goo blog サービス終了のお知らせ 

Makapangyarihang Diyos ay Ating Tagapagligtas

Makapangyarihang Diyos-Ang Pagbabalik ng Panginoong Jesus

XI Mga Klasikong Salita tungkol Pagpasok sa Realidad ng Katotohanan

2020-03-27 22:40:58 | Salita ng Diyos
(II) Mga Salita tungkol sa Pagdarasal at Pagsamba sa Diyos

11. Ang panalangin ay hindi isang uri ng ritwal; ito ay isang tunay na pagniniig sa pagitan ng mga tao at ng Diyos, at may malalim na kabuluhan. Ano ang nakikita natin sa mga panalangin ng mga tao? Nakikita natin na direkta silang naglilingkod sa Diyos. Kung itinuturing mong ritwal ang panalangin, tiyak na hindi mo mapaglilingkuran nang husto ang Diyos. Kung hindi ka nagdarasal nang taimtim o taos-puso, masasabi na mula sa pananaw ng Diyos, ikaw bilang isang tao ay hindi umiiral; at dahil diyan, paano mapapasaiyo ang impluwensya ng Banal na Espiritu? Ang magiging resulta ay na pagkatapos magtrabaho sandali, pagod ka na. Mula ngayon, kapag walang panalangin, hindi mo magagawang magtrabaho. Panalangin ang nagdudulot ng trabaho, at panalangin ang nagdudulot ng paglilingkod. Kung isa kang taong namumuno at naglilingkod sa Diyos, subalit hindi mo inilaan ang iyong sarili kailanman sa panalangin o naging seryoso kailanman sa iyong mga panalangin, ang paraan ng paglilingkod mo ay hahantong sa iyong pagbagsak. … Kung madalas kang makakapasok sa presensya Diyos, at madalas kang makapagdarasal sa Kanya, patunay iyon na itinuturing mo ang Diyos bilang Diyos. Kung madalas mong gawing mag-isa ang mga bagay-bagay at madalas mong nakakaligtaang manalangin, na ginagawa ito at iyon habang nakatalikod Siya, hindi mo pinaglilingkuran ang Diyos; bagkus, isinasagawa mo lamang ang sarili mong gusto. Kung magkagayon, hindi ka ba isusumpa? Sa tingin, hindi lilitaw na parang may nagawa kang nakakagambala, ni hindi magmumukhang nalapastangan mo ang Diyos, kundi gagawin mo lang ang sarili mong gusto. Sa paggawa niyon, hindi ka ba nakakaabala? Kahit, sa tingin, mukhang hindi naman, sa diwa ay nilalabanan mo ang Diyos.


—mula sa “Ang Kahalagahan at Pagsasagawa ng Panalangin” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo

12. Pagkatapos na nilikha ng Diyos ang sangkatauhan at binigyan sila ng mga espiritu, iniutos Niya sa kanila na kung hindi sila tatawag sa Diyos, kung gayon hindi sila makakaugnay sa Kanyang Espiritu at kaya hindi matatanggap sa daigdig ang “telebisyong satelayt” mula sa langit. Kapag wala na ang Diyos sa mga espiritu ng mga tao mayroong isang walang-lamang upuan na naiiwang bukas para sa ibang bagay, at iyan ang kung paano sinasamantala ni Satanas ang pagkakataon na makapasok. Kapag nakikipag-ugnayan ang mga tao sa Diyos sa pamamagitan ng kanilang mga puso, kaagad na natataranta si Satanas at nagmamadali upang tumakas. Sa pamamagitan ng mga pagsamo ng sangkatauhan ay ipinagkakaloob sa kanila ng Diyos ang kanilang pangangailangan, nguni’t hindi Siya “naninirahan” sa loob nila sa simula. Palagi lamang Siyang nagkakaloob sa kanila ng tulong dahil sa kanilang mga pagsamo at nakakamtan ng mga tao ang tibay mula sa kalakasang panloob kaya hindi nangangahas si Satanas na pumunta rito para “maglaro” ayon sa gusto nito. Sa ganitong paraan, kung palaging nakikipag-ugnayan ang mga tao sa Espiritu ng Diyos, hindi nangangahas si Satanas na manggambala. Nang walang panggagambala ni Satanas, normal ang mga buhay ng lahat ng mga tao at may pagkakataon ang Diyos na gumawa sa loob nila nang walang anumang mga paghadlang. Sa ganitong paraan, maisasakatuparan kung ano ang nais gawin ng Diyos sa pamamagitan ng mga tao.


—mula sa “Kabanata 17” ng Mga Pakahulugan sa mga Hiwaga ng mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao


13.(Mga Piling Talata ng Salita ng Diyos)


Tungkol sa Pagsasagawa ng Panalangin


Hindi kayo nagtutuon ng pansin sa panalangin sa inyong pang-araw-araw na buhay. Palaging nakakaligtaan ng mga tao ang panalangin. Sa kanilang mga panalangin noong nakaraan sila ay nakikisabay lang sa agos at naglalaro, at walang sinuman ang nagbigay nang lubos ng kanilang puso sa harap ng Diyos at tunay na nanalangin sa Diyos. Nananalangin lamang ang mga tao sa Diyos kapag mayroong isang bagay na nangyayari sa kanila. Sa buong panahong ito, nakapanalangin ka na ba nang tunay sa Diyos? Tumangis ka na ba kailanman sa harap ng Diyos? Nakarating ka na ba kailanman sa pagkakilala sa iyong sarili sa harap ng Diyos? Nagkaroon ka na ba kailanman ng masinsinang panalangin sa Diyos? Ang pananalangin ay unti-unting isinasagawa: Kung hindi ka karaniwang nananalangin sa bahay, hindi ka magkakaroon ng pagkakataon na makapanalangin sa iglesia, at kung hindi ka karaniwang nananalangin sa maliliit na pagtitipon, kung gayon hindi mo makakayang manalangin sa malalaking pagtitipon. Kung hindi ka karaniwang lumalapit sa Diyos o hindi nagninilay ng mga salita ng Diyos, kung gayon wala kang anumang masasabi kapag oras na ng panalangin--at kahit na manalangin ka, hindi naman tapat ang sasabihin mo, kaya’t hindi ka talaga nananalangin.

