goo blog サービス終了のお知らせ 

Makapangyarihang Diyos ay Ating Tagapagligtas

Makapangyarihang Diyos-Ang Pagbabalik ng Panginoong Jesus

Tanggalin ang Maskara, at Magsimula ng Panibagong Buhay

2020-01-07 10:48:53 | Mga Patotoo



Sa pagtatapos ng nakaraang taon, dahil hindi ko naumpisahan ang gawain ng ebanghelyo sa aking lugar, inilipat ng pamilya ng Diyos ang isang kapatid mula sa ibang lugar para pangasiwaan ang aking gawain. Bago nito, hindi ako nasabihan, kung hindi, nalaman ko lang sa pamamagitan ng isang kapatid na kasama ko sa gawain. Masyado akong nagalit. Naghinala ako na hindi ako sinabihan ng taong nangangasiwa dahil sa takot na hindi ko gustong iwanan ang aking katungkulan at ipaglalaban ko ito. Bilang resulta, nagkaroon ako ng hindi magandang opinyon sa kapatid na nangangasiwa. Hindi kalaunan, nagkita kami ng naturang kapatid at tinanong kung ano ang nararamdaman ko tungkol sa aking pagkakapalit—noong una ninais ko na sabihin ang nasa aking isip, ngunit nag-alala ako na magkakaroon siya ng masamang impresyon sa akin at isipin na ako ay naghahangad sa katungkulan. Kaya sa halip, sa malumay na pananalitang kaya ko, sinabi ko, “Hindi ito problema, hindi ako nakagawa ng maayos na gawain kaya makatwiran lamang na ako ay mapalitan. Wala akong anumang partikular na iniisip tungkol dito, kung anumang tungkulin ang ibigay sa akin ng pamilya ng Diyos na gagampanan ko ay malugod akong susunod.” Sa ganitong paraan, itinago ko ang tunay kong nararamdaman habang ipinapakita ang ilusyong bersyon ng aking sarili sa naturang kapatid. Pagkatapos, ipinadala ako ng pamilya ng Diyos na maging manggagawa. Sa unang pagtitipon naming mga magkakatrabaho, nagtapat ang aming bagong lipat na pinuno tungkol sa kanyang kalagayan. Isang partikular na talatang ginamit niya, “nawala lahat ang katungkulan at reputasyon” ang tumama sa akin na parang isang toneladang mga bato: Para bang ako ang kanyang tinutukoy. Nakaupo ako doong ramdam ang lubhang pagkagalit at pagkalungkot—nararamdaman kong namumuo ang mga luha sa aking mga mata, ngunit pinigilan ko ang mga ito sa takot na mapansin ito ng iba. Ginusto kong ipagtapat ang aking kalooban, ngunit nag-alala din ako na baka lumiit ang tingin sa akin ng aking mga katrabaho. Para mapagtakpan ang pagkapahiya, itinago ko ulit ang aking tunay na kalagayan, hindi hinayaan ang iba na makita kung hanggang saan ako napino na. Pinilit ko pang ngumiti para ipakita sa lahat kung gaano ka-normal ang aking kalagayan. Sa ganoon lang, dinala kong muli ang aking pagkanegatibo sa aking gawain, at sa kabila ng katotohanan na hindi ako nagpabaya at nagtrabaho ako araw-araw mula madaling-araw hanggang takipsilim, parang habang lalo akong nagtatrabaho mas lalo naman akong naging hindi epektibo at lumitaw ang lahat ng uri ng problema. Ang gawain ng ebanghelyo ay humihinto na at ang lider ng grupo ng ebanghelyo at ang iba sa kanyang mga kasapi ay inaresto na ng kapulisan ng CCP. Habang hinaharap ang lahat ng ito, naramdaman kong malapit na akong mahimatay at inisip lamang ang nalalapit kong pagkakapalit. Ganon pa man, tumanggi akong ipagtapat ang aking kalooban, ipinapakita kung gaano ako katatag at kadeterminado sa harapan ng aking mga kapatid.
Isang araw habang ginaganap ang makadiwang pagpapalago narinig ko ang mga sumusunod na sipi mula sa pagbabahagi ni Kristo, “Kapag nakikipag-ugnayan sa kanilang mga kapatid na lalaki at babae, ang ilang mga tao ay takot na takot na malalaman nila ang mga paghihirap na nasa kanilang mga puso, at na ang mga kapatid na lalaki at babae ay may masasabi tungkol sa kanila o hahamakin sila. Habang nagsasalita sila, lagi nilang ipinararamdam ang kanilang simbuyo ng damdamin, na talagang gusto nila ang Diyos, at masigasig sa pagsasagawa ng katotohanan, nguni’t sa katunayan, sa loob ng kanilang mga puso, sila ay masyadong mahina at walang-kibo. Nagkukunwari silang malakas, kaya’t walang nakakakita ng totoo. Ito rin ay panlilinlang. Sa kabuuan, anuman ang ginagawa mo—kung iyan man ay sa buhay, paglilingkod sa Diyos, o pagganap ng tungkulin mo—kung nagpapakita ka ng huwad na pagmumukha at ginagamit mo ito para linlangin ang mga tao, para tumaas ang tingin nila sa iyo o hindi ka nila hamakin, nagiging mapanlinlang ka!” (“Ang Pinakasaligang Pagsasagawa ng Pagiging Isang Taong Tapat” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo). Pagkatapos kong marinig ang sipi na ito, lubos akong hindi nakapagsalita. Ang paghahatol ni Kristo ay tumama sa akin sa kaibuturan ng aking pagkatao. Noong sinukat ko ang aking sariling mga kilos laban sa mga salitang ito, lumabas na ako ang mapanlinlang na tao na tinutukoy ng Diyos, isang tunay na hipokrito. Para palabasin sa aking lider at mga kapwa manggagawa ang impresyon na ako ay isang tao na handang iwanan ang estado at sumunod sa mga kasunduan na ihihanda ng pamilya ng Diyos para sa akin, pinagsikapan kong magbalatkayo at pagtakpan ang katotohanan, isinakripisyo ang gawain ng pamilya ng Diyos at mga buhay ng aking mga kapatid nang walang pag-aalinlangan. Hindi talaga ako naging handa na ibunyag sa kanila kung gaano naging negatibo ang aking kalagayan at asal pagkatapos akong mapalitan, kaya magmula noong inalis sa akin ang aking pagiging lider at naatasan bilang isang manggagawa, nagkunwari akong matatag at determinado kahit na sa loob ko ay negatibo at mahina ang nararamdaman ko. Nabubuhay ako sa panlilinlang ni Satanas. Nabubuhay ako sa maling pagkakaunawa at pagtalikod sa Diyos. Gayunpaman, hindi pa rin ako naging handang ipagtapat ang aking kalooban at hanapin ang katotohanan para malutas ang aking masamang disposisyon. Napaka-mapanlinlang ko! Subalit, kahit gaano pa ako kagaling na magbalatkayo at magtago ng aking tunay na nararamdaman, hindi ako nakaligtas sa pagsisiyasat ng Diyos. Ginamit ng Banal na Espiritu ang aking pagiging hindi epektibo sa aking gawain para ibunyag ang lahat. Kahit ano pang mangyari, hindi ako nakahandang iwanan ang aking estado, ngunit sa halip ay ginawa ang lahat ng aking magagawa para mapagtakpan ang aking pagkapahiya at panatilihin ang aking katayuan sa pamamagitan ng pagpapakita ng huwad na imahe ng aking sarili para lokohin at lituhin ang aking mga kapatid. Bakit hindi ko nalaman, na sa ginawa kong ito, hindi ko lamang binitag ang aking sarili, kung hindi, nagdulot din ako ng malaking pinsala sa gawain ng pamilya ng Diyos? Napakamapanganib pala ang paglaruan ang gawain ng pamilya ng Diyos at ang sariling kong buhay!
