Makapangyarihang Diyos ay Ating Tagapagligtas

Makapangyarihang Diyos-Ang Pagbabalik ng Panginoong Jesus

Ang Kuwento ni Haring David: Bakit si Haring David ay Isang Tao na Ayon sa Puso ng Diyos

2020-06-17 10:21:29 | Mga Pagbasa
Ni Shuxun, Italya

Sa tuwing nababanggit si Haring David, ang aking isip ay sumasalamin sa imahe noong siya ay nasa kanyang pagbibinata at, sa pamamagitan ng pag-asa sa lakas ni Jehova, gumamit siya ng tirador upang patayin ang higanteng si Goliath gamit ang isang bato. Pagkaraan, nagpunta siya sa digmaan, nanalo ng maraming mga laban at gumawa ng maraming pagkabayani. Naitala din ito sa Bibliya, gayunpaman, noong si David ay naging hari ng Israel, pinapatay niya si Uria at pagkatapos ay kinuha ang kanyang asawa na si Bathsheba. Ang matuwid na disposisyon ng Diyos ay dumating kay David at, sa pamamagitan ng propetang si Natan, ang Diyos ay nagsalita sa kanya, na sinasabi, “Ngayon nga’y ang tabak ay hindi hihiwalay kailan man sa iyong sangbahayan; sapagka’t iyong niwalan ng kabuluhan Ako, at iyong kinuha ang asawa ni Uria na Hetheo upang maging iyong asawa” (2 Samuel 12:10). Si Haring David ay nagkasala, at pinarusahan siya ng Diyos. Kaya bakit pagkatapos noon ay nalulugod ang Diyos kay David at sinabi na si David ay isang tao na ayon sa Kanyang sariling puso? Nakaramdam ako ng pagkalito ukol dito. Upang malaman ito, maraming beses akong naghanap at nanalangin sa Diyos, at nahanap ko ang maraming mga talata sa Bibliya. Sa pamamagitan ng paghahanap at pakikipagbahagian sa aking mga kapatid, sa wakas natagpuan ko ang sagot.

Tunay na Nagsisi si Haring David sa Diyos

Sa pamamagitan lamang ng pakikipagbahagian sa aking mga kapatid na naiintindihan ko na iyon, nang sinabi ng Diyos na si Haring David ay isang tao na ayon sa Kanyang sariling puso, ibig niyang sabihin na ang kakanyahan ni David ay naaayon sa kalooban ng Diyos. Bagaman nakagawa si David ng isang mapusok na paglabag, nagawa niyang tunay na magsisi. Naitala sa Bibliya na, nang magkasala si Haring David, nanalangin siya sa Diyos, na sinasabi, “Bumalik ka, Oh Jehova, palayain mo ang aking kaluluwa: iligtas Mo ako alangalang sa Iyong kagandahang-loob. … gabigabi ay aking pinalalangoy ang aking higaan; Aking dinidilig ang aking hiligan ng aking mga luha” (Awit 6:4, 6). Dahil sa kanyang kasalanan, naramdaman ni Haring David ang labis na kalungkutan, at araw-araw ay nagsisisi siya at nagkumpisal, nag-ayuno at nanalangin sa harap ng Diyos, at ipinagdasal niya na maging maawain ang Diyos. Ang kanyang mga salita na binigkas sa panalangin, “gabigabi ay aking pinalalangoy ang aking higaan; Aking dinidilig ang aking hiligan ng aking mga luha,” isinama ang lawak ng kanyang pagsisisi at kung gaano niya kinasusuklaman ang kanyang sarili.

Ito rin ay naitala sa Bibliya: “Si David na hari nga ay matanda at totoong magulang na; at kanilang tinakpan siya ng mga kumot, nguni’t siya’y hindi naiinitan. Kaya’t sinabi ng mga lingkod niya sa kaniya, Ihanap ang aking panginoon na hari ng isang dalaga: at patayuin siya sa harap ng hari, at libangin niya siya; at mahiga siya sa iyong sinapupunan, upang ang aking panginoon na hari ay mainitan. Sa gayo’y inihanap nila siya ng isang magandang dalaga sa lahat ng mga hangganan ng Israel, at nasumpungan si Abisag na Sunamita, at dinala sa hari. At ang dalaga ay totoong maganda: at kaniyang nilibang ang hari at nagaalaga sa kaniya; nguni’t hindi siya ginalaw ng hari” (1 Mga Hari 1:1–4). Sa kanyang mga huling taon, si Haring David ay hindi makatulog ng maayos, kaya’t inayos ng kanyang mga lingkod ang isang hindi kapani-paniwalang magandang dalaga upang makatulong na magpainit sa kanyang higaan, ngunit hindi siya hinawakan ni Haring David. Mula rito, makikita natin na, matapos matanto ni David ang kanyang sariling pagsalangsang, siya ay lubos na nagsisi at ganap na nagbago, upang hindi na niya muling gawin ang kaparehong kasalanan. Si David ay hindi ordinaryong Israelita; siya ang Hari ng Israel, nagmamay-ari ng parehong katayuan at kapangyarihan. Sa buong kabuuan ng kanyang buhay, gayunpaman, nagawa niya lamang iyong isang kilos na ang ipinagbabawal na sekswal na relasyon, at siya bilang kung sino siya, sa kanyang posisyon, marahil ay napakahirap para sa kanya na hindi makagawa ng higit pang mga pagkakasala kaysa lamang sa isang ito. Ipinakikita nito na si Haring David ay may pusong may takot sa Diyos. Matapos siya ay maparusahan ng Diyos, hindi na niya muling ipinangahas na tratuhin ang salita ng Diyos ng may pang-aalipusta o gumawa ng anumang bagay na maaaring makasakit sa disposisyon ng Diyos, mas lalo pa na gustuhin niyang magdala ng kahihiyan sa pangalan ng Diyos. Makikita natin mula sa saloobin ni Haring David patungkol sa kanyang pagsalangsang at ang antas ng kanyang pagsisisi na ang kanyang ipinagbabawal na pakikipagtalik kay Bathsheba ay isang panandaliang paglabag. Ang kanyang kakanyahan, gayunpaman, ay tungkol sa isang mabuting tao at, mula noong una hanggang sa kasalukuyan, masasabi na walang hari na kailanman ay lumampas kay David.