Ano ang ibig sabihin ng manalangin nang tunay? Nangangahulugan ito ng pagsasabi ng mga salita sa loob ng iyong puso sa Diyos, at pakikipagniig sa Diyos na mayroong pagkaunawa sa Kanyang kalooban at batay sa Kanyang mga salita; nangangahulugan ito ng pakiramdam na talagang malapit sa Diyos, nadaramang Siya ay nasa harap mo, at na mayroon kang isang bagay na gustong sabihin sa Kanya; at nangangahulugan ito ng pagiging talagang masigla sa loob ng iyong puso, at damdamin na ang Diyos ay sadyang kaibig-ibig. Madarama mo na ikaw ay sadyang pinukaw, at pagkatapos marinig ang iyong mga salita ang iyong mga kapatid ay malulugod, madadama nila na ang mga salita na iyong sinabi ay ang mga salita sa loob ng kanilang mga puso, mga salitang gusto nilang sabihin, at kinakatawan ng iyong sinasabi kung ano ang gusto nilang sabihin. Ito ang ibig sabihin ng nananalangin nang tunay. Pagkatapos mong manalangin nang tunay, ang iyong puso ay mapapayapa, at malulugod; ang lakas para ibigin ang Diyos ay tataas, at madadama mo na walang anumang bagay sa kabuuan ng iyong buhay ang higit na karapat-dapat o mahalaga kaysa sa pag-ibig sa Diyos—at mapapatunayan nitong lahat na ang iyong mga panalangin ay naging mabisa. Nakapanalangin ka na ba sa gayong paraan?

At ano naman ang tungkol sa nilalaman ng mga panalangin? Dapat kang manalangin, nang dahan-dahan, alinsunod sa iyong tunay na kalagayan at iyon ay gagawin ng Banal na Espiritu, at dapat kang makipagniig sa Diyos sa pagpapanatili sa kalooban ng Diyos at sa Kanyang mga kinakailangan sa tao. Kapag nagsisimula kang magsagawa ng mga panalangin, ibigay mo muna ang iyong puso sa Diyos. Huwag kang magtatangkang unawain ang kalooban ng Diyos; subukin lamang sabihin sa Diyos ang mga salita sa loob ng iyong puso. Kapag ikaw ay lalapit sa harap ng Diyos, sabihin ang ganito: “O Diyos! Sa araw lamang na ito ko natatanto na dati Kitang sinuway. Ako ay totoong tiwali at kasuklam-suklam. Noong una, sinayang ko lamang ang aking oras; magmula sa araw na ito mabubuhay ako para sa Iyo, isasabuhay ko ang isang buhay na mayroong kabuluhan, at palulugurin ang Iyong kalooban. Nais ko na ang Iyong Espiritu ay palaging gumagawa sa loob ko, at palaging paliliwanagin at liliwanagan ako, upang ako ay makakapagpatotoo nang matatag at ganap sa harap Mo, nagbibigay-daan kay Satanas na makita ang Iyong kaluwalhatian, ang Iyong patotoo, at ang katibayan ng iyong tagumpay sa loob namin.” Kapag ikaw ay nanalangin sa ganitong paraan, ang iyong puso ay ganap na mapapalaya, sa pananalangin sa ganitong paraan, ang iyong puso ay mas magiging malapit sa Diyos, at sa pamamagitan ng madalas na pananalangin sa ganitong paraan, ang Banal na Espiritu ay tiyak na gagawa sa loob mo. Kung ikaw ay palaging tumatawag sa Diyos sa ganitong paraan at ginagawa ang iyong pagpapasya sa harap ng Diyos, darating ang araw na ang iyong pagpapasya ay matatanggap sa harap ng Diyos, kapag ang iyong puso at buong pagkatao ay tatanggapin ng Diyos, at ikaw sa bandang huli ay gagawing perpekto ng Diyos. Ang panalangin ay napakahalaga para sa inyo. Kapag ikaw ay nananalangin, tinatanggap mo ang gawain ng Banal na Espiritu, ang iyong puso sa gayon ay inaantig ng Diyos, at ang lakas ng pag-ibig para sa Diyos sa loob mo ay lumalabas. Kung hindi ka mananalangin gamit ang iyong puso, kung hindi mo bubuksan ang iyong puso para makipagniig sa Diyos, kung gayon hindi magkakaroon ng paraan ang Diyos na makagawa sa loob mo. Kung, sa pananalangin, nasabi mo na ang lahat ng mga salita sa loob ng iyong puso at ang Espiritu ng Diyos ay hindi gumana, kung hindi nararamdaman na inantig ka sa loob, kung gayon ipinakikita nito na ang iyong puso ay hindi masigasig, na ang iyong mga salita ay hindi tunay, at hindi pa rin dalisay. Kung, sa pananalangin, ikaw ay nalulugod, kung gayon ang iyong mga panalangin ay natanggap na ng Diyos at ang Espiritu ng Diyos ay gumana na sa loob mo. Bilang isang tao na naglilingkod sa harap ng Diyos, hindi ka maaaring walang mga panalangin. Kung tunay mong itinuturing ang pakikibahagi sa Diyos bilang isang bagay na makahulugan at mahalaga, maaari mo bang balewalain ang panalangin? Walang sinuman ang maaaring walang pakikipagniig sa Diyos. Kung walang panalangin, nabubuhay ka sa laman, nabubuhay ka sa pagka-alipin ni Satanas; kung walang tunay na panalangin, ikaw ay nabubuhay sa ilalim ng impluwensiya ng kadiliman. Umaasa Ako na nagagawa ng mga kapatid na tunay na manalangin sa bawat araw at lahat ng araw. Ito ay hindi pagsunod sa doktrina, gayunman, ngunit isang epekto na dapat na matamo. Nakahanda ka bang ipagpaliban ang isang maigsing tulog at kaluguran, bumigkas muna ng pang-umagang mga panalangin sa bukang-liwayway at pagkatapos ay masiyahan sa mga salita ng Diyos? Kung ikaw ay mananalangin at kakain at iinom ng mga salita ng Diyos, sa ganitong paraan, gamit ang isang dalisay na puso, kung gayon lalo kang tatanggapin ng Diyos. Kung ginagawa mo araw-araw, isinasagawa ang pagbibigay ng iyong puso sa Diyos sa bawat araw at nakikipagniig sa Diyos, kung gayon ang iyong kaalaman ukol sa Diyos ay tiyak na madaragdagan, at mas mahusay mong magagawang maunawaan ang kalooban ng Diyos. Dapat mong sabihin: “O Diyos! Nais kong tuparin ang aking tungkulin. Upang mangyaring Ikaw ay maluwalhati sa amin, at mangyaring matamasa ang patotoo sa amin, ang grupo ng mga taong ito, maiaalay ko lamang ang aking buong pagkatao sa Iyo. Nakikiusap ako na gumawa Ka sa loob namin, para tunay kong maiibig at mapalugod Kita, at gawin Kang layunin na aking hinahangad.” Kung tinataglay mo ang ganitong pasanin, tiyak na gagawin kang perpekto ng Diyos; hindi ka lamang dapat manalangin para sa kapakanan ng iyong sarili, ngunit para din sa pagsasakatuparan ng kalooban ng Diyos, at para sa kapakanan ng pag-ibig sa Kanya. Ang gayon ang pinakatunay na uri ng panalangin. Nananalangin ka ba sa ikatutupad ng kalooban ng Diyos?