Sa puntong ito, hindi ko mapigilang tanungin ang aking sarili: Bakit palagi akong nagpapakita ng huwad na imahe ng aking sarili sa iba? Ito ba ay dahil inuutusan ako ng aking mapanlinlang na kalikasan para palaging pagtakpan ang aking pagkapahiya at protektahan ang aking estado? Sa pamamagitan ng pagliliwanag ng Banal na Espiritu, nakilala ko kung paano lumala ang lason ni Satanas sa kalooban ko. Ang mga talatang, “Ang punongkahoy ay nabubuhay kasama ang kanyang balat, ang tao ay nabubuhay kasama ang kanyang mukha” at “Iniiwan ng tao ang kanyang pangalan kung saan siya nananatili, tulad ng isang gansa na nag-iiwan ng tinig kapag ito ay lumilipad” ay malalim nang nagkaugat sa aking kaluluwa kaya malalim ang impluwensiya at pagmamaniobra ng mga ito sa lahat ng aking mga ginagawa. Nagbalik-tanaw ako sa kung paano ito lumitaw sa nakaraan: Ilang beses na ba akong kumilos laban sa prinsipyo ng katotohanan sa pagganap sa aking mga tungkulin, itinatago ang katotohanan ng sitwasyon para pagtakpan ang aking pagkapahiya at dahil sa takot na, kung sasabihin ko ang aking iniisip, baka ako punahin ng iba? Ilang beses na ba akong nagdulot ng matinding pinsala sa aking buhay dahil, sa kabila ng masakit na kabatirang ang aking kalagayan ay masama at nababatid na dapat kong ipagtapat ang aking kalooban sa pakikitungo sa iba, sa halip ay pinili kong magdusa nang tahimik kaysa maging bukas at hanapin ang landas ng liwanag dahil sa takot na magiging mababa ang tingin sa akin? Sa diwa, sa tuwing nakataya ang aking mukha at reputasyon, madaya akong nagbabalatkayo at ipinapakita ang huwad na imahe para lokohin ang Diyos at lituhin ang iba. Kahit noong sinubukan ng Diyos na iligtas ako sa pamamagitan ng maraming pagbubunyag, inuutusan pa rin ako ng aking mapanlinlang na kalikasan na bumuo ng huwad na imahe, linlangin ang Diyos at lituhin ang iba. Sa ganitong paraan, paano magsasagawa ang Diyos sa pamamagitan ko? Kung magpapatuloy ako sa landas na ito, paano ako makakatanggap ng kaligtasan? Paano hindi pasisimulan ng lahat ng ito ang matinding galit ng Diyos? Dahil sa takot, ipinatirapa ko ang aking sarili sa harapan ng Diyos: Makapangyarihang Diyos, hindi ako karapat-dapat na tumayo sa harapan Mo! Ang aking mapanlinlang na kalikasan ay nagdulot ng malaking pinsala sa gawain ng pamilya ng Diyos, at binigyan mo pa ako ng pagkakataon para magbago. Hindi ko na hihilingin, ngayon, na kunsintihin Mo ako o na mataas ang pagtingin sa akin ng iba, ang hinihiling ko lamang ay manatili sa akin ang Iyong pagkastigo at paghahatol. Sa pamamagitan ng Iyong pagkastigo at paghahatol, hayaan mong makita ko ang Iyong matuwid na disposisyon at makamit ang lubusang pag-unawa sa aking mapanlinlang na kalikasan, para matanggal ko ang aking pagbabalatkayo at mabuhay nang matapat.
Pagkatapos, binasa ko ang mga sumusunod na sipi sa mga salita ng Diyos: “Ang ibig sabihin ng katapatan ay ang ibigay ang inyong puso sa Diyos; huwag kailanman maging huwad sa Kanya sa anumang bagay; maging bukas sa Kanya sa lahat ng bagay, hindi kailanman nagtatago ng katotohanan; huwag kailanman gawin yaong nanlilinlang sa mga nakatataas at nagliligaw sa mga nasa ibaba; at huwag kailanman gawin yaong pagmamagaling lamang ng iyong sarili sa Diyos. Sa madaling salita, ang pagiging matapat ay ang pag-iwas sa karumihan sa mga kilos at salita, at ang hindi manlinlang ng Diyos o tao. … Kung marami kang mga itinatago na atubili kang ibahagi, at kung ayaw na ayaw mong ilantad ang iyong mga lihim—ibig sabihin, ang iyong mga paghihirap—sa harap ng iba upang sa gayon ay hanapin ang daan ng liwanag, kung gayon ay sinasabi Ko na ikaw ay isa na hindi madaling makakatanggap ng kaligtasan at hindi kaagad makakaahon mula sa kadiliman. Kung ang paghahanap sa daan ng katotohanan ay nakalulugod sa iyo nang mabuti, kung gayon, ikaw ay isa na laging nananahan sa liwanag” (“Tatlong Paalaala” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Mula sa mga salita ng Diyos, nakita ko na silang mga hindi handang ibahagi ang kanilang mga pananalig at ipagtapat ang kanilang mga paghihirap para hanapin ang katotohanan ay mga mapanlinlang. Dahil ang Diyos ay galit at nasusuklam sa mga mapanlinlang, ang mga taong mapanlinlang ay hindi taglay ang gawain ng Banal na Espiritu sa kanilang kalooban at kahit ilang taon pa nilang isa-gawa ang pananampalataya sa Diyos, hindi nila kailanman matatanggap ang pagliligtas ng Diyos at sa bandang huli ay tuluyang maaalis. Salamat sa pagliliwanag ng salita ng Diyos, napagtanto ko na ang dahilan ng aking pagkabigo sa pagsisilbi sa Diyos ay dahil sa aking sariling mapanlinlang na kalikasan. Hindi ako kailanman naging handang isuko ang aking puso sa Diyos, ipagtapat ang aking kalooban sa harapan ng Diyos o sa aking mga kapatid at tanggapin ang pagkastigpo at paghahatol ng Diyos para dalisayin ang aking sarili. Bilang resulta, nabubuhay ako sa loob ng hindi naaangkop na kalagayan, nawala ang gawain ng Banal na Espiritu at nahulog sa kadiliman. Kung sana ay ibinahagi ko ang tungkol sa tunay na kalagayan ko kapag nakikipagsamahan ako sa aking kapatid na nangangasiwa, tiyak na inihayag sana niya ang katotohanan sa akin at kaagad sanang bumuti ang aking kalagayan. Kung sana ay palagi kong ipinagtapat ang aking kalooban, naging normal sana ang aking relasyon sa Diyos at hindi sana ako nagkimkim ng pagtatangi laban sa kanya o nagdulot ng malaking pinsala sa gawain ng pamilya ng Diyos. Nagpapasalamat ako sa Diyos sa pagbubunyag sa akin ng Kanyang matuwid na disposisyon. Sa pamamagitan ng salita ng Diyos, ako ay naibunyag at nahatulan at sa gayon napagtanto ko ang aking mapanlinlang na kalikasan at ang pinaka-ugat ng aking mga pagkabigo. Ipinakita rin sa akin ng pagbubunyag at paghahatol ng Diyos ang landas na isasa-gawa: Kahit gaano pa karaming paghihirap ang aking haharapin, o gaano kalala ang aking kalagayan, tanging sa pagtatapat ng aking kalooban at paggamit sa katotohanan para magkaroon ng resolusyon at pagsunod sa salita ng Diyos ko matatanggap ang gawain ng Banal na Espiritu. Tanging sa pagtatanggal sa aking balatkayo at pagkilos nang matapat ko matatamo ang pagliligtas ng Diyos.
Sa mga salita ng Diyos natagpuan ko ang pag-asa at malalim ang pagkakaantig ng aking puso. Kahit na ang aking mga kilos ay nagdulot ng lubhang pasakit sa Diyos, hindi Niya ako iniwanan, ngunit palagi Siyang nandoon, tahimik na isinasagawa ang Kanyang pagliligtas. Sa kabila nitong parang mahigpit na pagkastigo at paghahatol, ang marubdob na pagsasaalang-alang ng Diyos ay ganap na kapansin-pansin. Tunay kong naranasan kung ano ang ibig sabihin ng, “pagmamahal na kasing-lalim ng ipinapamalas sa pagpapayo ng ama sa kanyang anak.” Ang diwa ng Diyos ay hindi lamang pagkamatapat, kung hindi, kagandahan at kabaitan. Ang lahat na Kanyang inihahayag ay katotohanan at dapat lamang na pahalagahan ng lahat ng tao, dahil walang miyembro ng masamang sanlibutan ang nagtataglay nitong MakaDiyos na diwa. Bagama’t ang aking tunay na kalikasan ay mapanlinlang at kasuklam-suklam at ang lahat ng aking nagawa ay taliwas sa katotohanan, isinusumpa ko na babalik sa Diyos at gagawin ang lahat sa abot ng aking makakaya para hanapin ang katotohanan, sikaping baguhin ang aking disposisyon at hindi na kailanman magbabalatkayo para lamang maprotektahan ang aking walang silbing estado at pagmumukha. Balang araw, kahit ano pang mga kahirapan o masamang kalagayan ang kakaharapin ko, isinusumpa ko na ipagtatapat ko ang aking kalooban sa iba sa paghahanap ng katotohanan at mabubuhay nang matapat para pasayahin ang puso ng Diyos!


