Makapangyarihang Diyos ay Ating Tagapagligtas

Makapangyarihang Diyos-Ang Pagbabalik ng Panginoong Jesus

Ang Tao ay Maliligtas Lamang sa Gitna ng Pamamahala ng Diyos

2020-06-09 09:11:40 | Salita ng Diyos
Bawat isa ay nakadarama na ang pamamahala ng Diyos ay kakaiba, dahil sa palagay ng tao na ang pamamahala ng Diyos ay ganap na walang kaugnayan sa tao. Palagay nila ang pamamahalang ito ay gawain lamang ng Diyos nang mag-isa, ang sariling tungkulin ng Diyos, at sa gayon ang sangkatauhan ay walang malasakit sa pamamahala ng Diyos. Sa ganitong paraan, ang kaligtasan ng sangkatauhan ay naging malabo na at hindi malinaw, at ngayon ay walang iba kundi walang-lamang retorika. Kahit na sumusunod ang tao sa Diyos upang maligtas at makapasok sa magandang hantungan, ang tao ay walang pag-aalala para sa kung paano isinasakatuparan ng Diyos ang Kanyang gawain. Ang tao ay walang pagpapahalaga sa kung ano ang mga plano ng Diyos na gawin at sa bahaging dapat niyang gampanan upang maligtas. Gaano kalunus-lunos iyan! Ang pagliligtas sa tao ay hindi maihihiwalay sa pamamahala ng Diyos, mas lalong hindi ito maaaring ihiwalay mula sa plano ng Diyos. Gayunman hindi iniisip ng tao ang pamamahala ng Diyos, at sa gayon ay mas lalong lumalayo sa Diyos. Dahil dito, ang dumadaming bilang ng mga tao ay nagiging mga tagasunod ng Diyos na hindi alam ang mga bagay na may malapit na kaugnayan sa pagliligtas sa tao tulad ng kung ano ang paglikha, kung ano ang paniniwala sa Diyos, kung paano sumamba sa Diyos, at iba pa. Sa puntong ito, kung gayon, kailangan nating magkaroon ng pagtalakay tungkol sa pamamahala ng Diyos, upang maaaring malinaw na malaman ng bawat tagasunod ang kahalagahan ng pagsunod sa Diyos at paniniwala sa Kanya. Makakaya rin nilang pumili ng landas na dapat nilang lakaran nang mas tumpak, sa halip ng pagsunod lamang sa Diyos upang makakuha ng mga biyaya, o maiwasan ang sakuna, o maging matagumpay.

Kahit na ang pamamahala ng Diyos ay maaaring mukhang malalim sa tao, ito ay kayang maunawaan ng tao, dahil ang lahat ng gawain ng Diyos ay konektado sa Kanyang pamamahala, may kaugnayan sa gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan, at patungkol sa buhay, pamumuhay, at hantungan ng sangkatauhan. Ang gawaing ginagawa ng Diyos sa gitna ng tao at sa tao ay, maaari itong sabihing, napaka-praktikal at makahulugan. Maaari itong makita ng tao, maranasan ng tao, at malayo sa teorya lamang. Kung hindi kayang matanggap ng tao ang lahat ng gawaing ginagawa ng Diyos, kung gayon ano ang kabuluhan ng gawaing ito? At paanong ang nasabing pamamahala ay mahahantong sa kaligtasan ng tao? Marami sa mga taong sumusunod sa Diyos ay may pakialam lamang sa kung paano makatamo ng mga pagpapala o umiwas sa mga sakuna. Sa sandaling nababanggit ang gawain at pamamahala ng Diyos, sila ay tumatahimik at nawawalan ng lahat ng interes. Sila ay naniniwala na ang pagkaalam sa gayong kahihirap na katanungan ay hindi magpapalago ng kanilang buhay o magiging anumang pakinabang, kaya’t kahit na mayroon silang narinig na mga mensahe tungkol sa pamamahala ng Diyos, itinuturing nila ang mga iyong pangkaraniwan. At hindi nila nakikita ang mga iyon bilang isang bagay na mahalagang matanggap, mas lalong hindi nila tinatanggap ang mga iyon bilang bahagi ng kanilang mga buhay. Ang ganoong mga tao ay may isang napaka-payak na layunin sa pagsunod sa Diyos: upang makakuha ng pagpapala, at sila ay lubhang tamad mag-asikaso ng anumang bagay na hindi kinapapalooban ng layuning ito. Para sa kanila, ang paniniwala sa Diyos upang makatamo ng mga pagpapala ay ang pinaka-lehitimo sa mga layunin at ang mismong kabuluhan ng kanilang pananampalataya. Sila ay hindi nababagabag ng anumang bagay na hindi magkakamit ng layuning ito. Ganyan ang kalagayan ng karamihan sa mga naniniwala sa Diyos ngayon. Ang kanilang layunin at adhikain ay mukhang totoo, dahil kasabay ng paniniwala sa Diyos, sila ay gumugugol din para sa Diyos, iniaalay ang kanilang mga sarili sa Diyos, at ginagampanan ang kanilang tungkulin. Isinuko nila ang kanilang kabataan, tinalikuran ang pamilya at karera, at gumugol pa ng ilang taon na nag-aabalang malayo sa tahanan. Para sa kapakanan ng kanilang sukdulang layunin, binabago nila ang kanilang mga interes, binabago ang kanilang pananaw sa buhay, at binabago pa ang direksyong kanilang hinahanap, nguni’t hindi nila mababago ang layunin ng kanilang paniniwala sa Diyos. Nag-aabala sila para sa pamamahala ng kanilang sariling mga mithiin; gaano man kalayo ang daan, at gaano man karaming mga paghihirap at balakid ang naroon sa daraanan, nananatili silang nasa panig ng kanilang mga layunin at nananatiling walang takot sa kamatayan. Anong kapangyarihan ang nagsasanhi sa kanilang patuloy na ialay ang kanilang mga sarili sa ganitong paraan? Ito ba ay ang kanilang konsensya? Ito ba ay ang kanilang dakila at marangal na katangian? Ito ba ay ang kanilang matibay na kapasiyahang makipaglaban sa mga puwersa ng kasamaan hanggang sa katapus-tapusan? Ito ba ay ang kanilang pananampalataya kung saan sila ay nagpapatotoo sa Diyos nang hindi naghahanap ng kabayaran? Iyon ba ay ang kanilang katapatan kung saan handa silang isuko ang lahat upang makamit ang kalooban ng Diyos? O ito ba ay ang kanilang espiritu ng pamamanata kung saan palagi nilang isinasakripisyo ang pansariling maluhong mga pangangailangan? Para sa mga tao na hindi kailanman nakilala ang gawain ng pamamahala ng Diyos na magbigay nang ganoong kalaki ay, sa payak na pananalita, isang nakamamanghang himala! Para sa ngayon, huwag nating talakayin kung gaano kalaki ang naibigay ng mga taong ito. Ang kanilang pag-uugali, gayunpaman, ay lubos na karapat-dapat sa ating pagsusuri. Bukod sa mga pakinabang na malápít na nakaugnay sa kanila, mayroon bang maaaring ibang dahilan para sa mga taong ito na hindi kailanman nauunawaan ang Diyos na magbigay nang napakalaki sa Kanya? Dito, natutuklasan natin ang isang dating hindi-natukoy na problema: Ang relasyon ng tao sa Diyos ay isang hubad na pansariling interes lamang. Ito ay ang relasyon sa pagitan ng tagatanggap at tagabigay ng mga pagpapala. Upang maging malinaw, ito ay tulad ng relasyon sa pagitan ng manggagawa at amo. Ang manggagawa ay gumagawa lamang upang tumanggap ng mga gantimpala na ipinagkaloob ng amo. Sa isang relasyong tulad nito, walang pagmamahal, isang kasunduan lamang; walang pagmamahal at minamahal, kawanggawa at awa lamang; walang pag-unawa, pagbibitiw at panlilinlang lamang; walang pagpapalagayang-loob, isa lamang look na hindi maaaring mapagdugtong. Kapag ang mga bagay-bagay ay umaabot sa puntong ito, sino ang makakayang baliktarin ang ganoong kalakaran? At gaano karaming mga tao ang may kakayahang tunay na maunawaan kung gaano naging desperado ang relasyong ito? Naniniwala Ako na kapag ang mga tao ay inilubog ang kanilang mga sarili sa kagalakan ng pagiging pinagpala, walang sinuman ang nakakagunita kung gaano kahiya-hiya at hindi magandang tingnan ang ganoong relasyon sa Diyos.

