Makapangyarihang Diyos ay Ating Tagapagligtas

Makapangyarihang Diyos-Ang Pagbabalik ng Panginoong Jesus

Bakit Gumagawa Ang Panginoong Jesus sa Gitna ng Tao sa isang Ordinaryong Anyo?

2020-06-13 09:32:15 | Mga Pagbasa


Ni Li Qian


Ako ay isang pastor at nagtatrabaho at nangangaral ako para sa Panginoon sa loob ng maraming taon. Sa tuwing binubuksan ko ang Bibliya, Nakita ko ang mga salita na nakasulat sa Mateo 13:53–57 na kung saan nagsasabing: “Nang matapos ni Jesus ang mga talinghagang ito, ay umalis siya doon. At pagdating sa Kaniyang sariling lupain, ay Kaniyang tinuruan sila sa kanilang sinagoga, ano pa’t sila’y nangagtaka, at nangagsabi, Saan kumuha ang taong ito ng ganitong karunungan, at ng ganitong mga makapangyarihang gawa? Hindi baga ito ang anak ng anluwagi? hindi baga tinatawag na Maria ang Kaniyang ina? at Santiago, at Jose, at Simon, at Judas ang Kaniyang mga kapatid? At ang Kaniyang mga kapatid na babae, hindi baga silang lahat ay nanga sa atin? Saan nga kumuha ang taong ito ng lahat ng ganitong mga bagay? At Siya’y kinatisuran nila.” At pati ang Juan 19:6–7 na kung saan nagsasabing: “Pagkakita nga sa Kaniya ng mga pangulong saserdote at ng mga punong kawal, ay sila’y nangagsigawan, na sinasabi, Ipako Siya sa krus, ipako siya sa krus! Sinabi sa kanila ni Pilato, Kunin ninyo Siya, at ipako ninyo Siya sa krus: sapagka’t ako’y walang masumpungang kasalanan sa Kaniya. Nagsisagot sa kaniya ang mga Judio, Kami’y mayroong isang kautusan, at ayon sa kautusang yaon ay nararapat Siyang mamatay, sapagka’t Siya’y nagpapanggap na Anak ng Dios.”

Sa tuwing binabasa ko ang mga salitang ito, hindi ko maiwasang isipin: “Kapag isinasagawa ng Panginoong Hesus ang Kanyang gawain, maraming tao ang tumatanggi sa Kanyang pagkakakilanlan at kakanyahan dahil lumalantad Siyang normal at ordinaryo, at itinuturing nila Siya bilang isang karaniwan tao. Ang mga punong pari ng mga Judio, eskriba at Pariseo sa partikular ay nalalaman nang mabuti na ang mga himala na isinagawa at ang daan na ipinangaral ng Panginoon ay nagmula sa Diyos, ngunit hindi lamang na hindi nila sinaliksik o sinisiyasat ang daang ito nang may pusong may takot sa Diyos, sa kabaligtaran, umasa sila sa kanilang mga kuro-kuro at haka-haka upang hatulan ang Panginoong Jesus bilang walang iba kundi ang anak ng isang karpintero, at sila ay lumapastangan laban sa Panginoon, na sinasabi na pinalalayas Niya ang mga demonyo dahil Siya ay prinsipe ng mga demonyo. Sa huli, sila ay nagkipag-sabwatan sa mga awtoridad ng Roma at ipinako sa krus ang Panginoong Jesus. Ang Diyos ay napakataas, kaya bakit sinasadya niyang pumili ng ganoong normal, karaniwan anyo upang pumarito sa gitna ng tao at isagawa ang Kanyang gawain? Kung ang Diyos ay ipinanganak sa isang pamilya ng hari sa isang mataas at marangal na anyo at alinsunod sa pamamaraan ng isang mahusay na tao, kung gayon hindi lamang ang mga Pariseo ngunit ang lahat ng mga tao sa Israel ay madaling tatanggapin ang ebanghelyo ng Panginoong Jesus.” Ang isyung ito ay gumugulo sa akin sa mahabang panahon.

Upang linawin ang isyung ito, maraming beses akong nanalangin sa Panginoon, kumunsulta ako sa Bibliya at nagbasa ako ng maraming mga espirituwal na libro, ngunit hindi ko nakita ang sagot. Nang maglaon, nakilala ko ang isang kapatid na babae na Kristiyano na maalalahanin at may pag-unawa, at sa tuwing nakikipag-usap siya tungkol sa Bibliya, palagi siyang may natatanging pag-unawa at liwanag. Sa pamamagitan ng pagsasaliksik at pakikipagbahagian sa kanya, sa wakas ay naintindihan ko na ang pagdating ng Panginoong Jesus sa gitna ng tao upang maisagawa ang Kanyang gawain sa isang karaniwan anyo na nagtataglay ng isang malalim na kahulugan. Nang ang mga punong pari, eskriba at Pariseo nang panahong iyon ay nakita ang mga propesiya tungkol sa pagdating ng Mesiyas, umaasa sila sa kanilang mga paniwala at imahinasyon at naniniwala na ang Mesiyas ay ipapanganak sa isang palasyo. Ang hindi inaasahan ng mga tao ay na ang Panginoong Jesus ay nagsuot ng anyo ng isang karaniwan tao, Siya ay ipinanganak sa isang sabsaban, lumaki Siya sa pamilya ng karpintero sa Bethlehem sa lupain ng Judea, at namuhay Siya ng isang normal na buhay. Nang ang Panginoong Jesus ay nagsimulang isagawa ang Kanyang gawain, hindi Niya kailanman sinabi na Siya mismo ang Diyos, ngunit sa halip ay pinangunahan lamang Niya ang Kanyang mga alagad upang magtrabaho at mangangaral saanman sila napunta at ipinangaral Niya ang ebanghelyo ng pagsisisi. Ginamit niya ang wika na maiintindihan ng mga tao ng panahong iyon upang magbigay, pinaliwanagan at tinulungan ang mga sumunod sa Kanya. Kumakain siya kasama ng mga makasalanan, nagpatawad ng mga patutot, nanirahan kasama ng Kanyang mga alagad at naghugas ng kanilang mga paa, at iba pa. Ang mga disipulo na sumunod sa Panginoong Jesus ay lahat nagnanais na marinig nila Siya na mangaral ng ebanghelyo ng kaharian ng langit, at sa kanilang pakikipag-ugnay sa Panginoon, lahat sila ay nakakita ng pagiging kaibig-ibig ng Panginoon, ng Kanyang awa at Kanyang kapitagan, madaling lapitan, at silang lahat ay tinawag Siya na “ang mahal na Tagapagligtas na si Jesus.” Ang kataas-taasang at banal na Diyos na personal na nagkatawang-tao sa anyo ng isang ordinaryo at normal na tao, tiniis Niya ang malaking kahihiyan ng dumating sa gitna ng mga tiwaling sangkatauhan nang lihim, at isinagawa Niya ang gawain upang mailigtas ang sangkatauhan sa katahimikan at karimlan; Hindi itinuturing ng Diyos ang Kanyang sarili na mataas at makapangyarihan o ipinagparangya ang Kanyang sarili upang sambahin Siya ng mga tao. Mula rito, makikita natin ang mapagpakumbaba at nakatagong kakanyahan ng Diyos, at makikita natin ang tunay na pag-ibig at awa ng Diyos sa tao. Isipin lamang: Kung ang mga bagay ay talagang tulad ng naiisip natin at ang Panginoong Jesus ay ipinanganak sa palasyo na may isang mataas at marangal na anyo, na may kamangha-manghang hitsura at may higit sa karaniwan na kapangyarihan, ang mga mababang-ipinanganak na Judiong tapat ay maniniwala na ang Panginoong Jesus ay higit sa kanilang kayang maabot dahil sa Kanyang mataas at marangal na anyo at ang Kanyang kilalang katayuan, at hindi sila mangangahas na lumapit sa Kanya. Ito ay tiyak na dahil ang Panginoong Jesus ay lumitaw na normal at karaniwan, sapagkat Siya ay dumating sa gitna ng tao na mapagpakumbaba at sa lihim at dahil ginamit Niya ang likas na wika ng tao upang magsalita at gumawa at magbigay ng mga pangangailangan ng tao na ang mga matapat na Hudyo ay natagpuan ito na madaling lumapit sa Panginoon at makamit ang Kanyang kaligtasan. Noon lang, napag-alaman ko kung gaano kalaki ang pag-ibig ng Panginoong Jesus para sa sangkatauhan, at napagtanto ko na ang pag-gawa Niya sa gitna ng mga tao sa isang karaniwan anyo ay ginawa upang mas maayos na mailigtas ang tao.

