Makapangyarihang Diyos ay Ating Tagapagligtas

Makapangyarihang Diyos-Ang Pagbabalik ng Panginoong Jesus

Mayroon Bang Anumang Batayan sa Biblia Para sa Pahayag na “Minsang Iniligtas, Palaging Ligtas

2020-05-05 16:48:32 | Mga Pagbasa



Ni Yang Xin, Lalawigan ng Shandong


Ang araw ay lumubog sa kanluran, at ang huling liwanag ng papalubog na araw ay lumaganap sa buong mundo habang papauwi ako pagkatapos ng isang pagtitipon, iniisip ang sinabi ng pastor: “Minsang iniligtas, kung gayon tayo ay palaging ligtas, sapagkat sinasabi ng Biblia, ‘Sapagka’t kung ipahahayag mo ng iyong bibig si Jesus na Panginoon, at sasampalataya ka sa iyong puso na binuhay siyang maguli ng Dios sa mga patay ay maliligtas ka: Sapagka’t ang tao’y nanampalataya ng puso sa ikatutuwid; at ginagawa sa pamamagitan ng bibig ang pagpapahayag sa ikaliligtas’ (Roma 10:9-10). Habang naniniwala tayo sa Panginoong Jesus, hangga’t naniniwala tayo sa ating mga puso at kinikilala Siya gamit ang ating mga bibig, kung gayon tayo ay ligtas, at kung tayo ay minsang iniligtas kung gayon tayo ay palaging ligtas. Hangga’t namamalagi tayong gumagawa at ginugugol ang ating mga sarili para sa Panginoon at magtitiis hanggang sa wakas, kung gayon kapag bumalik ang Panginoon, tayo ay kaagad na dadalhin sa kaharian ng langit!” Sumagot ako ng Amen sa mga salita ng pastor: “Oo! Ang Panginoong Jesus ay ipinako sa krus upang tayo ay matubos, kaya hangga’t tumatawag tayo sa pangalan ng Panginoong Jesus, nagkukumpisal ng ating mga kasalanan at nagsisisi sa Panginoon, kung gayon ang ating mga kasalanan ay aakuin at tayo ay ililigtas ng Kanyang biyaya—minsang iniligtas, palaging ligtas, at pagkatapos tiyak na tayo ay dadalhin sa kaharian ng langit.” Sa nakaraang mga taon sa aking paniniwala sa Panginoon, palagi kong matatag na pinaniwalaan na ang pananaw na ito ay wasto, at kahit minsan hindi ko ito pinagdudahan.
Isang araw, gayunpaman, habang sinasangguni ko ang mga kasulatan, nabasa ko ang mga salitang ito na sinabi ng Panginoong Jesus: “Hindi ang bawa’t nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit” (Mateo 7:21). “Kung kayo’y magsisipanatili sa aking salita, kung magkagayo’y tunay nga kayong mga alagad ko” (Juan 8:31). Pinag-isipan kong mabuti ang mga salitang ito, at nakita ko na sinasabi ng Panginoong Jesus na ang mga taong tumutupad lamang sa kalooban ng Diyos at nagsasagawa sa mga salita ng Diyos ang karapat-dapat pumasok sa kaharian ng langit; hindi Niya sinasabi na ang mga tao ay maliligtas sa pamamagitan ng pagkakaroon ng pananampalataya, o dahil lamang sa ang mga tao ay minsang iniligtas kung gayon ay palagi na silang ligtas, o ang mga tao ay kaagad na aakyat sa kaharian ng langit sa sandaling bumalik ang Panginoon. Parang ang aking mga pananaw ay nagmukhang hindi kaayon sa mga salita ng Panginoon! Maaari kayang mali ang pinanghawakan kong mga pananaw sa loob ng maraming taong ito? Ginugol ko ang nakalipas na mga taon sa paniniwala sa Panginoon, bagamat naniniwala ako nang walang bahid ng pagdududa na tinubos tayo ng Panginoong Jesus, madalas na hindi ko naisasagawa ang mga turo ng Panginoon sa aking buhay; na parang hindi ako ang taong tumutupad sa kalooban ng Diyos, paano kung gayon ako makapapasok sa kaharian ng langit? Sa pag-iisip nito, hindi ko maiwasang mangamba, ngunit naisip ko pagkatapos: “Dahil ang Panginoong Jesus ay naging handog para sa kasalanan para sa ating kapakanan at inako ang ating mga kasalanan, ligtas na tayo sa pamamagitan ng Kanyang biyaya, kaya bakit hindi tayo makapapasok sa kaharian ng langit? Ang pagiging ligtas ba sa pamamagitan ng Kanyang biyaya ay hindi nangangahulugan ng walang hanggang kaligtasan?” Talagang nalito ako, at kaya tinanggap ko ang pagkalitong ito at naghangad at nanalangin nang madalas sa Panginoon, at sinangguni ko rin ang maraming espirituwal na mga aklat, ngunit ang sagot ay hindi matagpuan.
Kalaunan, sa isang pagtitipon ng mga katrabaho, nasalubong ko si Kapatid na Zhang na hindi ko nakita sa mahabang panahon. Siya ay isang pastor at mayroong napakadalisay na pagkaunawa sa Biblia. Sa bawat pagtitipon, naibabaghagi niya ang ilang bagong liwanag, at nakikinabang ako nang husto dito. Nang makita ko siya sa pagkakataong ito, masaya ko siyang binati, at habang kami ay nag-uusap, nabanggit ko ang suliranin na bumabagabag sa akin sa mahabang panahon. Ngumingiti, sinabi sa akin ni Kapatid na Zhang: “Kapatid na Yang, ang suliraning ito na binabanggit mo ay may kaugnayan sa mahalagang usapin kung tayo ba ay makapapasok o hindi sa kaharian ng langit. Binagabag din ako nito noong nakaraan, ngunit salamat sa paggabay ng Panginoon at sa paghahangad sa loob ng ilang panahon, mayroon na ako ngayong simpleng pagkaunawa tungkol sa kung ano ang kaligtasan.” Kaagad kong sinabi sa kanya, “Dalian mo at sabihin sa akin!” Tumawa siya, at sinabing, “Kagaya ng nalalaman nating lahat, sinasabi sa kabanata 2 talatang 32 sa aklat ni Joel: ‘Sinomang tumawag sa pangalan ng Panginoon ay maliligtas.’ Sa mga unang araw na iyon, ipinahayag ng Diyos na si Jehovah ang Kanyang mga kautusan at inutusan ang mga tao ng Israel na sundin ang mga ito. Ang mga tao ay naniniwala na hangga’t pinamamalagi nila ang mga kautusan ay hindi sila hahatulan, kung gayon sila ay maliligtas, ngunit nang magwakas ang Kapanahunan ng kautusan, sapagkat ang sangkatauhan ay lalo pang mas pinasama ni Satanas, hindi mapanatili ng mga tao sa Israel ang mga kautusan at mas lalo pa silang nakagawa ng mga kasalanan; hindi na sila makagagawa pa ng handog para sa kasalanan na makasasapat upang bayaran ang kanilang mga kasalanan, at kaya sila ay nahaharap sa isang panganib ng pagiging hinatulan at sinintensyahan ng kamatayan ng mga kautusang iyon. Ang Diyos ay nahabag sa sangkatauhan, gayunpaman, at upang ang sangkatauhan ay maligtas at makatakas sa paghatol ng mga kautusan, ang Diyos ay naging tao sa pangalang Jesus at ginampanan ang gawain ng pagtubos, ipinako sa krus bilang isang tao na walang kasalanan, at malayang tinubos tayong mga tao sa mga kautusan. Mula sa sandaling iyon, hangga’t tinatanggap natin at tumatawag sa pangalan ng Panginoong Jesus, lalapit sa harap Niya at ikukumpisal ang ating mga kasalanan, kung gayon ang ating mga kasalanan ay aakuin at hindi na tayo hahatulan o parurusahan ng mga kautusang iyon—nakamit natin ang kaligtasan dahil tinubos tayo ng Panginoong Jesus.”