Mula sa mga karanasan ni Haring David, nagkaroon ako ng tunay na pag-unawa sa matuwid na disposisyon ng Diyos. Sinasabi ng mga salita ng Diyos, “Magpapahayag man ang Diyos ng poot o awa at kagandahang-loob, ang asal, pag-uugali at saloobin ng tao para sa Diyos na nagmumula sa kalaliman ng kanyang puso ang magdidikta ng kung ano ang ipapahayag sa pamamagitan ng pahayag ng disposisyon ng Diyos” (“Ang Diyos Mismo, ang Natatangi II”). Ang matuwid na disposisyon ng Diyos ay malinaw at tunay. Nang kunin ni David ang asawa ni Uria at magkaroon ng ipinagbabawal na pakikipagtalik sa kanya, ang parusa ng Diyos ay dumating sa kanya, at ipinakikita nito sa atin na ang Diyos ay matuwid, banal at di-mapagpaparaya sa kasalanan; nang si David ay tunay na nagsisi sa kanyang mga gawa, ang Diyos ay nahabag sa kanya at nagpakita sa kanya ng pagka-maawain, at ang Diyos ay patuloy na ginabayan siya at sumasa-kanya.

Sa paghahambing ng aking sarili kay Haring David, napahiya ako. Nagawa lamang ni Haring David ang isang pagkaka-mali at pagkatapos ay nakapagsisisi sa gayong nakakabagbag-damdaming paraan. Bukod dito, hindi na siya muling gumawa ng kaparehong pagkakamali hangga’t nabubuhay siya. Naisip ko ang aking sarili, gayunpaman, at kung paano ako naniniwala sa Panginoon nang maraming taon at namuhay ako sa isang palagiang estado ng pagkakasala: Hindi ko tinalikuran ang mga bagay, ginugol ko ang aking sarili at nag-pagod at nagtrabaho ng mabuti para sa aking pag-ibig sa Panginoon o upang masiyahan ang Panginoon, ngunit sa halip ay ginawa ko ang lahat upang makakuha ng mga pagpapala at makapasok sa langit—lahat ay aking pakikipag-kasundo sa Diyos. Kapag nagtatrabaho ako at nangaral, madalas kong sinasabi kung gaano akong naghirap, gaano ako ka-abala at kung ano-ano ang nagawa ko, lahat upang ang aking mga katrabaho at ang aking mga kapatid ay igagalang ako at tingalain ako, ngunit walang lugar para sa Diyos sa kanilang puso. Tuwing tinatalakay ko ang gawaing pang-iglesia sa aking mga katrabaho, lagi kong nais na tanggapin nila ang aking mga pananaw at, kung hindi nila gagawin, nagiging mainit ang aking ulo at makikipagtalo sa kanila. Minsan, upang mapanatili ang aking prestihiyo at posisyon, nagsasabi ako ng mga kasinungalingan at niloloko ang ibang tao. Minsan, nang makita ko ang aking mga katrabaho na nagbibigay ng mas mahusay na mga sermon kaysa sa akin, at ang lahat ng mga kapatid ay nais makinig na makinig sa kanila, nakararamdam ako ng inggit sa aking puso, ang hinanakit ay ilalantad ang pangit na ulo nito, at manghuhusga pa ako, magpapahiya at subukang ibukod ang mga ito. Ilan lamang ang mga ito na halimbawa ng aking pag-uugali sa panahon ng aking paniniwala sa Panginoon. Matapos makagawa ng pagkakasala, nagdarasal ako sa Panginoon at nais na magsisi, at kung minsan ay kinapopootan ko pa ang aking sarili at umiiyak ng mapait na luha. Ngunit sa tuwing nakatatagpo ako ng katulad na sitwasyon muli, hindi ko mapigilan ang aking sarili na magkasala ulit at maghimagsik laban sa Diyos; Nabuhay ako sa loob ng isang mabisyo na siklo ng pagkakasala at pagtatapat na hindi ko matakasan. Ngayon, napagtanto ko na ang aking pagsisisi ay mga salita lamang, at hindi ito katulad ng pagsisisi ni Haring David. Sapagkat si David ay may paggalang at may takot sa Diyos, nagawa niyang tunay na mapoot sa kanyang sarili mula sa kailaliman ng kanyang puso, at ginamit niya ang kanyang buhay na katotohanan upang patunayan ang kanyang pagsisisi. Tila kung, kung hindi ako nagtataglay ng isang puso na taimtim na hinahangad ang Diyos, kung gayon hindi ko magagawang tunay na magsisi sa Kanya at sa gayon nga’y napakahirap para sa akin na makuha ang Kanyang papuri. Ang tunay na pagsisisi ni Haring David ay tiyak na isang bagay na dapat kong tularan.