Pagkaraan, nagsaliksik muli kami ng kapatid na babae sa Bibliya at natuklasan namin na nakatago sa loob na ang pagdating ng Panginoong Jesus upang gumawa sa isang karaniwan, normal na anyo sa gitna ng sangkatauhan ay ang karunungan ng Diyos. Pinagmamasdan ng Diyos ang buong mundo at higit pa kaya sinusuri Niya ang kailaliman ng puso ng tao. Alam ng Diyos na, bagaman mayroong maraming nanampalataya sa Kanya, maliit na minorya lamang sa kanila ang tunay na naniwala sa Kanya at nauhaw sa katotohanan. Ang Diyos ay lumitaw sa anyo ng isang karaniwan tao upang paghiwalayin ang mga tunay na naniniwala sa Kanya at uhaw sa katotohanan mula sa gitna ng pulutong na naniniwala sa Diyos. Ang mga taong ito ay hindi binibigyan pansin ang panlabas na hitsura ni Jesus ngunit nakilala Siya bilang Panginoon at nakilala ang tinig ng Panginoon mula sa Kanyang mga salita at gawa. Ang mga hindi tunay na naniniwala sa Diyos, ang hindi nauuhaw sa katotohanan at humiling lamang sa kanilang pagpuno ng tinapay na nakatuon lamang sa nakikitang panlabas na anyo ng mga bagay, at nang makita nila ang Panginoong Jesus sa karaniwan, normal na anyo ng isang tao, tinanggihan nila Siya. Ang mga taong ito ay tiyak na ang mga nailantad at binunot ng gawain ng Panginoong Jesus. Sinabi ng Panginoong Jesus, “Dinirinig ng Aking mga tupa ang Aking tinig, at sila’y Aking nakikilala, at sila’y nagsisisunod sa Akin” (Juan 10:27). Tulad ng naitala sa Bibliya, halimbawa, ang mga alagad na sina Pedro, Juan, Andres, Nathaniel at iba pa at ilang karaniwang mga tao ay hindi nakatuon sa panlabas na hitsura ng Panginoong Jesus, ngunit sa halip ay nakatuon sila sa pakikinig sa paraan ng Kanyang pangangaral. Dahil mahal nila ang katotohanan at nauuhaw sa katotohanan, nakuha nila ang pagliliwanag ng Banal na Espiritu, nakilala nila ang tinig ng Diyos at bumaling sila sa Panginoon. Ang mga Pariseo noong panahong iyon, gayunpaman, ay hindi nag-iingat upang hanapin ang katotohanan, ngunit sa halip ay nakatuon lamang sa paghatol sa mga tao at mga bagay sa pamamagitan ng kanilang panlabas na hitsura. Nang makita nila ang Panginoong Jesus na lumilitaw na karaniwan at normal, nang walang anumang kapangyarihan o impluwensya, nang walang anumang katanyagan o prestihiyo, at tumingin nang walang kabuluhan sa kanilang sariling mga haka-haka at mga paniwala, hinatulan nila ang Panginoon at nilapastangan Siya, ginawa nila ang kanilang makakaya upang maghanap ng pagkakamali sa Kanya, at sila ay lantad na hinatulan at nilabanan ang Panginoon. Isipin lamang: Kung ang Diyos ay ipinanganak sa pamilya ng isang hari tulad ng naisip ng maraming tao na gagawin Niya, at kumuha Siya ng isang mataas at marangal na anyo, paano kaya magaganap ang mga bagay? Masasabi nating tiyak na ang mga pari na Hudyo, eskriba at Pariseo ay hindi tututol sa Panginoon. Sa kabaligtaran, sila nga ay magsisi-sunod sa Panginoong Jesus, at kung gayon paano maihahayag ang kanilang kalikasan na kumaka-laban sa Diyos at kakanyahan? Hindi ba’t ang mga mapagpaimbabaw na iyon ay makapapasok sa bahay ng Diyos? Sa sandaling iyon, sa wakas nakita ko na ang mas normal at karaniwang anyo ng Panginoong Jesus, mas maraming mga tao ang hahamak sa Kanya, at ang higit na kapaki-pakinabangan nito ay ang paglalantad sa mga tao. Ang Diyos talaga ay napaka-marunong!

Nang naunawaan ko na ang mga bagay na ito, naging malinaw ang aking puso. Kaya ang Panginoong Jesukristo ay kumuha ng isang karaniwang, normal na anyo upang maisagawa ang Kanyang gawain sa dalawang kadahilanan: Ang isa ay upang ilapit ang distansya sa pagitan ng ating sarili at ng Diyos, upang gawing mas madali para sa atin na makipag-ugnay sa Diyos, makilala ang Diyos at makamit ang Kanyang kaligtasan, at sa gayon ay magkaroon ng kaalaman sa Kanyang mapagpakumbaba at nakatagong disposisyon. Ang isa pang kadahilanan ay ang karaniwang anyo ng Panginoong Jesus ay naglantad sa mga tunay na naniniwala sa Diyos at nauuhaw sa katotohanan, pati na rin sa mga hindi nagmamahal sa katotohanan, na napopoot sa katotohanan, na laging nililimitahan ang Diyos batay sa mga itsura, at ang mga napuno ng malabong mga imahinasyon tungkol sa Diyos. Mula rito, nakita ko na kahit papaano isinasagawa ng Diyos ang Kanyang gawain at kahit anong anyo ang Kanyang gagawin upang lumitaw sa gitna ng tao, ang kalooban ng Diyos ay nasa likuran ng lahat ng ito. Mas higit na salungat sa ating mga paniniwala at imahinasyon ang gawain ng Diyos ay, ang higit na karunungan ng Diyos ay nasa loob nito; hindi tayo dapat gumawa ng mga walang katuturan na mga paghuhusga, bagkus maaari lamang humingi at sumunod. Salamat sa Panginoon! Sa pagsasaliksik sa aspetong ito ng katotohanan, hindi ko maiwasang makaramdam ng paggalang sa Diyos sa aking puso. Naisip ko kung paano natutupad ang lahat ng mga propesiya tungkol sa pagbabalik ng Panginoon at na ang Panginoon ay talagang maaaring nakabalik na. Naisip ko rin kung paano ko dapat pakitunguhan ang pagbabalik ng Panginoon at nagpasya na dapat kong matutunan ang leksyon ng mga Pariseo at hindi makikitungo sa bagay na ayon sa aking sariling mga paniniwala at imahinasyon. Napagpasyahan kong dapat akong maging katulad nina Pedro at Nathaniel at tumutok sa pagkilala sa tinig ng Diyos, sapagkat sa ganoon lamang na hindi ako makagagawa ng kamalian na pagkondena sa Diyos at paglaban sa Diyos.

Salamat sa pagliliwanag at pag-gabay ng Diyos! Amen!

_______________________________________________

"Alam mo ba kung kailan babalik si Jesus? Dadalhin sa iyo ng pahinang ito ang balita ng pagbabalik ni Jesucristo at gagabayan ka upang masalubong Siya.
Mangyaring i-click at basahin ang: Ang Tagapagligtas ay Nakabalik na sa Ibabaw ng “Puting Ulap”"



Mamamasdan Mo ang Espirituwal na Katawan ni Jesus Kapag Napanibago Na ng Diyos ang Langit at Lupa

2020-05-31 08:11:19 | Mga Pagbasa

Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga't nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.

——————————————————————

Alam mo ba kung kailan babalik si Jesus? Dadalhin sa iyo ng pahinang ito ang balita ng pagbabalik ni Jesucristo at gagabayan ka upang masalubong Siya.

Matapos Matanggap ang Pagliligtas ng Diyos sa mga Huling Araw, Natamo Namin ang Isang Bagong Buhay

