kailanman tatanggap ng gawain ng Banal na Espiritu. Ang mga nagnanais lamang para sa Banal na Espiritu na direktang magsalita at magsakatuparan ng Kanyang gawain, nguni‘t hindi tumatanggap sa mga salita o gawain ng nagkatawang-taong Diyos, ay hindi kailanman makakatapak sa bagong kapanahunan o makakatanggap ng ganap na kaligtasan mula sa Diyos!


Talababa:


a. Ang nakasaad sa orihinal na teksto ay “na siyang.”


Tanging Yaong Nakararanas ng Gawain ng Diyos ang Tunay na Naniniwala sa Diyos

2020-04-18 09:49:43 | Salita ng Diyos


Bagaman maraming tao ang naniniwala sa Diyos, kakaunti ang nakakaunawa kung ano ang kahulugan ng pananampalataya sa Diyos, at kung ano ang dapat nilang gawin upang makasunod sa puso ng Diyos. Ito ay dahil, bagaman ang mga tao ay alam na alam ang salitang “Diyos” at mga parirala tulad ng “ang gawain ng Diyos,” hindi nila kilala ang Diyos, lalong hindi nila alam ang Kanyang gawain. Hindi nakapagtataka, kung gayon, na lahat niyaong mga hindi nakakakilala sa Diyos ay nagtataglay ng isang magulong paniniwala. Ang mga tao ay hindi seryoso sa kanilang paniniwala sa Diyos sapagka’t ang paniniwala sa Diyos ay masyadong di-kilala, masyadong kakaiba para sa kanila. Sa ganitong paraan, hindi sila makaabot sa mga hinihingi ng Diyos. Sa ibang salita, kung hindi kilala ng tao ang Diyos, hindi alam ang Kanyang gawa, kung gayon hindi sila angkop para sa paggamit ng Diyos, lalong hindi nila maaaring tuparin ang ninanasa ng Diyos. Ang “paniniwala sa Diyos” ay nangangahulugang paniniwala na mayroong Diyos; ito ang pinakasimpleng pagkakaintindi sa pananampalataya sa Diyos. Bukod pa rito, ang paniniwalang mayroong Diyos ay hindi kapareho ng tunay na pananalig sa Diyos; kundi, ito ay isang uri ng simpleng pananampalataya na may malakas na pangrelihiyong mga kahulugan. Ang tunay na pananampalataya sa Diyos ay nangangahulugan ng pagdanas sa mga salita at gawain ng Diyos na batay sa isang paniniwala na ang Diyos ang may tangan ng kapangyarihan sa lahat ng mga bagay. Sa gayon ikaw ay mapapalaya mula sa iyong tiwaling disposisyon, makakatupad sa ninanasa ng Diyos at makakakilala sa Diyos. Tanging sa pamamagitan ng ganoong paglalakbay maaaring masabing ikaw ay naniniwala sa Diyos. Datapwa’t ang mga tao ay madalas makita ang paniniwala sa Diyos bilang isang bagay na napakasimple at walang gaanong kabuluhan. Ang paniniwala ng mga ganoong tao ay walang kabuluhan at hindi kailanman makakatamo ng pagsang-ayon ng Diyos, pagka’t sila’y tumatahak sa maling landas. Ngayon, mayroon pa ring mga naniniwala sa Diyos sa pamamagitan ng mga titik, sa mga doktrinang walang laman. Wala silang malay na ang kanilang paniniwala sa Diyos ay walang substansya at na hindi sila makatatamo ng pagsang-ayon ng Diyos, at nananalangin pa rin sila para sa kapayapaan at sapat na biyaya mula sa Diyos. Dapat tayong huminto at tanungin ang ating mga sarili: Maaari kayang ang paniniwala sa Diyos ang tunay na pinakamadaling bagay sa lupa? Ang paniniwala ba sa Diyos ay nangangahulugan lamang ng pagtanggap ng maraming biyaya mula sa Diyos? Maaari bang ang mga tao na naniniwala sa Diyos nguni’t hindi Siya nakikilala, at naniniwala sa Diyos nguni’t tinututulan Siya, ay tunay na makakatupad sa ninanasa ng Diyos?