Ang Buong-Buhay na Hinahangad ni Haring David ay Bumuo ng Templo para sa Diyos

Ang mga salitang binigkas ni Haring David sa mga tao ay nakatala sa Bibliya: “Ang gawain ay malaki; sapagka’t ang templo ay hindi ukol sa tao, kundi para kay Jehova na Dios. Akin ngang ipinaghanda ng aking buong kaya ang bahay ng aking Dios, ng ginto na ukol sa mga bagay na ginto, at ng pilak na ukol sa mga bagay na pilak, at ng tanso na ukol sa mga bagay na tanso, ng bakal na ukol sa mga bagay na bakal, at ng kahoy na ukol sa mga bagay na kahoy; ng mga batong onix, at mga batong pangkalupkop, ng mga batong panggayak, at may sarisaring kulay, at ng lahat na sarisaring mahalagang bato, at ng mga batong marmol na sagana. Bukod din naman dito, sapagka’t aking inilagak ang aking loob sa bahay ng aking Dios, na yamang may tinatangkilik ako na aking sariling ginto at pilak, ay aking ibinibigay sa bahay ng aking Dios, bukod sa lahat na aking inihanda na ukol sa banal na bahay” (1 Paralipomeno 29:1–3). Pinuri ni David si Jehova sa harap ng bayan, na sinasabing, “Purihin ka, Oh Jehova, na Dios ng Israel na aking Ama, magpakailan kailan man” (1 Paralipomeno 29:10). Nariyan din ang awit na isinulat ni David, na nagsasabing: “Sapagka’t napuspos ako ng sikap sa iyong bahay; at ang mga pagduwahagi nila na nagsisiduwahagi sa iyo ay nangahulog sa akin” (Awit 69:9).

Sa Kapanahunan ng Kautusan, ang gawain ng Diyos sa lupa ay ginawa upang magawa na madala ang tao sa harap Niya at sambahin Siya. Si Haring David ay ang pinaka-nakaunawa sa puso ng Diyos at na higit na umaalala sa Kanyang kalooban. Ang buong-buhay na pagnanais ni Haring David ay ang pagtatayo ng isang templo para kay Jehova, upang ang mga tao ay makalapit sa harap ng Diyos at sambahin Siya, at hindi na makagawa ng kasalanan sa pamamagitan ng pagsamba kay Satanas o mga idolo. Si Haring David ay may puso na parehong may takot at pagmamahal sa Diyos; inaalala niya ang kalooban ng Diyos, at nagawa niyang ituring bilang kagyat ang anumang itinuring ng Diyos bilang kagyat at nag-iisip tulad ng iniisip ng Diyos. Nagawa rin niyang magbayad ng totoong halaga at tapat sa Diyos. Mula sa mga Banal na Kasulatan, makikita natin na inilagay ni Haring David ang buong puso at lakas sa paghahanda ng lahat ng kailangan para sa pagtatayo ng templo, at inaalok niya ang lahat ng kayamanan na naipon niya. Bagaman hindi kailanman naitayo ni Haring David ang templong ito sa kanyang sariling buong-buhay, hinikayat niya ang kanyang anak na si Solomon na magpatuloy at makamit ang kanyang pangarap na hindi natanto habang siya ay nabubuhay, at ang templo ay naitayo sa wakas.

Paano hindi malulugod ang Diyos kay Haring David, isang tao na labis na nagmamalasakit sa kalooban ng Diyos at may isang lugar para sa Diyos sa kanyang puso? Kunin ang isang napaka-makatwirang bata na nakikita ang kanyang mga magulang na nagtatrabaho nang husto, bilang halimbawa. Sa kanyang puso iniisip niya: “Ano ang magagawa ko para sa aking mga magulang upang mapagaan ang kanilang pasanin?” Nang may ganitong isipin sa kanyang ulo, nagsisimula siyang gawin ang lahat ng hanggang sa abot ng kanyang makakayang gawin. At kapag nakita ng kanyang mga magulang na ang kanilang anak na lalaki ay nakapagpapakita ng pag-unawa at pagsasaalang-alang para sa kanila, at ginagawa niya ang inisyatiba upang balikatin ang ilan sa kanilang pasanin, tiyak na masisiyahan sila. Sa katulad na paraan, inaasahan ng Diyos na maaari tayong maging mapagmalasakit sa Kanyang kalooban, magsagawa ng Kanyang mga komisyon at italaga ang ating lahat para sa kapakanan ng Kanyang gawain. Si Haring David ay tulad ng isang tao na ganito.