Inilantad ng Pitong Taon ng mga Pagsubok ang Aking mga Tunay na Kulay

2020-01-06 15:22:28 | Mga Patotoo


Noong 1994, kasama ang aking ina, tinanggap ko ang gawain ng Diyos sa mga huling araw. Nang malaman ko kung paanong nagpakitang muli sa laman ang Diyos upang gumawa ng gawain ng kaligtasan, natuwa ako, at lalong pinarangalan na maging tagapagmana ng kaligtasan ng Diyos. Sa sumunod na panahon, madalas akong dumalo sa mga pagtitipon, umawit ng mga himno sa pagpupuri sa Diyos, nagbabasa ako ng salita ng Diyos, at matapos akong magkamit ng ilang pag-unawa ng Kanyang mga intensyon, hinati ko ang oras ko sa pagitan ng gawain at pagtupad ng aking mga tungkulin sa loob ng iglesia sa abot ng aking makakaya. Minsan pagkatapos noon, narinig kong malapit nang matapos ang gawain ng Diyos. Labis na nasasabik, naisip ko sa sarili ko, “Dapat mas magsikap pa ako sa aking paghahanap ng katotohanan at gumawa ng mas maraming mabuting gawa bago matapos ang gawain ng Diyos. Hindi ko dapat palampasin ang pagkakataong ito na isang beses lang sa buong buhay nangyayari.” Dahil doon, gumawa ako ng matatag na desisyon na huminto sa trabaho ko at lubos na ipuhunan ang aking sarili sa gawain ng pagkakalat ng ebanghelyo ng kaharian. Nagpasya akong lubos na ilaan ang buong buhay ko sa Diyos, sa paniniwalang sa paggawa lang no’n ko matatanggap ang Kanyang parangal at pagpapala. Nung panahong iyon, araw-araw, patuloy akong naging abala mula umaga hanggang gabi sa kabila ng hangin o ulan. Kahit pa kinailangan kong magbisikleta nang ilang dosenang kilometro, hindi ako nakaramdam ng pagod o sobrang trabaho. May mga sandaling nakaramdam ako ng sakit at kahinaan nang maharap sa paninirang-puri ng mga makamundong tao o pagpapabaya ng mga mahal sa buhay, nguni’t hangga’t pumapasok sa akin ang kaisipang hindi lang ako maliligtas pag dumating sa mundo ang malalaking sakuna at magkakamit ng buhay na walang hanggan, nguni’t magtatamasa rin ng saganang materyal na pagpapala ng Diyos, ako ay nakakadama ng pagpaparangal, at pakiramdam na kapaki-pakinabang ang lahat ng aking pagsisikap. Sa paraang ito, kompyansa ako na kung maigugugol ko ang lahat para sa Diyos, nangangahulugan itong isa akong taong nagmahal sa Diyos at karapat-dapat sa Kanyang mga biyaya, at tiyak na may lugar sa akin sa kaharian. Simula noon, kahit patuloy akong gumugugol at nag-aambag, hindi ako mapakaling naghihintay sa araw kung kailan matatapos ang gawain ng Diyos upang maangkin ko na ang aking masayang lote sa kaharian sa lalong madaling panahon.
Isang araw patungo sa pagtatapos ng 1999, habang kompyansa akong naghahanda na makapasok sa kaharian at tamasahin ang malalaking biyaya nito, sinabi sa akin ng isang kapatid, “Ibinahagi ng taong ginamit ng Banal na Espiritu na kung nais nating makatanggap ng kaligtasan at maging perpekto, dapat muna tayong sumailalim sa pitong taon ng mga pagsubok.” Nang marinig ko ito, halos hindi ako makapaniwala. Para masigurong hindi ako nagkamali ng dinig, hiniling ko sa kapatid na ulitin ang sinabi niya. Nang makumpirma kong ‘yon nga talaga ang sinabi niya, umikot ang paningin at bigla akong walang nasabi. Kahit anong pilit ko, hindi ko matanggap sa sarili ko na isang katotohanan ang sinabi niya. Biglang nagsimulang tumakbo sa utak ko ang mga saloobin: “Bakit kailangan kop pang dumaan sa pitong taon ng mga pagsubok? Nang sinabi nilang matatapos na ang gawain ng Diyos sa susunod na dalawang taon, tinalikdan ko ang lahat; papaano ako magpapatuloy, ngayong may pitong taon pang natitira? Dapat ba akong maghanap ng trabaho para kumita ng pera? Sa loon ng pitong taon, tatlumpung taon na ako; paano naman ang tungkol sa pag-aasawa? …” Una kong inakala na malapit na malapit na akong makapasok sa kaharian ng Diyos, at malapit nang matapos ang lahat ng aking mga paghihirap ng laman. Gayon pa man, nakikita ngayong hindi ako hindi makakapasok sa kaharian ng Diyos, kailangan ko ring sumailalim sa pitong taon ng mga pagsubok at pagpipino. Nang maisip ko ang tungkol dito, pinanghinaan ako ng loob, at isang hindi maipahayag na kalungkutan ang nabuo sa loob ko. Sinimulan kong sisihin ang Diyos nang hindi ko namamalayan, naisip ko, “Diyos ko! Bakit hindi Niyo sinabi sa ‘kin nang mas maaga na kailangan ko pang sumailalim sa pitong taon ng pagpipino? Inakala ko sa simula na maging gaano man kahirap ang mga bagay, matatapos din ang lahat sa loob ng dalawa o tatlong taon, at makakapasok na ako noon sa kaharian at magtatamasa ng kamangha-manghang mga biyaya magpakailanman. Gayon man, ngayon, may pitong taon ng mga pagsubok at pagpipino pa akong kakaharapin. Papaano ko malalagpasan ang mga iyon?” Habang lalo kong iniisip, lalo akong nagiging negatibo. Nagsimula akong magsisi sa mga desisyong ginawa ko, at pinag-isipan ko pang bumalik sa makamundong daigdig para maghanap ng trabaho at kumita ng pera, at lumahok lang sa buhay-iglesia kapag may oras. Dahil dito, nabuhay ako nang miserable, at palaging malungkot: Natutulog sa mga pagtitipon, at walang siglang tinutupad ang aking tungkulin. Ramdam kong hindi na kagaya ng enerhiya ko ngayon ang enerhiya ko noon, nguni’t hindi ko rin tinatangkang umatras; talagang hirap akong mamili sa sitwasyon ko. Nung panahong iyon, may ilang mga taong, hindi nakatiis sa mga paghihirap ng pitong taon ng mga pagsubok, ang tumalikod sa Diyos at nawalan ng kanilang pananampalataya. Nang marinig ko ang balitang ito, nabigka ako, at para bang isang alarma ang tumutunog sa ulo ko. Habang tinitingnan ang kasalukuyan kong sitwasyon, natanto kong kapag hindi ako gumawa ng anumang bagay para baligtarin ang sitwasyon ko, malalagay din ako sa malaking panganib—nguni’t, paano ko babaguhin ang kasalukuyan kong kalagayan upang makaahon sa pagiging negatibo na kinasadlakan ko?