2020-05-23 00:24:23 | Mga Pagbasa
Ni Zhui Qiu, Malaysia


Ako’y isang beautician at ang asawa ko ay isang magsasaka; nagkakilala kami sa Malaysia sa isang okasyon ng pagbabatuhan ng orange o kahel, isang tradisyunal na gawain para sa kababaihan na naghahanap ng pag-ibig. Ang aming kasal, na sinaksihan ng isang pastor, ay ginanap sa isang iglesia makalipas ang isang taon. Labis akong naantig ng panalangin ng pastor para sa pagsasama naming mag-asawa at kahit hindi ako relihiyoso, tahimik akong sumamo sa Diyos: “Sana ay mahalin ako nang tapat ng lalaking ito at alagaan ako, at maging kasama ko habang ako’y nabubuhay.”
Matapos simulan ang buhay may-asawa, ang mga di-pagkakasundo sa pagitan naming mag-asawa ay isa-isang lumitaw. Aalis siya sa bahay nang alas 4:00 ng umaga para magbenta ng mga gulay at babalik makalipas ang alas 7 ng gabi, nguni’t lampas alas 10 ng gabi na ako nakakalabas sa trabaho. Kakaunti lamang ang oras na magkasama kami. Sa tuwina ay hinihila ko ang pagod kong katawan pauwi, labis akong umaasa na makaranas ng paglingap, pangangalaga, at pag-unawa ng aking asawa; gusto ko sanang kumustahin niya ang naging trabaho ko sa maghapon, kung naging masaya ba ako o hindi. Nguni’t sa pagkadismaya ko, halos sa tuwing uuwi ako mula sa trabaho, kung hindi siya nanonood ng TV ay abala siya sa kanyang telepono, at kung minsan ni hindi man lamang niya ako batiin. Iyon bang parang wala ako roon. Dahil dito ay naging malayo ang loob ko at unti-unti akong nawalan ng gana sa aking asawa.
Minsan ay nagkaroon ako ng pakikipagtalo sa isang kostumer at talagang nainis ako at mali ang ginawa nito. Nang makauwi ako sa bahay sinabi ko sa asawa ko ang sama-ng-loob ko tungkol dito na umaasang aaluin niya ako, pero nagulat ako na habang naglalaro siya sa kanyang telepono ay halos hindi man niya ako tiningnan, halos hindi ako pinansin. Pagkatapos ay tumúngó na siya at binalikan ang kanyang telepono. Ang kanyang lubusang kawalan ng malasakit sa akin ay talagang nakakagalit, kaya’t lumapit ako sa kanya at sumigaw, “Bato ka ba? Ni hindi ka makausap kahit saglit? May malasakit ka ba sa kahit kanino?” Nakikitang galit na galit ako, hindi siya sumagot. Mas lalo siyang tumatahimik, lalong nadaragdagan ang galit ko. Lalo ko pa siyang binungangaan, talagang determinadong papagsalitain siya ng kahit ano. Hindi inaasahan, bigla niya rin akong sinigawan, “Hindi pa ba sapat ang sinabi mo?” Lalo akong nakadama ng galit dahil dito, at lalo pang nasalíng, kaya’t nagpatuloy ako sa pangangatwiran sa kanya. Sa huli, hindi na lamang siya nagsalita ng anuman, kaya’t natapos na ang aming pagtatalo. May isa pang pagkakataon na nagreklamo ako sa asawa ko tungkol sa isang bagay na ikinagalit ko sa trabaho, iniisip na sisikapin niyang umayos ang pakiramdam ko, pero sa halip ay pabáláng siyang sumagot, malamig na parang yelo, “Kailangan ng dalawang tao para makapagsayaw ng tango. Ang nakikita mo lang ay ang mga problema ng ibang tao—bakit hindi mo tingnan ang sarili mo?” Biglang sumiklab ang galit ko at hindi ko mapigilang sabihin sa kanya ang nasa isip ko. Puno ng galit, naisip ko, “Anong klaseng tao siya? Bakit ako nagpakasal sa isang taong katulad niya? Talagang wala siyang konsiderasyon sa damdamin ko—wala siyang masabi ni isang salita para panatagin ang kalooban ko!” Mula noon halos lubusan na akong tumigil sa pagsasabi sa kanya ng nangyari sa akin sa trabaho. Dumating ang punto na sinubukan niyang tanungin ako tungkol sa aking trabaho, pero hindi ko nadama na dapat ko siyang pansinin. Unti-unti siyang tumigil sa pagtatanong sa akin tungkol sa kahit anong bagay. Umunti nang umunti ang mga karaniwang paksang mapag-uusapan namin at sa tuwing may nangyayaring nakakadismaya naghahanap na lang ako ng isang kaibigan na makikinig sa akin. Kung minsan nagpapagabi ako sa labas na nakikipag-usap kahit kanino at hindi uuwi hanggang makalipas ang hatinggabi. Kahit kapag gabing-gabi na akong nakauwi, parang wala pa rin siyang pakialam at sinasabi lamang na ginagawa kong parang hotel ang aming tahanan. Pakiramdam ko’y talagang balewala ako, at nawalan na ako nang nawalan ng gana sa aking asawa, na nauwi sa madalas naming pagtatalo kahit sa maliliit na bagay. Kapwa kami nagdurusa. Hindi ko na gustong magpatuloy nang gayon ang mga bagay-bagay, kaya nagpasiya akong maghanap ng pagkakataon na makausap siya nang masinsinan.
Isang araw pagkatapos maghapunan, tinanong ko siya, “Talagang hindi mo ako matagalan, ano? Bakit hindi mo ako pinapansin man lang? Kung may problema ka sa akin, diretsahin mo lang ako.” Nang hindi siya sumagot, lalo ko siyang kinulit. Nakakagulat na sinigawan niya ako na inis-na-inis, “Tumigil ka nga sa katatanong sa akin! Lahat na lang problema sa iyo—sawang-sawa na ako!” Ang gayong uri ng tugon mula sa kanya ay lalo kong ikinagalit, at nagsimula na naman kaming magtalo, na tinutuligsa ang isa’t isa. Medyo nagtagal ito hanggang sa tumayo siya at itinulak ako; nawalan ako ng panimbang at bumagsak sa sopa. Ang makitang pagbuhatan ako ng kamay ng asawa ko ay talagang napakasakit. Naisip ko, “Ito ba ang asawang buong-ingat na pinili ko? Ito ba ang pag-aasawa na pinakaasam ko? Paano niya nagawang tratuhin ako sa ganitong paraan?” Mula nang sandaling iyon hindi na ako umasa pa sa kanya.
Noong Abril 2016, sa hindi inaasahang pagkakataon, ibinahagi sa akin ng isang kapatid-na-babae ang ebanghelyo ng Panginoong Jesus. Sinabi niya na mahal kami ng Panginoon at ipinako Siya sa krus para iligtas kami. Talagang naantig ako ng Kanyang pagmamahal, at dahil dito ay tinanggap ko ang ebanghelyo ng Panginoon. Nang kausapin ko kalaunan ang aking pastor tungkol sa mga problema naming mag-asawa, sinabi niya sa akin, “Hindi natin mababago ang sinuman maliban na baguhin muna natin ang ating sarili. Dapat nating sundan ang halimbawa ng Panginoong Jesus at magpakita ng pagpaparaya at pasensya sa ibang tao.” Kaya’t sinimulan kong sikaping baguhin ang aking sarili. Agad akong umuuwi pagkalabas ko sa trabaho at naglilinis ng bahay, at kung minsan kapag hindi ako pinansin ng asawa ko at halos magagalit na ako, magdarasal ako sa Panginoon, hinihiling sa Kanya na pagkalooban ako ng pagpaparaya at pasensya. Sa mga panahon na hindi ko makontrol ang sarili ko at nakikipagtalo sa asawa ko, pagkatapos niyon ay sinisikap kong unang magkusa na ayusin ang lahat. Nakikita ang mga pagbabago sa sarili ko, ang asawa ko ay nagsimula ring maniwala sa Panginoon. Nang kapwa na kami mananampalataya, mas madalang na kaming magtalo at mas nag-uusap na. Napuspos ako ng pasasalamat sa Panginoon matapos makita ang Kanyang personal na pagliligtas sa amin.
Nguni’t lumipas pa ang panahon, at nanatiling hindi pa rin namin makontrol ang aming kani-kanyang mood. Kung minsan ay bigla na lang magkakaroon ng mga pagtatalo sa tahanan, at lalo na kapag hindi maganda ang mood ng isa sa amin, wala ni isa sa amin ang nakakapagparaya at nakakapagpasensya, kaya bilang bunga lalong tumindi ang aming mga pag-aaway. Nabibigatan sa pasakit ang puso ko pagkakatapos ng bawa’t argumento, at magdarasal ako sa Panginoon, “Panginoon, tinuturuan Mo kaming maging mapagparaya at mapagpasensya, pero parang hindi ko kayang gawin iyon. Kapag nakikita kong ginagawa ng asawa ko ang isang bagay na hindi ko gusto talagang naiinis ako sa kanya. Panginoon, ano po ang dapat kong gawin?” Kalaunan nagsimula akong dumalo sa bawa’t klase na inorganisa ng iglesia umaasang makakakita ng isang landas ng pagsasagawa, nguni’t hindi ko nakuha ang inaasahan ko mula rito. Humingi ako ng tulong mula sa lider ng aming grupo, na ang sinabi lang ay, “Madalas din kaming magtalo ng asawa ko. Kahit si Pablo ay nagsabing, ‘Sapagka’t nalalaman ko na sa akin, sa makatuwid ay sa aking laman, ay hindi tumitira ang anomang bagay na mabuti: sapagka’t ang pagnanasa ay nasa akin, datapuwa’t ang paggawa ng mabuti ay wala’ (Roma 7:18). Wala ni isang may solusyon sa problemang kinakaharap natin na paulit-ulit na palagiang pagkakasala at pagkukumpisal. Ang magagawa lang natin ay magdasal sa Panginoon at hingin ang Kanyang awa.” Pagkarinig ko sa kanyang sinasabi ay parang hindi ko alam ang gagawin: Maaari kayang habambuhay na kaming palaging nagtatalo?