Salamat sa Diyos! Sa pamamagitan ng pakikisalamuha sa aking mga kapatid, natagpuan ko ang ilang mga landas sa pagsasanay. Tahimik akong gumawa ng isang resolusyon: “Tiyak na tutularan ko si Haring David at maging isang taong may takot sa Diyos, at hindi sasadyaing gumawa ng anumang kasalanan o gumawa ng anumang bagay na lumalaban o humihiya sa Diyos; kapag ang aking mga aksyon ay hindi ayon sa puso ng Diyos, dapat kong bigyang pansin ang aking sariling mga pagkakasala, tunay na lumapit sa Diyos at magsisi, at ipagtapat ang aking mga kasalanan sa Diyos. Dapat din akong tumuon sa paghahanap ng landas ng pagsisisi at pagbabago, at gamitin ang aking buhay na katotohanan upang luwalhatiin ang Diyos at magpatotoo sa Diyos. Bukod dito, kailangan kong magkaroon ng tamang layunin na ipursige ang aking pananalig sa Diyos, dahil dito dapat kong ituwid ang aking sariling mga motibo, maging may malasakit sa kalooban ng Diyos at maipangaral ang ebanghelyo ng Diyos, upang mas maraming tao ang madadala sa harap ng Diyos.” Bukod dito, sa pamamagitan ng pagsasaliksik at pakikipagbahagian, nalaman ko na ang Diyos ay tumitimbang at sinusuri ang isang tao depende kung ang kanilang kakanyahan ay tulad ng sa isang mabuting tao, kung tunay na naramdaman ba talaga nila ang pagsisisi at tunay na nagsisisi tuwing nakagagawa sila ng isang pagsalangsang, at maging isang taong may malasakit sa Diyos at maaaring mahalin ang Diyos. Tayo, gayunman, nakikita lamang natin ang mga panlabas na pag-uugali at pagpapahayag ng mga tao, at hindi natin nakikita ang kanilang kakanyahan. Ibinabase natin ang ating mga pagsusuri at paghuhusga ng mga tao sa ating sariling mga maling akala at mga haka-haka, at ang aking sariling pananaw sa mga bagay ay naging napakahibang! Ang sinumang kinalulugdan ng Diyos at kung sinuman ang Kanyang kinasusuklaman, ang kalooban ng Diyos ay nasa likuran nito. Sa tuwing makatagpo ako muli ng ganitong uri ng isyu sa hinaharap, dapat magkaroon ako ng pusong may takot sa Diyos, dapat hanapin ko ang kalooban ng Diyos ng higit, maunawaan kung ano ang hinihiling sa atin ng Diyos at dapat hinahangad kong matugunan ang mga kinakailangan ng Diyos sa buo kong lakas! Salamat sa pagliliwanag at gabay ng Diyos!

——————————————————————

Sa pamamagitan ng pag aaral ng biblia, maaari nating malaman ang higit pang mga hiwaga ng pagbabalik ng Panginoon, halimbawa, kung sa anong paraan darating ang Panginoon at kung paano natin masasalubong ang Panginoon upang makatagpo natin ang Panginoon sa lalong madaling panahon.


Sino ang may-akda ng Bibliya? Ano ang relasyon sa pagitan ng Bibliya at ng Diyos?

2020-06-16 09:59:40 | Tanong at Sagot ng Ebanghelyo
Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

“Saliksikin ninyo ang mga kasulatan, sapagka’t iniisip ninyo na sa mga yaon ay mayroon kayong buhay na walang hanggan; at ang mga ito’y siyang nangagpapatotoo tungkol sa akin. At ayaw kayong magsilapit sa akin, upang kayo’y magkaroon ng buhay” (Juan 5:39–40).

“Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay: sinoman ay di makaparoroon sa Ama, kundi sa pamamagitan ko” (Juan 14:6).