Ang Diyos at ang tao ay hindi maaaring masabing magkapantay. Ang Kanyang substansya at ang Kanyang gawain ay ang pinaka-di-maaarok at hindi-kayang-unawain ng tao. Kung ang Diyos ay hindi personal na gumagawa ng Kanyang gawain at bumibigkas ng Kanyang mga salita sa mundo ng tao, kung gayon hindi kailanman mauunawaan ng tao ang kalooban ng Diyos, at sa gayon, kahit yaong mga naglaan ng kanilang buong buhay sa Diyos ay hindi maaaring makatamo ng Kanyang pagsang-ayon. Kung wala ang gawain ng Diyos, gaano man kabuti ang ginagawa ng tao, mababalewala iyon, pagka’t ang mga pag-iisip ng Diyos ay palaging magiging mas mataas kaysa mga pag-iisip ng tao, at ang karunungan ng Diyos ay hindi maaarok ng tao. At sa gayon sinasabi ko na yaong mga “nakabasa” sa Diyos at sa Kanyang gawain ay walang silbi, lahat sila ay mayabang at mangmang. Hindi dapat bigyang-kahulugan ng tao ang gawain ng Diyos; higit pa rito, hindi maaaring bigyang-kahulugan ng tao ang gawain ng Diyos. Sa mga mata ng Diyos, ang tao ay mas maliit kaysa isang langgam, kaya paano maaarok ng tao ang gawain ng Diyos? Yaong mga patuloy na nagsasabi, “Ang Diyos ay hindi gumagawa sa ganito o ganoong paraan” o “Ang Diyos ay tulad nito o noon”—hindi ba silang lahat ay mayabang? Dapat nating kilalaning lahat na ang mga tao, na siyang galing sa laman, ay napasamang lahat ni Satanas. Ito ay kanilang kalikasan na tutulan ang Diyos, at hindi sila kapantay ng Diyos, lalong hindi nila kayang mag-alok ng payo para sa gawain ng Diyos. Kung paano ginagabayan ng Diyos ang tao ay gawain ng Diyos Mismo. Dapat magpasailalim ang tao, at dapat hindi magkaroon ng gayo’t gayong pananaw, pagka’t ang tao ay alabok lamang. Yamang sinusubukan nating hanapin ang Diyos, hindi natin dapat isama ang ating mga pagkaintindi sa gawain ng Diyos para sa pagsasaalang-alang ng Diyos, lalong hindi natin dapat gamitin ang ating mga tiwaling disposisyon upang sadyang subukan na tutulan ang gawain ng Diyos. Hindi kaya gagawin niyan tayong mga antikristo? Paano maaaring sabihin ng mga ganoong tao na sila’y naniniwala sa Diyos? Yamang tayo ay naniniwala na mayroong Diyos, at yamang ninanais natin na bigyang-kasiyahan Siya at makita Siya, dapat nating hanapin ang daan ng katotohanan, at dapat humanap ng paraan upang maging kaayon ng Diyos. Hindi tayo dapat nakikipagmatigasan sa pagsalungat sa Diyos; anong kabutihan ang maaaring maibunga ng ganoong mga pagkilos?