Pagkatapos marinig na sinasabi ni Kapatid na Zhang ang ganito, bigla akong niliwanagan, at sinabi ko sa pagkamangha: “Ang ibig mong sabihin, sa Kapanahunan ng Kautusan, hangga’t pinanatili ng mga tao ang mga kautusan ng Diyos na si Jehovah, kung gayon sila ay ligtas, at sa Kapanahunan ng Biyaya, hangga’t nagtitiwala ang mga tao sa Panginoong Jesus, ikinukumpisal ang kanilang mga kasalanan at nagsisisi sa Panginoon, kung gayon sila ay ligtas din.”
———————————————————————
Basahin ang pinanggalingan ng mga debosyon na ito — Artikulo tungkol sa mga parabula sa Bibliya upang mas makilala ang Diyos.
———————————————————————
Sinabi ni Kapatid na Zhang, “Oo. Kailanma’t ang Diyos ay gumagawa ng isang bagong yugto ng gawain, nakasasabay tayo sa bilis ng gawain ng Diyos, namamalagi sa kinakailangan ng Diyos sa bagong kapanahunan, nagsasagawa alinsunod sa mga salita ng Diyos, at kung gayon ay maliligtas at hindi na hahatulan ng Diyos. Sa katunayan, ang pagkakaligtas sa pamamagitan ng biyaya ng Panginoong Jesus sa ating pananampalataya sa Kanya ay nangangahulugan lamang na ang ating mga kasalanan ay inako, at hindi na tayo hahatulan o sisintensyahan ng kamatayan ng mga kautusan; hindi ito nangangahulugan, gayunpaman, na sinusunod natin ang landas ng Diyos at itinakwil na natin ang lahat ng kasalanan, mas lalong hindi ito nangangahulugan na ang minsang pagkakaligtas kung gayon tayo ay palagi ng ligtas. Bagamat naniniwala tayo sa Panginoong Jesus, at tayo ay Kanyang tinubos at inako ang ating mga kasalanan, may kakayahan pa rin tayong madalas na magkasala at lumaban sa Diyos, at tayo ay nabubuhay sa isang malupit na paulit-ulit na paggawa ng mga kasalanan sa araw at pagkatapos ay pagkukumpisal ng mga ito sa gabi, hindi napapalaya ang ating mga sarili sa mga gapos at pamimilit ng kasalanan. Halimbawa, kapag nakasasagupa tayo ng isang usapin, upang protektahan ang ating katauhan at katayuan, at upang tumaas ang tingin ng mga tao sa atin o tingalain tayo, madalas tayong nagpapanggap, nagsasabi ng mga kasinungalingan at nakikibahagi sa pandaraya, gusto nating magyabang sa paggawa ng mga bagay, at nagpapakana rin tayo laban sa iba at nakikipaglaban sa kanila para sa posisyon; kapag nakikita natin ang mga kapatid na nagiging negatibo at mahina, at nawawala ang kanilang pananampalataya, maraming beses tayong nagpupunta upang tulungan at alalalayan sila ngunit nakikita nating wala itong bisa, at kaya tayo mismo ay nawawalan ng pagmamalasakit at tiyaga, at sinisimulan nating subukang iwasan ang ating mga kapatid, at hindi natin magawang ibigin ang iba kagaya ng pag-ibig natin sa ating mga sarili. Lalo na kapag dumating ang mga pagsubok sa atin, nagrereklamo tayo at sinisisi at hinahatulan ang Panginoon, kung kaya nagsisimula tayong magtaglay ng mga saloobin at mga ideya tungkol sa pagtataksil sa Panginoon; hindi natin talaga maisagawa ang mga salita ng Panginoon, at wala tayong tunay na pananampalataya sa Panginoon at hindi tayo tunay na masunurin sa Kanya. Marami ding mga kapatid ang sumusunod sa mga kalakaran ng mundo, na pinagnanasaan ang makasalanang mga kasiyahan, at isinasabuhay ang mga buhay ng pagkain, pag-inom at paglalaro, kagaya lamang ng ginagawa ng mga hindi mananampalataya. Sinabi ng Diyos: ‘Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang bawa’t nagkakasala ay alipin ng kasalanan. At ang alipin ay hindi nananahan sa bahay magpakailan man: ang anak ang nananahan magpakailan man’ (Juan 8:34-35). ‘Kayo nga’y magpakabanal, sapagka’t ako’y banal’ (Levitico 11:45). Napakalinaw ng mga salita ng Diyos: Ang Diyos ay banal at ang disposisyon ng Diyos ay matuwid at hindi maaaring labagin, at kung gusto ng isang tao na makapasok sa kaharian ng langit, kung gayon dapat nilang alisin sa kanilang mga sarili ang kanilang makasalanang kalikasan at maging malinis, at hindi na nagkakasala o lumalaban sa Diyos; tanging ang mga ganitong tao lamang ang karapat-dapat na magmana ng pangako ng Diyos. Paano tayo, na nagkakasala sa araw at nangungumpisal ng ating mga kasalanan sa gabi, at nabubuhay sa hindi matatakasang kasalanan, ay magiging karapat-dapat kailanman na pumasok sa kaharian ng langit? Kung hindi natin malulutas ang ating mga kasalanan sa pinakaugat nito, kahit na akuin pa ang ating mga kasalanan ng isanlibong beses, sampung libong beses, mapapabilang pa rin tayo kay Satanas at kakalabanin ang Diyos. Isip-isipin na lamang—kung hahayaan ng Diyos ang mga taong kagaya natin, na puno ng ating mala-satanas, masasamang disposisyon, at nagagawang kalabanin at pagtaksilan ang Diyos, makapasok sa kaharian ng langit, kung gayon paano pa matatawag na banal na kaharian ang kaharian ng Diyos? Magiging imposible ito!”
Sumang-ayon talaga ako sa pagbabahagi ni Kapatid na Zhang. Oo, paano tayo, na nabubuhay sa kasalanan araw-araw at malinaw na nalalaman na tayo ay nagkakasala gayunma’y hindi maiwasang magkasala, magiging karapat-dapat na pumasok sa kaharian ng langit? Sa sandaling iyon, nadama ko na ang sarili kong paniniwala sa Diyos ay isang nakalilitong paniniwala; ang mga salita ng Panginoon ay sinalita nang malinaw, at gayunma’y hindi ako nagsikap kahit kaunti na hangarin ang Kanyang mga salita. Sa kabaligtaran, nabuhay ako sa gitna ng aking sariling mga pagkaintindi at mga imahinasyon, ganap na naipagkamali ang kalooban ng Diyos at kinakanlong ang kakatwang paniniwala na hangga’t naniniwala ako sa Diyos sa aking puso at kinikilala ang Panginoon sa aking bibig, kung gayon ako ay maliligtas, at patutuluyin sa kaharian ng langit sa pagbabalik ng Panginoon. Naging hangal ako! Nananaginip talaga ako nang gising! Kung hindi ko malulutas ang kakatwang pananaw na ito at magpapatuloy sa paniniwala sa Diyos na umaasa sa aking sariling mga pagkaintindi at imahinasyon, kung gayon sa bandang huli ako ay tiyak na kasusuklaman, itatakwil at aalisin ng Panginoon. Kaya nga, tinanong ko ang Kapatid na Zhang: “Ano ba talaga ang tunay na kaligtasan?”