Hindi nagtagal pagkatapos no’n, nakita ko ang sumusunod na sipi ng mga salita ng Diyos: “Tuwing binabanggit ang pitong taon ng mga pagsubok, marami-raming tao ang mas nababalisa at nalulungkot, at may ilang nagrereklamo, at naroon ang lahat ng klase ng reaksyon. Malinaw sa mga reaksyong ito na kailangan na ngayon ng mga tao ang ganitong mga pagsubok; kailangan nila ang ganitong klaseng paghihirap at pagpipino. Sa kanilang pananalig sa Diyos, ang hinahanap ng mga tao ay makakuha ng mga pagpapala para sa hinaharap; ito ang kanilang mithiin sa kanilang pananampalataya. Lahat ng tao ay may ganitong hangad at pag-asa, subali’t ang katiwalian sa kanilang kalikasan ay dapat malutas sa pamamagitan ng mga pagsubok. Sa anumang aspeto na hindi kayo dinadalisay, ito ang mga aspeto kung saan dapat kayong mapino—ito ay pagsasaayos ng Diyos. Lumilikha ang Diyos ng isang kapaligiran para sa’yo, pinipilit kang maging pino roon nang sa gayon nalalaman mo ang iyong sariling katiwalian. Sa dakong huli, nararating mo ang isang punto kung saan mas gusto mong mamatay at isuko ang iyong mga pakana at mga ninanasa, at magpasakop sa kataas-taasang kapangyarihan at pagsasaayos ng Diyos” (“Paano Bibigyang-kasiyahan ang Diyos sa Gitna ng mga Pagsubok” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo). Ang mga salita ng Diyos ay isang perpektong paglalahad ng kasalukuyan kong suliranin. Pagkarinig ko na kailangan ko pang sumailalim sa pitong taon ng mga pagsubok, nahulog ako sa hukay ng pagiging negatibo at, puno ng mga hinaing, ay naghimagsik laban sa Diyos. Dati inakala kong dahil itinigal ko na ang trabaho ko at tinalikdan ang aking buhay-pamilya, namuhunan nang higit sa mga karaniwang tagasunod, ako samakatuwid ang mas nagmahal sa Diyos kesa kanino man, at ang pinaka-karapat-dapat sa Kanyang mga biyaya. Doon ko lang napagtantong marumi ang aking paghahanap. Sinusuri ng Diyos ang mga puso’t isipan ng mga tao, at ginamit Niya ang mga pagsubok at pagpipino upang ilantad na ang paniniwala ko sa Kanya ay nakabase talaga sa pagnanasa para sa mga biyaya. Tinulutan Niya akong magkamit ng tunay na pag-unawa ng maling pananaw ng aking paghahanap at alisin ang aking pagnanasa para sa mga biyaya. Kalaunan, nakita ko ang isa pang sipi ng mga salita ng Diyos: “Hindi ba lumilikha pa kayo ng maling imahe para linlangin Ako, para lamang sa inyong hantungan, at upang magkaroon ng maganda at masayang hantungan? Batid Kong panandalian lamang ang inyong pamimintuho at katapatan; hindi ba’t ang inyong mga hangarin at ang halagang ibinabayad ninyo ay para lamang sa ngayon at hindi para sa darating pa? Nais lamang ninyong magbuhos ng huling pagpupunyagi para matiyak ang isang magandang hantungan. Ang inyong layunin ay para lamang makipagkalakalan; hindi dahil may pagkakautang kayo sa katotohanan, at sa partikular, hindi para isauli sa Akin ang halagang pinagbayaran Ko. Sa iisang salita, pumapayag lamang kayong gamitin ang inyong katalinuhan, pero hindi kayo pumapayag na ipaglaban ito. Hindi ba’t ito ang pinakaninanais ng inyong puso? Hindi kayo dapat magbalatkayo, at higit pa, hindi ninyo dapat pakaisipin ang tungkol sa inyong hantungan hanggang sa hindi na kayo makakain o makatulog. Hindi ba’t totoo na ang inyong hantungan ay maitatakda na sa huli?” (“Hinggil sa Patutunguhan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Ang paghatol at pagkastigo sa mga salita ng Diyos ang naging dahilan para mapahiya ako at pagnilayan ang aking mga saloobin at mga kilos, natatantong kapareho iyon ng mga inilantad ng Diyos. Inalala ko noong una akong pumasok sa iglesia at nagtatrabaho pa habang tumutupad sa aking mga tungkulin. Nang marinig ko na malapit nang matapos ang gawain ng Diyos, naisip ko sa sarili ko na para magkaroon ng Kanyang mga biyaya at magkamit ng mga gantimpala, kailangan ko lang lubos na ilaan ang aking sarili sa paggugol para sa Kanya sa pansamantalang panahon. Para masigurong makakapasok ako sa kaharian kapag natapos na ang gawain ng Diyos, tinalikdan ko ang lahat ng pisikal na kasiyahan at nagmadaling tuparin ang aking mga tungkulin. Gayunpaman, nang marinig kong kailangan ko pa ring sumailalim sa pitong taon ng mga pagsubok, pakiramdam ko ay nakatagpo ako ng isang dagok kung saan hindi na ako makakabawi, at naging napakanegatibo ko na nawalan na ako ng gana na tumupad ng aking mga tungkulin. Napuno ng paninisi at paglaban sa Diyos ang puso ko. Nakaramdam ako ng panghihinayang sa lahat ng mga tinalikdan ko at lahat ng pagsisikap na ginawa ko; pinag-isipan ko ring pagtaksilan ang Diyos at talikuran Siya. Naging ibang tao ako sa kung ano ako noon! Sa pamamagitan lang ng paghahayag ng pagsubok ko napagtantong hindi ko talaga sinamba ang Diyos bilang ang Lumikha ng lahat ng nilikha. Napagtanto ko ring hindi ko ginugol ang sarili ko o tinalikdan ang mga makamundong bagay para tuparin ang aking tungkulin bilang isang nilikha para maipagpatuloy ang aking pagmamahal sa Diyos at mapasiya ang Diyos. Sa halip, ginawa ko ang lahat ng mga pagsisikap na ito para lang sa aking sariling patutunguhan sa hinaharap. Lahat ng ginawa ko ay para makipagtawaran sa Diyos; gaya ng, panlilinlang at panggagamit ko sa Kanya upang makamit ang aking tunay na layunin na makapasok sa kaharian upang tumanggap ng masaganang mga biyaya. Naging napakamakasarili, kasuklam-suklam, at masama ako! Gaya nga ako ng inilantad ng mga salita ng Diyos: “Kahit paano man sila sinusubukan, ang katapatan ng mga taong nasa puso nila ang Diyos ay nananatiling hindi nagbabago; nguni’t para sa mga taong walang Diyos sa kanilang puso, sa sandaling ang gawain ng Diyos ay hindi kapaki-pakinabang sa kanilang laman, binabago nila ang kanilang pananaw tungkol sa Diyos, at nililisan pa ang Diyos. Ganoon ang mga hindi maninindigan sa katapusan, na naghahanap lamang ng mga pagpapala ng Diyos at walang pagnanais na gumugol sa kanilang mga sarili para sa Diyos at ialay ang kanilang mga sarili sa Kanya. Ang uring ito ng mga hamak na tao ay patatalsikin lahat kapag natapos na ang gawain ng Diyos, at hindi karapat-dapat sa kahit na anong awa. Yaong mga walang pagkatao ay walang kakayahang mahalin ang Diyos nang tunay. Kapag ang paligid ay tiwasay at ligtas, o kung sila ay makikinabang, sila ay lubusang masunurin sa Diyos, nguni’t sa sandaling ang kanilang ninanais ay napalagay sa alanganin o hindi nila nakuha, ay agad silang naghihimagsik. Kahit na pagkatapos lamang ng isang gabi, maaari silang magbago mula sa isang nakangiti at ‘mabait’ na tao tungo sa isang pangit at mabangis na mamamatay-tao, biglang itinuturing na mortal na kaaway ang kanilang tagapagpala kahapon nang walang pagkatugma o kadahilanan. Kung ang mga demonyong ito ay hindi napapalayas, mga demonyong papatay sa isang iglap, hindi ba’t sila ang pagmumulan nang higit pang paghihirap?” (“Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Mula sa mga salita ng Diyos maliwanag na ang mga makasarili at taksil na tao ay walang kabaitan at nabubuhay lang para sa kapakinabangan, nagtataksil sa katapatan at pagtitiwala para sa sariling pakinabang. Ang mga nabubuhay alinsunod sa kalikasan ni Satanas ay imposibleng maging katugma ng Diyos; ang mga gano’ng tao ay palaging lumalaban at nagtataksil sa Diyos, at tinuturing pa ang Diyos bilang kanilang kaaway. Kinapopootan at kinasusuklaman ng Diyos ang mga taong ito, at kung patuloy nilang tatanggihan ang paghahanap sa katotohanan, tatanggalin sila sa huli. Inisip ko kung paanong, sa dalawang pagkakataong pumunta sa lupa ang nagkatawang-taong Diyos upang gumawa ng gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan, nagtiis siya ng hindi kapani-paniwalang kahihiyan at nagsakripisyo upang agawin tayo sa impluwensya ng kadiliman ni Satanas—nguni’t, ni minsan ay wala siyang hiniling sa ating anuman. Salungat do’n, hindi ko lang hindi nakilala ang pagmamahal ng Diyos o nagpasalamat kahit kaunti o tunay na naging tapat sa Kanya, nguni’t iniukol ko lang ang aking sarili sa kung paano ako makakakuha ng mga biyaya. Kapag hindi umaayon ang gawain ng Diyos sa aking mga pagkaunawa at imahinasyon o hindi ko napapakinabangan nang pisikal, agad akong tumalikod sa Kanya, pinanghihinayangan pa ang lahat ng aking mga pagsisikap at lahat ng aking tinalikdan at ninanais na lubos nang hayaan ang Diyos. Nakikita kong hindi ko taglay ang kahit katiting na kabaitan; ang likas na pagkatao ko ay lumaban at nagtaksil sa Diyos, at ang ganitong paghihimagsik ay karapat-dapat lang sa mga sumpa ng Diyos. Nang matanto ko ang lahat ng ito, napuno ako ng pagkakasala at paninisi ng sarili, at nangakong hindi na ako kailanman magiging walang prinsipyo. Alam kong, sa lalong madaling panahon, dapat akong magsisi, magsikap na hanapin ang katotohanan at pasiyahin ang Diyos.