Ang pinakamalungkot na bagay tungkol sa paniniwala ng sangkatauhan sa Diyos ay na ang tao ay nagsasagawa ng kanyang sariling pamamahala sa gitna ng gawain ng Diyos at walang pagsasaalang-alang sa pamamahala ng Diyos. Ang pinakamalaking kabiguan ng tao ay naroon sa kung paanong, kasabay ng paghahangad na magpasakop sa Diyos at sumamba sa Kanya, ang tao ay bumubuo ng kanyang sariling minimithing hantungan at tinutuos kung paano makatanggap ng pinakamalaking pagpapala at ng pinakamagandang hantungan. Kahit na nauunawaan ng mga tao kung gaano sila kahabag-habag, kasuklam-suklam, at kaawa-awa, gaano ba karami ang maaaring handang talikuran ang kanilang mga mithiin at mga inaasam? At sino ang nakapagpapahinto sa kanilang sariling mga hakbang at ihinto ang pag-iisip lamang sa kanilang mga sarili? Kailangan ng Diyos yaong mga makikipagtulungan nang mabuti sa Kanya upang tapusin ang Kanyang pamamahala. Kinakailangan Niya ang mga maglalaan ng kanilang isipan at katawan sa gawain ng Kanyang pamamahala upang magpasakop sa Kanya; hindi Niya kailangan ang mga taong mag-uunat ng kanilang mga kamay at mamamalimos sa Kanya araw-araw, mas lalo nang hindi Niya kailangan yaong mga nagbibigay nang kaunti at pagkatapos ay naghihintay ng kabayaran sa pabor. Kinamumuhian ng Diyos ang mga taong gumagawa ng maliit na kontribusyon at pagkatapos ay namamahinga na sa kanilang mga katagumpayan. Kinamumuhian Niya yaong mga taong walang-pakialam na umaayaw sa gawain ng Kanyang pamamahala at nais lamang na pag-usapan ang tungkol sa pagtungo sa langit at pagkamit ng mga pagpapala. Siya ay may higit pang pagka-suklam sa mga nagsasamantala sa pagkakataong dinadala ng gawaing Kanyang ginagawa sa pagliligtas sa sangkatauhan. Iyon ay dahil ang mga taong ito ay hindi kailanman nagmalasakit sa kung ano ang mga nais na makamit ng Diyos at makamtan gamit ang gawain ng Kanyang pamamahala. Sila ay may pakialam lamang sa kung paano nila maaaring gamitin ang pagkakataong ibinigay ng gawain ng Diyos upang makatamo ng mga pagpapala. Sila ay walang pagkalinga sa puso ng Diyos, bilang ganap na abálá sa kanilang sariling hinaharap at kapalaran. Yaong mga umaayaw sa gawain ng pamamahala ng Diyos at wala man lamang kahit kaunting interes sa kung paano inililigtas ng Diyos ang sangkatauhan at sa Kanyang kalooban, ay gumagawa lahat ng kung ano ang kanilang ikinasisiya na hiwalay sa gawain ng pamamahala ng Diyos. Ang kanilang pag-uugali ay hindi natatandaan ng Diyos, hindi sinasang-ayunan ng Diyos, mas lalong hindi pinapaboran ng Diyos.

Gaano karaming nilalang ang naroong namumuhay at nagpaparami sa malawak na kalawakan ng sansinukob, paulit-ulit na sumusunod sa batas ng buhay, sumusunod sa isang palagiang alituntunin. Yaong mga namamatay ay dinadalang kasama nila ang mga kwento ng nabubuhay, at yaong mga nabubuhay ay inuulit ang kaparehong kalunus-lunos na kasaysayan niyaong mga namatay. Kaya’t hindi mapipigil ng sangkatauhan na magtanong sa kanyang sarili: Bakit tayo nabubuhay? At bakit kailangan nating mamatay? Sino ang namamahala sa mundong ito? At sino ang lumikha nitong sangkatauhan? Ang sangkatauhan ba ay tunay na nilikha ng Inang Kalikasan? Ang sangkatauhan ba talaga ang kumukontrol sa kanyang sariling kapalaran? … Sa loob ng libu-libong taon nagtanong na ang sangkatauhan ng mga katanungang ito, nang paulit-ulit. Sa kasamaang palad, habang mas nahumaling na ang sangkatauhan sa mga katanungang ito, mas higit ang pagka-uhaw na nabuo na sa kanya para sa siyensya. Ang siyensya ay nag-aalok ng panandaliang kasiyahan at pansamantalang kawilihan ng laman, nguni’t ito ay lubhang hindi sapat upang palayain ang sangkatauhan mula sa pag-iisa, kalungkutan, at bahagyang-nakatagong kilabot at panghihina sa kaibuturan ng kanyang kaluluwa. Ginagamit lamang ng tao ang kaalaman sa siyensya na nakikita ng mata at nauunawaan ng utak para pakalmahin ang kanyang puso, ngunit hindi nito kayang pigilin ang sangkatauhan na siyasatin ang mga hiwaga. Hindi alam ng sangkatauhan kung sino ang Kataas-taasan sa lahat ng bagay sa sansinukob, mas lalong hindi niya alam ang simula at hinaharap ng sangkatauhan. Ang sangkatauhan ay namumuhay lamang, nang sapilitan, sa gitna ng batas na ito. Walang maaaring makatakas dito at walang maaaring makapagbago rito, sapagka’t sa gitna ng lahat ng bagay at sa mga kalangitan ay mayroon lamang Isa na mula sa kawalang-hanggan tungo sa kawalang-hanggan na siyang nagtataglay ng paghahari sa lahat ng bagay. Siya ang Isa na hindi kailanman nakita na ng tao, ang Isa na hindi kailanman nakilala na ng sangkatauhan, na sa kanyang pag-iral ay hindi kailanman naniwala na ang sangkatauhan, gayunma’y Siya ang Isa na huminga ng hininga tungo sa mga ninuno ng sangkatauhan at nagbigay ng buhay sa sangkatauhan. Siya ang Isa na nagtutustos at nagpapalusog sa sangkatauhan para sa kanyang pag-iral, at gumagabay sa sangkatauhan hanggang sa kasalukuyang panahon. Higit pa rito, Siya at Siya lamang ang inaasahan ng sangkatauhan para sa pananatiling buhay nito. Tinataglay Niya ang paghahari sa lahat ng bagay at namamahala sa lahat ng nilalang na may buhay sa ilalim ng sansinukob. Siya ang nag-uutos sa apat na panahon, at Siya ang tumatawag sa hangin, hamog na nagyelo, niyebe, at ulan. Siya ang nagbibigay ng sikat ng araw sa sangkatauhan at nagpapasapit ng gabi. Siya ang naglatag ng mga kalangitan at lupa, nagkakaloob sa tao ng mga kabundukan, lawa at ilog at ng lahat ng nabubuhay na bagay sa loob nila. Ang Kanyang gawa ay nasa lahat ng dako, ang Kanyang kapangyarihan ay nasa lahat ng dako, ang Kanyang karunungan ay nasa lahat ng dako, at ang Kanyang awtoridad ay nasa lahat ng dako. Ang bawat isa sa mga batas at patakarang ito ang pagsasakatawan ng Kanyang gawa, at ang bawat isa sa mga ito ay nagbubunyag ng Kanyang karunungan at awtoridad. Sino ang makakapagpalaya ng kanilang mga sarili sa Kanyang paghahari? At sino ang makapag-aalis ng kanilang sarili mula sa Kanyang mga disenyo? Ang lahat ng bagay ay umiiral sa ilalim ng Kanyang titig, at higit pa rito, ang lahat ng bagay ay namumuhay sa ilalim ng Kanyang paghahari. Ang Kanyang gawa at ang Kanyang kapangyarihan ay pumipilit sa sangkatauhan na kilalanin ang katunayan na Siya ay talagang umiiral at Siyang nagtataglay sa paghahari sa ibabaw ng lahat ng bagay. Wala nang iba pa bukod sa Kanya ang maaaring mamahala sa sansinukob, mas lalong hindi makapagkakaloob nang walang-humpay sa sangkatauhang ito. Hindi alintana kung kaya mo mang kilalanin ang gawa ng Diyos, at walang-kinalaman kung ikaw man ay naniniwala sa pag-iral ng Diyos, walang duda na ang iyong kapalaran ay nakasalalay sa pagtatalaga ng Diyos, at walang duda na ang Diyos ay laging magtataglay sa paghahari sa ibabaw ng lahat ng bagay. Ang Kanyang pag-iral at awtoridad ay hindi nakabatay sa kung ang mga ito ba ay makikilala at mauunawaan ng tao o hindi. Siya lamang ang nakakaalam sa nakaraan, kasalukuyan at hinaharap ng tao, at Siya lamang ang maaaring makakaalam sa kapalaran ng sangkatauhan. Hindi alintana kung ikaw man ay may kakayahang tanggapin ang katunayang ito, hindi na magtatagal bago masaksihan ng sangkatauhan ang lahat ng ito ng sarili niyang mga mata, at ito ang katunayan na malapit nang ipapatupad ng Diyos. Ang sangkatauhan ay nabubuhay at namamatay sa ilalim ng mga mata ng Diyos. Nabubuhay ang sangkatauhan para sa pamamahala ng Diyos, at kapag ang kanyang mga mata ay pumikit sa huling sandali, iyan ay para din sa mismong parehong pamamahala. Paulit-ulit nang paulit-ulit, ang tao ay dumarating at umaalis, paroon at parito. Walang pagbubukod, lahat nang ito ay bahagi ng paghahari at mga disenyo ng Diyos. Ang pamamahala ng Diyos ay palaging pasulong at hindi kailanman tumigil. Ipamamalay Niya sa sangkatauhan ang Kanyang pag-iral, magtitiwala sa Kanyang paghahari, ipakikita ang Kanyang gawa, at babalik sa Kanyang kaharian. Ito ang Kanyang plano, at ang gawain na Kanya nang isinasagawa sa loob ng libu-libong taon.

Nagsimula ang gawain ng pamamahala ng Diyos sa paglikha ng daigdig, at ang tao ay ang ubod ng gawaing ito. Ang paglikha ng Diyos sa lahat ng bagay, maaaring sabihin, ay para sa kapakanan ng tao. Dahil ang gawain ng Kanyang pamamahala ay umaabot sa libu-libong mga taon, at hindi ipinatutupad sa loob lamang ng ilang minuto o segundo, o kahit sa isang kisapmata, o higit sa isa o dalawang taon, kailangan Niyang likhain ang marami pang mga bagay na kailangan para sa pananatiling-buhay ng tao, tulad ng araw, buwan, lahat ng uri ng mga nilalang na nabubuhay, at pagkain at isang buhay na kapaligiran para sa sangkatauhan. Ito ang pinagsimulan ng pamamahala ng Diyos.