Kinuha ni Kapatid na Zhang sa kanyang bag ang isang aklat, at sinabi na malulutas ng mga salita sa loob ng aklat na ito ang aking suliranin. Noon ay nagpatuloy siya sa pagbabasa: “Kapag iniwan ng tao ang karumihan, mga tiwaling mga bagay ni Satanas, nakakamit nila ang pagliligtas ng Diyos. Ngunit kung manananatili silang walang kakayahan na alisin sa kanilang mga sarili ang karumihan at katiwalian, kung gayon mananatili pa rin sila sa ilalim ng sakop ni Satanas. Ang pakikipagsabwatan ng mga tao, panlilinlang, at pandaraya ay mga bagay ni Satanas; sa pagliligtas sa iyo, ihihiwalay ka ng Diyos mula sa mga bagay na ito at ang gawain ng Diyos ay hindi maaaring magkamali, at ang lahat ay upang iligtas ang mga tao mula sa kadiliman. Kung naniniwala ka sa ilang panahon at magagawang alisin sa iyong sarili ang katiwalian ng laman, at hindi na nakatanikala sa katiwaliang ito, ikaw ay hindi ba sana maliligtas? Kung ikaw ay nabubuhay sa ialim ng sakop ni Satanas wala kang kakayahan na maipakita ang Diyos, ikaw ay isang bagay na marumi, at hindi makatatanggap ng pamana ng Diyos. Sa sandaling ikaw ay malinis at gawing perpekto, ikaw ay magiging banal, at ikaw ay magiging normal, at ikaw ay pagpapalain ng Diyos at kalugud-lugod sa Diyos” (“Pagsasagawa (2)”). “Ang mga kasalanan ng tao ay maaaring mapatawad sa pamamagitan ng handog sa kasalanan, nguni’t hindi magawang lutasin ng tao ang suliranin kung paano siya hindi na muling magkakasala at kung paanong ang kanyang makasalanang kalikasan ay ganap na maiwawaksi at mababago. Ang mga kasalanan ng tao ay napatawad dahil sa gawain ng pagpapapako sa krus ng Diyos, nguni’t ang tao ay patuloy na namuhay sa dating tiwaling maka-satanas na disposisyon. Dahil dito, ang tao ay dapat na ganap na mailigtas mula sa tiwaling maka-satanas na disposisyon upang ang makasalanang kalikasan ng tao ay ganap na maiwaksi at hindi na muling mabubuo, at sa gayon ay tinutulutang mabago ang disposisyon ng tao. Kinakailangan nito na maunawaan ng tao ang landas ng paglago sa buhay, ang landas ng buhay, at ang paraan upang baguhin ang kanyang disposisyon. Kinakailangan din na ang tao ay kumilos alinsunod sa landas na ito nang sa gayon ang disposisyon ng tao ay unti-unting mababago at makakapamuhay siya sa ilalim ng pagsikat ng liwanag, at upang magawa niya ang lahat ng bagay ayon sa kalooban ng Diyos, iwaksi ang tiwaling maka-satanas na disposisyon, at lumaya mula sa impluwensya ng kadiliman ni Satanas, at dahil dito ganap na makakalaya mula sa kasalanan. Doon lamang matatanggap ng tao ang ganap na kaligtasan” (“Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (4)”).
Pagkatapos ay nagbigay si Kapatid na Zhang ng pagbabahagi, na nagsasabing: “Salamat sa Panginoon, nilinaw nang husto ng mga salitang ito kung ano ang tunay na kaligtasan! Ang tunay na kaligtasan ay nangangahulugang, sa sandaling makamit ng tao ang katotohanan at nilinis at ginawang perpekto ng Diyos, ganap nilang itatakwil ang kasalanan at itatakwil ang madilim na impluwensya ni Satanas, at hindi na sila magkakasala o lalaban sa Diyos. Ang gawain na totoong ginawa ng Panginoong Jesus ay ang gawain ng pagtubos, at hindi na tayo nabibilang pa sa kasalanan. Ngunit ang mala-satanas na kalikasan sa loob natin ay nakaugat nang malalim, at bagamat tinanggap ng ating mga kasalanan ang pagpapatawad ng Panginoon, kapag tayo ay nakasasagupa ng mga usapin, may kakayahan pa rin tayong sumailalim sa pangingibabaw ng mala-satanas na mga disposisyon, kagaya ng kayabangan at pagmamataas, kabaluktutan at panlilinlang, pagkamakasarili at kawalang-dangal, at pagiging masama at pagiging malisyoso, at madalas na hindi natin maiwasang magkasala at labanan ang Diyos, at talagang hindi naisasagawa ang mga salita ng Panginoon. Ito ay kagaya lamang ng pagiging isang magnanakaw na nahuli ng pulis sa pagnanakaw ng mga gamit ng ibang tao. Hindi matagalan ng kanyang magulang ang pag-iisip na ang kanilang anak ay magdurusa sa kulungan, at kaya magbabayad sila ng napakalaking halaga upang hindi makulong ang kanilang anak. Ngunit ang pagiging likas na magnanakaw ay nasa loob pa rin niya, at kung ang isang magandang pagkakataon ay dumating, muli siyang pangingibabawan ng kanyang kalikasan at patuloy na magnanakaw ng mga gamit. Kung kaya, kung nauunawaan natin ang lahat ng mga aspeto ng katotohanan, sa pagiging ganap na pinalaya sa nasasakupan ni Satanas, sa paglilinis sa ating mala-satanas, masasamang disposisyon, pagwawaksi sa mga gapos ng kasalanan, at paghahangad sa kalooban ng Diyos, pagsasagawa sa mga salita ng Diyos at tunay na paggalang at pagsunod sa Diyos maging anuman ang kapaligiran, kung gayon tayo ay palaging ligtas, at sa gayon lamang tayo magiging mga taong ganap na nakamit ng Diyos.”
Masaya kong sinabi, “Salamat sa pagliliwanag at paggabay ng Diyos sa pagpapaunawa sa akin na mali ang pananaw ng ‘minsang iniligtas, palaging ligtas, at pagkatapos ang isang tao ay makapapasok sa kaharian ng langit. Nauunawaan ko rin na ang walang hanggang kaligtasan ay nangangahulugang pag-aalis sa ating mga sarili ng makasalanang kalikasan at pagiging nilinis, at na ito ay lubos na magkaiba sa pagiging minsang iniligtas at pag-ako sa ating mga kasalanan. Talagang nililinaw ng aklat na ito kung ano ang tunay na kaligtasan, kaya mayroon bang paraan sa loob ng mga pahina nito na matutulutan tayong maiwaksi ang kasalanan sa ating mga sarili at maligtas? Kung makakahanap tayo ng paraan upang maiwaksi ang kasalanan sa ating mga sarili, at magsasagawa alinsunod sa paraang iyon, hindi ba natin makakamit kung gayon ang tunay na kaligtasan at pumasok sa kaharian ng langit?”
Masayang sinabi ng Kapatid na Zhang, “Kapatid na Yang, tama ka talaga! Salamat sa Panginoon, kung makakahanap tayo ng paraan upang maitakwil ang kasalanan sa ating mga sarili at malulutas ang suliranin ng ating makasalanang kalikasan, makakamit natin kung gayon ang tunay na kaligtasan at papasok sa kaharian ng langit. Malinaw na sinasabi ng aklat na ito ang tungkol sa aspetong ito ng katotohanan, kaya patuloy nating basahin …”


Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan

2020-05-04 21:04:53 | Mga Pagbasa


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang gawain ng mga huling araw ay upang pagbukud-bukurin ang lahat ayon sa kanilang uri, upang tapusin ang plano sa pamamahala ng Diyos, sapagka’t ang oras ay malapit na at ang araw ng Diyos ay nakárátíng na. Dinadala ng Diyos ang lahat ng nakapasok sa Kanyang kaharian, iyon ay, lahat ng naging tapat sa Kanya hanggang sa katapusan, tungo sa kapanahunan ng Diyos Mismo. Subali’t, hanggang sa pagdating ng kapanahunan ng Diyos Mismo, ang gawaing gagawin ng Diyos ay hindi upang magmasid sa mga gawa ng tao o magtanong tungkol sa buhay ng tao, kundi upang hatulan ang kanyang paghihimagsik, sapagka’t dadalisayin ng Diyos ang lahat ng lalapit sa harap ng Kanyang luklukan. Lahat ng mga nakásúnód sa mga yapak ng Diyos hanggang sa araw na ito ay yaong mga nagsilapit sa harap ng luklukan ng Diyos, at yamang ganito, ang bawat isang tao na tumatanggap sa gawain ng Diyos sa huling yugto nito ang siyang pinag-uukulan ng pagdadalisay ng Diyos. Sa ibang salita, ang lahat ng tumatanggap sa gawain ng Diyos sa huling yugto nito ang siyang pinag-uukulan ng paghatol ng Diyos.
Ang “paghatol” sa mga salitang nasabi na dati—ang paghatol ay magsisimula sa bahay ng Diyos—ay tumutukoy sa paghatol na ginagawa ng Diyos ngayon sa mga lumalapit sa harap ng Kanyang luklukan sa mga huling araw. Marahil ay may mga naniniwala sa ganoong higit-sa-karaniwang mga naguguni-guni kagaya ng, sa pagdating ng mga huling araw, magtatayo ang Diyos ng malaking mesa sa mga kalangitan, na kung saan ang isang puting tapete ay ilalatag, at pagkatapos, nakaupo sa isang dakilang luklukan na ang lahat ng mga tao ay nakaluhod sa lupa, ibubunyag Niya ang mga kasalanan ng bawat tao at doon ay malalaman kung sila ay aakyat sa langit o itatapon sa lawa ng nagniningas na apoy at asupre. Anuman ang mga naguguni-guni ng tao, ang nilalaman ng gawain ng Diyos ay hindi maaaring mabago. Ang mga naguguni-guni ng tao ay walang iba kundi mga nabubuong kaisipan ng tao at nanggagaling sa utak ng tao, binuo at pinagtagni-tagni mula sa mga nakita at narinig ng tao. Samakatuwid Aking sinasabi, gaano man kaliwanag ang mga larawang naisip, ang mga ito ay mga iginuhit lamang at hindi maaaring humalili sa plano ng gawain ng Diyos. Kung tutuusin, ang tao ay nagáwâ nang tiwali ni Satanas, kaya papaano niya maaarok ang mga iniisip ng Diyos? Hinahaka ng tao na ang gawain ng paghatol ng Diyos ay talagang di-kapani-paniwala. Naniniwala ang tao na dahil ang Diyos Mismo ang nagsasagawa ng gawain ng paghatol, kung gayon ito ay magiging pinakakakila-kilabot at hindi mauunawaan ng mga mortal, aalingawngaw ito hanggang sa mga kalangitan at yayanigin ang lupa; kung hindi ay papaano ito magiging gawain ng paghatol ng Diyos? Naniniwala siya na dahil ito ay gawain ng paghatol, kung gayon ang Diyos ay dapat na maging lalong nakakatakot at maringal habang Siya ay gumagawa, at yaong mga hinahatulan ay dapat na nagpapapalahaw sa pag-iyak at nakaluhod na nagmamakaawa. Ang ganoong tagpo ay napakarangyang pagmasdan at masyadong nakapupukaw…. Naguguni-guni ng bawa’t tao na maalamat ang gawain ng paghatol ng Diyos. Alam mo ba, gayunman, na matagal nang sinimulan ng Diyos ang gawain ng paghatol sa gitna ng mga tao, at sa buong panahong ito ikaw ay mahimbing na natutulog? Na, sa oras na inaakala mong ang gawain ng paghatol ng Diyos ay nagsisimula na, ito na ang oras na binabago na ng Diyos ang langit at lupa? Sa oras na iyon, malamang ay noon mo pa lamang naintindihan ang kahulugan ng buhay, nguni’t ang walang-awang gawain ng pagpaparusa ng Diyos ay magdadala sa iyo, na natutulog pa ring mahimbing, sa impiyerno. Saka mo lamang biglang mapagtatanto na ang gawain ng paghatol ng Diyos ay natapos na."
Hinango mula sa “Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan

________________________________________________

Ano ang Paghuhukom? Paano gagawin ng Diyos ang gawain ng paghuhukom sa mga huling araw? Basahin upang mas matuto pa.