Kalaunan, nabasa ko ang sumusunod na mga pangaral: “Ngayon maraming ang mga puso ay nagpapasimula ng mga hinaing at kumikilos nang may masamang pag-iisip na kawalan ng pananalig kapag nahaharap sa pitong taon ng mga pagsubok. Ito ay lubhang nakakagulat, at naging dahilan upang matanto kong ang mga nasa pamilya ng Diyos ay walang kaibahan sa mga Israelita ng nakaraan. Masasabing ang gawain ng Diyos sa kasalukuyan ay ang pinakaangkop, at pinakakinakailangan, ng naging tiwaling sangkatauhan. Kung hindi kumilos ang Diyos sa ganitong paraan, hindi Siya makikilala ng sangkatauhan, magtatamo ng tunay na pananalig, o tunay na pupurihin Siya. Ang mga tao ngayon ay nahihirapan, ubod ng sama at bulag. Wala silang tunay na kaalaman sa Diyos. Bago magsimula ang mga pagsubok, ang likas na paghihimagsik ng maraming tao, paglaban, at pagtataksil sa Diyos ay nalantad para makita ng lahat. Paano maaasahan ng mga gano’ng tao na makakapasok sila sa kaharian? Paano sila maituturing na karapat-dapat para tumanggap sa mga pangako ng Diyos? Kung talagang nauunawaan ng tao ang sarili niyang mga pagkukulang, kahirapan, at kasamaan—kung nakikita niya kung paano naghihimagsik at lumalaban sa Diyos ang likas niyang pagkatao—kung gayon ay sasailalim siya sa iba-ibang paghihirap at pagdadalisay na inayos ng Diyos, at magiging handa at payag na magpasakop sa mga pagsasaayos ng Diyos at sa lahat ng Kanyang gawain. Tanging ang mga mayabang, matapos na magbasa ng ilang sipi ng salita ng Diyos, ay magpapalagay na naunawaan na nila ang katotohanan, nagtataglay ng kabaitan, hindi na nangangailangang sumailalim sa mga pagsubok at pagpipino, at dapat ay direkta nang iakyat sa ikatlong langit. Ang sino mang may karanasan sa buhay ay matatantong kung binabasa lang ng isang tao ang salita ng Diyos nguni’t hindi sumasailalim sa mga pagdadalisay ng lahat ng uri ng mga pagsubok at paghihirap, ang taong iyon ay hindi magtatamo ng pagbabago sa disposisyon. Dahil lang sa nakaunawa ang isang tao ng maraming doktrina at hindi nangangahulugang nagtataglay sila ng tunay na tayog. Kaya, sa hinaharap, dapat dumaan sa maraming pagsubok ang tao: Ito ang biyaya at kadalikaan ng Diyos, at higit pa ay ang kaligtasan ng Diyos, at dapat pasalamatan at purihin ng lahat ang Diyos para ro’n” (Ang Pagbabahagi mula sa Itaas). Matapos mabasa ang pangaral na ito, nakakuha ako ng mas malaking pag-unawa sa mga intensyon ng Diyos. Ang makatagpo ng gayong mga pagsubokat pagpipino ay ang kailangan ko sa buhay ko; kung hindi nalantad sa akin ang ganitong paraan, hindi ko kailanman susuriin ang masasamang intensyon na nag-udyok sa aking pananalig o makikilala ang aking makasarili at kasuklam-suklam na napakasamang kalikasan. Inakala ko pa na mayroon akong tunay na pananalig sa Diyos, at kinoronahan ang aking sarili bilang isang tunay na nagmahal sa Diyos. Dinaya at nilinlang ko ang aking sarili. Lubusan akong nilantad ng kamangha-manghang gawain ng Diyos, tinutulutan akong malinaw na makita ang tunay na mga kulay ng aking paglaban sa Kanya, at makita ang aking kasamaan at kapangitan. Ipinakita nito sa akin na isa akong mapagsamantala at isang nabubuhay, at humihingang inapo ni Satanas. Ang aking pananalig sa Diyos ay ganap na marumi at minarkahan ng mga transaksyon. Kung pinagpatuloy kong isagawa ang aking pananalig sa gano’ng paraan, hindi ko kailanman matatanggap ang papuri ng Diyos, at magtatapos bilang isang talunan. Ang pagdanas ng paghatol at pagkastigo ang tumulong sa aking matanto na hindi kasing-simple ng naisip ko ang pananalig sa Diyos; hindi agad matatanggap ng isang tao ang mga biyaya ng Diyos matapos manampalataya sa Kanya, at hindi rin kusang darating sa isang masayang patutunguhan dahil lang sa gumawa siya at naglaan ng oras at lakas. Kung hindi nalinis at nabago ang aking napakasamang kalikasan, maaari akong magsagawa ng pananampalataya sa Diyos sa loob ng isandaang taon at hindi pa rin makakuha ng kaligtasan. Ito ay natutukoy ng matuwid na disposisyon ng Diyos, at walang makakabago no’n. Natanto ko ring ang pagsailalim sa mga pagsubok at pagpipino ay isang mahalagang hakbang sa landas ng pagkakamit ng kaligtasan ng Diyos. Hindi ko na ngayon sinisisi o minamali ang Diyos, sa halip ay masayang nagpapasakop sa Kanyang gawain. Nagpasya akong magsimula nang panibago, at magsikap sa aking paghahanap ng katotohanan, upang balang-araw nawa ay makamit ko ang pagbabago ng disposisyon at pagkakatugma sa Diyos.


Bakit Mabilis na Sumusulong ang Kidlat ng Silanganan nang may Di-mapigilang Pag-unlad?

2019-12-23 15:02:35 | Mga Patotoo
Mahigit nang 20 taong ginagawa ni Cristo ng mga huling araw ang Kanyang gawain sa mainland China, gawaing lubusang nagpayanig sa iba’t ibang sekta ng relihiyon. Ang pinaka-nakapagtatakang tanong para sa komunidad ng mga relihiyon sa panahong ito ay: Karamihan sa mga pastor at elder sa komunidad ng mga relihiyon ay nagawa na ang lahat para hatulan at atakihin ang Kidlat ng Silanganan sa pamamagitan ng iba’t ibang paraan tulad ng pagkakalat ng tsismis at paninira sa Kidlat ng Silanganan. Bukod diyan, kinandaduhan pa nila ang kanilang mga iglesia at nakipagkutsaba pa sa pamahalaang CCP na arestuhin at usigin ang mga Kristiyano sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Pero habang napapailalim sa nagngangalit na pagtuligsa, pagkalaban, at pag-uusig ng pamahalaang CCP at ng mundo ng mga relihiyoso na gumaganap bilang dalawang bisig ng mga puwersa ni Satanas, bakit parami nang parami ang mga nananalig mula sa iba’t ibang denominasyon at sekta na tumatanggap at sumusunod sa Makapangyarihang Diyos? Bakit handang sumunod ang mga may mabuting pagkatao at dating may taos na pananalig sa Panginoon sa Makapangyarihang Diyos hanggang wakas? Bakit nila patuloy na ginagawa ito sa kabila ng pagtitiis ng walang-katapusang pagtuligsa, paninira, pamimilit, at pang-uusig ng pamahalaang CCP at ng mundo ng mga relihiyoso? Ikinukulong sila ng CCP subalit hindi sila lumilingon. Paano mabilis na sumusulong ang Kidlat ng Silanganan, na hindi matalo at hindi mapigil ng mga puwersa ni Satanas, para mamukadkad na may bagong pag-unlad at paglago araw-araw? Paano ito lumaganap nang napakalayo at napakalawak sa bawat sulok ng China para tanggapin at sundan ng milyun-milyon? Bakit lumaganap din ito sa buong mundo sa maraming iba’t ibang bansa at rehiyon?
