Ang Makapangyarihang Diyos - Ebanghelyo ng Huling Araw

Kristo ng mga Huling Araw - Ang Makapangyarihang Diyos

Hindi Madaling Maging Isang Matapat na Tao

2020年06月04日 | Mga Patotoo
Ni Zixin, Lalawigan ng Hubei


Matapos ang pagtanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga salita ng Diyos at pakikinig sa mga pangaral, naunawaan ko ang kahalagahan ng pagpapatuloy sa pagiging tapat na tao sa kanyang paniniwala, at tanging sa pamamagitan ng pagiging matapat na maaaring makamit ng isang tao ang pagliligtas ng Diyos. Kaya sinimulan kong isagawa ang pagiging matapat na tao sa tunay na buhay. Sa paglipas ng panahon, nakita ko na nakamtan ko ang ilang pagpasok dito. Halimbawa: Habang nagdarasal o nakikipag-usap sa isang tao, nagagawa kong magsalita ng katotohanan at mula sa puso; nakakaya ko ring tuparin ang tungkulin ko nang seryoso, at kapag ibinunyag ko ang kasamaan, kaya kong buksan ang sarili ko sa ibang tao. Dahil dito, naisip kong madaling isagawa ang pagiging matapat na tao, at hindi gaanong mahirap katulad ng inilarawan ng salita ng Diyos: “Karamihan ay mas nanaising maparusahan sa impiyerno kaysa magsalita at kumilos nang buong katapatan” (“Tatlong Paalaala” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Hanggang sa kalaunan ay nakaya ko nang pahalagahan sa pamamagitan ng maraming karanasan na hindi talaga madali para sa ating masasamang tao ang maging matapat na mga tao. Ang mga salita ng Diyos ay talagang totoo at hindi kalabisan.
Isang araw na nagtitipon ako ng dokumento, natuklasan kong ang isang kapatid na babae mula sa iglesia ay mas mahusay sa akin sa pag-aayos ng mga dokumento. Naisip ko noon: “Dapat trabahuin ko ang mga dokumentong mahigpit niyang tinitipon, dahil kapag nakita ng mga pinuno na mas mahusay siya kaysa sa akin at itaas ang kanyang posisiyon, malalagay ang posisyon ko sa alanganin.” Nang naisip ko iyon, naramdaman kong sinumbatan ako ng aking konsiyensya. Pagkatapos ko itong suriin at himayin, napansin ko na pagpapakita ito ng pagpupunyagi ko para sa katanyagan at kapakinabangan at pagiging mainggitin sa tunay na talento, kaya nagdasal ako sa Diyos at tinalikuran ko agad ang aking sarili. Sa isang pagtitipon, ang gusto ko talagang gawin ay ipahayag sa lahat ang kasamaan ko, ngunit naisip ko: “Kung ibabahagi ko ang sarili kong masasamang hangarin, ano ang magiging tingin sa akin ng kapatid na kapareha ko at kapatid sa pamilyang kumupkop sa akin? Sasabihin ba nila na masyadong malisyoso ang puso ko at masyadong masama ang kalikasan ko? Kalimutan na lang, mas mabuti pang huwag ko na lang sabihin. Naisip ko lang iyon, at hindi ko naman talaga ginawa.” At ganoon nga, di-sinasadyang basta nabanggit ko kung gaano ako sobrang kinakabahan na mapapalitan ako kapag nakita ko ang ibang tao na mahusay na nag-aayos ng mga dokumento—itinago ko ang tunay na kasamaan ng ugali ko. Pagkatapos nito, ang pakiramdam ng pagsisisi sa puso ko ay tumindi. Kaya nangako ako sa harap ng Diyos na minsan lang itong mangyayari, at sa susunod ay talagang isasagawa ko ang pagiging isang matapat na tao.