Matapos iyan, ipinasa ng Diyos ang sangkatauhan kay Satanas, ang tao ay namuhay sa ilalim ng sakop ni Satanas, at ito ay unti-unting humantong sa gawain ng Diyos sa unang kapanahunan: ang kuwento ng Kapanahunan ng Kautusan…. Sa panahon ng ilang libong taon ng Kapanahunan ng Kautusan, ang sangkatauhan ay nasanay sa patnubay ng Kapanahunan ng Kautusan, at sila ay nagsimulang magsawalang-bahala, at dahan-dahang lumisan sa pangangalaga ng Diyos. At sa gayon, kasabay ng pamamalagi sa kautusan, sumamba rin sila sa mga diyos-diyosan at gumawa ng masasamang gawain. Sila ay walang pag-iingat ni Jehova, at isinabuhay lamang ang kanilang mga buhay sa harap ng dambana ng templo. Sa katunayan, matagal na silang iniwan ng gawain ng Diyos, at kahit na nanatili ang mga Israelita sa batas, at binigkas ang pangalan ni Jehova, at buong pagmamalaking naniwala na sila lamang ang mga tao ni Jehova at ang mga hinirang ni Jehova, ang kaluwalhatian ng Diyos ay tahimik silang tinalikuran …

Kapag ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain, palagi Niyang tahimik na nililisan ang isang lugar habang marahang isinasakatuparan ang bagong gawaing Kanyang sinisimulan sa ibang dako. Ito ay tila hindi kapani-paniwala sa mga tao, na naging manhid. Laging napahalagahan na ng mga tao ang luma at isinaalang-alang ang bago, hindi-kilalang mga bagay na may poot, o nakita ang mga ito bilang panggulo. At kaya, kahit anong bagong gawain ang gawin ng Diyos, mula sa simula hanggang sa mismong katapusan, ang tao ang huling nakakaalam nito kaysa lahat ng bagay.

Gaya ng palaging nangyari, matapos ang gawain ni Jehova sa Kapanahunan ng Kautusan, sinimulan ng Diyos ang Kanyang bagong gawain ng ikalawang yugto: pag-aanyo sa katawang-tao—pagkakatawang tao sa sampu, dalawampung taon—at pagsasalita at paggawa ng Kanyang gawain sa gitna ng mga mananampalataya. Gayunman nang walang pagbubukod, walang nakaalam, at tanging maliit na bilang ng mga tao ang kumilala na Siya ay Diyos na nagkatawang-tao matapos na ang Panginoong Jesus ay ipinako sa krus at muling nabuhay. Palaisipan, mayroong lumitaw na isang tinatawag na Pablo, na itinalaga ang kanyang sarili sa mortal na alitan sa Diyos. Kahit matapos siyang hinagupit at naging apostol, hindi nagbago ang lumang kalikasan ni Pablo, at siya ay tumahak sa landas ng paglaban sa Diyos. Sa panahon ng kanyang paggawa, si Pablo ay nagsulat ng maraming mga epistula, na sa kasamaang palad, ang mga sumunod na henerasyon ay tinamasa ang kanyang mga epistula bilang mga salita ng Diyos, hanggang sa ang mga ito ay nakasama sa Bagong Tipan at nalito sa mga salitang binigkas ng Diyos. Ito ay tunay na malaking kahihiyan simula ng pagdating ng Kasulatan! At hindi nga ba ang pagkakamaling ito ay nagawa dahil sa kahangalan ng tao? Lingid sa kanilang kaalaman na, sa mga talaan ng gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Biyaya, ang mga epistula o espirituwal na mga kasulatan ng tao ay karaniwan lang na hindi dapat naroon upang ipagbalat-kayo ang gawain at mga salita ng Diyos. Nguni’t hindi ito ang punto, kaya’t bumalik tayo sa ating orihinal na paksa. Sa sandaling ang pangalawang yugto ng gawain ng Diyos ay natapos—matapos ang pagkapako sa krus—ang gawain ng Diyos ng pagbawi sa tao mula sa kasalanan (na ang ibig sabihin, pagbawi ng tao mula sa mga kamay ni Satanas) ay natupad. At kaya, mula sa sandaling iyon, kailangan lamang tanggapin ng sangkatauhan ang Panginoong Jesus bilang Tagapagligtas para ang kanyang mga kasalanan ay mapatawad. Sa pagbigkas lamang, ang mga kasalanan ng tao ay hindi na hadlang sa kanyang pagkamit ng kaligtasan at paglapit sa harap ng Diyos at hindi na batayan ng pag-usig ni Satanas sa tao. Iyon ay dahil ang Diyos Mismo ay nagsagawa na ng tunay na gawain, naging ang wangis at patikim ng makasalanang laman, at ang Diyos Mismo ang naging handog para sa kasalanan. Sa ganitong paraan, ang tao ay bumaba mula sa krus, na tinutubos at inililigtas dahil sa katawang-tao ng Diyos, ang wangis nitong makasalanang laman. At kaya, matapos na mabihag ni Satanas, ang tao ay nakarating ng isang hakbang papalapit sa pagtanggap ng kaligtasan sa harap ng Diyos. Mangyari pa, ang yugtong ito ng gawain ay ang pamamahala ng Diyos na isang hakbang mula sa Kapanahunan ng Kautusan, at isang mas malalim na antas kaysa Kapanahunan ng Kautusan.

Ganyan ang pamamahala ng Diyos: upang ipasa ang sangkatauhan kay Satanas—isang sangkatauhan na hindi kilala kung ano ang Diyos, kung ano ang Lumikha, kung paano sambahin ang Diyos, at kung bakit kinakailangang magpasakop sa Diyos—at bigyang-kalayaan ang katiwalian ni Satanas. Pagkatapos, paisa-isang hakbang, binabawi ng Diyos ang tao mula sa mga kamay ni Satanas, hanggang ang tao ay ganap na sumasamba sa Diyos at tinatanggihan si Satanas. Ito ang pamamahala ng Diyos. Ang lahat ng ito ay parang kathang-isip na kwento; at tila ito'y nakakalito. Nararamdaman ng mga tao na ito ay tila isang kathang-isip na kuwento, at iyon ay dahil wala silang pahiwatig kung gaano katindi ang nangyari na sa tao sa nakalipas na ilang libong taon, mas lalo nang hindi nila alam kung ilang kuwento ang nangyari na sa kalawakan ng sansinukob na ito. At karagdagan dito, iyon ay dahil hindi nila mapahahalagahan ang mas kahanga-hanga, mas nakapagsasanhi-ng-takot na mundong umiiral sa kabila ng materyal na mundo, nguni’t kung saan pinipigilan sila ng kanilang mortal na mga mata na makakita. Pakiramdam dito ay hindi mauunawaan ng tao, at iyon ay dahil ang tao ay walang pagkaunawa sa kabuluhan ng pagliligtas ng Diyos sa sangkatauhan at kabuluhan ng gawain ng pamamahala ng Diyos, at hindi nauunawaan kung ano ang lubos na ninanais ng Diyos na mangyari sa tao. Ito ba ay isang sangkatauhang katulad kina Adan at Eva, na di nagawang tiwali ni Satanas? Hindi! Ang pamamahala ng Diyos ay upang makamtan ang isang pangkat ng mga tao na sumasamba sa Diyos at nagpapasakop sa Kanya. Ang sangkatauhang ito ay ginawang tiwali na ni Satanas, nguni’t hindi na nakikita si Satanas bilang kanyang ama; nakikilala niya ang pangit na mukha ni Satanas, at tinatanggihan ito, at lumalapit sa harap ng Diyos upang tanggapin ang Kanyang paghatol at pagkastigo. Alam niya kung ano ang pangit, at kung gaano ito kasalungat ng kung ano ang banal, at kinikilala niya ang kadakilaan ng Diyos at ang kasamaan ni Satanas. Ang sangkatauhang tulad nito ay hindi na maglilingkod kay Satanas, o sasamba kay Satanas, o idadambana si Satanas. Iyon ay dahil sila ay isang pangkat ng mga tao na tunay nang nakamit ng Diyos. Ito ang kahalagahan ng pamamahala ng Diyos sa sangkatauhan. Sa panahon ng gawain ng pamamahala ng Diyos sa sandaling ito, ang sangkatauhan ang pinag-uukulan ng katiwalian ni Satanas, at kasabay nito ay ang pinag-uukulan ng pagliligtas ng Diyos, gayundin ang bunga na pinaglalabanan ng Diyos at ni Satanas. Kasabay ng pagsasagawa ng Kanyang gawain, unti-unting binabawi ng Diyos ang tao mula sa mga kamay ni Satanas, kaya’t ang tao ay lalo pang napapalapit sa Diyos …