——————————————————————————B
Karagdagang informasiyon: Bakit mahalaga ang kaligtasan
——————————————————————————
Noong Marso 2017, ang asawa ko, na noon pa ma’y hindi na masalita, ay biglang naging mahusay sa pakikipag-usap. Dagdag pa malimit siyang nagbabahagi sa akin tungkol sa kanyang pagkaunawa sa mga banal na kasulatan, at ang lalong ikinamangha ko pa ay talagang puno ng liwanag ang sinasabi niya sa pagbabahagi. Naging palaisipan ito sa akin; para bang bigla siyang naging ibang tao, at ang mga bagay na sinasabi niya ay talagang puno ng pagkakita. Gusto ko talagang malaman kung ano ang nangyayari. Isang araw hindi-sinasadyang natuklasan ko na miyembro siya ng isang grupo sa isang social media app, at kaagad ko siyang tinanong kung tungkol saan ang pinag-uusapan nila. Taglay ang seryosong tingin sa kanyang mukha, sinabi niya sa akin na kinokonsidera niya ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, na ang Panginoong Jesus ay nagbalik na at ang Kanyang pangalan ay Makapangyarihang Diyos. Sinabi niya na milyun-milyon na ang mga salitang nabigkas ng Makapangyarihang Diyos at ginagawa ang gawain ng paghatol at paglilinis ng sangkatauhan sa mga huling araw. Sinabi rin niya na iyon ang katuparan ng propesiyang ito sa Biblia: “Sapagka’t dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Dios” (1 Pedro 4:17). Sinabi sa akin ng asawa ko na kapag hinahanap natin ang pagpapakita at gawain ng Diyos, kailangan tayong magtuon sa pakikinig sa tinig ng Diyos sa halip na parang-bulag na nakakapit sa ating mga paniwala at imahinasyon. Kung hindi natin hinahanap ang katotohanan bagkus ay hinihintay na lamang ang pagbubunyag ng Diyos, hindi natin magagawang salubungin ang pagbabalik ng Panginoon. Nagulat ako nang marinig ko ito at tila hindi ito kapani-paniwala. Naisip ko kalaunan na minsan ay narinig kong nagsabi ang isang Indianong pastor na kung may maririnig tayong anuman tungkol sa pagbabalik ng Panginoon, dapat tayong maghanap nang may bukas na puso at siyasatin ito nang buong sigasig; hindi tayo maaring umasa sa ating mga paniwala at imahinasyon at basta na lamang humatol. Kaya’t umusal ako ng panalangin sa Panginoon: “Panginoon, kung tunay po na ang Makapangyarihang Diyos ang Iyong pagbabalik, nawa po’y akayin at gabayan Mo ako nang sa gayon ay mahahanap ko ang katotohanan at masiyasat ito nang may bukas na puso. Kung hindi, nawa’y protektahan Mo ang aking puso upang hindi ako mapalayo sa Iyo. Amen!”
Binuksan ko ang Biblia pagkatapos ng panalanging ito at nakita ko ito sa Pahayag 3:20: “Narito ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako’y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya’y kasalo ko.” Bigla akong nagkaroon ng saglit na inspirasyon at nadama na iyon ang Panginoon na nangungusap sa akin, nagsasabi sa akin na kapag nagbalik Siya, Siya ay tutuktok sa aking pintuan; nadama ko na Siya iyon na nag-uutos sa akin na pakinggan ang Kanyang tinig at buksan ang pintuan. Iyon ay parang katulad lamang ng matatalinong dalaga sa Biblia na nagmadali para salubungin ang kasintahang lalaki nang narinig nila ang kanyang tinig. At naisip ko ang Juan 16:12–13: “Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka’t hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating.” Habang pinagbubulayan ko ang mga talatang ito ng Banal na Kasulatan, isang damdamin ng pananabik ang nag-umapaw sa aking kalooban. Natanto ko na matagal nang nasabi sa atin ng Panginoon na sa Kanyang pagbabalik ay bibigkas Siya ng mas marami pang mga salita at ipagkakaloob sa atin ang katotohanan. At ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ay ang gawain ng pagpapahayag ng mga salita upang hatulan at linisin ang sangkatauhan—maaari kaya na ang Makapangyarihang Diyos ay ang Panginoong Jesus na nagbalik? Kung ang Panginoon ay tunay na nagbalik na at nagpapahayag ng mga katotohanan upang lutasin ang lahat ng mga paghihirap ng sangkatauhan, kung gayon may pag-asa tayong makatakas mula sa mga gapos ng kasalanan. Kung gayon hindi kaya malulutas ang mga problema sa pagitan ko at ng aking asawa? Hindi ako nagsayang ng oras sa paghiling sa asawa ko na ipakilala ako sa mga kapatid ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos; ninais ko ring siyasatin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw.
Habang nasa isang pagtitipon, ang ilan sa mga kapatid mula sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay pumili ng ilang mga talata sa Biblia para magbahagi sa akin tungkol sa iba’t ibang aspeto ng katotohanan gaya ng paraan ng pagbalik ng Panginoon, ang bagong pangalan ng Panginoon, at anong gawain ang gagawin Niya. Ang kanilang pagbabahagi ay talagang nakakakumbinsi at lubusang bago para sa akin. Gusto ko talagang malaman pa ang tungkol sa gawain ng Panginoon ng mga huling araw, kaya’t paulit-ulit akong nagdasal sa Diyos, hinihiling sa Kanya na liwanagan ako upang maunawaan ko ang mga salita ng Diyos. Sa pagbabasa ng mga salita ng Diyos at pakikinig sa pagbabahagi ng mga kapatid unti-unti akong nagkaroon ng pagkaunawa sa pakay ng Diyos sa Kanyang pamamahala sa sangkatauhan, ang tatlong yugto ng Kanyang gawain upang iligtas ang sangkatauhan, at ang kahihinatnan at patutunguhan ng mga tao. Habang tinitingnan ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, hindi ko pa rin maiwasang makipagtalo sa aking asawa tungkol sa ilang maliliit na bagay na hindi naman mahalaga. Pagkatapos ng pangyayari, talagang makokonsensya ako at magagalit, at itinatanong ko sa sarili ko, “Bakit nga ba hindi ko kailanman naisasagawa ang mga salita ng Diyos?” Iniwan ako nitong naguguluhan. Minsan sa isang pagtitipon, tinanong ko ang isang kapatid-na-babae, “Bakit kaya palagi kaming nagtatalo ng asawa ko? Bakit kaya hindi kami nakakapagsama nang payapa?” Nakakita siya ng dalawang talata ng mga salita ng Diyos para sa akin. “Bago tinubos ang tao, marami sa mga lason ni Satanas ang naitanim na sa kalooban niya at, pagkatapos ng libu-libong taon na nagawang tiwali ni Satanas, nasa kanyang kalooban ang matatag at likas na pagkataong lumalaban sa Diyos. Samakatuwid, kapag natubos na ang tao, ito ay walang iba kundi pagtubos kung saan ang tao ay binili sa mataas na halaga, ngunit ang likas na lason sa kanyang kalooban ay hindi pa naaalis. Ang tao na lubhang nadungisan ay kailangang sumailalim sa isang pagbabago bago maging karapat-dapat na maglingkod sa Diyos. Sa pamamagitan ng gawaing ito ng paghatol at pagkastigo, lubusang malalaman ng tao ang marumi at tiwaling diwa sa kanyang sariling kalooban, at magagawa niyang lubos na magbago at maging malinis. Sa ganitong paraan lamang maaaring maging karapat-dapat na bumalik ang tao sa harap ng luklukan ng Diyos” (“Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). “Bagaman maraming ginawa si Jesus kapiling ang tao, kinumpleto lamang Niya ang pagtubos sa buong sangkatauhan at naging handog para sa kasalanan ng tao, at hindi inalis sa tao ang lahat ng kanyang tiwaling disposisyon. Ang ganap na pagliligtas sa tao mula sa impluwensya ni Satanas ay hindi lamang nangailangan kay Jesus na akuin ang mga kasalanan ng tao bilang handog para sa kasalanan, kundi nangailangan din sa Diyos na gumawa ng mas malaking gawain upang ganap na tanggalin sa tao ang kanyang disposisyon, na nagawang tiwali ni Satanas. At sa gayon, matapos mapatawad ang tao sa kanyang mga kasalanan, ang Diyos ay bumalik na sa katawang-tao upang pangunahan ang tao tungo sa bagong kapanahunan, at sinimulan ang gawain ng pagkastigo at paghatol, at ang gawaing ito ay nagdala sa tao sa isang mas mataas na lupain. Ang lahat ng nagpapasailalim sa Kanyang kapamahalaan ay magtatamasa ng mas mataas na katotohanan at makakatanggap ng mas malalaking pagpapala. Sila’y tunay na mamumuhay sa liwanag, at makakamtan ang katotohanan, ang daan, at ang buhay” (Paunang Salita sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).
————————————————————


