Ang Makapangyarihang Diyos - Ebanghelyo ng Huling Araw

Kristo ng mga Huling Araw - Ang Makapangyarihang Diyos

Tunay na Cristo at mga Bulaang Cristo

2020年01月17日 | Mga Patotoo


Ang Biblia ang pamantayan ng Kristiyanismo at ang pananampalataya ng mga nananalig sa Panginoon ay dalawang milenyo nang nakabatay sa Biblia. Bukod pa riyan, naniniwala ang karamihan ng mga tao sa relihiyosong daigdig na ang Biblia ay kumakatawan sa Panginoon, na ang pananalig sa Panginoon ay kapareho ng pananalig sa Biblia at ang pananalig sa Biblia ay kapareho ng pananalig sa Panginoon, at na kung mapalayo ang isang tao sa Biblia, hindi sila matatawag na nananalig. Nais kong malaman kung ang pananalig sa Panginoon sa ganitong paraan ay naaayon sa Kanyang kalooban.

Sagot:

Maraming naniniwala na kumakatawan ang Biblia sa Panginoon, kumakatawan sa Diyos at na ang ibig sabihin ng pananalig sa Panginoon ay paniniwala sa Biblia, ang paniniwala sa Biblia ay kapareho ng pananalig sa Panginoon. Pinagpapantay nila ang Biblia at ang Diyos. May mga tao pa nga na kinikilala ang Biblia nang hindi kinikilala ang Diyos. Iniisip nila na ang Biblia ang pinakamakapangyarihan, at sinisikap pa ngang ipalit sa Diyos ang Biblia. May mga pinuno pa nga ng mga relihiyon na kinikilala ang Biblia nang hindi kinikilala si Cristo, at sinasabi na ang mga nangangaral tungkol sa ikalawang pagparito ng Panginoon ay mga erehe. Ano ba talaga ang isyu rito? Kitang-kita na ang relihiyosong daigdig ay umabot na sa punto na ang tanging kinikilala nila ay ang Biblia at bigo silang maniwala sa pagbalik ng Panginoon—hindi sila maliligtas. Mula rito malinaw na, ang relihiyosong daigdig ay naging isang grupo na ng mga anticristo, na kinakalaban at itinuturing na kaaway ang Diyos. Hindi maitatanggi na maraming pinuno ng mga relihiyon ang mga ipokritong Fariseo. Lalo na ang mga nagsasabi na “ang mga nangangaral tungkol sa ikalawang pagparito ng Panginoon ay mga erehe,” lahat sila ay anticristo at walang pananalig. Tila maraming tao ang hindi nakakaalam kung ano talaga ang pananampalataya sa Panginoon. Ang tawag nila sa kanilang pananalig sa malabong Diyos na ito ay nakasanayang pananampalataya at nananalig pa nga sa Biblia sa halip na sa Diyos. Ikinakaila at tinutuligsa pa nila ang Cristo na nagkatawang-tao sa mga huling araw. Binabalewala at kinalilimutan nila ang anumang katotohanang ipinapahayag ni Cristo. Ano ang problema rito? Medyo malalim na tanong ito. Noong panahon na ginawa ng Panginoong Jesus ang Kanyang gawain, ganitong-ganito rin ang kilos ng mga Judio. Bago nagpakita si Cristo para isagawa ang Kanyang gawain, ibinatay nilang lahat ang kanilang pananampalataya sa Diyos sa Biblia. Walang makapagsabi kung kaninong pananampalataya ang tunay at kanino ang huwad, at tiyak na walang makapagsabi kung sino ang talagang sumusunod sa Diyos at sino ang kumokontra sa Kanya. Bakit nang maging tao ang Panginoong Jesucristo at isagawa Niya ang Kanyang gawain, nalantad ang bawat klase ng tao? Dito nakasalalay ang pagka-makapangyarihan at karunungan ng Diyos. Kapag nagpapakita ang Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga huling araw, at gumagawa ng Kanyang gawain, naririnig ng matatalinong dalaga ang Kanyang tinig at sinusundan nang husto ang mga yapak ng Diyos; kaya, natural, dinadala sila sa harapan ng luklukan ng Diyos. Tungkol naman sa mga mangmang na dalagang iyon, dahil ipinagpipilitan nila ang Biblia at bigo silang kilalanin na ang Makapangyarihang Diyos, ang Cristo sa mga huling araw ay talagang ang Diyos, nalalantad at itinatakwil sila. Sa ngayo’y mahigpit pa rin silang nakakapit sa tinatawag nilang pananampalataya, ngunit pagdating ng mga kalamidad, mananaghoy sila at magngangalit ang kanilang mga ngipin sa huli. Mula rito makikita natin, yaon lamang mga kumakapit sa Biblia at bigong tanggapin ang katotohanan, yaong mga nananalig lang sa Diyos na nasa langit ngunit bigong tanggapin ang Cristo na nagkatawang-tao ay pawang mga walang pananalig at tiyak na aalisin ng Diyos. Ito ang totoo! Tingnan natin kung ano ang sinasabi ng Makapangyarihang Diyos tungkol dito.
Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Mula noong panahong mayroong Biblia, ang pananalig ng mga tao sa Panginoon ay ang paniniwala sa Biblia. Sa halip na sabihing ang mga tao ay nananalig sa Panginoon, mas mabuti pang sabihin na naniniwala sila sa Biblia; sa halip na sabihing nagsimula na silang magbasa ng Biblia, mas mabuti pang sabihing nagsimula na silang maniwala sa Biblia; at sa halip na sabihing nagbalik na sila sa Panginoon, mas mabuti pang sabihing nagbalik na sila sa Biblia. Sa ganitong paraan, sinasamba ng mga tao ang Biblia na para bang ito ang Diyos, na para bang ito ang kanilang ikinabubuhay at ang mawalan nito ay kapareho ng mawalan ng kanilang buhay. Itinuturing ng mga tao ang Biblia na kasintaas ng Diyos, at may mga tao pa na itinuturing itong mas mataas pa kaysa sa Diyos. Kung wala sa mga tao ang gawain ng Banal na Espiritu, kung hindi nila nadarama ang Diyos, maaari silang patuloy na mabuhay—ngunit sa sandaling mawala sa kanila ang Biblia, o mawala ang mga bantog na kabanata at kasabihan mula sa Biblia, parang nawalan na sila ng buhay” (“Tungkol sa Biblia (1)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).
Naniniwala sila sa Aking pag-iral ngunit sa loob lamang ng saklaw ng Biblia. Para sa kanila, Ako ay kapareho ng Biblia; kung wala ang Biblia wala rin Ako, at kung wala Ako, walang Biblia. Hindi nila pinapansin ang Aking pag-iral o mga pagkilos, kundi sa halip ay pinag-uukulan ng sobra at espesyal na pansin ang bawat isang salita ng Kasulatan, at marami pa nga sa kanila ang naniniwala na hindi Ko dapat gawin ang anumang bagay na nais Kong gawin maliban kung ito ay hinulaan sa Kasulatan. Sobra ang pagpapahalaga nila sa Kasulatan. Masasabi na itinuturing nilang napakahalaga ang mga salita at pahayag, hanggang sa gumamit sila ng mga talata mula sa Biblia upang sukatin ang bawat salitang Aking sinasabi, at upang tuligsain Ako. Ang kanilang hinahanap ay hindi ang paraan para makaayon sila sa Akin, o ang paraan para makaayon sila sa katotohanan, kundi ang paraan para makaayon sila sa mga salita ng Biblia, at naniniwala sila na anumang hindi umaayon sa Biblia, nang walang itinatangi, ay hindi Ko gawain. Hindi ba ang gayong mga tao ang masunuring mga inapo ng mga Fariseo? Ginamit ng mga Fariseong Judio ang batas ni Moises upang tuligsain si Jesus. Hindi nila hinangad na maging kaayon ni Jesus noong panahong iyon, kundi masigasig nilang sinunod nang perpekto ang batas, hanggang sa ipinako nila ang walang-salang si Jesus sa krus, pinagbintangan Siyang hindi sumusunod sa batas ng Lumang Tipan at na hindi Siya ang Mesiyas. Ano ang kanilang diwa? Hindi kaya na hindi nila hinanap ang paraan para makaayon sa katotohanan? Nahumaling sila sa bawat isang salita ng Kasulatan, habang hindi nila pinapansin ang Aking kalooban at ang mga hakbang at pamamaraan ng Aking gawain. Hindi sila mga taong naghangad sa katotohanan, kundi mga taong mahigpit na sumunod sa mga salita ng Kasulatan; hindi sila mga taong nanalig sa Diyos, kundi mga taong naniwala sa Biblia. Ang totoo, mga tagapagbantay sila ng Biblia. Upang pangalagaan ang mga interes ng Biblia, at pagtibayin ang dangal nito, at protektahan ang reputasyon nito, ipinako pa nila ang maawaing si Jesus sa krus. Ginawa nila ito para lamang ipagtanggol ang Biblia, at mapanatili ang katayuan ng bawat isang salita ng Biblia sa puso ng mga tao. Kaya mas pinili nilang pabayaan ang kanilang kinabukasan at ang handog para sa kasalanan upang tuligsain si Jesus, na hindi tumalima sa doktrina ng Kasulatan, hanggang kamatayan. Hindi ba sila mga alipin sa bawat isang salita ng Kasulatan?