Sa katunayan, nakaligtaan ng mga relihiyosong tao na pamilyar sa Biblia ang isang napakahalagang katotohanan, na: Anumang nagmumula sa Diyos ay lalago at anumang nagmumula sa tao ay tiyak na mabubulok. Pag-isipan ito sandali: Kung ang Kidlat ng Silanganan ay hindi ang pagpapakita at gawain ng kaisa-isang totoong Diyos, magagawa ba nitong pasukin ang moog ng paghadlang, pagkalaban, at pang-uusig na iniharang ng mundo ng mga relihiyoso at ng ateistang pamahalaang CCP at lumaganap nang napakabilis? Kung hindi sa paggabay ng gawain ng Banal na Espiritu, magkakaroon ba ito ng awtoridad at kapangyarihang padaluyin ang lahat ng bansa sa bundok na ito at pag-isahin ang lahat ng denominasyon? Kung ang Kidlat ng Silanganan ay hindi ang pagpapakita at gawain ng Diyos, naihatid kaya nito ang katotohanang nagtutulot sa mga tao na maunawaan ang Diyos? Naituro kaya nito ang daan tungo sa kaligtasan? Nagawa kaya nitong hatulan at lupigin ang mga tunay na nananalig ng iba’t ibang relihiyon, ang mabubuting tupang iyon at mga tupang namumuno, para magpasakop at sumunod nang may matatag na mga puso? Ang mga tao sa iba’t ibang sekta ng relihiyon ay walang paraan para asahan na ang Makapangyarihang Diyos na tiyak nila sa kanilang sarili at matapang nilang tinutuligsa, kinakalaban, at inuusig sa katunayan ay ang pagbalik ng Panginoon at Tagapagligtas na si Jesucristo, na sabik at matiyaga nilang hinintay.
Nakatala sa Aklat ng Pahayag na tanging ang Kordero ang may kakayahang magbukas ng iskrol at magtanggal ng pitong tatak. Si Cristo ng mga huling araw, ang Makapangyarihang Diyos, ay nagpahayag ng milyun-milyong salita na hindi lamang ibinubunyag ang lahat ng hiwaga ng 6,000-taon ng plano sa pamamahala ng Diyos, inihahayag ang layunin ng Diyos sa tatlong yugto ng Kanyang gawain para iligtas ang sangkatauhan, at inilalaan ang pinagmulan, impormasyon tungkol sa mga pangyayari sa likod nito, at diwa sa likod ng bawat isa sa mga yugto ng Kanyang gawain, kundi higit pa rito ang Kanyang mga salita ay inilalahad din ang gawain ng paghatol at paglilinis na nakadirekta sa likas na kademonyohan ng sangkatauhan at sa katotohanan ng kanilang katiwalian. Gayon din, ang napakarami Niyang salita ay sumasaklaw sa napakaraming paksang nauukol sa kuwentong nakapaloob sa Biblia, sa hiwaga ng pagkakatawang-tao ng Diyos, sa malilinaw na intensyon at partikular na mga hinihiling ng Diyos para sa sangkatauhan, sa proseso ng pag-unlad ng sangkatauhan at hantungan ng sangkatauhan sa hinaharap, atbp. Hindi lamang nito binubusog ang mga mata ng sangkatauhan para mapalawak nila ang kanilang tanaw, kundi tinutulutan din nito ang mga tao na maunawaan ang gawain ng Diyos, disposisyon at diwa ng Diyos. Bukod dito, ang Kanyang mga salita ay tinutulutan tayong mga tiwaling tao na magkaroon ng pagbabago sa disposisyon at mapadalisay. Ang Kanyang mga salita ay naglalaman ng lahat ng katotohanan na kailangan nating mga tiwaling tao para maligtas at maging perpekto. Ang mga tupa ng Diyos ay nakikinig sa Kanyang tinig at ang mga nananalig na mapagkumbabang sumusunod ay lubos na nalupig ng mga salita ng Diyos habang hinahanap at pinag-aaralan nila ang tunay na daan; talagang malinaw nilang nakita na ang tunay na gawain at mga salita ng Diyos ay walang kapantay at hindi mapapalitan ng anumang teorya o kaalamang gawa ng sangkatauhan. Pinatutunayan ng Kanyang mga salita at gawain ang mga taong mapagkumbabang sumasang-ayon na ang nagkatawang-taong Makapangyarihang Diyos ang mismong ang Anak ng tao na nagbabalik sa mga huling araw at ang pagpapakita ng nag-iisang tunay na Diyos. Nakikita nila na bumaba na ang kaharian sa lupain ng tao at malinaw din nilang napapansin na ang tatlong yugto ng gawain sa Kapanahunan ng Kautusan, Kapanahunan ng Biyaya, at Kapanahunan ng Kaharian ay ang gawain ng nag-iisang Diyos at na ang mga ito ay gawain ng Diyos Mismo, wala talagang kaduda-duda ito. Makikilala lamang nila ang Diyos at makakapasok sila sa tamang landas ng pagsampalataya sa Kanya para makamit nila ang kaligtasan kung taglay nila ang mga katotohanang inihayag ng Makapangyarihang Diyos at nararanasan nila ang gawain ng Diyos sa mga huling araw. Kung gayon, nagpapatirapa sila sa harap ng Diyos at kinikilala nila na Siya ang kanilang Diyos at nagbabalik sila sa Kanya at ibinibigay ang kanilang buhay sa Kanya. Kaya nga parami nang parami ang tunay na matatapat na tao na hindi na natatakot sa hindi nila kilala at sumusunod sa Kidlat ng Silanganan nang may matatag na determinasyon.
Sa katunayan, walang “tama” o “mali” sa gawain ng Diyos, mayroon lamang “bago” at “luma” o “una” at “huli” dahil ang likas na prinsipyo sa likod ng gawain ng Diyos ay na palagi itong bago at hindi naluluma kailanman at hindi Siya sumusunod sa anumang regulasyon at walang mga kontradiksyon sa pagitan ng Kanyang bago at lumang gawain. Sa halip, umaakma sila sa isa’t isa na bawat yugto ay bumubuo sa isa pa; gaya ng mga kawing sa isang kadena na magkakadikit. Kung naghahanap at nag-aaral tayo nang taos-puso, kung nauunawaan natin ang tatlong yugto ng gawain sa buong 6,000-taon na plano sa pamamahala ng Diyos, madaling makita na ang gawain ni Cristo ng mga huling araw—ang Makapangyarihang Diyos—ay nabuo sa pundasyon ng gawain ng Diyos na ginawa sa Kapanahunan ng Biyaya at nakikiisa sa gawain ng Panginoong Jesus; hindi ito nagsasarili at hindi hiwalay sa anumang paraan. Bukod dito, mauunawaan natin kung bakit tanging ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ang maaaring maglinis at magpabago sa sangkatauhan, at lubos ding nagtutulot sa sangkatauhan na kalagin ang mga kadena ng maitim na impluwensya ni Satanas para makamit ang pagliligtas ng Diyos.