_______________________________________________________
_______________________________________________________
Ngayon, ang Diyos ay may bagong gawain. Maaaring hindi mo tanggapin ang mga salitang ito, maaaring kakaiba ang pakiramdam mo sa mga iyon, subali’t ang payo ko sa iyo ay huwag ibunyag ang iyong pagiging likas, pagka’t tanging yaong mga tunay na nagugutom at nauuhaw para sa pagkamatuwid sa harap ng Diyos ang maaaring makatamo ng katotohanan, at tanging yaong mga tunay na taos-puso ang maaaring maliwanagan at magabayan ng Diyos. Walang ibubunga ang paghahanap sa katotohanan sa pamamagitan ng pakikipag-away. Tanging sa paghahanap nang mahinahon tayo maaaring makakuha ng mga resulta. Kapag sinabi ko na, “Ngayon, ang Diyos ay may bagong gawain,” ang tinutukoy ko ay ang pagbabalik ng Diyos sa katawang-tao. Marahil hindi mo pinapansin ang mga salitang ito, marahil kinamumuhian mo ang mga iyon, o marahil ikaw ay may malaking interes sa mga iyon. Ano man ang kaso, inaasahan ko na lahat niyaong mga tunay na naghahangad ng pagpapakita ng Diyos ay maaaring humarap sa katunayang ito at bigyan ito ng maingat na pagsasaalang-alang. Pinakamainam na huwag padalus-dalos sa mga pagpapasya. Ito ang paraan na dapat ikilos ng mga taong marurunong.
Ang pag-aralan ang ganoong bagay ay hindi mahirap, nguni’t nangangailangan sa bawa’t isa sa atin na alamin ang katotohanang ito: Siya na pagkakatawang-tao ng Diyos ang magtataglay ng substansya ng Diyos, at Siya na pagkakatawang-tao ng Diyos ang magtataglay ng pagpapahayag ng Diyos. Yamang ang Diyos ay nagiging laman, dapat Niyang ilahad ang gawaing dapat Niyang gawin, at yamang ang Diyos ay naging laman, dapat Niyang ipahayag kung ano Siya, at makayang dalhin ang katotohanan sa tao, pagkalooban ng buhay ang tao, at ipakita sa tao ang daan. Ang laman na hindi nagtataglay ng substansya ng Diyos ay tiyak na hindi ang nagkatawang-taong Diyos; dito ay walang pag-aalinlangan. Upang siyasatin kung ito ay ang laman ng Diyos na nagkatawang-tao, dapat alamin ito ng tao mula sa disposisyon na ipinahahayag Niya at sa mga salita na binibigkas Niya. Na ibig sabihin, kung ito o hindi ang laman ng Diyos na nagkatawang-tao, at kung ito o hindi ang tunay na daan, ay dapat mahusgahan mula sa Kanyang substansya. At sa gayon, sa pag-alam[a] kung ito ang laman ng Diyos na nagkatawang-tao, ang susi ay ang bigyang-pansin ang Kanyang substansya (ang Kanyang gawa, Kanyang mga salita, Kanyang disposisyon, at marami pang iba), sa halip na sa panlabas na kaanyuan. Kung nakikita lamang ng tao ang Kanyang panlabas na kaanyuan, at hindi pinapansin ang Kanyang substansya, samakatwid yaon ay nagpapakita ng kamangmangan at pagkawalang-muwang ng tao. Ang substansya ay hindi nalalaman sa panlabas na kaanyuan; bukod pa rito, ang gawain ng Diyos ay hindi kailanman umayon sa mga pagkaintindi ng tao. Hindi ba’t ang panlabas na kaanyuan ni Jesus ay salungat sa mga pagkaintindi ng tao? Hindi ba’t ang Kanyang kaanyuan at pananamit ay hindi nakapagbigay ng anumang palatandaan hinggil sa Kanyang tunay na pagkakakilanlan? Hindi ba’t ang dahilan kung bakit ang mga pinakaunang mga Fariseo ay sumalungat kay Jesus ay sapagka’t tiningnan lamang nila ang Kanyang panlabas na kaanyuan, at hindi isinapuso ang mga salita na Kanyang binigkas? Aking pag-asa na ang mga kapatid na lalaki at kapatid na babae na naghahanap ng pagpapakita ng Diyos ay hindi uulitin ang trahedya