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ang Biblia ay isang tala ng kasaysayan ng gawain ng Diyos sa Israel, at nakasulat dito ang marami sa mga panghuhula ng mga sinaunang propeta gayundin ang ilan sa mga pagbigkas ni Jehova sa Kanyang gawain sa panahong iyon. Kaya, tinitingnan ng lahat ng tao ang librong ito na banal (sapagkat ang Diyos ay banal at dakila). Sabihin pa, ang lahat ng ito ay resulta ng kanilang paggalang kay Jehova at ng kanilang pagsamba sa Diyos. Ang mga tao ay sumasangguni sa aklat na ito sa ganitong paraan dahil lamang sa ang mga nilalang ng Diyos ay lubhang sumasamba sa kanilang Lumikha, at mayroon pa nga yaong mga tumatawag sa aklat na ito na isang makalangit na aklat. Sa katunayan, ito ay isa lamang tala ng tao. Ito ay hindi personal na pinangalanan ni Jehova, ni hindi rin personal na ginabayan ni Jehova ang paglikha nito. Sa ibang salita, ang may-akda ng aklat na ito ay hindi ang Diyos, kundi mga tao. Ang Banal na Biblia ay ang kagalang-galang na pamagat lamang na ibinigay dito ng tao. Ang pamagat na ito ay hindi pinagpasiyahan ni Jehova at ni Jesus matapos Silang magtalakayan; ito ay isa lamang ideya ng tao. Sapagkat ang aklat na ito ay hindi sinulat ni Jehova, lalong hindi ni Jesus. Sa halip, ito ay ang mga salaysay ng maraming sinaunang propeta, mga apostol, at mga nakakakita ng pangitain, na tinipon ng mga sumunod na henerasyon bilang isang libro ng sinaunang mga kasulatan na, para sa mga tao, ay tila lubhang banal, isang libro na sa tingin nila ay naglalaman ng maraming hindi-maarok at malalalim na misteryo na naghihintay matuklasan ng susunod na mga henerasyon. Dahil dito, ang mga tao ay naging mas lalong nakaayong maniwala na ang aklat na ito ay isang makalangit na aklat. Dahil sa karagdagan ng Apat na Ebanghelyo at ng Aklat ng Pahayag, ang saloobin ng mga tao hinggil dito ay partikular na naiiba mula sa anumang iba pang libro, at kaya walang sinumang naglalakas-loob na himay-himayin itong “makalangit na aklat”—dahil ito ay masyadong “sagrado.”

—mula sa “Tungkol sa Biblia (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Dati-rati, Lumang Tipan lang ang binabasa ng mga tao ng Israel. Ibig sabihin, sa simula ng Kapanahunan ng Biyaya binasa ng mga tao ang Lumang Tipan. Lumitaw lamang ang Bagong Tipan sa Kapanahunan ng Biyaya. Walang umiral na Bagong Tipan nang isagawa ni Jesus ang Kanyang gawain; itinala ito ng mga tao matapos Siyang mabuhay muli at umakyat sa langit. Noon lamang nagkaroon ng Apat na Ebanghelyo, kung saan karagdagan ang mga sulat nina Pablo at Pedro, gayundin ang Aklat ng Pahayag. Makalipas ang tatlong daang taon matapos umakyat si Jesus sa langit, nang tipunin ng sumunod na mga henerasyon ang kanilang mga talaan, at saka lamang nagkaroon ng Bagong Tipan. Nagkaroon lang ng Bagong Tipan nang makumpleto ang gawaing ito; wala ito dati. Natapos ng Diyos ang lahat ng gawaing iyon, nagawa ni apostol Pablo ang lahat ng gawaing iyon, at pagkatapos ay pinagsama ang mga sulat nina Pablo at Pedro, at ang pinakadakilang pangitaing itinala ni Juan sa isla ng Patmos ang inihuli, sapagkat ihinula nito ang gawain ng mga huling araw. Lahat ng ito ay isinaayos ng sumunod na mga henerasyon, at iba ito kaysa mga binigkas sa ngayon. Ang nakatala ngayon ay ayon sa mga hakbang ng gawain ng Diyos; ang pinagkakaabalahan ng mga tao ngayon ay ang gawaing personal na ginagawa ng Diyos, at ang mga salitang personal Niyang binigkas. Hindi mo kailangang makialam—ang mga salita, na direktang nagmula sa Espiritu, ay naisasaayos nang paisa-isang hakbang, at naiiba sa pagsasaayos ng mga talaan ng tao. Masasabi na ang kanilang itinala ay ayon sa antas ng kanilang pinag-aralan at kakayahan ng tao. Ang kanilang itinala ay mga karanasan ng mga tao, at bawat isa ay may sariling paraan ng pagtatala at pagkaalam, at bawat talaan ay naiiba. Kaya, kung sinasamba mo ang Biblia bilang Diyos napakamangmang at napakabobo mo!

—mula sa “Tungkol sa Biblia (3)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Pagkatapos ng lahat, alin ang mas dakila: ang Diyos o ang Biblia? Bakit kailangang maging ayon sa Biblia ang gawain ng Diyos? Maaari kaya na walang karapatan ang Diyos na higitan ang Biblia? Hindi ba maaaring lumayo ang Diyos sa Biblia at gumawa ng ibang gawain? Bakit hindi ipinangilin ni Jesus at ng Kanyang mga disipulo ang araw ng Sabbath? Kung mangingilin Siya sa araw ng Sabbath at magsasagawa ayon sa mga utos ng Lumang Tipan, bakit hindi nangilin si Jesus sa Sabbath nang dumating Siya, kundi sa halip ay naghugas ng mga paa, nagtaklob ng ulo, naghati-hati ng tinapay, at uminom ng alak? Hindi ba wala itong lahat sa mga utos ng Lumang Tipan? Kung iginalang ni Jesus ang Lumang Tipan, bakit Niya sinuway ang mga doktrinang ito? Dapat mong malaman kung alin ang nauna, ang Diyos o ang Biblia! Bilang Panginoon ng Sabbath, hindi ba Siya maaaring maging Panginoon din ng Biblia?