Sa paggunita sa huling panahon ng Kapanahunan ng Kautusan, nalaman ng buong sangkatauhan kung ano ang kasalanan, pero sa kabila nito patuloy pa rin silang nagkasala, at wala silang kakayahang sumunod sa mga kautusan at batas. Nang dumami ang mga kasalanan ng sangkatauhan, nabawasan nang nabawasan ang kanilang mga sakripisyo at nahulog sila sa di-maiiwasang bitag ng kasalanan. Unti-unti, nawala ang paggalang ng sangkatauhan sa Diyos at nagsakripisyo pa sila ng bulag at pilay na mga hayop sa banal na altar ng Diyos na si Jehova. Sa ganitong paraan, naharap sila sa kamatayan ayon sa batas at sumpa ng Diyos. Laban ito sa senaryo na para iligtas ng Diyos ang tao, kinailangan ang isang bagong yugto ng gawain. Ito ay dahil sa tanging ang Diyos Mismo—ang Lumikha—ang makapagliligtas sa tiwali at napakasamang sangkatauhan. Dahil dito, nagkatawang-tao ang Diyos at nagpakita sa anyo ng Panginoong Jesus para simulan ang gawain ng Kapanahunan ng Biyaya. Inako Niya ang mga kasalanan ng sangkatauhan at ipinako Siya sa krus para kumpletuhin ang gawain ng pagtubos. Itinuro ng Panginoong Jesus sa Kanyang mga alagad na dapat nilang patawarin at pagpasensyahan, mahalin ang kanilang kapwa tulad sa kanilang sarili, at pasanin ang krus para sundan Siya. Itinuro din Niya sa mga tao na magputul-putol ng tinapay, uminom ng alak, maghugas ng mga paa ng iba at magsuklob ng kanilang ulo. Hiniling Niya sa mga tao na higit na mamuhay sa katotohanan at tinaasan Niya ang mga kailangang gawin ng sangkatauhan nang higit pa kaysa noong Kapanahunan ng Kautusan. Dinala ng Panginoong Jesus ang tao sa isang bagong kapanahunan at bagong direksyon na lalakbayin at binigyan Niya ang mga tao ng isang landas na lalakbayin para magtamasa sila ng sapat na biyaya ng Diyos at matamo ang Kanyang pagtubos. Tinapos ng gawain ng Panginoong Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya ang Kapanahunan ng Kautusan na umabot nang mahigit 2,000 taon sa isang paraan na nagsakatuparan sa kautusan. Ito ay isang bago at mas mataas na gawaing isinagawa sa pundasyon ng gawain ng Diyos na si Jehova.
Tinutubos ng Panginoong Jesucristo na nagkatawang-tao ang buong sangkatauhan. Kung nananalig tayo sa Panginoon at napatawad ang ating mga kasalanan, mapapawalang-sala tayo sa pamamagitan ng pananampalataya at maliligtas. Kahit napatawad na ang ating mga kasalanan, ang dahilan ng mga kasalanang ito, ang likas na kademonyohan natin na kumakalaban at nagtataksil sa Diyos, ay hindi pa lubos na nalulutas. Sa ganitong paraan, kahit na kinalilimutan ng Diyos ang ating mga kasalanan at hindi tayo tinatrato ayon sa ating mga kasalanan, magkagayunma’y nabubuhay tayo sa laman at walang paraan para makalag ang mga tali at kontrol ng kasalanan. Nalubog lang tayo sa paulit-ulit na pagkakasala at pagkukumpisal at pagsisisi at hindi pa tayo nakakalaya sa kasalanan para maging mga banal na tao. Sa mga tamang sitwasyon, malalantad ang ating tiwali at makademonyong disposisyon sa kabila nito; na kinabibilangan ng kayabangan, kasakiman, pandaraya, panlilinlang, at ng ating mga kasalanan at pagsuway sa Diyos na hindi natin makontrol, na tulad lamang ng sinasabi ni Pablo rito: “sapagka’t ang pagnanasa ay nasa akin, datapuwa’t ang paggawa ng mabuti ay wala” (Roma 7:18). Malinaw na ang “maligtas” ay hindi nangangahulugan na lubos na tayong nakamit ng Diyos. Sa madaling salita, sa pagtubos lamang na natanggap natin sa Kapanahunan ng Biyaya, hindi pa rin tayo maaaring magtagumpay laban sa impluwensya ni Satanas para makamit ng Diyos dahil hindi naging abala ang Diyos sa pagwawaksi sa tiwali at makademonyong disposisyong nananahan sa tao sa Kapanahunan ng Biyaya. Kung mananatili lang tayo sa yugto ng gawaing ginawa sa Kapanahunan ng Biyaya at nananahan sa kaunting simple at luma nang mga pamamaraan at gawi, kahit ang paglipas ng 1,000 taon ay walang ibubungang mga pagbabago sa atin; hindi tayo magkakamit ng kabanalan, at hindi rin tayo magtatamo ng higit na pag-unawa sa Diyos. Masasadlak lang tayo sa kawalang-pag-asa na magiging ganap sa ating mga buhay. Unti-unti tayong mapapalayo sa Diyos at sa huli ay mapapasakamay tayo ni Satanas. Kaya para lubos na maligtas ang tiwaling sangkatauhan mula sa impluwensya ni Satanas, kailangang isagawa mismo ng Diyos ang isa pang yugto ng gawain, na mas malalim at masinsinan, para mailigtas ang sangkatauhan. Ibinibigay ng Diyos sa sangkatauhan ang mga salitang kailangan nito sa buhay para ang sangkatauhan ay: maunawaan ang gawain ng Diyos at ang Kanyang pamamahala; malaman ang pagiging makapangyarihan, karunungan, diwa, disposisyon ng Diyos, at lahat ng mayroon ang Diyos at kung ano ang Diyos; malaman ang lahat ng katotohanan; at magabayan sa tamang landas ng buhay. Sa gayo’y magbabago ang mga lumang paniwala at disposisyon ng sangkatauhan, at ang likas na pagkamakasalanan ng sangkatauhan ay lubos na maaalis, na ibig sabihi’y, makakalaya ang sangkatauhan mula sa makademonyong mga pilosopiya at patakaran gayundin sa makademonyong mga lason na likas na nasa kalooban nito. Sa gayon ay magiging makatao ang sangkatauhan at magtataglay ng katotohanan at dahil doon ay magiging isang tao na tunay na sumusunod sa Diyos. Sa kasalukuyan, lahat ng gawain ng Makapangyarihang Diyos ay ang mismong yugtong ito ng gawain kung saan nangyayari ang lubos na paglilinis at pagliligtas sa tao. Hindi lamang nagbibigay ang Makapangyarihang Diyos ng mas marami pang katotohanan sa sangkatauhan batay sa pundasyon ng gawain ng Panginoong Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya, kundi ipinapahayag din Niya ang mga kautusan at batas sa pamamahala para sa Kapanahunan ng Kaharian. Itinaas na Niya ang mga kailangang gawin ng sangkatauhan para: Ang sangkatauhan ay kailangang hanapin at unawain ang katotohanan sa salita ng Diyos; malaman ang disposisyon ng Diyos at lahat ng mayroon Siya at kung ano Siya; at malaman ang sariling likas na kademonyohan ng sangkatauhan na sumusuway at kumakalaban sa Diyos. Dapat ipamuhay ng sangkatauhan ang katotohanan at mamuhay ayon sa salita ng Diyos sa ilalim ng kundisyon noon pa man na unawain ang katotohanan para matamo ng sangkatauhan ang pagbabago ng disposisyon nito, muling magkaroon ng normal na buhay kung saan sinasamba nito ang Diyos, nagiging banal, at pumapasok sa napakagandang hantungang inihanda ng Diyos para sa sangkatauhan.