Ano ang Pagsisisi? Paano Natin Makakamit ang Tunay na Pagsisisi?

2020-05-22 10:35:28 | Mga Pagbasa

Ni Xiaoyu, Estados Unidos

Sa taong 2020, ang virus na COVID-19 ay humagupit sa buong mundo, na nagpasindak sa mundo. Nakakagulat din ang napakalaking bilang ng mga balang na kumuyog sa Africa. Sa pagdating ng salot at taggutom, parami nang paraming naniniwala sa Panginoon ang nagsimula nang maramdaman na ang araw ng pagdating ng Panginoon ay nalalapit na, at na ang kaharian ng Diyos ay parating na. Minsang sinabi ng Panginoong Jesus, “Mangagsisi kayo; sapagka’t malapit na ang kaharian ng langit” (Mateo 4:17). Ito ang hinihingi ng Panginoon sa bawat isa sa atin. Tanging kung tunay tayong nagsisisi tayo pangangalagaan ng Diyos at daldahin sa kaharian sa langit bago ang matinding kapighatian. Kaya ano ang tunay na pagsisisi, at paano natin ito makakamit?
Ang Mabuting Pag-uugali ba ay Nagpapahiwatig ng Tunay na Pagsisisi?
Kapag binabanggit ang pagsisisi, maraming mananampalataya sa Panginoon ang magsasabi, “Ngayong naniniwala na tayo sa Panginoon, hindi tayo nagmumura o nakikipag-away, mapagparaya at mapagpasensya tayo sa iba, madalas tayong manalangin at mangumpisal sa Panginoon, gumagawa tayo at ginugugol natin ang ating mga sarili para sa Panginoon, at ni hindi rin natin itinatanggi ang pangalan ng Panginoon matapos na mabilanggo. Pinatutunayan ng mabuting pag-uugaling ito na tunay na tayong nagsisi. Pagbalik ng Panginoon, papasok tayo sa kaharian sa langit kasama Niya.” Matapos nating magsimulang maniwala sa Panginoon, iwinaksi natin ang ating masasamang gawi; naging mapagpakumbaba tayo, mapagparaya, tinulungan natin ang iba, at nagawa nating talikdan ang mga bagay at igugol ang ating sarili upang maipalaganap ang ebanghelyo at magpatotoo sa Panginoon. Mayroon nga talagang ilang pagbabago sa ating pag-uugali, ngunit hindi maikakaila na hindi pa natin napalaya ang ating sarili mula sa pagkakagapos sa kasalanan, at madalas na nabubuhay pa rin tayo sa gitna ng kasalanan, hindi makatakas. Halimbawa, kapag may nagsabi ng isang bagay na nakakasakit sa atin ngunit hindi nanghihimasok sa ating mga pangunahing interes, maaaring kaya nating magpasensya, at hindi natin sila pagsasalitaan ng dahil dito. Ngunit kapag may nagsabi ng isang bagay na nakakasakit sa ating reputasyon at katayuan at ipinapahiya tayo, kahit pa maaaring hindi tayo magsalita ng mapamintas sa kanila, may sama ng loob at pagkiling sa kanila sa loob ng ating mga puso, at maaari pa nating maisipang gumanti. Sa maraming bagay, kahit na mukha tayong hindi gumagawa ng anumang malaking kasamaan, madalas nagkakaroon ng masasamang saloobin ang ating mga puso. Kung minsan, maaari nating magawang magpasensya at magpigil ng sarili sa isang sandali, ngunit sa oras na ito ay maging labis para sa atin, nanganganib pa rin tayong makagawa ng kasamaan. Kapag nalalantad at nahahayag sa atin ang mga ganoong bagay, at hindi pa tayo nakakawala mula sa pagkakagapos ng kasalanan, masasabi bang tunay na tayong nagsisi?
Magbasa tayo ng isang sipi ng mga salita ng Diyos, “Ang mga pagbabago na hindi hihigit kaysa sa paggawi ay hindi napapanatili. Kung walang pagbabago sa disposisyon sa buhay ng mga tao, sa malao’t madali kung gayon lilitaw ang kanilang masamang bahagi. Sapagka’t ang pinagmumulan ng mga pagbabago sa kanilang paggawi ay sigasig, kalakip ng ilang gawain ng Banal na Espiritu sa panahong iyon, masyadong napakadali para sa kanila na maging maalab, o magpakita ng kabaitan sa loob ng ilang panahon. Kagaya ng sinasabi ng hindi sumasampalataya, ‘Ang paggawa ng isang mabuting gawa ay madali, ang mahirap ay ang habambuhay na paggawa ng mabubuting gawa.’ Walang kakayahan ang mga tao sa paggawa ng mabubuting gawa sa buong buhay nila. Ang kanilang paggawi ay idinidikta ng buhay; kung anuman ang kanilang buhay, gayundin ang kanilang paggawi, at yaon lamang likas na ibinunyag ang kumakatawan sa buhay, at sa kalikasan ng isa. Ang mga bagay na huwad ay hindi magtatagal. Kapag ang Diyos ay gumagawa upang iligtas ang tao, hindi upang palamutian ang tao ng mabuting paggawi—ang gawain ng Diyos ay para baguhin ang mga disposisyon ng mga tao, upang sila ay muling ipanganak na bagong mga tao. … Ang pagpapakabait ay hindi kapareho ng pagsunod sa Diyos, lalong hindi ito katumbas ng pagiging kaayon kay Cristo. Ang mga pagbabago sa paggawi ay batay sa doktrina, at iniluwal dahil sa sigasig—hindi batay ang mga ito sa tunay na kaalaman ukol sa Diyos, o sa katotohanan, lalong hindi dahil sa paggabay ng Banal na Espiritu. Bagama’t may mga pagkakataon na ang ilan sa ginagawa ng mga tao ay pinapatnubayan ng Banal na Espiritu, hindi ito ang pagpapahayag ng buhay, lalong hindi ito kapareho ng pagkakilala sa Diyos; gaano man kabuti ang paggawi ng isang tao, hindi nito pinatutunayan na sinusunod nila ang Diyos, o na isinasagawa nila ang katotohanan. Ang mga pagbabago sa paggawi ay panandaliang ilusyon, ang mga ito ang pagpapahiwatig ng sigasig, at ang mga ito ay hindi ang pagpapahayag ng buhay” (“Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Panlabas na mga Pagbabago at mga Pagbabago sa Disposisyon” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo).
Ipinakikita sa atin ng mga salita ng Diyos na bagaman bumuti na ang ating pag-uugali pagkatapos nating magsimulang maniwala sa Diyos, hindi ito nangangahulugang nagkaroon na ng pagbabago sa ating disposisyon sa buhay. Karamihan sa mabuting pag-uugali ay bunga ng silakbo ng damdamin, ito ay pag-uugaling nagmumula sa doktrina at mga patakaran, o kung hindi, ito ay isang pagsasagawang nagmumula sa pag-antig ng Banal na Espiritu. Hindi ito dahil nauunawaan natin ang katotohanan, hindi ito dahil may kaalaman tayo sa Diyos, at hindi ito isang pagsasagawang natural na nagmumula sa ating pagnanais na palugurin at mahalin ang Diyos. Nagawa na tayong tiwali ni Satanas sa loob ng libu-libong taon, punung-puno tayo ng lahat ng uri ng tiwaling satanikong disposisyon—pagmamataas, kapalaluan, pagkamakasarili, kawalang-dangal, kataksilan, at katusuhan. Kung ang mga disposisyong ito ay hinayaang hindi pa nalulutas, kahit na magawa nating sundin ang ilang mga patakaran at maging tila banal tayo sa panlabas, hindi ito magtatagal, at kapag nakatagpo tayo ng isang bagay na hindi kanais-nais, hindi natin kayang pigilan ang ating mga sarili na magkasala. Halimbawa, kontrolado ng ating mapagmataas at palalong satanikong kalikasan, lagi nating sinisikap na parangalan tayo ng iba, at kapag hindi ginagawa ng iba ang sinasabi natin, mabilis tayong nagagalit at agad na pinagsasalitaan sila. Sa pangunguna ng ating makasariling kalikasan, ang lahat ng ating ginagawa ay may pagsasaalang-alang sa ating mga sariling interes; kapag maayos ang lahat sa tahanan, handa tayong isuko ang mga bagay-bagay at igugol ang ating sarili para sa Diyos, at matitiis natin ang anumang paghihirap. Ngunit kapag dumating ang kasawian, sinisisi natin ang Diyos sa hindi pangangalaga sa atin. Maaari pa nating simulang panghinayangan kung ano ang ating isinuko, at isipin na ipagkanulo ang Diyos. Minsan napapansin natin ang mga pagkilos ng mga kapatid sa iglesia na malinaw na lumalabag sa mga turo ng Diyos, at nakakasama pa sa mga interes ng iglesia, at nararapat natin silang pagsabihan. Ngunit, dahil naiimpluwensyahan ng mga satanikong pilosopiya sa pamumuhay tulad ng, “Tumatagal at gumaganda ang pagkakaibigan sa pananahimik sa mga kasalanan ng mabubuting kaibigan” at “Mas kakaunti ang gulo, mas mainam,” nananahimik tayo, mas pinipiling isakripisyo ang mga interes ng iglesia upang mapanatili ang ating relasyon sa kanila. At iba pa. Ipinakikita nito na kung hindi pa nalulutas ang ating mga tiwaling disposisyon, hindi natin maisasagawa ang katotohanan o masusunod ang Diyos, at maaaring labanan pa Siya. Gamitin natin ang mga Fariseo ng dalawang libong taon na ang nakalipas bilang halimbawa. Sa panlabas, tila hindi sila gumawa ng anumang kasamaan. Naglakbay sila nang malayo at ipinalaganap ang ebanghelyo, madalas na ipinaliwanag ang mga banal na kasulatan sa mga tao, at tinuruan ang mga taong sundin ang batas. Karamihan sa kanilang pag-uugali ay mabuti, ngunit nang nagpakita ang Panginoong Jesus at nagsimula ng Kanyang gawain, sapagkat Siya ay mukhang normal at ordinaryo sa panlabas at hindi Siya tinawag na Mesiyas, at dahil ang lahat ng tungkol sa Kanya ay salungat sa kanilang mga pagkaunawa, ang kanilang mapagmataas at palalong mga satanikong disposisyon ay nailantad. Malinaw nilang kinondena at nilapastangan ang Panginoong Jesus, hindi nila pinakinggan kung ang mensaheng sinabi ng Panginoong Jesus ay ang katotohanan, binalewala nila Siya kahit na gaano man karaming tanda at himala ang Kanyang ginawa, at sa huli, nakipagsabwatan sila sa mga awtoridad ng Roma upang ipako sa krus ang Panginoong Jesus.
Ipinakikita ng nasa itaas na kahit na may mga pagbabago sa ating panlabas na pag-uugali, kung walang pagbabago sa ating panloob na mga disposisyon sa buhay, pamumunuan pa rin tayo ng ating mga tiwaling satanikong disposisyon at manganganib na gumawa ng kasalanan at lumaban sa Diyos sa anumang sandali. Ang gayong mga tao ay hindi rin tunay nang nagsisi at sadyang hindi karapat-dapat na pumasok sa kaharian ng langit. Tulad ng sinasabi sa Biblia, “Ang bawa’t nagkakasala ay alipin ng kasalanan. At ang alipin ay hindi nananahan sa bahay magpakailan man: ang anak ang nananahan magpakailan man” (Juan 8:34–35).
Ano ang Tunay na Pagsisisi?
_________________________________________
Inirekomendang pagbabasa: Ano ang pagsisisi