ng kasaysayan. Hindi kayo dapat maging mga Fariseo ng modernong panahon at muling ipako ang Diyos sa krus. Dapat ninyong maingat na isaalang-alang kung paanong malugod na tanggapin ang pagbabalik ng Diyos, at dapat magkaroon ng malinaw na isipan kung paanong maging isang tao na nagpapasailalim sa katotohanan. Ito ang pananagutan ng bawa’t isa na naghihintay kay Jesus na bumalik kasama ng mga ulap. Dapat nating kuskusin ang ating mga espiritwal na mga mata, at hindi dapat mabiktima sa mga salita na puno ng mga paglipad ng guniguni. Dapat nating pag-isipan ang tungkol sa praktikal na gawain ng Diyos, at dapat tingnan ang tunay na panig ng Diyos. Huwag magpapadala o iwawala ang inyong mga sarili sa mga pangangarap nang gising, palaging inaabangan ang araw na ang Panginoong Jesus ay biglaang bababa sa inyo mula sa isang ulap upang dalhin kayo na kailanma’y hindi nakakilala sa Kanya ni nakakita sa Kanya, at hindi alam kung paano gagawin ang Kanyang kalooban. Mas mainam na pag-isipan ang praktikal na mga bagay!
Maaaring nabuksan mo ang aklat na ito para sa layunin ng pagsasaliksik, o na may hangarin na tumanggap; anuman ang iyong saloobin, inaasahan ko na babasahin mo ito hanggang sa katapusan, at hindi agad na isasantabi ito. Marahil, matapos mong basahin ang mga salitang ito, ang iyong saloobin ay magbabago, subali’t iyon ay nakabatay sa kung gaano ka naganyak at kung gaano kadali mong isinasapuso ang mga bagay-bagay. May isang bagay, gayunman, na dapat mong malaman: Ang salita ng Diyos ay hindi maaaaring bigkasin gaya ng salita ng tao, lalong hindi maaaring ang salita ng tao ay mabigkas gaya ng salita ng Diyos. Ang isang tao na ginamit ng Diyos ay hindi ang nagkatawang-taong Diyos, at ang nagkatawang-taong Diyos ay hindi isang tao na ginamit ng Diyos; dito, may malaking pagkakaiba. Marahil, matapos basahin ang mga salitang ito, hindi mo tinatanggap na ang mga iyon ay mga salita ng Diyos, at tinatanggap lamang ang mga iyon bilang mga salita ng isang tao na naliwanagan. Sa ganoong kaso, ikaw ay binubulag ng kamangmangan. Paanong magiging pareho ang mga salita ng Diyos sa mga salita ng isang tao na naliwanagan? Ang mga salita ng Diyos na nagkatawang-tao ay nagsisimula ng isang bagong kapanahunan, gumagabay sa buong sangkatauhan, nagbubunyag ng mga hiwaga, at nagpapakita sa tao ng direksyong pasulong sa isang bagong kapanahunan. Ang pagliliwanag na natamo ng tao ay isa lamang simpleng pagsasagawa at kaalaman. Hindi nito magagabayan ang buong sangkatauhan sa isang bagong kapanahunan o maibubunyag ang hiwaga ng Diyos Mismo. Ang Diyos, matapos ang lahat, ay Diyos, at ang tao ay tao. Ang Diyos ay may substansya ng Diyos, at ang tao ay may substansya ng tao. Kung tinitingnan ng tao ang mga salitang binigkas ng Diyos bilang simpleng pagliliwanag ng Banal na Espiritu, at ituturing ang mga salita ng mga apostol at mga propeta bilang mga salita na personal na binigkas ng Diyos, kung gayon ang tao ay mali. Gayunpaman, hindi mo dapat kailanman palitan ang tama ng mali, o sabihin ang mataas bilang mababa, o sabihin ang malalim bilang mababaw; gayunpaman, hindi mo dapat kailanman kusang pasinungalingan ang alam mo na katotohanan. Ang bawa’t isa na naniniwala na may isang Diyos ay dapat isaalang-alang ang problemang ito mula sa wastong pananaw, at dapat tanggapin ang Kanyang bagong gawain at mga salita bilang isang nilikha ng Diyos—at kung hindi ay maaalis ng Diyos.