Noong una, hindi ninyo alam kung paano manalangin, at nakaligtaan ang panalangin; sa kasalukuyan, dapat ninyong gawin ang inyong makakaya na sanayin ang inyong mga sarili na manalangin. Kung hindi mo nagagawang tawagin ang lakas sa loob mo upang ibigin ang Diyos, kung gayon paano ka makakapanalangin? Dapat mong sabihin: “O Diyos! Ang aking puso ay walang kakayahan na ibigin Ka nang tunay, nais kong ibigin Ka ngunit wala akong lakas. Ano ang dapat kong gawin? Hinihiling ko sa Iyo na buksan ang mga mata ng aking espiritu, hinihiling ko sa Iyo na antigin ang aking puso, upang sa harap Mo mahubaran ako sa lahat ng walang kibong mga kalagayan, at di-mapipigilan ng sinumang tao, pakay, o bagay; ang aking puso ay ganap na ipinapahayag ko sa harap Mo, anupa’t ang aking buong pagkatao ay iniaalay sa harap Mo, at maaari Mo akong subukin paano Mo man ibigin. Ngayon, hindi ako magbibigay ng anumang palagay sa aking mga inaasahan, ni ako ay nakagapos sa kamatayan. Gamit ang aking puso na umiibig sa Iyo, nais kong hangarin ang daan ng buhay. Ang lahat ng bagay at pangyayari ay nasa Iyong mga kamay, ang aking kapalaran ay nasa Iyong mga kamay, at, higit sa rito, ang aking buhay ay pinamamahalaan ng Iyong mga kamay. Ngayon, hinahangad ko ang aking pag-ibig sa Iyo, at hindi alintana kung hahayaan Mo man akong Ibigin Ka, at hindi alintana kung paano man manghimasok si Satanas, determinado ako na ibigin Ka.” Kapag nakasagupa ka ng gayong mga bagay, manalangin ka sa ganitong paraan. Kung gagawin mo iyon araw-araw, ang lakas upang ibigin ang Diyos ay unti-unting tataas.


Magrekomenda nang higit pa: XI Mga Klasikong Salita tungkol Pagpasok sa Realidad ng Katotohanan


Paano pumapasok ang isang tao sa tunay na panalangin?



Habang nananalangin, ang iyong puso ay dapat payapa sa harap ng Diyos, at ito ay dapat maging tapat. Ikaw ay tunay na nakikipagniig at nananalangin sa Diyos; hindi mo dapat linlangin ang Diyos gamit ang mga salita na magandang pakinggan. Ang panalangin ay dapat nakasentro doon sa gustong maging ganap ng Diyos sa kasalukuyan. Hilingin sa Diyos na dalhan ka ng mas dakilang kaliwanagan at pagpapalinaw, at dalhin ang iyong totoong kalagayan at mga suliranin sa harap ng Diyos upang manalangin, at gumawa ng pagpapasya sa harap ng Diyos. Ang panalangin ay hindi ang pagsunod sa proseso, ngunit ang paghahangad sa Diyos gamit ang iyong tunay na puso. Hilingin sa Diyos na ingatan ang iyong puso, gawin itong madalas na nagagawang maging payapa sa harap ng Diyos, gawin kang nagagawang kilalanin ang iyong sarili, at mamuhi sa iyong sarili, at balewalain ang iyong sarili sa kapaligirang itinakda ng Diyos para sa iyo, sa gayon ay tutulutan kang magkaroon ng isang normal na ugnayan sa Diyos at gawin kang isang taong tunay na iniibig ang Diyos.


Ano ang kahalagahan ng panalangin?