__________________________________________
Kaya, ano ang tunay na pagsisisi? Nakatala sa Biblia, “Mapapalad ang nangaghuhugas ng kanilang damit, upang sila’y magkaroon ng karapatan sa punong kahoy ng buhay, at makapasok sa bayan sa pamamagitan ng mga pintuan” (Pahayag 22:14). “Kayo nga’y magpakabanal, sapagka’t ako’y banal” (Levitico 11:45). Ang Diyos ay banal. Kinamumuhian Niya ang mga kasalanan ng tao, at kung gayon ang pamantayan para sa tunay na pagsisisi ay kapag ang iba’t ibang satanikong disposisyon sa mga tao—ang pagmamataas, kapalaluan, pagkamakasarili, kawalang-dangal, kataksilan, at katusuhan—ay nalinis at nabago na, kapag isinasagawa na nila ang mga salita ng Diyos anuman ang kanilang kapaligiran, hindi na gumagawa ng kasalanan o lumalaban sa Diyos, ngunit tunay na sumusunod at gumagalang sa Diyos, at kapag ganap na silang natamo ng Diyos. Tanging ang ganitong mga tao ang tunay nang nagsisi.
Bakit Hindi Natin Nakamit ang Tunay na Pagsisisi sa Ating Paniniwala sa Panginoon?
Maaaring itanong ng ilang tao, “Bakit kaya tinanggap na natin ang pagtubos ng Panginoon at napatawad na ang ating mga kasalanan, subalit wala pa rin tayong kakayahan na makamit ang tunay na pagsisisi?” Ito ay pangunahing sapagkat sa Kapanahunan ng Biyaya, ginawa ng Panginoong Jesus ang gawain ng pagtubos, hindi ang gawain ng pagbabago ng tiwaling mga disposisyon ng mga tao. Basahin natin ang isa pang talata ng mga salita ng Diyos, “Bagaman maraming ginawa si Jesus kapiling ang tao, kinumpleto lamang Niya ang pagtubos sa buong sangkatauhan at naging handog para sa kasalanan ng tao, at hindi inalis sa tao ang lahat ng kanyang tiwaling disposisyon. Ang ganap na pagliligtas sa tao mula sa impluwensya ni Satanas ay hindi lamang nangailangan kay Jesus na akuin ang mga kasalanan ng tao bilang handog para sa kasalanan, kundi nangailangan din sa Diyos na gumawa ng mas malaking gawain upang ganap na tanggalin sa tao ang kanyang disposisyon, na nagawang tiwali ni Satanas” (Paunang Salita sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Ipinaaalam nito sa atin na sa Kapanahunan ng Biyaya, isinagawa lamang ng Panginoong Jesus ang gawain ng pagtubos sa sangkatauhan, ang nagresulta upang magawang mangumpisal at magsisi ng mga tao. Bilang bahagi ng gawain ng pagtubos, sinabi ng Panginoong Jesus ang daan ng pagsisisi, itinuro Niya sa mga tao kung paano mangumpisal at magsisi ng kanilang mga kasalanan, pasanin ang krus at sundan ang Panginoon. Gayundin, dapat nilang ibigin ang iba kung paanong iniibig nila ang kanilang mga sarili, dapat silang maging mapagpakumbababa, mapagpasensya, at mapagparaya, at patawarin ang mga tao ng makapitumpung pitong ulit, at marami pang iba. Itong lahat ang mga hinihingi sa tao batay sa katayuan ng tao noon; kapag nagkasala ang tao, humaharap sila sa Panginoong Jesus upang mangumpisal ng kanilang mga kasalanan at magsisi, ang kanilang mga kasalanan ay napatawad, at sila’y nararapat na lumapit sa harap ng Diyos at magpatuloy na sumamba sa Diyos. Lahat ng binigkas ng Panginoong Jesus ay mga katotohanang kayang unawain ng mga tao noon. Ngunit hindi nakapaloob dito ang pagbabago ng mga disposisyon ng tao, at kaya gaano man natin basahin ang Biblia, gaano man natin ikumpisal ang ating mga kasalanan at magsisi, o gaano man natin pangibabawan ang sarili natin, nananatili pa rin tayong walang kakayahan na mapalaya ang ating mga sarili sa kasalanan at makamit ang tunay na pagsisisi.
Paano Makamit ang Tunay na Pagsisisi?
Kaya paano natin makakamit ang tunay na pagsisisi? Ipinropesiya ng Panginoong Jesus, “Mayroon pa Akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung Siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan: sapagka’t hindi Siya magsasalita ng mula sa Kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na Kaniyang marinig, ang mga ito ang Kaniyang sasalitain: at Kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating” (Juan 16:12–13). “Ang nagtatakuwil sa Akin, at hindi tumatanggap sa Aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang Aking sinalita, ay siyang sa kaniya’y hahatol sa huling araw” (Juan 12:48). “Pakabanalin Mo sila sa katotohanan: ang salita Mo’y katotohanan” (Juan 17:17). Ipinakikita sa atin ng mga salitang ito na sapagkat ang katayuan ng mga tao sa panahong iyon ay napakababa, hindi nagpahayag ang Panginoong Jesus ng masyadong maraming mga katotohanan o nagbigay sa atin ng daan upang malutas ang ating mga satanikong kalikasan sa Kapanahunan ng Biyaya. Kaya, ipinropesiya ng Panginoon na babalik Siya, na ipapahayag Niya ang mas marami at mataas na mga katotohanan, at isasagawa Niya ang gawain ng paghatol at paglilinis ng tao, sa gayon ganap na mapapalaya natin ang ating mga sarili mula sa gapos ng kasalanan, at malinis at mabago, at tanging sa pagtanggap sa gawain ng paghatol at pagdadalisay sa pagbabalik ng Panginoon na makakamit natin ang tunay na pagsisisi.
Ngayon, bumalik na ang Panginoong Jesus: Siya ang nagkatawang-taong Makapangyarihang Diyos. Sa saligan ng gawain ng pagtubos ng Panginoong Jesus, isinagawa ng Makapangyarihang Diyos ang gawain ng paghatol simula sa tahanan ng Diyos, ipinahayag Niya ang lahat ng mga katotohanang kinakailangan para sa pagliligtas ng sangkatauhan, at Siya ay pumarito upang hatulan, linisin, at perpektuhin ang mga tumatanggap sa Kanyang pagliligtas sa mga huling araw. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Sa mga huling araw, si Cristo ay gumagamit ng sari-saring katotohanan upang turuan ang tao, ibunyag ang diwa ng tao, at suriin ang kanyang mga salita at gawa. Ang mga salitang ito ay binubuo ng iba’t ibang katotohanan, gaya ng tungkulin ng tao, paano dapat sundin ng tao ang Diyos, paano dapat maging tapat ang tao sa Diyos, paano dapat mabuhay nang normal ang tao, gayundin ang karunungan at disposisyon ng Diyos, at iba pa. Ang mga salitang ito ay nakatuon lahat sa diwa ng tao at sa kanyang tiwaling disposisyon. Partikular na, yaong mga salitang naglalantad kung paano tinatanggihan ng tao ang Diyos ay sinasabi patungkol sa kung paano kinakatawan ng tao si Satanas at naging puwersa ng kaaway laban sa Diyos. Sa pagsasakatuparan ng Kanyang gawain ng paghatol, hindi lamang basta nililinaw ng Diyos ang likas na pagkatao ng tao sa iilang salita lamang; inilalantad, pinakikitunguhan, at tinatabas nang pangmatagalan. Ang ganitong mga pamamaraan ng paglalantad, pakikitungo, at pagpupungos ay hindi maaaring mahalinhan ng mga ordinaryong salita, kundi ng katotohanang hindi man lang taglay ng tao. Ang ganitong klaseng mga pamamaraan lamang ang itinuturing na paghatol; sa pamamagitan lamang ng ganitong uri ng paghatol masusupil ang tao at makukumbinsi nang husto na magpasakop sa Diyos, at bukod pa riyan ay makamtam ang tunay na pagkakilala sa Diyos. Ang idinudulot ng gawain ng paghatol ay ang pagkaunawa ng tao sa tunay na mukha ng Diyos at sa katotohanan tungkol sa kanyang sariling pagkasuwail. Ang gawain ng paghatol ay nagbibigay-daan sa tao na magtamo ng malawak na pagkaunawa sa kalooban ng Diyos, sa layunin ng gawain ng Diyos, at sa mga hiwagang hindi niya maunawaan. Tinutulutan din nito ang tao na makilala at malaman ang kanyang tiwaling diwa at ang mga ugat ng kanyang katiwalian, gayundin para matuklasan ang kapangitan ng tao. Ang mga epektong ito ay bunga lahat ng gawain ng paghatol, sapagkat ang diwa ng gawaing ito ay ang mismong gawain ng pagbubukas ng katotohanan, ng daan, at ng buhay ng Diyos sa lahat ng may pananampalataya sa Kanya” (“Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao)
Nang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos ang katotohanan at isinagawa ang gawain ng paghatol at paglilinis sa tao sa mga huling araw, hindi lamang Niya sinabi sa atin ang ilang mga paraan upang isagawa ang pagsisisi, bagkus nagpahayag ng mga salita ng paghatol, inilalantad ang ating mga kalikasan at katangian na sumusuway at sumasalungat sa Diyos, at ang katotohanan ng ating katiwalian; Ipinagkaloob Niya sa atin ang iba’t ibang katotohanan, tulad ng kung paano maging matapat, paano sundin ang Diyos, paano ibigin ang Diyos, at marami pang iba, at sa gayon ay binibigyan tayo ng isang landas upang magsagawa sa anumang bagay na kinahaharap natin. Sa pagdanas ng paghatol ng mga salita ng Diyos, unti-unti tayong naliliwanagan kung gaano tayo napatiwali ni Satanas, at ang ating kalikasan at kakanyahan ay puno ng mga satanikong disposisyon ng pagmamataas at pagmamagaling, pagkamakasarili at kawalang-dangal, kataksilan at katusuhan. Sa pamumuhay ng ganito, walang katauhan sa naipamuhay natin, kasuklam-suklam tayo sa iba at, bukod dito, kasuklam-suklam tayo at kasumpa-sumpa sa Diyos. Sa pamamagitan ng mga salita ng paghatol ng Diyos, nakikita natin na tayo ay walang-dangal at masama, hindi karapat-dapat na mamuhay kasama ng Diyos, at matapos lamang iyon saka tayo magsisimulang kasuklaman ang ating mga kasalanan at naisin na magsisi. Kasabay nito, makikilala natin ang matuwid na disposisyon ng Diyos na hindi nagpapahintulot ng anumang kasalanan at kung hindi natin isinasagawa ang katotohanan, paniguradong kamumuhian tayo at tatanggihan ng Diyos. Pagkatapos lamang nun sisibol ang takot sa Diyos sa loob natin, magsisimulang talikuran ang laman at isagawa ang katotohanan, unti-unting magkakaroon ng tunay na pagsunod sa Diyos, hindi na maghihimagsik at kakalabanin ang Diyos.
Sa pagdanas ng paghatol at pagkastigo ng Diyos, ganap tayong makakatakas mula sa kasalanan, hindi na magagapos pa ng ating satanikong kalikasan, at malayang maisasagawa ang mga salita ng Diyos at sundin at sambahin ang Diyos. Pagkatapos lamang nun na maaaring masabi na tunay tayong nagsisi at nagbago, at maging karapat-dapat na pumasok sa kaharian ng langit. Maliwanag na, ang pagtanggap sa gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw ang tanging paraan upang makamit ang tunay na pagsisisi at pagbabago. Sa puntong ito, nagtitiwala ako na nasimulan mo na makita ang daan upang makamit ang tunay na pagsisisi—kaya anong mga pagpili ang dapat nating gawin ngayon?