At pagkatapos ay dumating ang Kapanahunan ng Kaharian, na siyang mas praktikal na yugto ng gawain at gayunman ay ang pinakamahirap din para sa tao na tanggapin. Iyon ay dahil habang mas napapalapit ang tao sa Diyos, mas napapalapit ang tungkod ng Diyos sa tao, at mas malinaw na nakikita ang mukha ng Diyos sa harap ng tao. Kasunod ng pagtubos sa sangkatauhan, ang tao ay opisyal na bumabalik sa pamilya ng Diyos. Akala ng tao ay ngayon ang oras para sa kasiyahan, nguni’t siya ay isinasailalim sa isang harap-harapang paglusob ng Diyos, na ang mga katulad ay hindi pa nakini-kinita ng sinuman. Ang kinalalabasan nito, ito ay isang bautismo na dapat “ikasiya” ng mga tao ng Diyos. Sa ilalim ng nasabing pagtrato, ang mga tao ay walang pagpipilian kung hindi huminto at isipin ang kanilang mga sarili, ako ang tupa, na nawala nang maraming taon, na pinaggugulan ng Diyos nang labis upang maibalik, nguni’t bakit ganito ako itinuturing ng Diyos? Ito ba ang paraan ng Diyos ng pagtawa sa akin, at paghahayag sa akin? ... Pagkaraan ng ilang taon, ang tao ay nabugbog na ng panahon, naranasan ang paghihirap ng pagpipino at pagkastigo. Kahit naiwala na ng tao ang “kaluwalhatian” at “pag-iibigan” ng mga panahong nakalipas, hindi-namamalayang nakarating na siya sa pagkaunawa sa katotohanan ng pagiging isang tao, at nagkaroon ng pagpapahalaga sa ilang taon ng panata ng Diyos sa pagliligtas ng sangkatauhan. Ang tao ay marahang nagsisimulang masuklam sa kanyang sariling kagaspangan. Sinisimulan niyang kamuhian ang kanyang kabangisan, at lahat ng hindi-pagkaunawa sa Diyos, at ang mga wala-sa-katwirang kahilingan na nagawa na niya sa Kanya. Hindi maibabalik ang panahon; ang mga nakaraang kaganapan ay nagiging malungkot na mga alaala ng tao, at ang mga salita at pag-ibig ng Diyos ay nagiging puwersang magdadala sa bagong buhay ng tao. Ang mga sugat ng tao ay naghihilom araw-araw, ang kanyang kalakasan ay nanunumbalik, at siya ay tumatayo at tumitingin sa mukha ng Makapangyarihan sa lahat ... upang matuklasan lamang na Siya ay palaging nasa aking tabi, at ang Kanyang ngiti at ang Kanyang magandang mukha ay lubhang nakapupukaw pa rin. Ang Kanyang puso ay nagtataglay pa rin ng malasakit para sa sangkatauhan na Kanyang nilikha, at ang Kanyang mga kamay ay kasing init pa rin at makapangyarihan tulad ng sa simula. Para bang ang tao ay bumalik sa Hardin ng Eden, nguni’t sa sandaling ito ang tao ay hindi na nakikinig sa mga pang-aakit ng ahas, hindi na tumatalikod palayo sa mukha ni Jehova. Ang tao ay lumuluhod sa harapan ng Diyos, tumitingala sa nakangiting mukha ng Diyos, at iniaalok ang kanyang pinakamahalagang sakripisyo—O! Aking Panginoon, aking Diyos!

Ang pag-ibig at habag ng Diyos ay nanunuot sa bawat kaliit-liitang detalye ng Kanyang gawaing pamamahala, at hindi alintana kung nakakaya mang maunawaan ng mga tao ang mabubuting intensyon ng Diyos, Siya ay wala pa ring kapagurang gumagawa ng gawaing ninanais Niyang tuparin. Walang pagsasaalang-alang sa kung gaano nauunawaan ng mga tao ang pamamahala ng Diyos, ang mga pakinabang at tulong ng gawaing ginawa ng Diyos ay maaaring mapahalagahan ng bawat isa. Marahil, ngayon, hindi mo pa nadama ang alinman sa pag-ibig o buhay na ipinagkaloob ng Diyos, nguni’t hangga’t hindi mo tinatalikuran ang Diyos, at hindi sumusuko sa iyong determinasyong hanapin ang katotohanan, kung gayon palaging magkakaroon ng araw kung kailan mabubunyag sa iyo ang ngiti ng Diyos. Dahil ang layunin ng gawain ng pamamahala ng Diyos ay upang bawiin ang sangkatauhang nasa ilalim ng sakop ni Satanas, hindi upang talikuran ang sangkatauhang nagawang tiwali na ni Satanas at lumalaban sa Diyos.


Setyembre 23, 2005

——————————————————————————


Ipinapahayag ng Lumikha ang Kanyang Tunay

2020-06-02 09:14:08 | Salita ng Diyos
Ipinapahayag ng Lumikha ang Kanyang Tunay na Mga Damdamin Para sa Sangkatauhan

Ang pag-uusap na ito sa pagitan ng Diyos na si Jehova at ni Jonas ay walang duda na isang pagpapahayag ng tunay na nararamdaman ng Lumikha sa sangkatauhan. Sa isang banda, ipinaaalam nito sa mga tao ang tungkol sa pag-unawa ng Lumikha sa buong sangnilikha sa ilalim ng Kanyang utos; tulad ng sinabi ng Diyos na si Jehova, “At hindi baga ako manghihinayang sa Ninive, sa malaking bayang yaon, na mahigit sa isang daan at dalawang pung libong katao na hindi marunong magmunimuni ng kanilang kanang kamay at ng kanilang kaliwang kamay; at marami ring hayop?” Sa madaling salita, ang pag-unawa ng Diyos sa Ninive ay hindi pahapyaw lamang. Alam Niyang hindi lamang ang bilang ng mga nabubuhay sa loob ng lungsod (kasama na ang mga tao at mga hayop), alam din Niya kung ilan ang hindi nakaaalam sa pagitan ng kanilang kanan at kaliwang kamay—ibig sabihin, ilang bata at kabataan ang naroroon. Ito ay isang matibay na patunay sa lubos na pagkaunawa ng Diyos sa sangkatauhan. Sa kabilang banda, ipinaaalam ng pag-uusap na ito sa mga tao ang tungkol sa saloobin ng Lumikha para sa sangkatauhan, ibig sabihin, ang bigat ng sangkatauhan sa puso ng Lumikha. Katulad lamang ito ng sinabi ng Diyos na si Jehova: “Ikaw ay nanghinayang sa kikayon na hindi mo pinagpagalan o pinatubo man; na sumampa sa isang gabi, at nawala sa isang gabi: At hindi baga ako manghihinayang sa Ninive sa malaking bayang yaon…?” Ito ay mga salita ng paninisi ng Diyos na si Jehova kay Jonas, ngunit lahat ng iyon ay totoo.

Bagaman pinagkatiwalaan si Jonas upang ipahayag ang na si Jehova sa mga taga-Ninive, hindi niya naunawaan ang intensyon ng Diyos na si Jehova, ni naunawaan ang Kanyang mga pag-aalala at mga inaasahan para sa mga mamamayan ng lungsod. Sa pamamagitan ng mahigpit na pangangaral na ito, nais ng Diyos na sabihin sa kanya na ang sangkatauhan ay produkto ng Kanyang sariling mga kamay, at ang Diyos ay naglaan ng maingat na paggawa para sa bawat tao; dala-dala ng bawat tao ang mga pag-asa ng Diyos; tinatamasa ng bawat tao ang tustos na buhay ng Diyos; para sa bawat tao, nagbayad ang Diyos ng isang malaking halaga. Ang mahigpit na pangangaral na ito ay nagpaalala rin kay Jonas na pinapahalagahan ng Diyos ang sangkatauhan, ang gawa ng Kanyang sariling mga kamay, tulad ng pagpapahalaga ni Jonas sa halaman. Hindi sila basta iiwanan ng Diyos sa anumang paraan hanggang sa huling sandali; lalo na, napakaraming bata at mga inosenteng hayop sa loob ng lungsod. Kapag nakikitungo sa mga batang ito at sa mga inosenteng nilalang ng Diyos, na hindi man lamang alam ang kaibahan ng kanilang kanang kamay sa kanilang kaliwa, lalong hindi kayang tapusin ng Diyos ang kanilang buhay at alamin ang kanilang kalalabasan sa gayong madaliang paraan. Umasa ang Diyos na makita silang lumaki; umasa Siya na hindi sila lalakad sa landas na parehong nilakaran ng kanilang mga matatanda, na hindi na nila kailangang muling marinig ang babala ng Diyos na si Jehova, at sasaksi sila sa nakaraan ng Ninive. Lalong higit pa rito, umasa ang Diyos na makita ang mga taga-Ninive pagkatapos nilang magsisi, na makita ang hinaharap ng Ninive matapos ang kanilang pagsisisi, at higit na mahalaga, na makita ang Ninive na muling namumuhay sa ilalim ng awa ng Diyos. Kaya, sa mata ng Diyos, ang mga nilikhang ito na hindi alam ang kaibahan ng kanilang kanan sa kaliwang kamay ay ang kinabukasan ng Ninive. Sila ang papasan sa kasuklam-suklam na nakaraan ng Ninive, tulad ng kanilang pagpasan sa mahalagang tungkulin ng pagiging saksi sa nakaraan at hinaharap ng Ninive sa ilalim ng paggabay ng Diyos na si Jehova. Sa pahayag na ito ng Kanyang tunay na nararamdaman, iniharap ng Diyos na si Jehova ang awa ng Lumikha para sa sangkatauhan sa kanyang kabuuan. Ipinakita nito sa sangkatauhan na ang “awa ng Lumikha” ay hindi isang walang-laman na parirala, ni isang hungkag na pangako; mayroon itong matibay na mga prinsipyo, mga pamamaraan at layunin. Siya ay tunay at totoo, at hindi gumagamit ng mga kasinungalingan o pagpapanggap, at sa parehong paraang ito, ang Kanyang awa ay walang hanggang ipinagkakaloob sa buong sangkatauhan sa bawat panahon at kapanahunan. Gayunpaman, hanggang sa mismong araw na ito, ang pakikipag-usap ng Lumikha kay Jonas ay ang nag-iisa at natatanging pahayag ng Diyos kung bakit nagpapakita Siya ng awa sa sangkatauhan, kung paano Siya nagpapakita ng awa sa sangkatauhan, gaano Siya nagpaparaya sa sangkatauhan at ang Kanyang tunay na nararamdaman para sa sangkatauhan. Ang maikli ngunit malinaw na pakikipag-usap ng Diyos na si Jehova ay nagpapahayag ng Kanyang kumpletong mga kaisipan para sa sangkatauhan; ito ay isang tunay na pagpapahayag ng saloobin ng Kanyang puso tungo sa sangkatauhan; at isa rin itong matibay na patunay ng Kanyang pagkakaloob ng masaganang awa sa sangkatauhan. Ang Kanyang awa ay hindi lamang ipinagkakaloob sa nakatatandang mga henerasyon ng sangkatauhan; ito ay ipinagkakaloob din sa mga nakababatang miyembro ng sangkatauhan, kagaya lamang ng dati, mula sa isang henerasyon hanggang sa susunod. Bagaman ang poot ng Diyos ay madalas dumarating sa ilang lugar at ilang panahon ng sangkatauhan, ang awa ng Diyos ay hindi kailanman huminto. Sa Kanyang awa, ginagabayan at pinangungunahan Niya ang isang henerasyon ng Kanyang nilikha pagkatapos ng sumunod, tinutustusan at pinagpapala ang isang henerasyon ng nilikha pagkatapos ng sumunod, sapagkat ang Kanyang tunay na nararamdaman tungo sa sangkatauhan ay hindi kailanman magbabago. Tulad ng sinabi ng Diyos na si Jehova: “At hindi baga Ako manghihinayang sa Ninive…?” Lagi Niyang pinapahalagahan ang Kanyang sariling sangnilikha. Ito ang awa ng matuwid na disposisyon ng Lumikha, at ito rin ang dalisay na pagiging natatangi ng Lumikha!


—mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

————————————————————

Ang Salita ng Diyos Ngayong Araw - patahimikin ang iyong sarili sa harap ng Diyos upang makinig at pagnilayan ang mga salita ng Diyos araw-araw. Ang iyong espiritu ay makakakain at matutustusan, at ang iyong buhay ay patuloy na lalago.




Napanibago na ng Diyos ang Langit at Lupa

2020-06-01 08:34:09 | Salita ng Diyos
Sa Sandaling Mamasdan Mo ang Espirituwal na Katawan ni Jesus, Napanibago na ng Diyos ang Langit at Lupa

Inaasam mo bang makita si Jesus? Inaasam mo bang mabuhay kasama si Jesus? Inaasam mo bang marinig ang mga salitang sinasambit ni Jesus? Kung gayon, paano mo naman sasalubungin ang pagbabalik ni Jesus? Handang-handa ka na ba? Sa anong paraan mo sasalubungin ang pagbabalik ni Jesus? Sa palagay Ko bawat kapatid na lalaki at babae na sumusunod kay Jesus ay gugustuhing malugod na salubungin si Jesus. Nguni’t naisip na ba ninyo ito: Talaga bang makikilala ninyo si Jesus sa pagbabalik Niya? Talaga bang mauunawaan ninyo ang lahat ng sinasabi Niya? Talaga bang tatanggapin ninyo, nang walang-pasubali, ang lahat ng gawaing ginagawa Niya? Alam ng lahat niyaong nakabasa na ng Biblia ang tungkol sa pagbabalik ni Jesus, at lahat niyaong nakabasa na ng Biblia ay taimtim na naghihintay sa Kanyang pagdating. Nakatutok kayong lahat sa pagdating ng sandaling iyon, at kapuri-puri ang inyong katapatan, talagang nakakainggit ang inyong pananampalataya, nguni’t natatanto ba ninyo na nakagawa na kayo ng malubhang pagkakamali? Sa anong paraan babalik si Jesus? Naniniwala kayo na si Jesus ay babalik na nasa ibabaw ng puting ulap, nguni’t ito ang tanong Ko sa inyo: Ano ang tinutukoy ng puting ulap na ito? Sa napakaraming taga-sunod ni Jesus na naghihintay sa Kanyang pagbalik, sa gitna ng aling mga tao Siya bababa? Kung sa inyo unang bababa si Jesus, hindi ba ito ituturing ng iba na lubhang di-patas? Alam Ko na napakataimtim at napakatapat ninyo kay Jesus, nguni’t nakaharap na ba ninyo si Jesus? Alam ba ninyo ang Kanyang disposisyon? Nakasama na ba ninyo Siya? Gaano ba talaga ang inyong nauunawaan tungkol sa Kanya? Sasabihin ng ilan na ang mga salitang ito ay naglalagay sa kanila sa nakakaasiwang kalagayan. Sasabihin nilang, “Napakaraming beses ko nang nabasa ang Biblia mula simula hanggang wakas. Paanong hindi ko mauunawaan si Jesus? Huwag na nating isipin ang disposisyon ni Jesus—alam ko pa nga ang kulay ng mga damit na gusto Niyang isuot. Hindi mo ba ako hinahamak kapag sinasabi Mo na hindi ko Siya nauunawaan?” Iminumungkahi Ko na huwag kang makipagtalo sa mga usaping ito; mas mabuti pang huminahon at makibahagi tungkol sa sumusunod na mga tanong: Una, alam mo ba kung ano ang realidad, at ano ang teoriya? Ikalawa, alam mo ba kung ano ang pagkaintindi, at ano ang katotohanan? Ikatlo, alam mo ba kung ano ang akala, at ano ang totoo?

Ikinakaila ng ilang tao ang katunayan na hindi nila nauunawaan si Jesus. Subali’t sinasabi Ko na hindi ninyo Siya nauunawaan kahit katiting, at hindi ninyo naiintindihan ni isang salita ni Jesus. Iyan ay dahil bawat isa sa inyo ay sumusunod sa Kanya dahil sa mga salaysay sa Biblia, dahil sa sinabi ng iba. Hindi pa ninyo kailanman nakita si Jesus, ni nakapiling Siya, at ni hindi nga ninyo Siya nakasama sa loob ng maikling panahon. Samakatwid, hindi ba teoriya lamang ang pagkaunawa ninyo kay Jesus? Hindi ba wala itong katotohanan? Marahil ay nakita na ng ilang tao ang larawan ni Jesus, o personal na nabisita na ng ilan ang tahanan ni Jesus. Siguro nahawakan na ng ilan ang damit ni Jesus. Subali’t ang pagkaunawa mo sa Kanya ay teoretikal pa rin at hindi praktikal, kahit pa personal mong natikman na ang pagkaing kinain ni Jesus. Anuman ang sitwasyon, hindi mo pa kailanman nakita si Jesus, at hindi mo pa kailanman nakasama Siya sa anyo ng katawang-tao, kaya nga ang pagkaunawa mo kay Jesus ay laging walang-kabuluhang teoriya na walang katotohanan. Marahil ay hindi ka gaanong interesado sa mga sinabi Ko, ngunit ito ang tanong Ko sa iyo: Kahit maaaring marami ka nang nabasang akda ng paborito mong manunulat, lubos mo ba siyang mauunawaan kahit hindi mo pa siya kailanman nakasama? Alam mo ba ang kanyang pagkatao? Alam mo ba ang uri ng kanyang pamumuhay? May alam ka ba tungkol sa kanyang nadarama? Ni hindi mo nga lubos na mauunawaan ang isang taong hinahangaan mo, paano mo pa kaya mauunawaan si Jesucristo? Lahat ng nauunawaan mo tungkol kay Jesus ay puno ng imahinasyon at pagkaintindi, at walang tinataglay na katotohanan o katunayan. Nangangamoy ito, at puno ng laman. Paano ka magiging karapat-dapat na salubungin si Jesus kung ganyan ang pagkaunawa mo? Hindi tatanggapin ni Jesus ang mga taong puno ng mga pantasya at mga pagkaintindi ng laman. Paano nagiging akmang manalig kay Jesus ang mga taong hindi nakakaunawa sa Kanya?