Ang panalangin ay isa sa mga paraan kung saan nakikipagtulungan ang tao sa Diyos, ito ay isang paraan kung paano tinatawag ng tao ang Diyos, at ito ang proseso kung paano ang tao ay inaantig ng Espiritu ng Diyos. Maaaring sabihin na yaong mga walang panalangin ay mga patay na walang espiritu, katibayan na kulang sila ng mga kakayahan upang antigin sila ng Diyos. Kung walang panalangin, hindi nagagawa ng mga tao na magtamo ng isang normal na espirituwal na buhay, lalong hindi nila nagagawang sundin ang gawain ng Banal na Espiritu; kung walang panalangin, pinuputol nila ang kanilang ugnayan sa Diyos, at mga walang kakayahan na tanggapin ang pagsang-ayon ng Diyos. Ang pagiging isang tao na naniniwala sa Diyos, habang lalo kang nananalangin, lalong mas inaantig ka ng Diyos. Ang gayong mga tao ay mayroong mas malaking pagbabago at lalong mas nagagawang tanggapin ang pinakabagong kaliwanagan mula sa Diyos; bilang resulta, ang mga taong kagaya lamang nito ang maaaring gawing perpekto sa lalong madaling panahon ng Banal na Espiritu.


Ano ang epekto na nakakamtan sa pamamagitan ng panalangin?

Nagagawa ng mga tao na ipatupad ang pagsasagawa ng panalangin at maunawaan ang kahalagahan ng panalangin, ngunit ang epekto na natatamo sa pamamagitan ng panalangin ay hindi magaan na bagay. Ang panalangin ay hindi isang kaso ng pagdaan sa mga pormalidad, o pagsunod sa proseso, o pagbigkas sa mga salita ng Diyos, na ang ibig sabihin, ang panalangin ay hindi nangangahulugan ng basta na lamang pagsasalita at panggagaya sa iba. Sa panalangin, dapat mong ibigay ang iyong puso sa Diyos, ibinabahagi sa Diyos ang mga salita sa iyong puso upang mangyaring antigin ka ng Diyos. Kung magiging mabisa ang iyong mga panalangin, kung gayon ang mga ito ay dapat nakabatay sa iyong pagbabasa sa mga salita ng Diyos. Sa pamamagitan lamang ng pananalangin sa gitna ng mga salita ng Diyos magagawa mong matanggap ang higit pang kaliwanagan at pagpapalinaw. Ang isang tunay na panalangin ay ipinakikita sa pagkakaroon ng isang pusong nasasabik para sa mga kinakailangan na ginawa ng Diyos, at sa pagiging handa na tuparin ang mga kinakailangang ito; magagawa mong kasuklaman ang lahat ng kinasusuklaman ng Diyos, sa batayang ito magkakaroon ka ng kaalaman, at malalaman at maliliwanagan tungkol sa mga katotohanang ipinaliwanag ng Diyos. Sa pagkakaroon ng pagpapasya, at pananampalataya, at kaalaman, at isang landas na isasagawa pagkatapos manalangin—ito lamang ang tunay na pananalangin, at ang panalangin lamang na kagaya nito ang maaaring maging mabisa. Ngunit ang panalangin ay dapat maitatag sa saligan ng pagtatamasa sa mga salita ng Diyos at pakikipagniig sa Diyos sa Kanyang mga salita, nagagawa ng iyong puso na hangarin ang Diyos at maging payapa sa harap ng Diyos. Ang gayong panalangin ay nakarating na sa punto ng tunay na pakikipagniig sa Diyos.


Ang pangunahing kaalaman tungkol sa pananalangin:XI Mga Klasikong Salita tungkol Pagpasok sa Realidad ng Katotohanan

______________________________

Malaman ang higit pa: Ang tamang paraan ng panalangin ay makatutulong sayo na agad makakuha ng tugon mula sa Diyos. Basahin itong napiling mga artikulo tungkol sa panalangin. Alamin kung paano ang tamang pananalangin sa Diyos nang matamo ang papuri ng  Diyos.




Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Tungkol sa Pagsasagawa ng Panalangin

2020-03-24 10:15:04 | Salita ng Diyos



Tungkol sa Pagsasagawa ng Panalangin

Hindi kayo nagtutuon ng pansin sa panalangin sa inyong pang-araw-araw na buhay. Palaging nakakaligtaan ng mga tao ang panalangin. Sa kanilang mga panalangin noong nakaraan sila ay nakikisabay lang sa agos at naglalaro, at walang sinuman ang nagbigay nang lubos ng kanilang puso sa harap ng Diyos at tunay na nanalangin sa Diyos. Nananalangin lamang ang mga tao sa Diyos kapag mayroong isang bagay na nangyayari sa kanila. Sa buong panahong ito, nakapanalangin ka na ba nang tunay sa Diyos? Tumangis ka na ba kailanman sa harap ng Diyos? Nakarating ka na ba kailanman sa pagkakilala sa iyong sarili sa harap ng Diyos? Nagkaroon ka na ba kailanman ng masinsinang panalangin sa Diyos? Ang pananalangin ay unti-unting isinasagawa: Kung hindi ka karaniwang nananalangin sa bahay, hindi ka magkakaroon ng pagkakataon na makapanalangin sa iglesia, at kung hindi ka karaniwang nananalangin sa maliliit na pagtitipon, kung gayon hindi mo makakayang manalangin sa malalaking pagtitipon. Kung hindi ka karaniwang lumalapit sa Diyos o hindi nagninilay ng mga salita ng Diyos, kung gayon wala kang anumang masasabi kapag oras na ng panalangin–at kahit na manalangin ka, hindi naman tapat ang sasabihin mo, kaya’t hindi ka talaga nananalangin.