Makalipas ang ilang araw habang nakikipag-usap sa kapareha ko at sa kapatid na kumupkop sa akin, narinig ko na nagkukuwento ang kumupkop sa akin tungkol sa kung gaano kabuti ang dalawang kapatid na babae na dating nakatira sa bahay niya (kilala ko rin sila), pero wala siyang binanggit ni isang salita kung gaano ako kabuti. Talagang nalungkot ako. Upang mapaganda ang tingin niya sa akin, inilista ko isa-isa ang mga kapintasan nitong dalawang kapatid na babae para ipakita sa kanya na hindi sila kasing-buti ko. Pagkatapos ko itong sabihin, naisip ko na hindi nararapat ang sinabi ko, at ang balak at layunin ko ay upang ibaba ang iba para itaas ang aking sarili. Pero masyado akong nahiya na ipaalam iyon, kaya sinabi ko na lang sa kapatid na kumupkop sa akin: “Nang narinig kong pinuri mo ang dalawang kapatid na iyon, naramdaman ko na may ilan kang idolo sa puso mo, kaya kinailangan kong dungisan ang imahe nila upang hindi mo na sila tingalain pa.” Pagkabigkas ng mga salitang iyon sa bibig ko, sinabi ng kapatid na kapareha ko: “Depende ito kung mayroon kang anumang mga lihim na motibo. Kung meron nga, napakasama talaga iyan. Kung wala naman, masasabi nating ito ay isang pagbubunyag ng kasamaan.” Pagkarinig sa sinabi niyang iyon, masyado akong natakot na magkaroon sila ng masamang impresyon sa akin, kaya agad kong sinubukang ipaliwanag ang aking sarili: “Wala akong anumang mga lihim na motibo. Hindi lang maayos ang pagkakasabi ko….” Pagkatapos nitong pakunwaring pangangatwiran, nainis ako nang todo at inakusahan ko talaga ang sarili ko nang manalangin ako: “Masyado kang tuso. Paliguy-ligoy kang magsalita, mapaggawa ng mga kasinungalingan at tinatakpan ang katotohanan, laging itinatago at ikinukubli ang masasama mong hangarin at mapagmataas na mga ambisyon. Hindi ba ito panlilinlang sa Diyos?” Gayunpaman, ako, na masyadong matigas ang ulo, ay hindi pa rin nagsisi at nagmakaawa lamang ako sa Diyos na patawarin ako.
Nang sumunod na araw, bigla akong nilagnat nang mataas, at sumakit ang bawat kasukasuan sa katawan ko. Inisip ko noong una na nagkaroon lang ako ng sipon sa magdamag at gagaling ako kapag uminom ako ng ilang gamot. Pero sinong nakakaalam—hindi nakatulong ang pag-inom ng gamot, at makalipas ang dalawang araw ay hindi na ako makabangon sa kama. Bukod doon, namaga at nanigas ang dila ko, namaga rin ang lalamunan ko sa sakit, sa sobrang sakit ay hindi na ako makapagsalita. Napakahirap na ang lumunok lang, lalo pa ang kumain. Sa harap ng biglaang karamdamang ito, natakot ako, at paulit-ulit na nagdasal sa Diyos sa aking puso. Nang sandaling iyon, napagtanto ko na ang sakit na ito ay hindi aksidenteng nangyari, kaya lumapit ako sa Diyos upang taimtim na pag-isipan ang lahat ng bagay na nasabi at nagawa ko nang panahong ito. Habang nagmumuni-muni ako, naunawaan ko na maraming pagkakataon kung saan ay paiwas akong nagsalita at itinago ko ang masasama kong motibo. Alam na alam ko na wala akong sinabi kundi kasinungalingan at dinaya ko ang mga kapatid ko sa iglesia, at nakaramdam ako ng diwa ng pagsisisi, ngunit hindi pa rin ako nagkaroon ng lakas ng loob na sabihin ang katotohanan. Hindi ko namalayan na ang masasama kong gawi ay naging pangalawang kalikasan na at hindi ko na mapigilan. Alang-alang sa sarili kong reputasyon at katayuan, karangyaan at karangalan, walang takot kong sinubukang linlangin ang Diyos at paulit-ulit na lokohin ang mga kapatid ko sa iglesia. Hindi ako nagkusang ipahayag ang aking kasamaan at hindi ko hinangad ang katotohanan upang lutasin ang mga problema ko; kung nagpatuloy ako sa ganoong landas, hindi ba ako rin ang magdurusa ng kawalan sa huli? Sinisiyasat ng Diyos ang kaloob-looban ng puso ng tao, at kahit gaano ko pa subukang itago ang aking