Gusto ba ninyong malaman ang ugat kung bakit kinalaban ng mga Fariseo si Jesus? Gusto ba ninyong malaman ang diwa ng mga Fariseo? Puno sila ng mga pantasya tungkol sa Mesiyas. Bukod pa riyan, naniwala lamang sila na darating ang Mesiyas, subalit hindi nila hinanap ang katotohanan ng buhay. Kaya nga, kahit ngayon ay hinihintay pa rin nila ang Mesiyas, sapagkat wala silang kaalaman tungkol sa landas ng buhay, at hindi nila alam kung ano ang landas ng katotohanan. Paano ninyo nasasabi na matatamo ng gayon kahangal, katigas ang ulo at kamangmang na mga tao ang pagpapala ng Diyos? Paano nila mamamasdan ang Mesiyas? Kinalaban nila si Jesus dahil hindi nila alam ang direksyon ng gawain ng Banal na Espiritu, dahil hindi nila alam ang landas ng katotohanang binanggit ni Jesus, at, bukod pa riyan, dahil hindi nila naunawaan ang Mesiyas. At dahil hindi pa nila nakita ang Mesiyas kailanman, at hindi pa nila nakasama ang Mesiyas kailanman, nagkamali silang kumapit nang walang-saysay sa pangalan ng Mesiyas habang kinakalaban ang diwa ng Mesiyas sa anumang paraan. Ang diwa ng mga Fariseong ito ay mga sutil, mapagmataas, at hindi sumunod sa katotohanan. Ang prinsipyo ng pananalig nila sa Diyos ay: Gaano man kalalim ang pangangaral Mo, gaano man kataas ang Iyong awtoridad, hindi Ikaw si Cristo maliban kung Ikaw ang tinatawag na Mesiyas. Hindi ba katawa-tawa at kakatwa ang mga pananaw na ito? Tatanungin Ko kayong muli: Hindi ba napakadali ninyong magawa ang mga pagkakamali ng mga sinaunang Fariseo, yamang wala kayong kahit katiting na pagkaunawa kay Jesus? Kaya mo bang makilala ang daan ng katotohanan? Talaga bang magagarantiyahan mo na hindi mo kakalabanin si Cristo? Kaya mo bang sumunod sa gawain ng Banal na Espiritu? Kung hindi mo alam kung kakalabanin mo si Cristo, sinasabi Ko na nasa bingit na ng kamatayan ang buhay mo. Yaong lahat na hindi nakakilala sa Mesiyas ay kayang kalabanin si Jesus, tanggihan si Jesus, siraan Siya ng puri. Ang mga taong hindi nakakaunawa kay Jesus ay kayang lahat na itatwa Siya, at laitin Siya. Bukod pa riyan, kaya nilang ituring na panlilinlang ni Satanas ang pagbalik ni Jesus, at maraming tao ang huhusga kay Jesus na nagbalik sa katawang-tao. Hindi ba kayo natatakot sa lahat ng ito? Ang kinakaharap ninyo ay magiging kalapastanganan sa Banal na Espiritu, pagkawasak sa mga salita ng Banal na Espiritu sa mga iglesia, at paghamak sa lahat ng ipinapahayag ni Jesus. Ano ang mapapala ninyo kay Jesus kung litung-lito kayo? Paano ninyo mauunawaan ang gawain ni Jesus kapag bumabalik Siya sa katawang-tao sa ibabaw ng puting ulap, kung nagmamatigas kayong huwag kilalanin ang inyong mga pagkakamali? Sinasabi Ko ito sa inyo: Ang mga taong hindi tumatanggap ng katotohanan, subalit pikit-matang naghihintay sa pagdating ni Jesus sa ibabaw ng puting mga ulap, ay tiyak na lalapastangan sa Banal na Espiritu, at sila ang kategoryang wawasakin. Hinahangad lamang ninyo ang biyaya ni Jesus, at gusto lamang ninyong tamasahin ang napakaligayang dako ng langit, subalit hindi pa naman ninyo nasunod kailanman ang mga salitang sinambit ni Jesus, at hindi pa ninyo natanggap kailanman ang katotohanang ipinahayag ni Jesus kapag bumabalik Siya sa katawang-tao. Ano ang panghahawakan ninyo bilang kapalit ng katunayan ng pagbabalik ni Jesus na nasa ibabaw ng puting ulap? Ang kataimtiman ba ninyo sa paulit-ulit na paggawa ng mga kasalanan, at pagkatapos ay pangungumpisal ng mga iyon, nang paulit-ulit? Ano ang iaalay ninyong sakripisyo kay Jesus na nagbabalik sa ibabaw ng puting ulap? Ang mga taon ba ng paggawa na nagpapadakila sa inyong sarili? Ano ang panghahawakan ninyo para pagkatiwalaan kayo ng nagbalik na si Jesus? Ang inyo bang likas na kayabangan, na hindi sumusunod sa anumang katotohanan?

Ang inyong katapatan ay sa salita lamang, ang inyong kaalaman ay pang-isipan at bunga lamang ng isipan, ang inyong mga pagpapagal ay para lamang magtamo ng mga pagpapala ng langit, kaya paano kayo dapat manampalataya? Kahit ngayon, nagbibingi-bingihan ka pa rin sa bawat isang salita ng katotohanan. Hindi ninyo alam kung ano ang Diyos, hindi ninyo alam kung ano si Cristo, hindi ninyo alam kung paano igalang si Jehova, hindi ninyo alam kung paano pumasok sa gawain ng Banal na Espiritu, at hindi ninyo alam kung paano tukuyin ang gawain ng Diyos Mismo at ang mga panlilinlang ng tao. Ang alam mo lamang ay husgahan ang anumang salita ng katotohanang ipinahayag ng Diyos na hindi naaayon sa iyong kaisipan. Nasaan ang iyong kapakumbabaan? Nasaan ang iyong pagsunod? Nasaan ang iyong katapatan? Nasaan ang paghahangad mong hanapin ang katotohanan? Nasaan ang iyong paggalang sa Diyos? Sinasabi Ko sa inyo, tiyak na yaong mga naniniwala sa Diyos nang dahil sa mga palatandaan ay tiyak na nasa kategorya ng mga daranas ng pagkawasak. Yaong mga hindi kayang tumanggap sa mga salita ni Jesus na nagbalik na sa katawang-tao ay tiyak na mga anak ng impiyerno, mga inapo ng arkanghel, ang kategorya na sasailalim sa walang-katapusang pagkawasak. Maaaring walang pakialam ang maraming tao sa sinasabi Ko, ngunit nais Ko pa ring sabihin sa bawat tinatawag na banal na sumusunod kay Jesus na, kapag nakita ninyo nang sarili ninyong mga mata si Jesus na bumababa mula sa langit sa ibabaw ng puting ulap, ito ang magiging pagpapakita sa publiko ng Araw ng katuwiran. Marahil ay magiging panahon iyan ng matinding katuwaan sa inyo, subalit dapat ninyong malaman na ang sandali kung kailan nasasaksihan ninyong bumababa si Jesus mula sa langit ay iyon din ang sandali ng pagbaba ninyo sa impiyerno para maparusahan. Sa panahong iyon magwawakas ang plano ng pamamahala ng Diyos, at mangyayari iyon kung kailan ginagantimpalaan ng Diyos ang mabubuti at pinarurusahan ang masasama. Sapagkat magwawakas na ang paghatol ng Diyos bago pa makakita ng mga palatandaan ang tao, kung kailan mayroon lamang pagpapahayag ng katotohanan. Yaong mga tumatanggap sa katotohanan at hindi naghahanap ng mga palatandaan, at sa gayon ay napadalisay na, ay makakabalik na sa harap ng luklukan ng Diyos at makakapasok na sa yakap ng Lumikha. Yaon lamang mga nagpupumilit sa paniniwala na “Ang Jesus na hindi nakasakay sa puting ulap ay isang huwad na Cristo” ang sasailalim sa walang-katapusang kaparusahan, sapagkat naniniwala lamang sila sa Jesus na nagpapakita ng mga palatandaan, ngunit hindi kinikilala ang Jesus na nagpapahayag ng malupit na paghatol at nagpapakawala ng tunay na landas ng buhay. Kaya maaari lamang silang pakitunguhan ni Jesus kapag hayagan Siyang bumabalik sa ibabaw ng puting ulap. Masyado silang sutil, masyadong tiwala sa kanilang sarili, masyadong mayabang. Paano magagantimpalaan ni Jesus ang gayon kababang-uri? Ang pagbabalik ni Jesus ay isang dakilang kaligtasan para sa mga kayang tumanggap ng katotohanan, nguni’t para sa mga hindi kayang tumanggap ng katotohanan, ito’y tanda ng paghuhusga. Dapat ninyong piliin ang sarili ninyong landas, at hindi ninyo dapat lapastanganin ang Banal na Espiritu at itakwil ang katotohanan. Hindi kayo dapat maging isang mangmang at mapagmataas na tao, kundi isang taong sumusunod sa patnubay ng Banal na Espiritu at nananabik at naghahanap sa katotohanan; sa ganitong paraan lamang kayo makikinabang. Pinapayuhan Ko kayo na tahakin nang maingat ang landas ng paniniwala sa Diyos. Huwag kayong magsalita nang tapos; bukod pa rito, huwag maging mapagwalang-bahala at walang-ingat sa inyong paniniwala sa Diyos. Dapat man lamang ninyong malaman na yaong mga naniniwala sa Diyos ay dapat maging mapagpakumbaba at mapitagan. Yaong mga nakarinig na sa katotohanan subali’t minamaliit ito ay mga hangal at mangmang. Yaong mga nakarinig na sa katotohanan subali’t walang-ingat na nagsasalita nang tapos o hinuhusgahan ito ay puno ng kayabangan. Walang sinumang naniniwala kay Jesus ang may karapatang sumpain o husgahan ang kapwa. Kayong lahat ay dapat maging isang taong makatwiran at tumatanggap sa katotohanan. Marahil, dahil narinig mo na ang daan ng katotohanan at nabasa na ang salita ng buhay, naniniwala ka na isa lamang sa 10,000 ng mga salitang ito ang naaayon sa iyong mga paniniwala at sa Biblia, at sa gayo’y dapat kang patuloy na maghanap sa ika-10,000 ng mga salitang ito. Pinapayuhan pa rin kita na maging mapagpakumbaba, huwag maging masyadong tiwala sa sarili, at huwag masyadong magmalaki. Kapag may kaunting paggalang sa Diyos sa puso mo, magtatamo ka ng higit na liwanag. Kung sinusuri mong mabuti at paulit-ulit na pinagninilayan ang mga salitang ito, mauunawaan mo kung ang mga iyon ay ang katotohanan o hindi, at kung ang mga iyon ay buhay o hindi. Marahil, dahil ilang pangungusap lamang ang nabasa, pikit-matang huhusgahan ng ilang tao ang mga salitang ito, nagsasabing, “Kaunting kaliwanagan lamang ito mula sa Banal na Espiritu,” o, “Huwad na Cristo ito na naparito upang linlangin ang mga tao.” Yaong mga nagsasabi ng gayong mga bagay ay nabubulagan ng kamangmangan! Kakaunti ang nauunawaan mo tungkol sa gawain at karunungan ng Diyos, at pinapayuhan kita na magsimula kang muli sa wala! Huwag ninyong pikit-matang husgahan ang mga salitang ipinahayag ng Diyos dahil sa paglitaw ng mga huwad na Cristo sa panahon ng mga huling araw, at hindi dapat maging isang tao na lumalapastangan sa Banal na Espiritu dahil sa takot kayong malinlang. Hindi ba’t masyadong kaawa-awa ang gayon? Kung, matapos ang maraming pagsusuri, naniniwala ka pa rin na ang mga salitang ito ay hindi ang katotohanan, hindi ang daan, at hindi ang pagpapahayag ng Diyos, sa kahuli-huliha’y mapaparusahan ka, at hindi magtatamo ng mga pagpapala. Kung hindi mo matatanggap ang gayong katotohanang sinambit nang lantaran at napakalinaw, hindi ba’t hindi ka naaakma sa pagliligtas ng Diyos? Hindi ba’t isa kang tao na hindi pinapalad nang sapat upang makabalik sa harapan ng luklukan ng Diyos? Pag-isipan mo ito! Huwag magpadalus-dalos at mapusok, at huwag ituring na laro ang paniniwala sa Diyos. Mag-isip alang-alang sa iyong hantungan, alang-alang sa iyong mga inaasahan, alang-alang sa iyong buhay, at huwag mong paglaruan ang iyong sarili. Matatanggap mo ba ang mga salitang ito?