Matapos ang Muling Pagkabuhay ni Hesukristo

2020-04-29 10:34:53 | Mga Pagbasa


Ni Cheng Hang

Sa Biblia, nakatalang: “At samantalang kanilang pinaguusapan ang mga bagay na ito, siya rin ay tumayo sa gitna nila, at sa kanila’y nagsabi, Kapayapaa’y suma inyo. Datapuwa’t sila’y kinilabutan, at nangahintakutan, at inakala nila na nakakakita sila ng isang espiritu. At sinabi niya sa kanila, Bakit kayo’y nangagugulumihanan? at bakit nangyayari ang pagtatalo sa inyong puso? Tingnan ninyo ang aking mga kamay at ang aking mga paa, ako rin nga: hipuin ninyo ako, at tingnan; sapagka’t ang isang espiritu’y walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin. At pagkasabi niya nito, ay ipinakita niya sa kanila ang kaniyang mga kamay at ang kaniyang mga paa. At samantalang hindi pa sila nagsisisampalataya dahil sa galak, at nagsisipanggilalas, ay sinabi niya sa kanila, Mayroon baga kayo ritong anomang makakain? At binigyan nila siya ng isang putol na isdang inihaw. At kaniyang inabot yaon, at kumain sa harap nila” (Lucas 24:36-43). Sa tuwing babasahin ko ang mga taludtod na ito, nakakaramdam ako ng inggit kina Pedro, Juan at sa iba pa. Habang isinasagawa ni Hesus ang Kanyang gawain sa Judea, palagi Niyang kasama ang Kanyang mga disipulo araw at gabi at, matapos Siyang mabuhay muli, inalagaan Niya ang mga ito gaya ng ginagawa Niya noon, at nagpakita Siya sa kanila, ipinaliwanag ang mga kasulatan sa kanila at pinangaralan sila. Si Pedro at ang iba pa ay mapalad na napili ng Panginoon upang maging Kanyang mga disipulo at nakarinig sila ng mga turo ng Panginoong Jesus sa kanilang sariling mga tainga—napakapalad nila! Pagkatapos, binasa ko ang mga salita ng Diyos, at naintindihan ko na ang kalooban ng Panginoong Hesus ay nasa likod ng Kanyang pagpapakita sa tao matapos ang Kanyang muling pagkabuhay, at na ang gawaing ito ay lalo pang napapaloob sa pagka-makapangyarihan ng Diyos at karunungan. Talaga ngang nakita ko na ang pagpapakita ng Panginoong Hesus sa tao matapos ang Kanyang muling pagkabuhay ay tunay ngang makahulugan!
Sinasabi ng mga salita ng Diyos, “Ang unang bagay na ginawa ng Panginoong Jesus pagkatapos ng Kanyang muling pagkabuhay ay upang tulutan ang lahat na makita Siya, upang matiyak na Siya ay umiiral, at upang matiyak ang katotohanan ng Kanyang muling pagkabuhay. Bukod dito, pinanumbalik nito ang Kanyang kaugnayan sa mga tao sa kaugnayang mayroon Siya sa kanila nang siya ay gumagawa pa sa katawang-tao, at Siya ang Kristo na nagagawa nilang makita at mahipo. Sa ganitong paraan, ang isang kalalabasan ay na ang mga tao ay walang pagdududa na ang Panginoong Jesus ay nabuhay mag-uli mula sa mga patay pagkatapos mapako sa krus, at walang pagdududa sa gawain ng Panginoong Jesus na tubusin ang sangkatauhan. At ang isa pang kalalabasan ay ang katotohanan ng pagpapakita ng Panginoong Jesus sa mga tao pagkatapos ng Kanyang muling pagkabuhay at pagtulot sa mga tao na makita at mahipo Siya ay tiniyak ang katiwasayan ng sangkatauhan sa Kapanahunan ng Biyaya. Mula sa oras na ito, ang mga tao ay hindi na makabalik sa nakaraang kapanahunan, ang Kapanahunan ng Kautusan, dahil sa ‘pagkawala’ o ‘paglayo’ ng Panginoong Jesus, ngunit sila ay magpapatuloy, susundin ang mga turo ng Panginoong Jesus at ang gawain na Kanyang ginawa. Kaya, isang bagong yugto sa gawain sa Kapanahunan ng Biyaya ang pormal na binuksan, at ang mga tao na nasa ilalim ng kautusan ay pormal na lumabas mula sa kautusan mula noon, at pumasok sa isang bagong panahon, na may isang bagong pasimula. Ito ang sari-saring mga kahulugan ng pagpapakita ng Panginoong Jesus sa sangkatauhan pagkatapos ng muling pagkabuhay” (“Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III”).
Matapos basahin ang mga salita ng Diyos, sa wakas ay naunawaan ko na may dalawang kahulugan sa likod ng pagpapakita ng Panginoong Hesus sa tao sa loob ng 40 araw pagkatapos ng Kanyang muling pagkabuhay. Ang isa ay dumating Siya upang sabihin sa tao na isinasara na ng Diyos ang Kapanahunan ng Kautusan, at na inumpisahan na Niya ang Kapanahunan ng Biyaya at magdadala sa sangkatauhan patungo sa bagong panahon. Ang iba pang kahulugan ay ginawa ito ng Diyos upang pakilusin ang mga tao na magpatunay na ang Panginoong Hesus ay ang Diyos na nagkatawang-tao, at sa gayon ay tumitibay ang kanilang pananampalataya sa Diyos.