—mula sa “Tungkol sa Biblia (1)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Maraming tao ang naniniwala na ang pag-unawa at kakayahang magpakahulugan sa Biblia ay tulad ng pagkasumpong sa totoong landas—ngunit sa katunayan, ganoon ba talaga kasimple ang mga bagay-bagay? Walang sinumang nakakaalam sa realidad ng Biblia: na ito’y walang iba kundi isang talaan ng kasaysayan ng gawain ng Diyos, at isang testamento sa sinundang dalawang yugto ng gawain ng Diyos, at hindi nagbibigay sa iyo ng pagkaunawa sa mga minimithi ng gawain ng Diyos. Alam ng lahat na nakabasa na sa Biblia na idinodokumento nito ang dalawang yugto ng gawain ng Diyos noong Kapanahunan ng Kautusan at Kapanahunan ng Biyaya. Isinasalaysay sa Lumang Tipan ang kasaysayan ng Israel at gawain ni Jehova mula sa panahon ng paglikha hanggang sa katapusan ng Kapanahunan ng Kautusan. Nakatala sa Bagong Tipan ang gawain ni Jesus sa lupa, na nasa Apat na Ebanghelyo, pati na rin ang gawain ni Pablo; hindi ba mga talaan ng kasaysayan ang mga ito? Ang pagbanggit ngayon sa mga bagay na nakalipas ay gumagawa sa mga ito na kasaysayan, at hindi mahalaga kung gaano katotoo o tunay ang mga ito, ang mga ito ay kasaysayan pa rin—at ang kasaysayan ay hindi magpapatungkol sa kasalukuyan. Sapagkat ang Diyos ay hindi lumilingon sa kasaysayan! At kaya, kung iyo lamang nauunawaan ang Biblia, at walang naiintindihan sa gawain na nilalayong gawin ngayon ng Diyos, at kung naniniwala ka sa Diyos nguni’t hindi hinahanap ang gawain ng Banal na Espiritu, kung gayon ay hindi mo nauunawaan kung ano ang ibig sabihin ng hanapin ang Diyos. Kung binabasa mo ang Biblia upang pag-aralan ang kasaysayan ng Israel, upang saliksikin ang kasaysayan ng paglikha ng Diyos sa lahat ng kalangitan at kalupaan, kung gayon ay hindi ka naniniwala sa Diyos. Ngunit ngayon, dahil naniniwala ka sa Diyos, at hinahabol ang buhay, dahil hinahabol mo ang pagkakilala sa Diyos, at hindi hinahabol ang mga walang-buhay na titik at doktrina, o ang pagkaunawa ng kasaysayan, dapat mong hanapin ang kalooban ng Diyos ngayon, at dapat hanapin ang direksyon ng gawain ng Banal na Espiritu. Kung ikaw ay isang arkeologo maaari mong mabasa ang Biblia—ngunit ikaw ay hindi, ikaw ang isa sa mga yaon na naniniwala sa Diyos, at pinakamainam na hanapin mo ang kalooban ng Diyos sa ngayon.

—mula sa “Tungkol sa Biblia (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang Diyos Mismo ay ang buhay, at ang katotohanan, at ang Kanyang buhay at katotohanan ay sabay na umiiral. Silang mga walang kakayahang makamtan ang katotohanan ay di-kailanman makakamtan ang buhay. Kung wala ang patnubay, tulong, at pagtustos ng katotohanan, ang makakamtan mo lang ay mga titik, mga doktrina, at, bukod diyan, kamatayan. Ang buhay ng Diyos ay laging naririyan, at ang Kanyang katotohanan at buhay ay umiiral nang sabay. Kung hindi mo mahahanap ang pinagmulan ng katotohanan, sa gayon hindi mo makakamtan ang pagkain ng buhay; kung hindi mo makakamtan ang panustos ng buhay, sa gayon tiyak na hindi ka talagang magkakaroon ng katotohanan, at sa gayon bukod sa mga imahinasyon at mga pagkaintindi, ang kabuuan ng iyong katawan ay magiging walang iba kundi laman lang, ang iyong umaalingasaw na laman. Alamin mo na ang mga salita ng mga aklat ay hindi itinuturing na buhay, ang mga talaan ng kasaysayan ay hindi maaaring ipagdiwang na katotohanan, at ang mga doktrina ng mga nakalipas na panahon ay hindi maaaring magsilbing paglalarawan ng sinambit ng Diyos sa kasalukuyan. Ang tanging mga inihahayag ng Diyos kapag Siya ay pumaparito sa lupa at namumuhay kasama ng mga tao ay ang katotohanan, ang buhay, ang kalooban ng Diyos, at ang Kanyang kasalukuyang paraan ng paggawa. Kapag iyong ginamit ang mga itinalang mga salita na binigkas ng Diyos noong mga sinaunang panahon hanggang sa ngayon, sa gayon isa kang arkeologo, at ang pinakamainam na itawag sa iyo ay isang dalubhasa sa mga minanang kasaysayan. Iyon ay dahil lagi kang naniniwala sa mga bakas ng mga gawain ng Diyos noong unang panahon, pinaniniwalaan lang ang aninong iniwan ng Diyos noong dati Siyang gumawa kasama ng mga tao, at pinaniniwalaan lang ang mga paraan na ibinigay ng Diyos sa Kanyang mga tagasunod noong lumipas na panahon. Hindi ka naniniwala sa direksiyon ng gawain ng Diyos ngayon, hindi naniniwala sa maluwalhating anyo ng Diyos ngayon, at hindi naniniwala sa daan ng katotohanan na inihayag ng Diyos ngayon. Sa gayon hindi maipagkakaila na isa kang nangangarap nang gising na lubos na malayo sa realidad. Kung ngayon ay nananatili ka pang nakakapit sa mga salitang walang kakayahang magbigay buhay sa tao, sa gayon tulad ka ng isang walang silbing piraso ng patay na kahoy,[a]dahil ikaw ay masyadong makaluma, masyadong suwail, masyadong hindi naaapektuhan ng pangangatuwiran!