Matapos ang gawa ni Jehova, si Jesus ay naging katawang-tao upang gawin ang Kanyang gawain sa kalagitnaan ng mga tao. Ang Kanyang gawain ay hindi isinakatuparan nang hiwalay, subali’t itinatag sa ibabaw ng gawain ni Jehova. Ito ay gawain para sa isang bagong kapanahunan matapos tapusin ng Diyos ang Kapanahunan ng Kautusan. Gayundin, nang matapos ang gawain ni Jesus, ipinagpatuloy pa rin ng Diyos ang Kanyang gawain para sa susunod na kapanahunan, sapagka’t ang buong pamamahala ng Diyos ay palaging umuunlad nang pasulong. Kapag ang lumang kapanahunan ay lumilipas, ito ay mapapalitan ng isang bagong kapanahunan, at sa sandaling ang lumang gawain ay nakumpleto na, isang bagong gawain ang magpapatuloy ng pamamahala ng Diyos. Ang pagkakatawang-taong ito ay ang ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos kasunod ng kaganapan ng gawain ni Jesus. Mangyari pa, ang pagkakatawang-taong ito ay hindi nangyayari nang mag-isa, nguni’t ito ang ikatlong yugto ng gawain matapos ang Kapanahunan ng Kautusan at ang Kapanahunan ng Biyaya. Bawa’t bagong yugto ng gawain ng Diyos ay palaging nagdadala ng isang bagong simula at isang bagong kapanahunan. Gayundin may mga katumbas na mga pagbabago sa disposisyon ng Diyos, sa Kanyang paraan ng paggawa, sa kinalalagyan ng Kanyang gawain, at sa Kanyang pangalan. Hindi nakapagtataka, kung gayon, na mahirap para sa tao ang tanggapin ang gawain ng Diyos sa bagong kapanahunan. Nguni’t hindi alintana kung paano Siya sinasalungat ng tao, palaging ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain, at palaging pinangungunahan ang buong sangkatauhan pasulong. Nang si Jesus ay naparito sa mundo ng tao, dinala Niya ang Kapanahunan ng Biyaya at tinapos ang Kapanahunan ng Kautusan. Sa panahon ng mga huling araw, ang Diyos ay muling naging katawang-tao, at nang Siya’s naging katawang-tao sa panahong ito, tinapos Niya ang Kapanahunan ng Biyaya at dinala ang Kapanahunan ng Kaharian. Ang lahat ng mga tumatanggap sa ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos ay madadala tungo sa Kapanahunan ng Kaharian, at personal na makakatanggap ng paggabay ng Diyos. Bagaman maraming ginawa si Jesus kapiling ang tao, kinumpleto lamang Niya ang pagtutubos sa buong sangkatauhan at naging pinakahandog para sa kasalanan ng tao, at hindi inalis sa tao ang lahat ng kanyang tiwaling disposisyon. Ang ganap na pagliligtas sa tao mula sa impluwensya ni Satanas ay hindi lamang nangailangan kay Jesus na akuin ang mga kasalanan ng tao bilang handog para sa kasalanan, kundi nangailangan din sa Diyos na gumawa ng mas malaking gawain upang ganap na tanggalin sa tao ang kanyang disposisyon, na napasama ni Satanas. At sa gayon, matapos mapatawad ang tao sa kanyang mga kasalanan, ang Diyos ay nakabalik sa katawang-tao upang pangunahan ang tao tungo sa bagong kapanahunan, at sinimulan ang gawain ng pagkastigo at paghatol, at ang gawaing ito ay nagdala sa tao sa isang mas mataas na kinasasaklawan. Ang lahat ng nagpapasailalim sa Kanyang dominyon ay magtatamasa ng mas mataas na katotohanan at makakatanggap ng mas malaking mga pagpapala. Sila’y tunay na mamumuhay sa liwanag, at makakamtan ang katotohanan, ang daan, at ang buhay.