————————————————————————
Mangyaring basahin ang artikulong ito, alamin ang tungkol sa kahalagahan ng pagpapakita ng Panginoong Jesus sa mga tao pagkatapos ng muling pagkabuhay ni Jesus, maunawaan ang mabuting hangarin ng Diyos ng pagliligtas sa tao, at madama ang pag-ibig at kaligtasan ng Diyos.
————————————————————————

1. Nabuhay Muli ang Panginoong Hesus at Nagpakita sa Tao upang Pamunuan Sila Tungo sa Bagong Panahon at upang Matatag Silang Itayo sa Kapanahunan ng Biyaya
Inumpisahan ng Panginoong Hesus ang Kapanahunan ng Biyaya at tinapos ang Kapanahunan ng Kautusan. Ipinahayag niya ang paraan ng “Mangagsisi kayo; sapagka’t malapit na ang kaharian ng langit” (Mateo 4:17), at nagsagawa ng maraming himala gaya ng pagpapagaling ang mga may sakit, pagpapalayas ng mga demonyo, pagpapalakad sa pilay at makakita ang bulag, at iba pa, upang matamasa ng mga tao ang napakaraming biyaya na nagmula sa Diyos. Ngunit ang mga tao noong panahong iyon ay hindi alam ang gawain ng Diyos, at wala silang tunay na pang-unawa na si Hesus ang Diyos na nagkatawang-tao. Nang ipako sa krus ang Panginoong Hesus, hindi alam ng mga tao na ipinapahayag nito na ang Diyos ay natapos na sa gawain ng pagtubos, at kaya naman sa halip ay nahulog sila sa pagiging negatibo at kahinaan. Ang mga tao ay nagsimulang magduda sa pagkakakilanlan ng Panginoong Hesus, at ang ilan ay bumalik sa templo at nagsimulang obserbahan ang batas ng Lumang Tipan. Sa ganitong paraan, ang mga tao ay nasa panganib pa rin na mamatay sa batas dahil sa kanilang mga kasalanan, at ang gawain na ginawa ng Panginoong Hesus upang tubusin ang sangkatauhan ay nananatiling hindi tapos. Sinuri ng Panginoong Hesus ang kaloob-loobang puso ng tao at lubos Niyang naintindihan ang kanilang mga pangangailangan at ang kanilang mga pagkukulang. Kaya naman, matapos ang Kanyang muling pagkabuhay, nagpakita Siya at unang kinausap ang Kanyang mga disipulo, tunay na nakikipag-ugnayan sa kanila at hinahayaan silang makita na tunay nga Siyang nagbalik mula sa kamatayan, at na natapos na Niya ang Kanyang gawain upang tubusin ang sangkatauhan at nag-umpisa na ng panibagong kapanahunan. Pagkatapos noon, iniwan ng sangkatauhan ang kautusan at pumasok sa bagong panahon—ang Kapanahunan ng Biyaya. Sa ilalim ng patnubay ng gawa at mga salita ng Panginoong Hesus, ang mga tao ay nagsimulang magsanay alinsunod sa Kanyang mga turo, pinasan nila ang krus at sumunod sa Panginoon at sinunod nila ang Kanyang pagtuturo ng “Magsiyaon kayo sa buong sanglibutan, at inyong ipangaral ang evangelio sa lahat ng kinapal” (Marcos 16:15). Kaya, sinimulan nilang ipalaganap ang ebanghelyo ng makalangit na kaharian at nagpatotoo sila sa ngalan ng Panginoong Hesus upang ang lahat ng tao ay tanggapin ito at matamo ang Kanyang kaligtasan. Sa ngayon, ang ebanghelyo ng Panginoong Hesus ay pinalawak sa buong mundo at ito ay ganap na resulta ng pagpapakita ni Hesus sa tao pagkatapos na Siya ay bumalik mula sa mga kamatayan. Mula dito, makikita natin kung gaano kahalaga ang Kanyang pagpapakita sa tao pagkatapos ng Kanyang muling pagkabuhay!
2. Ang Pagpapakita ng Panginoong Hesus sa Tao Matapos ang Kanyang Muling Pagkabuhay ay Hinayaan Sila na Makumpirma na Siya Mismo ang Nagkatawang-taong Diyos, Sa Gayon ay Pinalalakas ang Kanilang Pananampalataya sa Kanya
Sinasabi ng mga salita ng Diyos, “Sa panahong gumawa ang Panginoong Jesus sa katawang-tao, ang karamihan sa Kanyang mga tagasunod ay hindi magawang ganap na matiyak ang Kanyang pagkakakilanlan at ang mga bagay na Kanyang sinabi. Nang Siya ay umakyat sa krus, ang saloobin ng Kanyang mga tagasunod ay yaong naghihintay; nang Siya ay ipinako sa krus hanggang sa Siya ay inilagak sa libingan, ang saloobin ng mga tao tungo sa Kanya ay pagkadismaya. Sa panahong ito, ang mga tao ay nagsimula nang kumilos sa kanilang mga puso mula sa pagdududa hanggang sa pagkakaila sa mga bagay na sinabi ng Panginoong Jesus sa Kanyang panahon na nasa katawang-tao. At nang Siya ay lumabas mula sa libingan, at nagpakita sa mga tao isa-isa, ang karamihan sa mga tao na nakakita sa Kanya sa kanilang sariling mga mata o nakarinig sa balita ng Kanyang muling pagkabuhay ay unti-unting nagbago mula sa pagkakaila hanggang sa pag-aalinlangan. Nang panahong mapadaiti ng Panginoong Jesus ang kamay ni Tomas sa Kanyang tagiliran, nang panahong ang ating Panginoong Jesus ay nagpuputol-putol ng tinapay at kinain ito sa harap ng madla pagkatapos na Siya ay muling mabuhay, at pagkatapos noon ay kinain ang inihaw na isda sa harap nila, noon lamang nila tunay na natanggap ang katotohanan na ang Panginoong Jesus ay ang Cristo sa katawang-tao. Maaari ninyong masabi na parang ang espirituwal na katawan na ito na may katawan at dugo na nakatayo sa harap ng mga taong iyon noon ay ginigising ang bawat isa sa kanila mula sa isang panaginip: Ang Anak ng tao na nakatayo sa kanilang harapan ay Yaong umiiral na nang napakatagal na panahon. Mayroon Siyang isang anyo, at laman at mga buto, at Siya ay namuhay na at nakasamang kumain ng sangkatauhan sa mahabang panahon…. Sa panahong ito, naramdaman ng mga tao na ang Kanyang pag-iral ay talagang totoo, tunay na nakamamangha; sila din ay talagang nagagalak at maligaya, at kasabay nito ay napuno ng emosyon. At ang Kanyang muling pagpapakita ay nagtulot sa mga tao na tunay na makita ang Kanyang kababaang loob, upang madama ang Kanyang pagiging malapit, at ang Kanyang pananabik, ang Kanyang pagkagiliw para sa sangkatauhan. Ang maigsing muling-pagkikita na ito ang nagbigay-daan sa mga taong nakakita sa Panginoong Jesus na madama na parang isang habambuhay na ang nakalipas. Ang kanilang ligaw, nalilito, natatakot, nababahala, naghahangad at manhid na mga puso ay nakasumpong ng kaaliwan. Hindi na sila nag-aalangan o nadidismaya sapagkat naramdaman nila na ngayon ay mayroon ng pag-asa at isang bagay na maasahan. Ang Anak ng tao na nakatayo sa harapan nila ay nasa likod nila magpakailanman, Siya ang kanilang magiging matatag na tore, kanilang kanlungan sa lahat ng oras” (“Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III”).