Ano ang ibig sabihin ng manalangin nang tunay? Nangangahulugan ito ng pagsasabi ng mga salita sa loob ng iyong puso sa Diyos, at pakikipagniig sa Diyos na mayroong pagkaunawa sa Kanyang kalooban at batay sa Kanyang mga salita; nangangahulugan ito ng pakiramdam na talagang malapit sa Diyos, nadaramang Siya ay nasa harap mo, at na mayroon kang isang bagay na gustong sabihin sa Kanya; at nangangahulugan ito ng pagiging talagang masigla sa loob ng iyong puso, at damdamin na ang Diyos ay sadyang kaibig-ibig. Madarama mo na ikaw ay sadyang pinukaw, at pagkatapos marinig ang iyong mga salita ang iyong mga kapatid ay malulugod, madadama nila na ang mga salita na iyong sinabi ay ang mga salita sa loob ng kanilang mga puso, mga salitang gusto nilang sabihin, at kinakatawan ng iyong sinasabi kung ano ang gusto nilang sabihin. Ito ang ibig sabihin ng nananalangin nang tunay. Pagkatapos mong manalangin nang tunay, ang iyong puso ay mapapayapa, at malulugod; ang lakas para ibigin ang Diyos ay tataas, at madadama mo na walang anumang bagay sa kabuuan ng iyong buhay ang higit na karapat-dapat o mahalaga kaysa sa pag-ibig sa Diyos—at mapatutunayan nitong lahat na ang iyong mga panalangin ay naging mabisa. Nakapanalangin ka na ba sa gayong paraan?

At ano naman ang tungkol sa nilalaman ng mga panalangin? Dapat kang manalangin, nang dahan-dahan, alinsunod sa iyong tunay na kalagayan at iyon ay gagawin ng Banal na Espiritu, at dapat kang makipagniig sa Diyos sa pagpapanatili sa kalooban ng Diyos at sa Kanyang mga kinakailangan sa tao. Kapag nagsisimula kang magsagawa ng mga panalangin, ibigay mo muna ang iyong puso sa Diyos. Huwag kang magtatangkang unawain ang kalooban ng Diyos; subukin lamang sabihin sa Diyos ang mga salita sa loob ng iyong puso. Kapag ikaw ay lalapit sa harap ng Diyos, sabihin ang ganito: “O Diyos! Sa araw lamang na ito ko natatanto na dati Kitang sinuway. Ako ay totoong tiwali at kasuklam-suklam. Noong una, sinayang ko lamang ang aking oras; magmula sa araw na ito mabubuhay ako para sa Iyo, isasabuhay ko ang isang buhay na mayroong kabuluhan, at palulugurin ang Iyong kalooban. Nais ko na ang Iyong Espiritu ay palaging gumagawa sa loob ko, at palaging paliliwanagin at liliwanagan ako, upang ako ay makakapagpatotoo nang matatag at ganap sa harap Mo, nagbibigay-daan kay Satanas na makita ang Iyong kaluwalhatian, ang Iyong patotoo, at ang katibayan ng iyong tagumpay sa loob namin.” Kapag ikaw ay nanalangin sa ganitong paraan, ang iyong puso ay ganap na mapalalaya, sa pananalangin sa ganitong paraan, ang iyong puso ay mas magiging malapit sa Diyos, at sa pamamagitan ng madalas na pananalangin sa ganitong paraan, ang Banal na Espiritu ay tiyak na gagawa sa loob mo. Kung ikaw ay palaging tumatawag sa Diyos sa ganitong paraan at ginagawa ang iyong pagpapasya sa harap ng Diyos, darating ang araw na ang iyong pagpapasya ay matatanggap sa harap ng Diyos, kapag ang iyong puso at buong pagkatao ay tatanggapin ng Diyos, at ikaw sa bandang huli ay gagawing perpekto ng Diyos. Ang panalangin ay napakahalaga para sa inyo. Kapag ikaw ay nananalangin, tinatanggap mo ang gawain ng Banal na Espiritu, ang iyong puso sa gayon ay inaantig ng Diyos, at ang lakas ng pag-ibig para sa Diyos sa loob mo ay lumalabas. Kung hindi ka mananalangin gamit ang iyong puso, kung hindi mo bubuksan ang iyong puso para makipagniig sa Diyos, kung gayon hindi magkakaroon ng paraan ang Diyos na makagawa sa loob mo. Kung, sa pananalangin, nasabi mo na ang lahat ng mga salita sa loob ng iyong puso at ang Espiritu ng Diyos ay hindi gumana, kung hindi nararamdaman na inantig ka sa loob, kung gayon ipinakikita nito na ang iyong puso ay hindi masigasig, na ang iyong mga salita ay hindi tunay, at hindi pa rin dalisay. Kung, sa pananalangin, ikaw ay nalulugod, kung gayon ang iyong mga panalangin ay natanggap na ng Diyos at ang Espiritu ng Diyos ay gumana na sa loob mo. Bilang isang tao na naglilingkod sa harap ng Diyos, hindi ka maaaring walang mga panalangin. Kung tunay mong itinuturing ang pakikibahagi sa Diyos bilang isang bagay na makahulugan at mahalaga, maaari mo bang balewalain ang panalangin? Walang sinuman ang maaaring walang pakikipagniig sa Diyos. Kung walang panalangin, nabubuhay ka sa laman, nabubuhay ka sa pagka-alipin ni Satanas; kung walang tunay na panalangin, ikaw ay nabubuhay sa ilalim ng impluwensiya ng kadiliman. Umaasa Ako na nagagawa ng mga kapatid na tunay na manalangin sa bawat araw at lahat ng araw. Ito ay hindi pagsunod sa doktrina, gayunman, ngunit isang epekto na dapat na matamo. Nakahanda ka bang ipagpaliban ang isang maigsing tulog at kaluguran, bumigkas muna ng pang-umagang mga panalangin sa bukang-liwayway at pagkatapos ay masiyahan sa mga salita ng Diyos? Kung ikaw ay mananalangin at kakain at iinom ng mga salita ng Diyos, sa ganitong paraan, gamit ang isang dalisay na puso, kung gayon lalo kang tatanggapin ng Diyos. Kung ginagawa mo araw-araw, isinasagawa ang pagbibigay ng iyong puso sa Diyos sa bawat araw at nakikipagniig sa Diyos, kung gayon ang iyong kaalaman ukol sa Diyos ay tiyak na madaragdagan, at mas mahusay mong magagawang maunawaan ang kalooban ng Diyos. Dapat mong sabihin: “O Diyos! Nais kong tuparin ang aking tungkulin. Upang mangyaring Ikaw ay maluwalhati sa amin, at mangyaring matamasa ang patotoo sa amin, ang grupo ng mga taong ito, maiaalay ko lamang ang aking buong pagkatao sa Iyo. Nakikiusap ako na gumawa Ka sa loob namin, para tunay kong maiibig at mapalugod Kita, at gawin Kang layunin na aking hinahangad.” Kung tinataglay mo ang ganitong pasanin, tiyak na gagawin kang perpekto ng Diyos; hindi ka lamang dapat manalangin para sa kapakanan ng iyong sarili, ngunit para din sa pagsasakatuparan ng kalooban ng Diyos, at para sa kapakanan ng pag-ibig sa Kanya. Ang gayon ang pinakatunay na uri ng panalangin. Nananalangin ka ba sa ikatutupad ng kalooban ng Diyos?