__________________________________________________

Alam mo ba kung kailan babalik si Jesus? Dadalhin sa iyo ng pahinang ito ang balita ng pagbabalik ni Jesucristo at gagabayan ka upang masalubong Siya.


Paano Mo Sasalubungin Pagbalik ni Jesus

2020-05-27 16:53:01 | Salita ng Diyos

I
Kapag Diyos naging tao ngayon,
gawa N'ya'y ipahayag disposisyon N'ya,
pangunahin sa pagkastigo't paghatol.
Gamit 'to bilang pundasyon,
dala Nya'y mas maraming katotohanan sa tao,
ipinapakita mas madaming paraan ng pagsasagawa,
kaya nakakamit layunin N'yang paglupig
at pagligtas sa tao mula sa masamang disposisyon n'ya.
Ito ang nasa likod
ng gawain ng Diyos sa Panahon ng Kaharian.
Kung tao'y nanatili sa Panahon ng Biyaya,
sariling disposiyon ng Diyos 'di nila malalaman kaylanman,
o makalaya sa disposisyong masama.
At kung nabubuhay sila sa kasaganaan ng biyaya,
ngunit hindi alam kung paano pasasayahin ang Diyos,
kaya sa Kanya'y kaawa-awang naniniwala sila
pero kaylanma'y 'di matatamo S'ya.

II
Matapos maranasan lahat ng gawa N'ya sa Panahon ng Kaharian,
pangarap na tangan ng kayraming taon magkakatotoong lahat.
Mararamdaman mong nakita mo sa wakas
nang mukhaan ang Diyos;
ngayon mo lang natunghayan mukha ng Diyos,
napakinggan personal na pagbigkas ng Diyos,
napahalagahan gawain N'ya't karunungan,
at nadama gaano katotoo, makapangyarihan S'ya.
Malalaman mong nakita't natamo mo na
nang higit kaysa nauna sa 'yo.
Tunay na malalaman mo ang ibig sabihin
ng maniwala't sumunod sa puso N'ya.
Kung kakapit sa nakalipas at tatanggiha't itatatwa
ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos,
mananatili kang walang-dala, walang wala,
at may salang pagsalungat sa Kanya.

III
Sundin ang katotohanan, pasakop sa gawain N'ya,
at pailalim sa ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos,
ang Makapangyarihan,
maalok ng personal na paggabay N'ya.
Magkakaro'n ka ng mas marami,
makikita mas mataas na katotohanan,
at tatanggap ng tunay na buhay ng tao.
Nais mo bang maalis sa sarili mo masamang disposiyon?
Nais mo bang matamo ang mas mataas na katotohanan?
Nais mo bang mabuhay ng may halagang buhay?
Nais mo bang gawing perpekto ng Diyos?
Kung gayon,
pa'no mo sasalubungin ang pagbabalik ni Jesus?
mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin
_________________________________________