Kung ang mga tao ay mananatili sa Kapanahunan ng Biyaya, sa gayon sila kailanman ay hindi magiging malaya mula sa kanilang tiwaling disposisyon, lalong hindi ang makilala ang likas na disposisyon ng Diyos. Kung ang mga tao ay palaging namumuhay sa gitna ng kasaganaan ng biyaya subali’t wala ang daan ng buhay na nagpapahintulot sa kanila na kilalanin ang Diyos at bigyang-kasiyahan ang Diyos, sa gayon hindi nila kailanman tunay na matatamo Siya bagaman sila ay naniniwala sa Kanya. Anong kaawa-awang anyo ng paniniwala iyon. Kapag natapos mong basahin ang aklat na ito, kapag naranasan mo ang bawa’t hakbang ng gawain ng Diyos na nagkatawang-tao sa Kapanahunan ng Kaharian, mararamdaman mo na ang mga pag-asa ng maraming mga taon ay sa wakas naisakatuparan na. Mararamdaman mo na ngayon mo lamang tunay na nakita ang Diyos nang harap-harapan; ngayon mo lamang natitigan ang mukha ng Diyos, narinig ang personal na pagbigkas ng Diyos, pinahalagahan ang karunungan ng gawain ng Diyos at tunay na nadama kung gaano katotoo at kamakapangyarihan ang Diyos. Madarama mo na nakamtan mo ang maraming mga bagay na hindi nakita ni naangkin ng mga tao nang nakaraang mga panahon. Sa panahong ito, malinaw mong makikita kung ano ang maniwala sa Diyos, at kung ano ang sumunod sa puso ng Diyos. Mangyari pa, kung kakapitan mo ang mga pananaw ng nakaraan, at hindi tatanggapin o tatanggihan ang katunayan ng ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos, sa gayon ikaw ay mananatiling walang dala at walang nakamtan, at sa kahuli-hulihan ay magkakasala ng pagsalungat sa Diyos. Yaong mga sumusunod sa katotohanan at nagpapasailalim sa gawain ng Diyos ay darating sa ilalim ng pangalan ng ikalawang nagkatawang-taong Diyos—ang Makapangyarihan-sa-lahat. Makakatanggap sila ng personal na paggabay ng Diyos, at makakamit ang mas higit at mas mataas na katotohanan at matatanggap ang tunay na pantaong buhay. Makikita nila ang pangitain na hindi kailanman nakita ng mga tao nang nakaraan: “At ako’y lumingon upang makita ang tinig na nagsasalita sa akin. At nang ako’y lumingon ay nakita ko ang pitong kandelerong ginto: At sa gitna ng mga kandelero ay may isang katulad ng isang anak ng tao, na may suot na damit hanggang sa paa, at may bigkis ang dibdib na isang pamigkis na ginto. At ang kaniyang ulo at ang kaniyang buhok ay mapuputing gaya ng balahibong maputi ng tupa, gaya ng niebe; at ang kaniyang mga mata ay gaya ng ningas ng apoy; At ang kaniyang mga paa ay katulad ng tansong binuli, na gaya ng dinalisay sa isang lutuang-bakal; at ang kaniyang tinig ay gaya ng lagaslas ng maraming tubig. At sa kaniyang kanang kamay ay may pitong bituin: at sa kaniyang bibig ay lumabas ang isang matalas na tabak na may dalawang talim: at ang kaniyang mukha ay gaya ng araw na sumisikat ng matindi.” (Pahayag 1:12–16). Ang pangitaing ito ay ang pagpapahayag ng buong disposisyon ng Diyos, at ang ganoong pagpapahayag ng Kanyang buong disposisyon ay pagpapahayag din ng gawain ng Diyos nang Siya ay naging katawang-tao sa panahong ito. Sa mga dagsa ng mga pagpaparusa at mga paghuhukom, ang Anak ng Tao ay nagpapahayag ng Kanyang likas na disposisyon sa pamamagitan ng pagbigkas ng mga salita, nagpapahintulot sa lahat na tumatanggap ng Kanyang pagkastigo at paghatol na makita ang tunay na mukha ng Anak ng Tao, isang mukha na matapat na paglalarawan ng mukha ng Anak ng Tao na nakita ni Juan. (Mangyari pa, ang lahat ng ito ay hindi makikita niyaong