Tinutukoy ng mga salita ng Diyos ang isa pang kahulugan sa pagpapakita ng Panginoong Hesus sa tao pagkatapos ng Kanyang muling pagkabuhay. Ang Panginoong Hesus ay nagkatawang-tao sa gitna ng tao at ginanap ang Kanyang gawain sa loob ng tatlo at kalahating taon, at marami ang tumanggap ng Kanyang kaligtasan at sumunod sa Panginoon. Gayunman, karamihan sa mga tao ay hindi ganap na maintindihan na ang Panginoong Hesus ay si Kristo at na Siya Mismo ang Diyos. Samakatuwid, nang malapit nang ipako sa krus ang Panginoong Hesus, pinanood nila ang mga pangyayari at nagsimula silang mag-alinlangan sa kanilang mga puso, at tinanong nila ang kanilang sarili: Tunay bang Diyos ang Panginoong Hesus? Kung Siya si Kristo at Siya mismo ang Diyos, kung gayon ay paano Siya nahuli ng mga awtoridad ng Roma, binugbog at kinutya ng mga sundalo at pagkatapos ay ipinako sa krus? Lalo na, nang ipinapako sa krus ang Panginoong Hesus, nakaramdam sila ng labis na panghihinayang sa Kanya at itinatwa nila na Siya Mismo ang nagkatawang taong Diyos at tinatwa ang mga salitang Kanyang ipinahayag, sa halip ay naniniwala na mamamatay si Hesus gaya ng isang ordinaryong tao at siguradong hindi Siya makaliligtas. Alam ng Panginoong Hesus na ganoon kaunti ang pananampalataya ng mga tao, na hindi nila kilala ang Panginoon, at na lalong mas marami pang tao ang magiging mahina at malungkot dahil ipinako Siya. Kaya naman, matapos magbalik ng Panginoong Hesus mula sa kamatayan, nagpakita Siya sa Kanyang mga disipulo at kinausap sila, ipinaliwanag Niya ang mga kasulatan at nanalangin ng taimtim kasama nila, kumain Siya kasabay ng mga ito, at hinayaan Niya si Tomas na hawakan ang Kanyang mga kamay at Kanyang tagiliran, at iba pa. Mula sa mga salita na sinabi ng Panginoong Hesus at ang mga gawa na ginawa Niya pagkatapos ng Kanyang muling pagkabuhay, pinatotohanan ng Kanyang mga disipulo na si Hesus ay tunay na muling nabuhay, at alam nila na Siya ay iisang Panginoon na kumain, sumunod at nagbahagi ng buhay sa kanila noon, na Siya ay ang parehong Panginoon na nangaral sa kanila, naglaan at namatnubay sa kanila, na nagmahal sa kanila gaya ng ginawa Niya noon, na inalagaan Niya sila at hindi iniwan, at Siya ay naroroon kasama nila. Ang Panginoong Hesus ang nagkatawang-taong Diyos Mismo, ang walang hanggang buhay, ang habambuhay na suporta ng tao, ang matatag na tore ng tao at kanlungan. Kahit na ipinako sa krus ang Panginoong Hesus, Siya ang may hawak ng mga susi sa kabilang buhay at mayroon Siyang kapangyarihan na mabuhay muli, dahil Siya Mismo ang natatanging Diyos … Pagkatapos noon, hindi na nakaramdam ang tao ng pagkawala o pagkalito at hindi na sila nag-alinlangan sa Panginoong Hesus, ngunit sa halip ay naniwala at umasa kay Hesus mula sa kaibuturan ng kanilang mga puso. Ito ay ganap na resulta ng pagpapakita ng Panginoong Hesus sa Kanyang mga alagad at pakikipag-usap sa kanila pagkatapos na Siya ay bumalik mula sa kamatayan.
Mula sa dalawang kahulugang ito na may kinalaman sa pagpapakita ng Panginoong Hesus sa tao matapos ang kanyang muling pagkabuhay, nakita ko sa wakas na binuhay Niya ang mga puso ng tao sa pamamagitan ng pagpapakita Niya sa kanila at hinayaan din Niya tayo na maranasan ang pag-aalaga at pagmamahal ng Diyos sa atin. Ang ganitong uri ng pag-aalaga at pagmamahal ay hindi lamang isang alamat—totoo ang mga ito. Mula rito ay mararamdaman din natin na ang turing sa atin ng Diyos ay Kanyang pamilya; Siya ay palagi nang kasama ng tao at hindi tayo kailanman iniwan, sapagkat nilikha ng Diyos ang tao upang matamo tayo, at inaasahan Niya na maririnig natin ang Kanyang mga salita, susunod sa Kanya at sumamba sa Kanya ng ganap, at maging isa ang isip natin sa Kanya. Samakatuwid, kung ang Panginoong Hesus ay ginagawa ng Kanyang mga gawain at nagsasalita ng Kanyang mga salita sa katawang-tao o kung Siya ay nagpapakita sa tao sa Espiritu pagkatapos ng Kanyang muling pagkabuhay, palagi Niyang inaalagaan ang sangkatauhan, at Siya ay lalong nag-aalala sa mga sumunod sa Kanya. Ito ay dahil walang kakayahan ang tao na malagpasan ang kasalanan, at kung wala ang paggabay ng Diyos at wala ang pagkakaloob ng katotohanan, walang paraan ang tao upang itaboy ang kanilang kasamaan at matamo ang tunay na kaligtasan ng Diyos. Sa ating maling paniniwala, naniniwala tayo na iniwan tayo ng Diyos matapos Niyang magawa ang gawain ng pagtubos at na hindi na tayo binigyan ng atensiyon ng Diyos matapos noon. Ngunit ang katotohanan ay hindi gaya ng iniisip natin. Natapos ng Panginoong Hesus ang kanyang gawain ng pagtubos ng sangkatauhan, ngunit hindi Niya iniwan ang tao. Kasama pa rin Niya ang tao, gaya kung paano Siya noon, inaalagaan tayo, nagbibigay sa atin at ginagabayan tayo; ang Panginoon ang ating tulong at suporta tuwing kinakailangan, at kahit sa paanong paraan pa man Siya magpakita sa atin, palagi natin Siyang kasama! Ito ay gaya ng sinasabi ng mga salita ng Diyos, “Bagamat ang Panginoong Jesus ay muling nabuhay, ang Kanyang puso at ang Kanyang gawain ay hindi iniwanan ang sangkatauhan. Sinabi Niya sa mga tao sa Kanyang pagpapakita na sa anumang anyo Siya umiiral, sasamahan Niya ang mga tao, lalakad kasama nila, at sasakanila sa lahat ng oras at sa lahat ng dako. At sa lahat ng oras at sa lahat ng dako, magkakaloob Siya sa sangkatauhan at papastulin sila, tutulutan silang makita at mahipo Siya, at titiyakin na hindi na nila kailanman mararamdaman ang kawalan ng pag-asa. Gusto din ng Panginoong Jesus na malaman ng mga tao ito: Ang kanilang mga buhay sa mundong ito ay hindi nag-iisa. Ang sangkatauhan ay may pagmamalasakit ng Diyos, kasama nila ang Diyos; ang mga tao ay palaging makaaasa sa Diyos; Siya ang pamilya ng bawat isa sa Kanyang mga tagasunod. Kasama ang Diyos para sandigan, ang sangkatauhan ay hindi na magiging malungkot at mawawalan ng pag-asa, at yaong tumanggap sa Kanya bilang handog sa pagkakasala ay hindi na matatali sa kasalanan” (“Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III”).
Ang totoo, bawa’t isa sa atin na naniniwala sa Panginoong Hesus ay makikita na, sa daan ng paniniwala sa Diyos, kapag nakakatagpo tayo ng mga tukso tulad ng pera, katanyagan o kapalaran, pinoprotektahan tayo ng Panginoon at nagbibigay-daan sa atin na lumayo at madaig ang mga ito; tuwing makakatagpo tayo ng mga dagok at kabiguan, pinapatnubayan tayo ng Panginoon sa pamamagitan ng Kanyang mga salita, binibigyan Niya tayo ng pananampalataya at lakas, na nagpapalakas sa atin; sa tuwing makakatagpo tayo ng paghihirap sa ating buhay, ang Panginoon ang palaging tumutulong sa atin kapag kinakailangan, nagbubukas ng mga daan para sa atin; kapag nagkakaroon tayo ng mga pagsubok at nakakaranas tayo ng paghihirap, ang mga salita ng Panginoon ay nagpapaliwanag at nagbibigay gabay sa atin, na nagbibigay-daan sa atin na maunawaan ang kalooban ng Diyos at para sa atin na makadama ng kapayapaan at kagalakan sa ating espiritu … Tunay na mararamdaman natin na nasa tabi natin ang Diyos, gumagabay at sinasamahan tayo sa bawa’t araw, dahilan upang maintindihan natin ang katotohanan at maintindihan ang Kanyang kalooban …
Labis akong nagalak sa pag-ibig ng Panginoon, at mas lalo ko nang naiintindihan ngayon kung bakit nagpakita sa tao ang Panginoong Hesus sa loob ng 40 araw matapos Niyang mabuhay muli, kumakain kasama ng Kanyang mga disipulo, ipinaliliwanag ang mga kasulatan at nananalangin ng taimtim kasama nila, maraming hinihingi sa kanila, at iba pa. Bawa’t isang bagay na sinabi o ginawa ng Panginoong Hesus ay napupuno ng labis na pangangalaga at pagpapahalaga, at lahat ng Kanyang mga gawa at mga salita ay labis na makahulugan. Sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga salita ng Diyos, mas malalim na ang pang-unawa ko sa pagpapakita ni Hesus sa tao matapos Niyang mabuhay muli. Papuri sa Diyos!