sarili, hindi ko mapagtatakpan ang kasuklam-suklam kong kapangitan. Nang nagkaroon ako ng ilang pagkaunawa sa aking sarili, lumuhod ako sa harapan ng Diyos at nagdasal: “O, Diyos! Ngayon ko lamang nakikita kung gaano ako kasama. Sa pagiging kontrolado ng mapanlinlang kong kalikasan, labis akong nahirapan na magsabi kahit na isang tapat na salita. O, Diyos! Hinihiling ko sa Iyo na gabayan ako para maipahayag at mailantad ang mga pagkakamali ko, at maging matapat na tao sa harapan Mo!” Sa ilalim ng patnubay ng Diyos, sa wakas ay nakaipon ako ng lakas ng loob at sinabi ko sa mga kapatid ko sa iglesia ang buong katotohanan, mula sa simula hanggang sa wakas. Pagkatapos lamang noon na nakaramdam ang puso ko ng kaunting kapayapaan at kaginhawaan.
Sa pamamagitan lamang ng karanasang ito na lubos kong naunawaan ang mga salita ng Diyos na “Karamihan ay mas nanaising maparusahan sa impiyerno kaysa magsalita at kumilos nang buong katapatan” ay talagang totoo. Pagkatapos pinasama ni Satanas, ang pagsisinungaling, pandaraya, at panloloko ay naging likas sa tao at nabaon nang malalim sa mga puso ng sangkatauhan. Higit pa rito, talagang pinahahalagahan ng mga tao ang reputasyon, katayuan at lahat ng uri ng benepisyo; ang mga taong pinipigilan ng mga bagay na ito ay labis na nahihirapang magsalita nang tapat. Kaya para sa mga tao, ang pagiging matapat ay mas mahirap kaysa sa pag-akyat sa langit. Madalas kong isipin na madali ang pagiging matapat na tao. Iyon ay dahil ang mga ipinagtapat ko ay ang mga ipinahayag kong walang kabuluhang kasamaan na madalas ibahagi ng lahat sa pagtitipon. Walang kinalaman ang mga ito sa pinakamalalalim na bagay sa aking kaluluwa, kaya hindi ako mamaliitin ng sinuman sa pagsasalita tungkol sa mga bagay na iyon. Ang ganoong uri ng pagsasagawa ay nasa ilalim ng paunang kondisyon na mababaw na mga pagkilos ang mga iyon at hindi makakaapekto sa personal kong mga interes. Kung naaapektuhan nito ang mahahalaga kong interes, ang aking katayuan at ang aking mukha, mabubunyag kung gayon ang kalikasan ko at hindi ko na mapapanatili ang pagkukunwari ko. Dahil sa katotohanan na nasa harapan ko, sinimulan kong lubos na pahalagahan na hindi talaga madaling maging matapat na tao. Lalo na para sa isang taong tulad ko na itinuturing na napakaimportante ang reputasyon at katayuan, kung hindi ko isasantabi ang lahat ng pagsasaalang-alang ng mukha, kung hindi ako gagabayan ng pagkastigo at paghatol ng Diyos, ganap akong mawawalan ng kakayahan sa realidad ng katotohanan ng pagiging isang matapat na tao sa pagsasagawa. Mula ngayon, matapat kong itataguyod ang katotohanan, tatanggapin ang lahat ng mga salita ng Diyos, at uunawain nang mas malalim pa ang sarili kong mapanlinlang na kalikasan. Isasantabi ko ang sarili kong mukha at katayuan at magiging tunay na matapat na tao; Isasabuhay ko ang tunay na wangis ng tao upang masuklian ang pag-ibig ng Diyos.

______________________________________________________


Ano ang katapatan? Ang katapatan ay kasangkot sa puso ng tao. Ibig sabihin, dapat maging matapat ang ating mga puso; nag-iisip at kumikilos tayo sa parehong paraan; dapat tayong maging dalisay sa ating mga kilos at salita; dapat nating gawin ang lahat ng bagay sa harap ng Diyos at tanggapin ang pagmamasid ng Diyos. Ang mga gumagawa lamang sa mga paraang ito ang maaaring purihin ng Diyos at makapasok sa kaharian ng Diyos.


最新の画像もっと見る

コメントを投稿