mga hindi tumatanggap sa gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian.) Ang tunay na mukha ng Diyos ay hindi maaaring ganap na mabigkas nang maliwanag gamit ang mga salita ng tao, at sa gayon ginagamit ng Diyos ang pagpapahayag ng Kanyang likas na disposisyon upang ipakita ang tunay Niyang mukha sa tao. Na ang ibig sabihin na ang lahat ng nakaranas sa likas na disposisyon ng Anak ng Tao ay nakakita sa tunay na mukha ng Anak ng Tao, pagka’t ang Diyos ay masyadong dakila at hindi maaaring ganap na mabigkas nang maliwanag gamit ang mga salita ng tao. Sa sandaling naranasan ng tao ang bawa’t hakbang sa gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian, sa gayon malalaman niya ang tunay na kahulugan ng mga salita ni Juan nang nangusap siya tungkol sa Anak ng tao sa gitna ng mga kandelero: “At ang kaniyang ulo at ang kaniyang buhok ay mapuputing gaya ng balahibong maputi ng tupa, gaya ng niebe; at ang kaniyang mga mata ay gaya ng ningas ng apoy; At ang kaniyang mga paa ay katulad ng tansong binuli, na gaya ng dinalisay sa isang lutuang-bakal; at ang kaniyang tinig ay gaya ng lagaslas ng maraming tubig. At sa kaniyang kanang kamay ay may pitong bituin: at sa kaniyang bibig ay lumabas ang isang matalas na tabak na may dalawang talim: at ang kaniyang mukha ay gaya ng araw na sumisikat ng matindi.” Sa panahong iyon, malalaman mo nang walang halong pag-aalinlangan na itong karaniwang laman na nakabigkas ng napakaraming mga salita ay tunay na ang ikalawang nagkatawang-taong Diyos. At tunay mong madarama kung gaano ka pinagpala, at mararamdaman na ang sarili mo ang pinakamapalad. Hindi ka ba magiging handa na tanggapin ang biyayang ito?
Ang aklat na ito ay isang pagpili mula sa Ang Salita’y Nagpakita sa Katawang-tao, at mangyari pa ay mga salita rin ng Espiritu sa mga simbahan. Ang mga ito ay katuparan rin ng mga salita sa Pahayag na “Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia.” Kinapapalooban ito ng isang mayamang nilalaman ng maraming uri ng mga pagbigkas at mga salita tulad ng propesiya, ang pagbubunyag ng mga hiwaga, at ang daan ng buhay. May mga hula para sa hinaharap ng kaharian, mga pagbubunyag ng mga hiwaga ng plano sa pamamahala ng Diyos, mga pagsuri sa kalikasan ng tao, mga pangaral at mga babala, mahigpit na mga kahatulan, taos-pusong mga salita ng kaaliwan, usapan sa buhay, usapan sa pagpasok, at iba pa. Sa madaling salita, kung anong mayroon ang Diyos, kung ano Siya, at ang disposisyon ng Diyos ay ipinahahayag lahat sa Kanyang gawain at mga salita. Mangyari pa, nang ang Diyos ay naging katawang-tao sa panahong ito, ang Kanyang gawain ay upang ipahayag ang Kanyang disposisyon, pangunahing sa pamamagitan ng pagkastigo at paghatol. Gamit ito bilang pundasyon, nagdadala Siya ng mas higit na katotohanan sa tao, nagpapakita ng mas maraming mga paraan ng pagsasagawa, at sa gayon ay nakakamit ang Kanyang layunin ng panlulupig sa tao at pagliligtas sa tao mula sa kanyang tiwaling disposisyon. Ito ang nasa likod ng gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian. Nais mo bang pumasok sa bagong kapanahunan? Nais mo bang tanggalin sa iyong sarili ang tiwaling disposisyon? Nais mo bang makamtan ang mas mataas na katotohanan? Nais mo bang makita ang tunay na mukha ng Anak ng Tao? Nais mo bang mamuhay ng isang buhay na kapaki-pakinabang? Nais mo ba na magawang perpekto ng Diyos? Kung gayon, paano mo malugod na tatanggapin ang pagbabalik ni Jesus?