—mula sa “Tanging ang Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang mga taong nagawang tiwali na, ay namumuhay lahat sa bitag ni Satanas, nabubuhay sila sa laman, nabubuhay sa pansariling hangarin, at wala ni isa man sa kanila ang kaayon sa Akin. Mayroong ilan na nagsasabing sila ay kaayon sa Akin, ngunit lahat sila ay sumasamba sa mga malabong diyos-diyosan. Bagaman kinikilala nila ang Aking pangalan bilang banal, sila ay tumatahak sa landas na taliwas sa Akin, at ang kanilang mga salita ay puno ng pagmamataas at pagtitiwala sa sarili, dahil, sa pinag-ugatan, silang lahat ay laban sa Akin, at lahat ay hindi kaayon sa Akin. Araw-araw silang naghahanap ng Aking mga bakas sa Biblia, at walang layong nakatatagpo ng kahit na anong mga “angkop” na sipi na binabasa nila nang walang katapusan, at kanilang binibigkas bilang mga kasulatan. Hindi nila alam kung paano maging kaayon sa Akin, hindi nila alam ang ibig sabihin ng pakikipag-alitan sa Akin, at basta lamang nagbabasa ng mga kasulatan nang walang taros. Pinipilit nila sa Biblia ang malabong Diyos na hindi nila kailanman nakita, at walang kakayahang makita, at saka lamang nila tinitingnan kapag sila ay may libreng oras. Naniniwala sila sa Aking pag-iral ngunit sa loob lamang ng saklaw ng Biblia. Para sa kanila, Ako ay kapareho ng Biblia; kung wala ang Biblia wala rin Ako, at kung wala Ako, walang Biblia. Hindi nila pinapansin ang Aking pag-iral o mga pagkilos, kundi sa halip ay pinag-uukulan ng sobra at espesyal na pansin ang bawat isang salita ng Kasulatan, at marami pa nga sa kanila ang naniniwala na hindi Ko dapat gawin ang anumang bagay na nais Kong gawin maliban kung ito ay hinulaan sa Kasulatan. Sobra ang pagpapahalaga nila sa Kasulatan. Masasabi na itinuturing nilang napakahalaga ang mga salita at pahayag, hanggang sa gumamit sila ng mga talata mula sa Biblia upang sukatin ang bawat salitang Aking sinasabi, at upang tuligsain Ako. Ang kanilang hinahanap ay hindi ang paraan para makaayon sila sa Akin, o ang paraan para makaayon sila sa katotohanan, kundi ang paraan para makaayon sila sa mga salita ng Biblia, at naniniwala sila na anumang hindi umaayon sa Biblia, nang walang itinatangi, ay hindi Ko gawain. Hindi ba ang gayong mga tao ang masunuring mga inapo ng mga Fariseo? Ginamit ng mga Fariseong Judio ang batas ni Moises upang tuligsain si Jesus. Hindi nila hinangad na maging kaayon ni Jesus noong panahong iyon, kundi masigasig nilang sinunod nang perpekto ang batas, hanggang sa ipinako nila ang walang-salang si Jesus sa krus, pinagbintangan Siyang hindi sumusunod sa batas ng Lumang Tipan at na hindi Siya ang Mesiyas. Ano ang kanilang diwa? Hindi kaya na hindi nila hinanap ang paraan para makaayon sa katotohanan? Nahumaling sila sa bawat isang salita ng Kasulatan, habang hindi nila pinapansin ang Aking kalooban at ang mga hakbang at pamamaraan ng Aking gawain. Hindi sila mga taong naghangad sa katotohanan, kundi mga taong mahigpit na sumunod sa mga salita ng Kasulatan; hindi sila mga taong nanalig sa Diyos, kundi mga taong naniwala sa Biblia. Ang totoo, mga tagapagbantay sila ng Biblia. Upang pangalagaan ang mga interes ng Biblia, at pagtibayin ang dangal nito, at protektahan ang reputasyon nito, ipinako pa nila ang maawaing si Jesus sa krus. Ginawa nila ito para lamang ipagtanggol ang Biblia, at mapanatili ang katayuan ng bawat isang salita ng Biblia sa puso ng mga tao. Kaya mas pinili nilang pabayaan ang kanilang kinabukasan at ang handog para sa kasalanan upang tuligsain si Jesus, na hindi tumalima sa doktrina ng Kasulatan, hanggang kamatayan. Hindi ba sila mga alipin sa bawat isang salita ng Kasulatan?