——————————————————————

Disasters are now more and more and the signs of the Lord's return have appeared. Many believers have a premonition that the Lord is likely to be back already. So, how should we welcome the Lord's return and gain the Lord's salvation of the last days? Please click the Sermon outline tagalog.



Dapat Kang Mamuhay sa Katotohanan Dahil Naniniwala Ka sa Diyos

2020-04-26 15:23:30 | Mga Pagbasa


Mga Pagbigkas ni Cristo | “Dapat Kang Mamuhay sa Katotohanan Dahil Naniniwala Ka sa Diyos”

Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Kaya hindi kasing-simple ng sinasabi ng tao ang pananampalataya sa Diyos. Sa paningin ng Diyos, kung may kaalaman ka lang ngunit wala ang salita Niya bilang iyong buhay; kung limitado ka lamang sa iyong sariling kaalaman ngunit hindi kayang isagawa ang katotohanan o maranasan ang salita ng Diyos, ito ay patunay pa rin na wala kang puso ng pag-ibig para sa Diyos, at ipinakikita na ang iyong puso ay hindi pag-aari ng Diyos. Pagdating sa pagkilala sa Diyos sa pamamagitan ng pananalig sa Kanya; ito ang panghuling layunin at dapat hanapin ng tao. Dapat kang magtalaga ng pagsisikap na isabuhay ang mga salita ng Diyos upang ang mga ito ay maisakatuparan sa iyong pagsasagawa. Kung mayroon ka lamang na kaalamang doktrina, kung gayon ang iyong pananampalataya sa Diyos ay mauuwi sa wala. Tanging kung isagawa at isabuhay mo ang Kanyang mga salita, maaaring ituring na ganap ang iyong pananampalataya at ayon sa kalooban ng Diyos.”
_____________________________________________

Ang Salita ng Diyos Ngayong Araw - patahimikin ang iyong sarili sa harap ng Diyos upang makinig at pagnilayan ang mga salita ng Diyos araw-araw. Ang iyong espiritu ay makakakain at matutustusan, at ang iyong buhay ay patuloy na lalago.



Dapat Kang Mamuhay sa Katotohanan Dahil Naniniwala Ka sa Diyos

2020-04-05 17:00:01 | Mga Pagbasa


Mga Pagbigkas ni Cristo | “Dapat Kang Mamuhay sa Katotohanan Dahil Naniniwala Ka sa Diyos”


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Kaya hindi kasing-simple ng sinasabi ng tao ang pananampalataya sa Diyos. Sa paningin ng Diyos, kung may kaalaman ka lang ngunit wala ang salita Niya bilang iyong buhay; kung limitado ka lamang sa iyong sariling kaalaman ngunit hindi kayang isagawa ang katotohanan o maranasan ang salita ng Diyos, ito ay patunay pa rin na wala kang puso ng pag-ibig para sa Diyos, at ipinakikita na ang iyong puso ay hindi pag-aari ng Diyos. Pagdating sa pagkilala sa Diyos sa pamamagitan ng pananalig sa Kanya; ito ang panghuling layunin at dapat hanapin ng tao. Dapat kang magtalaga ng pagsisikap na isabuhay ang mga salita ng Diyos upang ang mga ito ay maisakatuparan sa iyong pagsasagawa. Kung mayroon ka lamang na kaalamang doktrina, kung gayon ang iyong pananampalataya sa Diyos ay mauuwi sa wala. Tanging kung isagawa at isabuhay mo ang Kanyang mga salita, maaaring ituring na ganap ang iyong pananampalataya at ayon sa kalooban ng Diyos.
________________________________________