Mga Talababa:


a. Ang orihinal na teksto ay binabasang “bilang para.”







Tagalog Christian Song With Lyrics | “Alamin na ang Pagkastigo't Paghatol ng Diyos ay Pag-ibig”

2020-04-16 16:12:34 | Salita ng Diyos


Alamin na ang Pagkastigo’t Paghatol ng Diyos ay Pag-ibig

I

Ang paghatol at pagkastigo ay sinadya
upang parusahan ang mga kasalanan ng tao.
Wala sa gawaing ito ang pagsumpa
o pagpatay sa laman ng tao.
Ang malupit na pagsisiwalat ng salita’y
para sa’yo upang makahanap ng tamang landas.
Personal mong nadama ang gawain ng Diyos.
‘Di ka nito inaakay sa masasamang landas.
Whoah … Alamin ang kahulugan ng gawain ng panlulupig.
Dapat makita mo ito ngayon nang malinaw,
tingnan ito ngayon nang malinaw. Whoah …
Alamin ang kahulugan ng paghatol
at hindi na magkaroon ng maraming pananaw.
Whoah … Alamin ang kahulugan ng gawain ng panlulupig.
II
Ginagawang normal ng gawain ng Diyos ang buhay mo.
Ito’y isang bagay na maaari mong makamit.
Wala nang mabibigat na pasanin.
Ang gawain ay batay sa’yong mga pangangailangan.
Whoah … Alamin ang kahulugan ng gawain ng panlulupig.
Dapat makita mo ito ngayon nang malinaw,
tingnan ito ngayon nang malinaw. Whoah …
Alamin ang kahulugan ng paghatol
at hindi na magkaroon ng maraming pananaw.
Whoah … Alamin ang kahulugan ng gawain ng panlulupig.
III
Kung ‘di mo maunawaan ang gawaing ‘to,
ay hindi ka makakapagsimula.
Maaliw sa kaligtasan. Dapat ay matauhan ka.
Kahit na ‘di mo ‘to makita ngayon nang malinaw;
pakiramdam mo na malupit ang Diyos sa iyo,
na hinahatulan ka N’ya dahil kinamumuhian ka N’ya,
ito’y pag-ibig ng Diyos, isang bantay sa’yo.
Whoah … Alamin ang kahulugan ng gawain ng panlulupig.
Dapat makita mo ito ngayon nang malinaw,
tingnan ito ngayon nang malinaw. Whoah …
Alamin ang kahulugan ng paghatol
at hindi na magkaroon ng maraming pananaw.
Whoah … Alamin ang kahulugan ng gawain ng panlulupig.
Alamin ang kahulugan ng gawain ng panlulupig,
ang mas malalim na kahulugan ng gawain ng panlulupig.
Alamin ang kahulugan ng gawain ng panlulupig,
ang mas malalim na kahulugan ng gawain ng panlulupig.


mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

——————————————————————————————