“At paano naman ang mga tao ngayon? Pumarito si Cristo upang ilabas ang katotohanan, ngunit mas gusto pa nilang paalisin Siya sa gitna ng mga tao upang makapasok sa langit at tumanggap ng biyaya. Mas gusto pa nilang lubusang itanggi ang pagdating ng katotohanan para pangalagaan ang mga interes ng Biblia, at mas ginusto pa nilang muling ipako sa krus ang Cristong nagbalik sa katawang-tao upang matiyak ang walang hanggang pag-iral ng Biblia. Paano matatanggap ng tao ang Aking pagliligtas, kung napakasama ng kanyang puso, at nilalabanan Ako ng kanyang likas na pagkatao?” (“Dapat Mong Hanapin ang Paraan para Makaayon kay Cristo” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).
Ano ang ibig sabihin ng manalig sa Panginoon? Ano ang ibig sabihin ng maniwala sa Biblia? Ano ang kaugnayan ng Biblia sa Panginoon? Ano ang nauna, ang Biblia o ang Panginoon? Kung gayon sino ang gumagawa ng gawain ng pagliligtas? Maaari bang humalili ang Biblia sa Panginoon sa paggawa ng Kanyang gawain? Maaari bang katawanin ng Biblia ang Panginoon? Kung pikit-mata tayong sasampalataya at sasamba sa Biblia, ibig bang sabihin ay nananalig at sumasamba tayo sa Diyos? Ang paniniwala ba sa Biblia ay katumbas ng pagsasagawa at pagdanas ng salita ng Diyos? Ang paniniwala ba sa Biblia ay nangangahulugan na sinusundan natin ang landas ng Panginoon? Kaya kung mas pinahahalagahan natin ang Biblia kaysa anupamang bagay, ibig bang sabihin ay sinasamba natin ang Diyos bilang dakila, na mapitagan at masunurin tayo sa Panginoon? Walang sinumang nakakakita sa katotohanan ng mga isyung ito. Sa loob ng libu-libong taon, pikit-mata nang sinasamba ng mga tao ang Biblia at pinagpapantay ang kahalagahan ng Biblia at ng Panginoon. Ipinanghahalili pa ng ilan ang Biblia sa Panginoon at sa Kanyang gawain, ngunit walang tunay na nakakakilala sa Panginoon at sumusunod sa Kanya. Dahil lang sa pagkapit sa Biblia, ipinako ng mga Fariseo ang Panginoong Jesus sa krus. Ano ang isyu? Ang pag-unawa ba sa Biblia ay pagkilala sa Diyos? Ang pagkapit ba sa Biblia ay pagsunod sa landas ng Panginoon? Eksperto ang mga Fariseo sa pag-intindi sa teksto ng Biblia, ngunit hindi nila kilala ang Diyos. Sa halip, ipinako nila sa krus ang Panginoong Jesus na nagpahayag ng katotohanan at gumawa ng nakatutubos na gawain. Hindi ba totoo iyan? Ano ba talaga ang ibig sabihin ng tunay na kilalanin ang Diyos? Nararapat bang ituring na pagkilala sa Diyos ang kakayahan lang na ipaliwanag ang Biblia at unawain ang kaalaman sa Biblia? Kung gayon, bakit tinuligsa at kinontra ng mga Fariseo ang Panginoong Jesus kahit nang ipaliwanag nila ang Biblia? Ang susi kung talagang kayang kilalanin at sundin ng isang tao ang Diyos ay kung kilala at sinusunod niya ang Cristo na nagkatawang-tao o hindi. Inilalantad ng Diyos na nagkatawang-tao ang buong sangkatauhan, ito ang hindi natatanto ng karamihan. Ang sumpa ng Panginoong Jesus sa mga Fariseo ay isang testamento sa katotohanan na tinatrato ng Diyos ang lahat nang may katuwiran. Tulad ng malinaw, kung hindi natin sinusunod at sinasamba ang Panginoon kundi pikit-mata lamang tayong naniniwala at sumasamba sa Biblia, hindi natin tatanggapin ang pagsang-ayon ng Diyos. Kung ang pananampalataya ng isang tao ay binubuo lamang ng pagsunod sa Biblia at walang lugar sa kanyang puso para sa Panginoon, kung hindi niya kayang sambahin ang Panginoon bilang dakila at isagawa ang Kanyang mga salita, kung hindi niya kayang tanggapin at sundin ang gawain at patnubay ng Diyos, hindi ba isang ipokritong Fariseo ang gayong tao? Hindi ba isang anticristo ang gayong tao, isang tao na ginawang kaaway si Cristo? Kaya nga, kung kakapit lamang tayo sa Biblia, tiyak na hindi nito ibig sabihin na natamo na natin ang katotohanan at buhay. Maling