______________________________________

Ang tamang paraan ng panalangin ay makatutulong sayo na agad makakuha ng tugon mula sa Diyos. Basahin itong napiling mga artikulo tungkol sa panalangin. Alamin kung paano ang tamang pananalangin sa Diyos nang matamo ang papuri ng  Diyos.

Pagtanggap sa Cristo ng mga Huling Araw at Pagkadala sa Kaharian ng Langit

2020-03-23 16:46:36 | Salita ng Diyos





Tagalog Christian Movie | “Paggising Mula sa Panaginip” (Clip 4/4) Pagtanggap sa Cristo ng mga Huling Araw at Pagkadala sa Kaharian ng Langit



Kung naniniwala lang tayo sa Panginoong Jesus, at humagawak sa daan ng Panginoong Jesus, pero hindi tinatanggap ang gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, pa’no natin makakamit ang paglilinis at makakapasok sa kaharian ng langit? Nais mo bang maging isang matalinong birhen na kayang sumabay sa mga yabag ng Diyos upang makamit ang mga biyaya sa kaharian ng langit? Mangyaring panoorin ang pelikulang ito.

Pinagmumulan:  https://tl.vangelodioggi.org/pagtanggap-Cristo-ng-mga-huling-araw.html 

——————————————————————


 Ano ang rapture? Ira-rapture ba tayo ng Panginoon sa hangin kapag Siya ay bumalik? Sa pamamagitan ng pagsasaliksik, kanya nang naunawaan ang mga kasagutan at na-rapture sa harapan ng Panginoon.






Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Pagkabuhay na Mag-uli

2020-03-08 20:35:02 | Salita ng Diyos
Ang mga Salita ng Panginoong Jesus sa Kanyang mga Disipulo Pagkatapos ng Kanyang Pagkabuhay na Mag-uli


Jn 20:26–29 At pagkaraan ng walong araw ay muling nasa loob ng bahay ang Kaniyang mga alagad, at kasama nila si Tomas. Dumating si Jesus, nang nangapipinid ang mga pinto, at tumayo sa gitna, at sinabi, Kapayapaan ang sumainyo. Nang magkagayo’y sinabi Niya kay Tomas, idaiti mo rito ang iyong daliri, at tingnan mo ang Aking mga kamay; at idaiti mo rito ang iyong kamay, at isuot mo siya sa Aking tagiliran: at huwag kang di mapanampalatayahin, kundi mapanampalatayahin. Sumagot si Tomas, at sa Kaniya’y sinabi, Panginoon ko at Dios ko. Sinabi sa kaniya ni Jesus, Sapagka’t Ako’y nakita mo ay sumampalataya ka: mapapalad yaong hindi nangakakita, at gayunma’y nagsisampalataya.


Jn 21:16–17 Sinabi Niya muli sa kanya sa ikalawang beses, Simon anak ni Juan, Iniibig mo baga Ako? Sinabi niya sa Kaniya, Oo, Panginoon; nalalaman mo na kita’y iniibig. Sinabi Niya sa kaniya, Alagaan mo ang Aking mga tupa. Sinabi Niya sa kaniya sa ikatlong beses, Simon, anak ni Juan, Iniibig mo baga Ako? Nalumbay si Pedro sapagka’t sa kaniya’y sinabi nang ikatlong beses, Iniibig mo baga Ako? At sinabi niya sa Kaniya, Panginoon, nalalaman Mo ang lahat ng mga bagay; nalalaman Mo na kita’y iniibig. Sinabi sa kaniya ni Jesus, Pakanin Mo ang aking mga tupa.