Paano Magkaroon ng Personal na Debosyong Kristiyano

2020-05-06 10:47:51 | Mga Pagbasa
Ni Li Cheng

Naniwala Ako na ang Espirituwal na Debosyon ay Binubuo ng Paulit-ulit na Pagbabasa ng Biblia, Pananalangin at Pag-awit ng mga Himno
Naaalala ko ang unang beses na nagsimba ako at nakinig sa pagbibigay ng sermon ng pastor at, kalaunan, nagkaroon ako ng kaalaman tungkol sa kaligtasan ng Panginoong Jesus at noon mismo ay ipinahayag ko ang kagustuhan kong manampalataya sa Panginoon. Habang paalis ako, pinaalala sa akin ng pastor na, “Upang mamuhay bilang isang Kristiyano, dapat isagawa ng tao ang espirituwal na debosyon.” Tinanong ko ang pastor, “Ano ang espirituwal na debosyon? Paano natin iyon isinasagawa?” Noon sinasabi sa’kin ng pastor, “Ang espirituwal na debosyon ay pagbabasa ng Biblia, pananalangin at pag-awit ng mga himno ng papuri araw-araw. Kapag nanalangin tayo, dapat nating ipagdasal ang ating mga pamilya, ipagdasal ang mga mahihinang kapatid sa ating iglesia, at ipagdasal ang mga lingkod ng Diyos. Dapat ding paulit-ulit tayong magbasa ng Biblia at umawit rin ng mga himno araw-araw, at dapat patuloy nating gawin ito nang walang gumagambala. Hangga’t masigasig mong isinasagawa ang esprirituwal na debosyon araw-araw, kung ganoon ay patuloy na yayabong ang iyong espirituwalidad at mapapalapit ka nang mapapalapit sa Panginoon, at pagkatapos ay matutuwa ang Diyos.”
Noon ako nag-umpisang isagawa ang sinabi ng pastor. Tuwing saktong alas-singko ng umaga ay gumigising ako at inuumpisahan ang aking espirituwal na debosyon. Una, magbabasa ako ng dalawang kabanata ng Biblia, pagkatapos ay aawit ako ng mga himno, at pagkatapos ay mananalangin ako tulad ng sinabi sa akin ng pastor. Pinanatili ko ang gawaing ito sa lahat ng panahon, at hindi ako tumigil sa pananalangin ko kahit na minsan ay nangangalay na ang mga binti ko mula sa pagluhod ng matagal. Ilang taon ang lumipas, at naniwala ako na magagawa kong matamo ang higit na kaliwanagan sa pamamagitan ng pagsasagawa ng espirituwal na debosyon ko. Na higit kong maiintindihan ang mga salita ng Panginoon, at lalo akong mapapalapit sa Panginoon. Ngunit ang totoo, kahit na nagagawa kong bigkasin ang mga klasikong bersikulo sa Biblia at naaalala ang mga salitang madalas kong gamitin sa pananalangin, wala pa rin akong naiintindihan tungkol sa mga salita ng Panginoon, ang kalooban ng Panginoon o Kanyang mga kinakailangan. Umabot iyon sa punto na nakakaidlip o nakakatulog ako habang gumagawa ng espirituwal na debosyon, at ni hindi ko maramdaman ang presensiya ng Panginoon.
Tinanong ko ang ilan sa mga mangangaral gayundin ang marami sa mga kapatid tungkol sa kung paano isagawa ang espirituwal na debosyon ng isang tao upang mapalapit sa Panginoon, ngunit kapareho lang din nang pagsasagawa ko ang kanilang espirituwal na debosyon. Gumigising sila nang maaga upang manalangin, binabasa ang Biblia at umaawit ng mg himno bilang papuri sa Panginoon nang wala ring natatamong malinaw na resulta. Ang iba pa nga ay nakakatulog habang nananalangin sila. Nanghilakbot ako nang husto dito: Sa mga nakalipas na taon ay isinasagawa ko ang aking espirituwal na debosyon gaya nang sinabi sa akin ng pastor, kaya bakit wala akong narating na anumang magandang resulta? Hindi ba kapuri-puri sa Panginoon ang ganitong paraan ng pagsasagawa ng espirituwal na debosyon? Ano na ba talaga ang kalooban ng Panginoon?
Ano ang Bumubuo sa Tunay na Espirituwal na Debosyon?
Isang araw, binisita ko si Sister Song sa kanyang tahanan para sa pag-aaral ng Biblia. Nang nagtanong ako kung paano isagawa ang espirituwal na debosyon upang matamo ang papuri ng Panginoon, inilabas ni Sister Song ang isang aklat na may titulong Ang Balumbon na Binuksan ng Cordero, at binasa ang isang sipi mula doon: “Ang isang normal na buhay espiritwal ay hindi limitado sa panalangin, awit, buhay iglesia, pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos, at iba pang gayong mga pagsasagawa, nguni’t ito ay nangangahulugan na isabuhay ang isang buhay espiritwal na sariwa at masigla. Ito ay hindi tungkol sa pamamaraan, bagkus sa resulta. Iniisip ng karamihan sa mga tao na upang magkaroon ng isang normal na buhay espiritwal ang isa ay dapat manalangin, umawit, kumain at uminom ng mga salita ng Diyos, o subukang unawain ang mga salita ng Diyos. Hindi alintana magkaroon man ng anumang resulta, o magkaroon man ng isang tunay na pagkaunawa, ang mga taong ito ay basta na lamang nagpopokus sa paggalaw sa labas—at hindi nagpopokus sa resulta—sila ang mga tao na nabubuhay sa loob ng mga ritwal ng relihiyon, at hindi mga taong nabubuhay sa loob ng iglesia, at lalong hindi sila mga tao ng kaharian. Ang ganitong uri ng mga panalangin at pagkanta ng tao, at pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos ay pagsunod lahat sa mga patakaran, sila ay inuudyukan na gawin ang mga ito, at ang mga ito ay ginagawa upang makisabay sa kalakaran; hindi sila ginagawa nang kusa o ginagawa mula sa puso. Hindi alintana gaano man ang idalangin o awitin ng mga taong ito, hindi magkakaroon ng anumang resulta, sapagka’t lahat ng kanilang isinasagawa ay mga relihiyosong patakaran at mga ritwal, at hindi nila isinasagawa ang salita ng Diyos. Sa pagpokus lamang sa pamamaraan, at pagturing sa mga salita ng Diyos bilang mga patakaran na susundin, ang ganitong uri ng tao ay hindi isinasagawa ang salita ng Diyos, nguni’t pinalulugod ang laman, at gumagawa ng mga bagay upang purihin ng iba. Ang ganitong uri ng relihiyosong ritwal at patakaran ay nagmumula sa tao, hindi mula sa Diyos. Ang Diyos ay hindi nagpapanatili ng mga patakaran, hindi sumusunod sa anumang mga kautusan; gumagawa Siya ng mga bagong bagay araw-araw at gumagawa Siya ng praktikal na gawain. … Kung ang mga tao ay nabubuhay sa loob ng mga patakaran, na ang kanilang mga puso ay buhos sa pagsasagawa, kung gayon ang Banal na Espiritu ay walang paraang gumawa ng gawain, sapagka’t ang puso ng mga tao ay abala sa mga patakaran, abala sa mga pagkaintindi ng mga tao; kung gayon ang Diyos ay walang paraan upang gumawa ng gawain; ang mga tao ay palagi na lamang mabubuhay sa ilalim ng pagkontrol ng kautusan, at ang ganitong uri ng tao ay hindi kailanman matatanggap ang papuri ng Diyos” (“May Kinalaman sa Isang Normal na Buhay Espiritwal”).
_______________________________________________
In Devotional Topics Tagalog section, rich resources will tell you the way to get close to God, enabling you to enjoy your spiritual life and have a closer relationship with God.
_______________________________________________
Nayanig ang puso ko sa sipi na binasa ni sister. Nag-aral ako ng teolohiya noon at nagbasa ng maraming espirituwal na aklat, parehong makaluma at moderno, Tsino at banyaga, at nakinig ako sa maraming recordings ng sermon ng mga sikat na mangangaral. Gayunman ay hindi ko kailanman nakita o narinig ang sinuman na magpaliwanag nang ganoon kalinaw kung ano ang bumubuo sa tunay na espirituwal na debosyon at ang mga resultang nakamit sa pagsasagawa ng espirituwal na debosyon. Idagdag pa, inilantad ng sipi kung ano ang naging kalagayan ng aming espirituwal na debosyon—ang ilang mga patakaran at paglilihis ay tunay ngang nakapaloob sa aming espirituwal na debosyon!
Kalaunan, naunawaan ko sa pamamagitan ng pagbabahagi ni sister na ang espirituwal na debosyon ay hindi nangangahulugang madalas na pagbabasa ng Biblia, pag-awit ng mga himno at pananalangin araw-araw. Dahil sa tunay na espirituwal na debosyon ay hindi mahalaga ang kung ano ang panlabas na pagsasagawa ng tao o kung gaano kagaling magsagawa ng mga relihiyosong ritwal ang isang tao, o kung gaano katagal magsagawa araw-araw ang isang tao. Sa halip, ang mahalaga ay ang resulta. Iyon ay, nakadepende sa kung sa pamamagitan ba ng espirituwal na debosyon ay nagagawa nating makamit ang higit na kaliwanagan at pagpapalinaw mula sa Banal na Espiritu. Kung nagagawa ba nito o hindi na magkaroon tayo ng higit na kaalaman tungkol sa kalooban ng Diyos at kung nagagawa ba nito o hindi na mailapit tayo sa Diyos. Halimbawa, hindi tayo umaawit ng mga himno para lang kumilos, ngunit sa halip ay upang isagawa ang pagpapatahimik ng ating mga puso sa harap ng Diyos. Kapag umaawit tayo ng mga himno, nagagawa nating makamit ang kaliwanagan at gabay ng Banal na Espiritu, at kaya naman nauunawaan ang kalooban ng Diyos. Ang pananalangin ay hindi lamang basta pagbibigkas ng kaparehong mga salita nang paulit-ulit, araw-araw, taon-taon, o naniniwala na kapag mas mahaba at mas maraming sinasabi sa panalangin ang isang tao ay mas naaayon iyon sa kalooban ng Diyos. Sa halip, ang pananalangin ay pagbubukas ng puso at pagtatapat sa Diyos tungkol sa lahat ng mga bagay na nasa puso at lahat ng mga paghihirap ng isang tao. Ang panalangin ay pagpunta sa harap ng Diyos, paghahanap sa Kanyang kalooban, at paghahanap para sa daan upang magsagawa. Ang pagbabasa sa mga salita ng Panginoon ay hindi ginagawa para lamang maintindihan ang literal na kahulugan ng mga salita at upang bigyan ang ating mga sarili ng espirituwal na kaalaman at doktrina upang pagkatapos ay ipangaral natin iyon sa iba o lutasin ang mga problema ng ating mga kapatid. Sa halip, binabasa natin ang mga salita ng Panginoon upang mapagnilayan sila, upang maunawaan ang kalooban ng Panginoon at mga hinihingi sa atin, upang mas magawa ng maayos ang mga salita ng Panginoon at upang magsagawa nang naaayon sa kalooban ng Panginoon.
Kailanman ay hindi ako naghanap ng resulta sa aking espirituwal na debosyon, ngunit sa halip ay araw-araw iyong isinagawa na parang may tinatapos lang akong gawain. Kapag umaawit ako ng mga himno, umaawit ako nang walang patutunguhan. Kapag nananalangin ako, palaging iisa ang sinasabi ko, paulit-ulit na sinasabi ang kaparehong mga salita. Kapag nagbabasa ako ng Biblia, naiintindihan ko lamang ang ilang mga literal na kahulugan ng mga salita at aarmahan ang aking sarili ng kaunting espirituwal na teorya. Hindi ko kailanman pinag-isipan kung bakit sinabi ng Panginoon ang Kanyang sinabi, ano ang Kanyang kalooban at mga hinihingi sa likod ng mga bagay na sinabi Niya, at ang mga katotohanang naunawaan ko sa Kanyang mga salita, at iba pa. Ikinukumpara ang aking sarili sa sipi na binasa ni Sister Song, sa wakas ay nakita ko na ang espirituwal na debosyon ko ay pagsunod lamang sa mga tuntunin at pagsali sa relihiyosong ritwal—hindi iyon tunay na espirituwal na debosyon at walang kakayahan na matamo ang papuri ng Diyos. Taimtim kong pinagnilayan ang siping ito at nakita na hindi lamang nito basta inilalantad ang sanhi kung bakit wala tayong natatamo sa ating mga espirituwal na debosyon, ngunit ipinakita din nito sa atin ang daan upang isagawa. Ang siping ito ay tunay na nakakatulong at kapaki-pakinabang sa akin! Nais kong magbasa ng higit pa, kaya naman hiniram ko ang aklat mula kay Sister Song.
Paano Makamit ang Tunay na Espirituwal na Debosyon
Pagkauwi ko, sunud-sunod kong binasa ang ilang mga sipi. Isa sa mga sipi ang nagsasabing: “Ang mga tao ay naniniwala sa Diyos, iniibig ang Diyos, at napalulugod ang Diyos sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa Espiritu ng Diyos gamit ang kanilang mga puso, sa gayon ay nakakamtan ang Kanyang kaluguran; kapag taos-puso silang nakikiugnay sa mga salita ng Diyos, naaantig sila ng Espiritu ng Diyos. Kung nais mong matamo ang isang angkop na espirituwal na buhay at makapagtatag ng isang angkop na kaugnayan sa Diyos, dapat mo munang ibigay ang iyong puso sa Kanya, at ipanatag ang iyong puso sa harap Niya. Kapag naibuhos mo na ang iyong buong puso sa Diyos saka mo lamang mapapaunlad nang unti-unti ang isang angkop na espirituwal na buhay. … Kung ang iyong puso ay maibubuhos sa Diyos at mananatiling payapa sa harap ng Diyos, kung gayon magkakaroon ka ng pagkakataon at ng mga kwalipikasyon upang kasangkapanin ng Banal na Espiritu, upang tanggapin ang kaliwanagan at pagpapalinaw ng Banal na Espiritu, at higit pa, makakamtam mo ang pagkakataon para sa Banal na Espiritu na makabawi para sa iyong mga pagkukulang. Kapag ibinigay mo ang iyong puso sa Diyos, mas lalo kang makapapasok nang mas malalim sa positibong aspeto at mapupunta sa mas mataas na uri ng pananaw; sa negatibong aspeto, magkakaroon ka ng mas maraming pagkaunawa ukol sa iyong sariling mga pagkakamali at mga pagkukulang, magiging mas masigasig ka na hangaring mapalugod ang kalooban ng Diyos, at hindi ka magiging walang kibo, at aktibong makapapasok. Mangangahulugan ito na ikaw ay isang tamang tao” (“Ang Pagtatatag ng Isang Wastong Kaugnayan sa Diyos ay Napakahalaga”).