Ang Biblia ay naglalaman ng mga propesiya tungkol sa pagliligtas ng Diyos sa mga huling araw kung saan sinasabi sa Unang Sulat ni Pedro kapitulo 1 bersikulo 5 na, “Na sa kapangyarihan ng Dios ay iniingatan sa pamamagitan ng pananampalataya sa ikaliligtas na nahanda upang ihayag sa huling panahon.” Malinaw na ipinopropesiya sa talatang ito ng kasulatan na: Para sa atin na sumusunod sa Panginoong Jesus, inihanda na ng Diyos ang kaligtasan natin sa mga huling araw. Kaya, ano ba talaga ang mangyayari sa pagliligtas na ito sa mga huling araw? Sabi sa Biblia: “Sapagka’t dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Dios” (1 Pedro 4:17). “At sa kaniyang kanang kamay ay may pitong bituin: at sa kaniyang bibig ay lumabas ang isang matalas na tabak na may dalawang talim: at ang kaniyang mukha ay gaya ng araw na sumisikat ng matindi” (Pahayag 1:16). “At nakita ko ang ibang anghel na lumilipad sa gitna ng langit, na may mabuting balita na walang hanggan upang ibalita sa mga nananahan sa lupa, at sa bawa’t bansa at angkan at wika at bayan; At sinasabi niya ng malakas na tinig, Matakot kayo sa Dios, at magbigay kaluwalhatian sa kaniya; sapagka’t dumating ang panahon ng kaniyang paghatol: at magsisamba kayo sa gumawa ng langit at ng lupa at ng dagat at ng mga bukal ng tubig” (Pahayag 14:6-7). Makikita natin mula sa mga banal na kasulatan na ang walang-hanggang ebanghelyo ay tumutukoy sa gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw, kung saan gumagamit ang Diyos ng mga salitang kasingtalim ng mga tabak para hatulan at linisin ang tao. Ito mismo ang paghatol sa harap ng malaking puting luklukan na binanggit sa Aklat ng Pahayag, na siyang gawaing magpapasiya ng kahihinatnan ng sangkatauhan at ng kanilang hantungan. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Pagdating sa salitang ‘paghatol,’ maiisip mo ang mga salitang sinalita ni Jehova sa lahat ng mga dako at ang mga salita ng pagsaway na sinalita ni Jesus sa mga Fariseo. Bagama’t matigas ang mga pananalitang ito, ang mga ito ay hindi paghatol ng Diyos sa tao, mga salita lamang na sinalita ng Diyos sa loob ng magkakaibang mga kapaligiran, iyon ay, magkakaibang tagpo; ang mga salitang ito ay hindi kagaya ng mga salitang sinalita ni Cristo habang hinahatulan Niya ang tao sa mga huling araw. Sa mga huling araw, Si Cristo ay gumagamit ng sari-saring mga katotohanan upang turuan ang tao, ibunyag ang diwa ng tao, at suriin ang kanyang mga salita at mga gawa. Ang mga salitang ito ay binubuo ng iba’t-ibang mga katotohanan, gaya ng tungkulin ng tao, paano dapat sundin ng tao ang Diyos, paano dapat maging tapat ang tao sa Diyos, paano dapat isabuhay ng tao ang normal na pagkatao, gayundin ang karunungan at disposisyon ng Diyos, at iba pa. Ang mga salitang ito ay nakatuon lahat sa diwa ng tao at sa kanyang tiwaling disposisyon. Lalung-lalo na, yaong mga salitang naglalantad kung papaanong tinatanggihan ng tao ang Diyos ay sinalita patungkol sa kung paanong ang tao ay isang pagsasakatawan ni Satanas at isang pwersa ng kaaway laban sa Diyos. Sa pagsasakatuparan ng Kanyang gawain ng paghatol, hindi lamang basta nililinaw ng Diyos ang kalikasan ng tao sa pamamagitan ng ilang mga salita; inilalantad Niya, pinakikitunguhan, at pinupungusan ito nang pangmatagalan. Ang ganitong mga pamamaraan ng paglalantad, pakikitungo, at pagpupungos ay hindi maaaring mahalinhinan ng mga ordinaryong salita kundi ng katotohanan na hindi tinataglay ng tao kailanman. Ang ganitong uri ng mga pamamaraan lamang ang itinuturing na paghatol; sa pamamagitan lamang ng ganitong uri ng paghatol masusupil ang tao at makukumbinsi nang husto na magpasakop sa Diyos, at higit pa ay makamtam ang tunay na pagkakilala sa Diyos. Ang idinudulot ng gawain ng paghatol ay ang pagkaunawa ng tao sa tunay na mukha ng Diyos at sa katotohanan tungkol sa kanyang sariling pagiging-mapanghimagsik. Ang gawain ng paghatol ay nagbibigay-daan sa tao na makatamo ng malawak na pagkaunawa sa kalooban ng Diyos, sa layunin ng gawain ng Diyos, at sa mga hiwaga na hindi niya maunawaan. Tinutulutan din nito ang tao na makilala at malaman ang kanyang tiwaling diwa at ang mga ugat ng kanyang katiwalian, gayundin ay matuklasan ang kapangitan ng tao. Ang mga epektong ito ay bunga lahat ng gawain ng paghatol, sapagka’t ang diwa ng ganitong gawain ay ang mismong gawain ng pagbubukas ng katotohanan, ng daan, at ng buhay ng Diyos sa lahat ng may pananampalataya sa Kanya. Ang gawaing ito ay ang gawain ng paghatol na ginawa ng Diyos” (“Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Mauunawaan natin mula sa mga salita ng Diyos na: Sa mga huling araw, ginagamit ng Diyos ang katotohanan para gawin ang Kanyang gawain ng paghatol para mas maunawaan ng sangkatauhan ang Kanyang kalooban, magkaroon sila ng tunay na kaalaman tungkol sa Kanya, at maunawaan nila ang pinagmumulan at diwa ng katiwalian ng tao dahil kay Satanas. Bukod dito, ang gawain ng paghatol ay tinutulutan din ang sangkatauhan na tunay na matamo ang katotohanan, ang daan, at ang buhay na ipinagkaloob ng Cristo ng mga huling araw para lubos silang matamo ng Diyos at matamo nila ang Kanyang pagliligtas. Ito ang mas masinsinang pagliligtas na binubuo sa pundasyon ng gawain ng pagtubos ng Panginoong Jesus at ito rin ang huling yugto ng gawain sa 6,000-taon ng plano sa pamamahala, na lupigin at gawing perpekto ang tao; ito ang pagliligtas na nakikita sa mga huling araw.
Mga kapatid, sa kabila ng kawalan ng pag-unawa ng sangkatauhan tungkol sa gawaing ginagawa ng Diyos, at sa kabila ng hindi pagkaunawa ng halos buong sangkatauhan sa lahat ng ginagawa ng Diyos at hindi pagkaalam sa Kanyang mga intensyon at pag-iwas at pag-aatubili sa bagong gawain ng Diyos, magkagayunman, ang mga tunay na alagad ng Diyos ay talagang may lugar para sa Kanya sa kanilang puso. Isinasantabi nila ang kanilang sariling mga paniwala at hinahanap at pinag-aaralan ang tunay na daan nang taos-puso at pinakikinggan ang tinig ng Diyos, sa gayo’y natatamo nila ang Kanyang pagliliwanag at tapat nilang kinikilala ang tinig ng Diyos. Ang mga tunay na alagad na ito ay pinapalitan ng aktuwal na kaalaman ang kanilang mga paniwala tungkol sa pangalawang Diyos na nagkatawang-tao. Ang mga tunay na nananalig na ito ay pinapalitan ng pagsunod sa Diyos ang kanilang pagkalaban sa Kanya, pinapalitan nila ng pagtanggap sa Diyos ang kanilang pag-uusig sa Kanya, at pinapalitan nila ng pagmamahal sa Diyos ang kanilang pagtalikod sa Kanya. Ito ay katulad sa nakaraan kung saan kinilala ng mga disipulo at ilang karaniwang Judio na ang Panginoong Jesus ang Isa na nasa langit. Bagama’t naharap sila sa mabigat na pagbabawal, sagabal, pagkakulong, pang-aapi at pang-uusig ng komunidad ng mga relihiyon at makademonyong rehimen, nang malaman nila ang tunay na daan talagang nakumbinsi sila at hindi sila nagduda at sinunod nilang mabuti ang Diyos. Gayon ang nakakatakot na kapangyarihan ng gawain ng tunay na Diyos. Ngayon, lumalaganap na ang ebanghelyo ng kaharian ng Makapangyarihang Diyos nang napakabilis sa buong mainland China. Ngayo’y lumalaganap ito sa bawat bansa at lupain; ayaw mo ba talagang matamo ang buong katotohanan na ipinagkakaloob ng Diyos sa sangkatauhan at mamuhay sa liwanag? Hindi mo ba talaga naunawaan ang nilalaman at intensyon sa likod ng patuloy na mga paalala ng Panginoong Jesus sa sangkatauhan sa mga huling araw na magbantay? Hindi ka ba nag-aalala na lumampas sa iyo ang pagkakataong ito na lubos na maligtas ng Diyos? Hindi ka ba nag-aalalang mabagabag ng iyong panghihinayang? Hindi kaya hindi mo pa rin nauunawaan ang dahilan sa likod ng walang-hanggan at di-mapigilang pagsulong ng Kidlat ng Silanganan? Kung nauunawaan mo nga, ano pa ang hinihintay mo?