Ang ikinukuwento ng mga siping ito ay ilang bagay na ginawa at sinabi ng Panginoong Jesus sa Kanyang mga disipulo pagkatapos ng Kanyang pagkabuhay na mag-uli. Una, tingnan natin ang anumang mga pagkakaiba sa pagitan ng bago at pagkatapos ng pagkabuhay na mag-uli ng Panginoong Jesus. Siya pa rin ba ang dating Panginoong Jesus sa mga nakaraang mga araw? Nilalaman ng kasulatan ang mga sumusunod na linya na inilalarawan ang Panginoong Jesus pagkatapos ng pagkabuhay na mag-uli: “Dumating si Jesus, nang nangapipinid ang mga pinto, at tumayo sa gitna, at sinabi, Kapayapaan ang sumainyo.” Masyadong malinaw na ang Panginoong Jesus sa panahong iyon ay hindi na isang laman, ngunit isang espirituwal na katawan. Ito ay dahil nahigitan na Niya ang mga limitasyon ng laman, at nang ang pinto ay isinara makakarating pa rin Siya sa kalagitnaan ng mga tao at hinayaan silang makita Siya. Ito ang pinakamalaking pagkakaiba sa pagitan ng Panginoong Jesus pagkatapos ng pagkabuhay na mag-uli at ang Panginoong Jesus na nabubuhay sa katawang-tao bago ang pagkabuhay na mag-uli. Bagamat walang pagkakaiba sa pagitan ng kaanyuan ng espirituwal na katawan sa sandaling iyon at ang kaanyuan ng Panginoong Jesus mula sa dati, si Jesus nang sandaling iyon ay naging isang Jesus na nakadama na parang isang estranghero sa mga tao, sapagkat Siya ay naging espirituwal na katawan pagkatapos mabuhay na mag-uli mula sa mga patay, at kung ihahambing sa Kanyang nagdaang laman, ang espirituwal na katawang ito ay lalong palaisipan at nakalilito para sa mga tao. Lumikha din ito ng higit na agwat sa pagitan ng Panginoong Jesus at ng mga tao, at naramdaman ng mga tao sa kanilang mga puso na ang Panginoong Jesus sa sandaling iyon ay naging higit na misteryoso. Ang mga pagkaunawa at damdaming ito sa bahagi ng mga tao ay biglang nagdala sa kanila pabalik sa isang kapanahunan ng paniniwala sa isang Diyos na hindi maaaring makita o mahawakan. Kaya, ang unang bagay na ginawa ng Panginoong Jesus pagkatapos ng Kanyang muling pagkabuhay ay upang tulutan ang lahat na makita Siya, upang matiyak na Siya ay umiiral, at upang matiyak ang katotohanan ng Kanyang muling pagkabuhay. Bukod dito, pinanumbalik nito ang Kanyang kaugnayan sa mga tao sa kaugnayang mayroon Siya sa kanila nang Siya ay gumagawa pa sa katawang-tao, at Siya ang Cristo na magagawa nilang makita at mahipo. Sa ganitong paraan, ang isang kalalabasan ay na ang mga tao ay walang pagdududa na ang Panginoong Jesus ay nabuhay mag-uli mula sa mga patay pagkatapos mapako sa krus, at walang pagdududa sa gawain ng Panginoong Jesus na tubusin ang sangkatauhan. At ang isa pang kalalabasan ay ang katotohanan ng pagpapakita ng Panginoong Jesus sa mga tao pagkatapos ng Kanyang muling pagkabuhay at pagtulot sa mga tao na makita at mahipo Siya ay tiniyak ang katiwasayan ng sangkatauhan sa Kapanahunan ng Biyaya. Mula sa oras na ito, ang mga tao ay hindi na makakabalik sa nakaraang kapanahunan, ang Kapanahunan ng Kautusan, dahil sa “pagkawala” o “paglayo” ng Panginoong Jesus, ngunit sila ay magpapatuloy pasulong, susundin ang mga turo ng Panginoong Jesus at ang gawain na Kanyang ginawa. Kaya, isang bagong yugto sa gawain sa Kapanahunan ng Biyaya ang pormal na binuksan, at ang mga tao na nasa ilalim ng kautusan ay pormal na lumabas mula sa kautusan mula noon, at pumasok sa isang bagong panahon, na may isang bagong pasimula. Ito ang sari-saring mga kahulugan ng pagpapakita ng Panginoong Jesus sa sangkatauhan pagkatapos ng muling pagkabuhay.

————————————————————————

Higit pang pansin: muling pagkabuhay ni Jesus


Mga patotoo't karanasan ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Pag-ibig ng Diyos

2020-03-07 10:13:37 | Salita ng Diyos



Ang Pag-ibig ng Diyos ay ang Pinakatunay

Wenzhong, Beijing


Noong gabi ng Hulyo 21, 2012, nagkaroon ng malaking baha sa amin na hindi karaniwang nangyayari. Nais kong ipahayag sa lahat ng nauuhaw sa Diyos ang aking talagang naranasan at nakita nang araw na iyon.