Ang Pagpapakita ng Diyos ay Naghatid ng Isang Bagong Kapanahunan

2020-05-17 21:28:40 | Salita ng Diyos
Ang anim-na-libong-taong plano ng pamamahala ng Diyos ay malapit na sa pagtatapos, at ang pintuang-daan ng kaharian ay nabuksan na para sa lahat niyaong mga naghahanap ng Kanyang pagpapakita. Minamahal na mga kapatiran, ano pa ang hinihintay ninyo? Ano itong hinahanap ninyo? Kayo ba ay naghihintay sa pagpapakita ng Diyos? Hinahanap ba ninyo ang Kanyang mga yapak? Talagang lubos na pinananabikan ang pagpapakita ng Diyos! At talagang napakahirap masumpungan ang mga yapak ng Diyos! Sa panahong tulad ngayon, sa mundong tulad nito, ano ang nararapat nating gawin upang masaksihan ang araw ng pagpapakita ng Diyos? Ano ang nararapat nating gawin upang makasabay sa mga yapak ng Diyos? Ang mga katanungang ganito ay kinakaharap ng lahat niyaong naghihintay na magpakita ang Diyos. Naiisip na ninyo ang lahat ng ito nang hindi lamang miminsan—nguni’t ano ang kinalabasan? Saan nagpapakita ang Diyos? Nasaan ang mga yapak ng Diyos? Nakuha na ba ninyo ang sagot? Marami sa magiging sagot ng mga tao ay ganito: Ang Diyos ay nagpapakita sa gitna niyaong mga sumusunod sa Kanya at ang Kanyang mga yapak ay nasa ating kalagitnaan; ganyan lamang kapayak! Kahit sino ay makapagbibigay ng mala-pormulang sagot, nguni’t naiintindihan ba ninyo kung ano ang kahulugan ng pagpapakita ng Diyos o ng Kanyang mga yapak? Ang pagpapakita ng Diyos ay tumutukoy sa Kanyang pagdating sa lupa upang gawin ang Kanyang gawain nang personal. Dala ang Kanyang sariling pagkakakilanlan at disposisyon, at ang Kanyang likas na pamamaraan, Siya ay bumababa sa sangkatauhan upang isakatuparan ang gawain ng pag-uumpisa ng isang kapanahunan at pagwawakas ng isang kapanahunan. Ang uri ng pagpapakitang ito ay hindi isang anyo ng seremonya. Ito ay hindi isang tandâ, isang larawan, isang himala, o isang uri ng malaking pangitain, at lalong hindi ito isang prosesong pangrelihiyon. Ito ay isang tunay at aktwal na pangyayari na nahihipo at nakikita ng sinuman. Ang ganitong uri ng pagpapakita ay hindi upang sumunod lamang sa agos, o para sa kapakanan ng isang pangmaikling panahong pagbalikat; ito, sa halip, ay para sa kapakanan ng isang yugto ng gawain sa Kanyang plano ng pamamahala. Ang pagpapakita ng Diyos ay laging makabuluhan, at laging nagtataglay ng ilang kaugnayan sa Kanyang plano ng pamamahala. Ang tinatawag na “pagpapakita” rito ay lubos na naiiba mula sa uri ng “pagpapakita” kung saan ang Diyos ay gumagabay, nag-aakay, at nagliliwanag sa tao. Isinasakatuparan ng Diyos ang isang yugto ng Kanyang dakilang gawain sa tuwing inihahayag Niya ang Sarili Niya. Ang gawaing ito ay naiiba mula sa gawain ng alinmang iba pang kapanahunan. Hindi ito kayang isipin ng tao, at hindi pa naranasan kailanman ng tao. Ito ay gawain na nagsisimula ng isang bagong kapanahunan at nagwawakas ng lumang kapanahunan, at ito ay isang bago at pinahusay na anyo ng gawain para sa kaligtasan ng sangkatauhan; bukod dito, ito ay gawain na nagdadala sa sangkatauhan sa bagong kapanahunan. Ito ang kahulugan ng pagpapakita ng Diyos.
Sa sandaling naunawaan na ninyo kung ano ang kahulugan ng pagpapakita ng Diyos, paano ninyo dapat hanapin ang mga yapak ng Diyos? Ang katanungang ito ay hindi mahirap ipaliwanag: Kung saan may pagpapakita ang Diyos, masusumpungan ninyo roon ang Kanyang mga yapak. Tila napakadiretso ng ganitong paliwanag, nguni’t hindi napakadaling isakatuparan, sapagka’t maraming tao ang hindi nakakaalam kung saan ibinubunyag ng Diyos ang Kanyang Sarili, lalong hindi kung saan Niya nais, o kung saan Niya dapat ibunyag ang Sarili Niya. Ang ilan ay pabigla-biglang naniniwala na kung saan man may gawain ang Banal na Espiritu, doon nagpapakita ang Diyos. O kung hindi naman ay naniniwala sila na kung saan mayroong mga espirituwal na tao, doon nagpapakita ang Diyos. O kung hindi naman ay naniniwala sila na kung saan man ang mga tao ay bantog, doon nagpapakita ang Diyos. Sa ngayon, isantabi natin kung tama man o mali ang gayong mga paniniwala. Upang ipaliwanag ang ganitong tanong, kailangan muna nating magkaroon ng isang malinaw na layunin: Hinahanap natin ang mga yapak ng Diyos. Hindi tayo naghahanap ng mga espiritwal na tao, lalong hindi natin hinahabol ang mga sikat na namumuno; tayo ay naghahabol sa mga yapak ng Diyos. Dahil dito, yamang hinahanap natin ang mga yapak ng Diyos, dapat nating hanapin ang kalooban ng Diyos, ang mga salita ng Diyos, ang mga pagbigkas ng Diyos—sapagka’t kung saan man naroon ang mga bagong salita na binibigkas ng Diyos, naroon ang tinig ng Diyos, at kung saan man naroon ang mga yapak ng Diyos, naroon ang mga gawa ng Diyos. Kung saan man naroon ang pagpapahayag ng Diyos, doon nagpapakita ang Diyos, at kung saan man nagpapakita ang Diyos, doon umiiral ang katotohanan, ang daan, at ang buhay. Sa paghahanap ng mga yapak ng Diyos, nabalewala na ninyo ang mga salitang “Ang Diyos ang katotohanan, ang daan, at ang buhay.” At kaya, ang maraming tao, kahit pa tumatanggap sila ng katotohanan, hindi sila naniniwala na nakita na nila ang mga yapak ng Diyos, at lalo pang hindi nila kinikilala ang pagpapakita ng Diyos. Napakatinding pagkakamali! Ang pagpapakita ng Diyos ay hindi maipagkakasundo sa mga pagkaintindi ng tao, lalo pang hindi maaaring magpakita ang Diyos ayon sa utos ng tao. Ang Diyos ay gumagawa ng Kanyang sariling mga pagpili at Kanyang sariling mga plano kapag ginagawa Niya ang Kanyang gawain; bukod dito, Siya ay may sariling mga layunin, at sarili Niyang mga pamamaraan. Anupaman ang gawaing ginagawa Niya, hindi Niya kailangang talakayin ito sa tao o hingin ang kanyang payo, lalo na ang ipaalam sa bawat tao ang tungkol sa Kanyang gawain. Ito ang disposisyon ng Diyos, na dapat, higit pa rito, kilalanin ng lahat. Kung nais ninyong masaksihan ang pagpapakita ng Diyos, sundan ang mga yapak ng Diyos, kung gayon nararapat muna ninyong iwan ang inyong sariling mga pagkaintindi. Hindi dapat utusan ang Diyos na gawin ito o iyon, lalong hindi mo Siya dapat ikulong sa sarili mong hangganan at limitahan Siya sa sarili mong mga pagkaintindi. Sa halip, dapat ninyong itanong kung paano ninyo dapat hanapin ang mga yapak ng Diyos, kung paano ninyo dapat tanggapin ang pagpapakita ng Diyos, at kung paano kayo dapat magpasailalim sa bagong gawain ng Diyos; ito ang dapat na gawin ng tao. Dahil ang tao ay hindi ang katotohanan, at hindi nagtataglay ng katotohanan, dapat siyang maghanap, tumanggap, at sumunod.
Kahit na ikaw ay isang Amerikano, Ingles, o anumang iba pang lahi, nararapat kang humakbang sa labas ng mga hangganan ng iyong sariling lahi, hinihigitan ang iyong sarili, at tingnan ang gawain ng Diyos mula sa pananaw ng isang nilalang. Sa ganitong paraan, hindi ka maglalagay ng mga hangganan sa mga yapak ng Diyos. Ito ay dahil, ngayon, maraming tao ang nag-iisip na imposibleng magpapakita ang Diyos sa isang partikular na bansa o sa gitna ng ilang tao. Napakalalim ng kabuluhan ng gawain ng Diyos, at napakahalaga ng pagpapakita ng Diyos! Paano masusukat ang mga ito ng mga pagkaintindi at pag-iisip ng tao? At kaya sinasabi Ko, dapat kang kumawala sa iyong mga pagkaintindi tungkol sa lahi o katutubong pinagmulan upang hanapin ang pagpapakita ng Diyos. Sa ganitong paraan lamang hindi ka masisikil ng sarili mong mga pagkaintindi; sa ganitong paraan lamang magiging karapat-dapat kang salubungin ang pagpapakita ng Diyos. Kung hindi, lagi kang mananatili sa walang-hanggang kadiliman, at hindi kailanman makakamtan ang pagsang-ayon ng Diyos.
Ang Diyos ay ang Diyos ng buong lahi ng tao. Hindi Niya ipinalalagay ang Sarili Niya bilang pribadong pag-aari ng anumang bansa o lahi, kundi ginagawa ang gawaing ayon sa Kanyang plano, nang hindi napipigilan ng anumang anyo, bansa, o lahi. Marahil hindi mo kailanman naisip na itong anyo, o marahil tinatanggihan sa iyong saloobin ang anyong ito, o marahil ang bansa kung saan ibinubunyag ng Diyos ang Kanyang Sarili at sa mga tao kung kanino ibinubunyag ang Kanyang Sarili ay sadya lamang hindi kinalulugdan ng lahat at sadya lamang na ang pinaka-napag-iiwanan sa lupa. Nguni’t ang Diyos ay may Kanyang karunungan. Sa Kanyang dakilang kapangyarihan at sa pamamagitan ng Kanyang katotohanan at Kanyang disposisyon, tunay na nagtamo na Niya ang isang grupo ng mga tao na kaisa Niya sa pag-iisip, at ng isang grupo ng mga tao na nais Niyang gawing ganap—isang grupong nalupig Niya, na, dahil natitiis ang lahat ng uri ng mga pagsubok at mga kapighatian at lahat ng uri ng pag-uusig, ay makakasunod sa Kanya hanggang sa katapus-tapusan. Ang layunin ng pagpapakita ng Diyos, malaya mula sa mga paninikil ng kahit na anong anyo o bansa, ay upang makaya Niyang matapos ang gawain alinsunod sa Kanyang plano. Gaya lamang ito nang ang Diyos ay nagkatawang-tao sa Judea, ang Kanyang pakay ay tapusin ang gawain ng pagpapapako sa krus upang tubusin ang buong sangkatauhan. Nguni’t naniwala ang mga Judio na imposibleng magawa ito ng Diyos, at inisip nila na imposibleng magiging katawang-tao ang Diyos sa anyo ng Panginoong Jesus. Ang kanilang “imposible” ang naging batayan ng kanilang paghatol at pagkontra sa Diyos, at sa kahuli-hulihan ay humantong sa pagkawasak ng Israel. Ngayon, maraming tao ang nakagawa na ng parehong pagkakamali. Buong-kalakasan nilang ipinahahayag ang nalalapit na pagpapakita ng Diyos, nguni’t sila rin ang bumabatikos sa Kanyang pagpapakita; ang kanilang “imposible” ang muling nagkukulong ng pagpapakita ng Diyos sa loob ng mga hangganan ng kanilang imahinasyon. At sa gayon nakita Ko na ang maraming tao na bumubunghalit sa pagtawa matapos matagpuan ang mga salita ng Diyos. Nguni’t hindi ba ang pagtawang ito ay walang ipinagkaiba sa pambabatikos at pagsalangsang ng mga Judio? Hindi kayo nagpipitagan sa harap ng katotohanan, lalong hindi ninyo hinahangad ang katotohanan. Ang ginagawa lamang ninyo ay nagsusuri nang walang pakundangan at walang-pakialam na naghihintay lamang. Ano ang mapapala ninyo sa pagsusuri at paghihintay nang ganito? Maaari kayang makuha ninyo ang personal na patnubay ng Diyos? Kung hindi mo matatalos ang mga pagbigkas ng Diyos, paano ka magiging karapat-dapat na saksihan ang pagpapakita ng Diyos? Kung saan man nagpapakita ang Diyos, naroon ang pagpapahayag ng katotohanan, at naroroon ang tinig ng Diyos. Tanging iyong mga makakatanggap sa katotohanan ang makaririnig sa tinig ng Diyos, at tanging ang mga ganitong tao ang karapat-dapat na makasaksi sa pagpapakita ng Diyos. Isantabi mo nga ang iyong mga pagkaintindi! Huminto at basahing mabuti ang mga salitang ito. Kung naghahangad ka para sa katotohanan, liliwanagan ka ng Diyos at mauunawaan mo ang Kanyang kalooban at Kanyang mga salita. Isantabi mo nga ang iyong mga pananaw tungkol sa “imposible”! Habang lalong naniniwala ang mga tao na imposible ang isang bagay, mas lalong maaari itong mangyari, sapagka’t ang karunungan ng Diyos ay mas mataas pa sa mga kalangitan, ang mga iniisip ng Diyos ay higit pa sa mga iniisip ng tao, at ang gawain ng Diyos ay lampas pa sa kakayanan ng pag-iisip at pagkaintindi ng tao. Mas imposible ang isang bagay, lalong higit na mayroon itong katotohanang mahahanap; mas lampas sa pagkaintindi at imahinasyon ng tao ang isang bagay, lalong higit na ito ay naglalaman ng kalooban ng Diyos. Ito ay dahil, kahit saan pa Niya ipinakikita ang Sarili Niya, ang Diyos ay nananatiling Diyos, at ang Kanyang sangkap ay hindi kailanman magbabago dahil lamang sa lugar o paraan ng Kanyang pagpapakita. Ang disposisyon ng Diyos ay nananatiling pareho saanman naroon ang Kanyang mga yapak, at nasaan man ang mga yapak ng Diyos, Siya ay ang Diyos ng buong sangkatauhan, gaya ng ang Panginoong Jesus ay hindi lamang ang Diyos ng mga Israelita, kundi ang Diyos din ng lahat ng tao sa Asya, Europa, at Amerika, at higit pa rito ay ang nag-iisa at natatanging Diyos ng buong sansinukob. Kaya hanapin natin ang kalooban ng Diyos at tuklasin ang Kanyang pagpapakita mula sa Kanyang mga pagbigkas, at sabayan ang Kanyang mga yapak! Ang Diyos ang katotohanan, ang daan, at ang buhay. Ang Kanyang mga salita at Kanyang pagpapakita ay sabay na umiiral, at ang Kanyang disposisyon at mga yapak ay bukás sa sangkatauhan sa lahat ng sandali. Minamahal na mga kapatiran, umaasa Akong makikita ninyo ang pagpapakita ng Diyos sa mga salitang ito, at inuumpisahang sundan ang Kanyang mga yapak sa paghakbang ninyo tungo sa isang bagong kapanahunan, at pagpasok tungo sa magandang bagong langit at lupa na naihanda na ng Diyos para sa mga naghihintay sa Kanyang pagpapakita!
_________________________________________

Ang Salita ng Diyos Ngayong Araw - patahimikin ang iyong sarili sa harap ng Diyos upang makinig at pagnilayan ang mga salita ng Diyos araw-araw. Ang iyong espiritu ay makakakain at matutustusan, at ang iyong buhay ay patuloy na lalago.