sambahin at pikit-matang sundin ang Biblia, sa paggawa nito tiyak na hindi natin tatanggapin ang pagsang-ayon ng Panginoon. Ipinapahayag ng Diyos na naging tao ang katotohanan upang padalisayin at iligtas tayong mga tao, at sagipin tayo mula sa impluwensya ni Satanas upang masunod natin ang Diyos, masamba natin ang Diyos at makamit tayo ng Diyos sa huli. Ito ang layunin at kahulugan ng paggawa ng Diyos na nagkatawang tao ng Kanyang gawain. Ang susi sa ating pananampalataya ay paghahanap ng katotohanan, at pagsasagawa at pagdanas ng salita ng Diyos. Sa paraang ito lamang natin matatanggap ang gawain ng Banal na Espiritu at makikilala ang Panginoon. Sa gayon, magagawa na nating magpitagan sa Diyos, at dakilain ang Panginoon sa ating puso. Gayundin, magkakaroon na tayo ng tunay na pananampalataya at pagsunod sa Kanya. Ito ang tunay na kahulugan ng pananampalataya sa Panginoon. Sa pagsampalataya lamang sa ganitong paraan natin matatanggap ang pagsang-ayon ng Panginoon. Mula rito, malinaw na nakikita ng lahat na ang paniniwala sa Biblia ay hindi katumbas ng pananalig sa Diyos. Kaya ano ang kaugnayan ng Biblia sa Panginoon? Tungkol sa tanong na ito, napakalinaw ng sinabi ng Panginoong Jesus sa Evangelio ni Juan kapitulo 5 mga bersikulo 39–40: “Saliksikin ninyo ang mga kasulatan, sapagka’t iniisip ninyo na sa mga yaon ay mayroon kayong buhay na walang hanggan; at ang mga ito’y siyang nangagpapatotoo tungkol sa akin. At ayaw kayong magsilapit sa akin, upang kayo’y magkaroon ng buhay.” Mula sa mga salita ng Panginoong Jesus, napakalinaw na ang Biblia ay isang patotoo lamang sa Diyos, isang talaan lamang ito ng gawain ng Diyos noong araw. Ang Biblia ay hindi kumakatawan sa Diyos, dahil ang Biblia ay may limitadong salaysay lamang ng mga salita at gawain ng Diyos. Paano maaaring kumatawan sa Diyos ang limitadong salaysay na ito ng mga salita at gawain ng Diyos? Ang Diyos ang Lumikha na nagpupuno sa lahat ng bagay, Siya ang Panginoon ng lahat ng bagay. Ang buhay ng Diyos ay walang limitasyon at hindi mauubos. Hindi maaarok ng tao ang kadakilaan at kasaganaan ng Diyos kailanman. At ang limitadong talaan ng mga salita at gawain ng Diyos na matatagpuan sa Biblia ay isang patak lamang sa malawak na karagatan ng buhay ng Diyos. Paano makakayang katawanin ng Biblia ang Diyos? Paano makakayang pumantay ng Biblia sa Diyos? Kayang iligtas ng Diyos ang tao, kaya bang iligtas ng Biblia ang tao? Kayang ipahayag ng Diyos ang katotohanan, kaya bang gawin iyon ng Biblia? Kaya ng Diyos na bigyang-liwanag, paliwanagan at gabayan ang tao anumang oras, kaya bang gawin iyan ng Biblia? Siyempre, hindi! Kaya, hindi maaaring kumatawan ang Biblia sa Diyos! Ipinapantay ng ilang tao ang Biblia sa Diyos at iniisip na maaaring kumatawan ang Biblia sa Diyos. Hindi ba ito paghamak at paglapastangan sa Diyos? Kung ipapalit natin ang Biblia sa gawain ng Diyos, ito ay pagtanggi at pagkakanulo sa Diyos. Ang Diyos ay Diyos, ang Biblia ay Biblia. Hindi maaaring kumatawan ang Biblia sa Diyos, ni hindi nito kayang humalili sa gawain ng Diyos. Ang Biblia ay isang talaan lamang ng gawain ng Diyos. Ang mga salita ng Diyos sa Biblia ay katotohanan. Ipinapakita nito ang disposisyon sa buhay ng Diyos, at maaaring magpakita ng kalooban ng Diyos. Ngunit bawat yugto ng gawain ng Diyos ay kumakatawan lamang sa hinihiling at kalooban ng Diyos para sa sangkatauhan sa loob ng kapanahunang iyon. Hindi ito kumakatawan sa mga salita at gawain ng Diyos sa ibang mga kapanahunan. Malinaw na ba ito sa inyong lahat ngayon?

…………

https://tl.kingdomsalvation.org/gospel-truth-26.html 

Ang parabula ng sampung dalaga na sinabi ng Panginoong Jesus ay isang paalaala sa atin sa mga huling araw. Inaasahan ng Diyos na maaari tayong maging matalinong mga birhen upang matanggap ang pagbabalik ng Panginoon.

最新の画像もっと見る

コメントを投稿