Paano Magkaroon ng Personal na Debosyong Kristiyano
Habang pinagninilayan ko ang siping ito, naintindihan ko na kung nais kong magkaroon ng normal na espirituwal na buhay, kung ganoon ay kailangan ko munang bitawan ang lahat ng mga lumang tuntunin at pagsasagawa ng nakaraan, ilayo ang aking puso mula sa lahat ng tao, pangyayari at mga bagay sa mundo sa labas at patahimikin iyon sa harap ng Diyos, at upang manalangin sa Diyos, basahin ang mga salita ng Diyos at pagnilayan ang mga salita ng Diyos nang may tapat na puso. Sa kahit anong hindi ko maunawaan, alam ko na kailangan ko pang higit na manalangin at maghanap kasama ng Diyos—hindi maaaring basta ko na lamang sulyapan ang mga salita ng Diyos at lagpasan ang mga iyon. Tanging sa pamamagitan ng pagsasagawa sa ganitong paraan ko lamang matatamo ang kaliwanagan at pagpapalinaw ng Banal na Espiritu at bubuo ng isang normal na relasyon sa Diyos. Kapag ibinubuhos natin ang ating mga puso sa mga salita ng Diyos, sa wakas ay malalaman natin na kung kikilos tayo ayon sa sarili natin mga kagustuhan sa mga bagay na makakasalubong natin sa ating mga buhay o kung magsasagawa tayo nang naaayon sa mga salita ng Diyos, madidiskubre natin na may ilang mga bagay na hindi natin isinasagawa ng buo nang naaayon sa kalooban ng Diyos. At madidiskubre natin na sa loob natin ay mayroon pa ring ilang pagbabago at kakulangan, at iba pa. Kapag nagninilay tayo sa mga bagay na ito, hinahanap natin ang daan upang magsagawa sa mga salita ng Diyos, pagkatapos ay ipinapasok natin iyon sa ating mga buhay, isinasagawa iyon at pumapasok doon upang malutas ang tunay nating mga problema. Tanging isang espirituwal na buhay lamang na nagtamo ng ganito uri ng mga resulta ang bumubuo sa tunay na espirituwal na debosyon. Nang maintindihan ko ito, nag-umpisa akong magsagawa at pumasok dito: Kapag nagsasagawa ako ng espirituwal na debosyon, nananalangin ako sa Panginoon tungkol sa lahat ng mga problema at paghihirap na nangyayari sa akin sa bawat araw at naghahanap ng daan upang magsagawa mula sa loob ng mga salita ng Panginoon. Kapag nanalangin ako, sinasabi ko sa Panginoon ang lahat nang nasa puso ko at tapat na nakikipag-usap sa Kanya, at ipinapaubaya ko sa Panginoon ang lahat ng paghihirap ko at hinihingi ang Kanyang tulong. Ang mga panalangin ko ay hindi na sumusunod sa mga panuntunan at sumasali sa relihiyosong ritwal o sinasabi ang kaparehong mga salita sa aking panalangin. Kapag binabasa ko ang mga salita ng Diyos, hindi na mahalaga kung gaano karami ang basahin ko o gaano karami ang kaya kong tandaan. Sa halip, nagtuon ako sa pagninilay at paghahanap sa kalooban ng Panginoon at mga hinihingi. Pinagninilayan ko kung nagagawa ko bang magsagawa ayon sa mga salita ng Panginoon o hindi kapag may nakakatagpo akong isyu at iba pa. Matapos magsagawa sa ganitong paraan nang ilang panahon, pakiramdam ko ay lalong nagiging normal ang relasyon ko sa Panginoon at madalas akong makaramdam ng kaliwanagan at gabay ng Banal na Espiritu kapag binabasa ko ang mga salita ng Panginoon. At kapag nananalangin ako, naaapektuhan ako at malinaw kong nararamdaman na nakikinig ang Panginoon sa mga panalangin ko. Salamat sa Panginoon!
Ang aklat na, Ang Balumbon na Binuksan ng Cordero, ay nagbahagi din tungkol sa kung ano ang bumubuo sa tunay na espirituwal na buhay, kung paano bubuo ng isang normal na relasyon sa Diyos, kung ano ang bumubuo sa tunay na buhay-iglesia, at iba pa. Habang mas nagbabasa ako, lalong nagiging malinaw ang lahat at mas lalo akong natutuwa doon. Idagdag pa, maraming mga bagay ang ipinaliwanag ng aklat na ito na noon ay hindi ko kailanman naintindihan sa Biblia. Sa pamamagitan ng aklat na ito, maraming mga problema na nagpalito sa akin noon ang nalutas, at bigla kong nakita ang liwanag, na tila lumutang palayo ang mga ulap at inihantad ang liwanag ng Araw. Pakiramdam ko ay hindi maaaring isinulat ng sinumang ordinaryong tao ang aklat na ito, dahil masyado itong nagpapatunay, masyadong kapaki-pakinabang, at hindi ko mapigilang isipin ang mga salita ng Panginoong Jesus: “Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka’t hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating” (Juan 16:12–13). Malinaw na isinaad ng Panginoon na, kapag nagbalik Siya, magsasabi Siya ng maraming katotohanan na hindi pa natin naiintindihan. Malinaw na naipaliwanag ng aklat na ito ang lahat ng iyon—maaari kayang ang mga salita sa aklat na ito ay nagmula sa mga pagbigkas ng Banal na Espiritu? Maingat kong pinag-aralan ang aklat at binasa ang pamagat, Ang Balumbon na Binuksan ng Cordero. Biglang huminto saglit ang tibok ng puso ko nang biglang kong maisip: Maaari kayang ang aklat na ito ay ang maliit na pergamino na iprinopesiya nang maraming beses sa Pahayag? Ngunit ang nakaselyong maliit na pergamino ay maaari lamang buksan ng Kordero…. Iniisip ang mga bagay na ito, hindi ako mapakali at, matapos kong manalangin sa Panginoon, kinuha ko ang aklat at mabilis na nagtungo sa tahanan ni Sister Song …