Nang araw na inasikaso naming mag-asawa ang bakuran ng kamalig ng aking kapatid na babae. Kinagabihan, patuloy na bumuhos ang napakalakas na ulan at natulog kami nang maaga. Pagpatak ng alas tres kwarenta’y singko ng madaling araw ay ginising kami ng tawag ng aking bayaw na nagsasabing, “Bubuksan nila ang prinsa! Lahat ay babahain! Kailangan nating agad na lumikas!” Nang marinig ko ito ay natulos ako at ang naibulong ko lamang sa Diyos sa kaibuturan ng aking puso ay ang mga katagang, “Diyos ko! Diyos ko!” Ang tanging naisip kong isalba ay ang elektronikong scooter at MP5 player at TF card na ginagamit ko upang makinig ng mga himno at sermon. Bagama’t lito at matindi ang takot ay pumunta ako sa garahe upang itulak palabas ang elektronikong scooter at pinatakbo pauwi ng bahay upang masiguro ko ang kalagayan ng aking mga aklat ukol sa mga salita ng Diyos at ako ay nag-aalala rin sa kalagayan ng aking biyenan at mga anak. Nagmaneho ako sa kahabaan ng pangunahing kalsada subalit dahil hindi ako makakita nang mabuti sa gitna ng malakas na ulan, nabangga ko ang isang tipak ng aspalto na inanod ng malaking baha at ako ay tumilapon kasama ang aking scooter sa tubig. Taimtim akong nanalangin, “O Diyos, ito po ay batay sa Iyong katuwiran kung ako ay maanod ng baha ngayon. Iligtas Mo ako at gagawin ko ang aking tungkulin nang mabuti simula ngayon!” Ang kabiyak ng aking sapatos ay naanod na ng baha kaya minabuti kong magtungo sa pangunahing kalsada. Subalit nanghina ako sa aking nakita; ang kabilang kalsada ay nakabakod at hindi ako makaliban. Nahulog muli ako sa tubig at ang kabilang sapatos ko ay inanod na rin. Tumaas na ang baha sa aking hita at wala akong magawa kundi subukang makaliban sa ikatlong pagkakataon habang tahimik na nananalangin. Sa pagkakataong iyon, tatlong mag-anak ang lumitaw mula sa isa sa ilang kulungan ng baboy at nabuhayan ako ng loob sa pasasalamat sa Diyos. Sumabay ako sa kanila at nagsimulang tunguhin ang pangunahing kalsada nang biglang dumating ang aking asawa. Gumamit siya ng drill upang makagawa ng butas sa kawad na bakod at ako ang unang nakaliban sa pangunahing lansangan nang nakayapak. Sa timog ay may kurba ng ilog na dumadaloy pahilaga, at sa hilaga ang pangunahing daan ay lubog sa tubig na dumadaloy patimog, kaya kami ay naipit sa gitna at wala kaming magagawa kundi baybayin ang patungong pangunahing kalsada.

Nang ako ay nakarating sa pangunahing kalsada at tumingin sa ibaba, nanghina ako sa aking namalas. Hindi kalayuan sa aming kinatatayuan ay isang planta ng bakal; isang riles na may lawak na dalawa o higit pang metro ang naghihiwalay sa kinatatayuan namin mula sa pader na nakapalibot sa planta. Ang tubig sa loob ng pader ay higit sa isang metro ang lalim, maging ang mga bahay na gawa sa bakal ay naanod. Ngayon ay muli akong nanalangin, “O Diyos, salamat sa pagliligtas sa akin. Dahil sa aking kasakiman sa kayamanan kaya hindi ako nakinig sa mga salita ng Diyos, at naging matigas ang ulo. Ako’y nagkasala!” Kung ang tubig baha ay bumulwak sa hilagang bahagi, maaaring natangay na kami nito bandang alas dos ng madaling araw pa lamang. Subalit ito’y bumulwak sa ibabang pader sa bahaging timog at inilubog ang mga babuyan sa ilalim nito. Sa panahong ito, nakita ko talaga ang pagka-makapangyarihan ng Diyos. Sa mga nananalig sa Kanya, kahit kasakunaan ay lilihis.

Humimpil kami sa lagusan ng pangunahing kalsada sa loob ng humigit kumulang tatlong oras bago kami nakalabas at umuwi. Nang ako’y makarating sa aming tahanan at binuksan ang aking dalahin, himalang ni ang aking MP5 player o ang TF card ay hindi nabasa. Nang nahulog ang aking elektronikong scooter sa tubig ay nahulog din ang aking dalahin; ang charger ng aking scooter at iba pang gamit ay nabasa. Tanging ang MP5 player at TF card lamang ang hindi nasira. Namalas ko ang mga mahimalang gawa ng Diyos.

Nang ako ay bumalik sa bakuran ng kamalig, nagulat ako sa aking nakita. Ang bakuran ng kamalig ay nabasa lamang ng ulan ng nagdaang gabi; hindi gaanong karaming tubig ang nakapasok dito. May tubig sa mga mais sa harapan at malalim ang tubig sa likuran, subalit wala halos tubig sa bakuran ng kamalig: isinalba ito ng Diyos.

Nang dahil sa bahang ito ang aking puso ay higit na napayapa at ngayo’y alam ko na ang higit na mahalaga. Madalas na sinasabi ng mga tao na ang pera ang pinakamahalaga subalit sa pagbagsak ng kasakunaan, hindi ako maililigtas ng pera; ang Diyos ang aking tunay na Panginoon. Hindi ko na hahanapin ang pera, lilisanin ko ang bakuran ng kamalig at magtatalaga sa gawaing pag-eebanghelyo. Nang araw na iyon ay lumabas ako upang mangaral sa aking tiyahin, ina at hipag. Nakinig sila sa aking naranasan at tinanggap ito. Sa nakaraan, inusig ako ng aking ina at hipag nang dahil sa aking pananampalataya sa Diyos; nakapangaral ako sa kanila sa loob ng apat na taon subalit hindi sila nanalig. Sa sandaling iyon ay namalas ko nang mas malinaw ang pagka-makapangyarihan ng Diyos. Dati-rati’y inuusig din ako ng aking asawa nguni’t ngayon ay hindi na, at ipinapangaral ko ang ebanghelyo sa kanya. Noon, hindi ko magawang makapangaral, ni hindi ako makapagsalita. Nang dahil sa karanasang ito hindi na ako natatakot; Handa akong ipangaral ang aking karanasan at magpatotoo. Yamang nakita at naranasan ko ang pagliligtas ng Diyos at ang Kanyang pinaka-tunay at totoong pag-ibig sa harap ng kasakunaan, paanong hindi ako makasasaksi para sa Kanya?
——————————————————————
Bakit pinahihintulutan ng Diyos na dumating sa atin ang mga pagsubok ng buhay? Basahin ang mga kwentong ito kung paano nakakaranas ang mga Kristiyano ng mga pagsubok sa buhay at malalaman mo kung paano umasa sa Diyos sa mga pagsubok.