At paano naman ang mga tao ngayon? Pumarito si Cristo upang ilabas ang katotohanan, ngunit mas gusto pa nilang paalisin Siya sa gitna ng mga tao upang makapasok sa langit at tumanggap ng biyaya. Mas gusto pa nilang lubusang itanggi ang pagdating ng katotohanan para pangalagaan ang mga interes ng Biblia, at mas ginusto pa nilang muling ipako sa krus ang Cristong nagbalik sa katawang-tao upang matiyak ang walang hanggang pag-iral ng Biblia. Paano matatanggap ng tao ang Aking pagliligtas, kung napakasama ng kanyang puso, at nilalabanan Ako ng kanyang likas na pagkatao? Ako ay namumuhay kasama ng mga tao, ngunit hindi pa rin nalalaman ng tao ang Aking pag-iral. Nang pinagniningning Ko ang Aking liwanag sa tao, nananatili pa rin siyang mangmang sa Aking pag-iral. Nang pinakakawalan Ko ang Aking galit sa tao, itinatanggi niya ang Aking pag-iral nang may mas higit pang lakas. Naghahangad ang tao ng pagiging kaayon sa mga salita, sa Biblia, ngunit wala ni isang tao ang lumalapit sa harap Ko upang hanapin ang paraan ng pagiging kaayon sa katotohanan. Tinitingala Ako ng tao sa langit, at naglalaan ng partikular na malasakit sa Aking pag-iral sa langit, subalit walang may pakialam sa Akin sa katawang-tao, dahil Ako na namumuhay kasama ng mga tao ay sadyang masyadong walang halaga. Ang mga naghahanap lamang ng pagiging kaayon sa mga salita sa Biblia at naghahanap lamang ng pagiging kaayon sa malabong Diyos ay kahabag-habag sa Aking paningin. Iyon ay dahil ang kanilang sinasamba ay mga patay na salita, at isang Diyos na may kakayahang magkaloob sa kanila ng napakalaking kayamanan. Ang kanilang sinasamba ay isang Diyos na inilalagay ang sarili sa pagsasaayos ng tao, at hindi umiiral. Ano, kung gayon, ang matatamo ng gayong mga tao sa Akin? Ang tao ay sadyang masyadong mababa para sa mga salita. Silang mga laban sa Akin, silang walang katapusang humihingi sa Akin, mga walang pagmamahal sa katotohanan, mga mapanghimagsik laban sa Akin—paano sila magiging kaayon sa Akin?

—mula sa “Dapat Mong Hanapin ang Paraan para Makaayon kay Cristo” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang katunayan na Aking ipinaliliwanag dito ay ito: Ang kung ano at kung anong mayroon ang Diyos ay magpakailanmang di-nauubos at walang-hangganan. Ang Diyos ang pinagmumulan ng buhay at lahat ng bagay. Ang Diyos ay hindi maaaring maarok ng anumang nilalang. Panghuli, dapat Ko pa ring ipaalala sa lahat: Huwag muling limitahan ang Diyos sa mga aklat, mga salita, o Kanyang nakaraang mga pagbigkas. Mayroon lamang iisang salita para sa katangian ng gawain ng Diyos—bago. Ayaw Niyang tahakin ang lumang mga landas o ulitin ang Kanyang gawain, at higit pa ayaw Niyang sambahin Siya ng mga tao sa pamamagitan ng paglilimita sa Kanya sa loob ng isang tiyak na sakop. Ito ang disposisyon ng Diyos.

—mula sa Pangwakas na Pananalita sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

——————————————————————

Alam mo ba kung paano ang pagbabasa ng Bibliya upang makakamit ng higit na kaliwanagan at gabay ng Diyos? Ang 3 pangunahing punto na ito ay magiging malaking tulong.

Paano Malalaman ang Pagpapakita at Gawain ng Cristo ng mga Huling Araw

2020-06-15 12:16:06 | Hymn Videos

I
Ang pagkakatawang-tao ng Diyos ay magtataglay
ng diwa at pagpapahayag ng Diyos.
At kapag ginawa Siyang katawang-tao
ililitaw Niya ang gawain na naibigay sa Kanya
upang ipahayag kung ano Siya,
dalhin ang katotohanan sa lahat ng tao,
bigyan sila ng buhay at ipakita sa kanila ang daan.
Anumang katawang-tao na 'di nakalagak diwa
N'ya'y tiyak na 'di Diyos nagkatawang-tao.

II
Pagtibayin katawang-tao ng Diyos
at totoong daan sa disposiyon, salita't gawa N'ya.
Tumutok sa Kanyang diwa sa halip na Kanyang pagpapakita.
Ito ay ignorante at walang muwang
na magtuon sa panlabas na pagpapakita ng Diyos.
Ang panlabas ay hindi tumutukoy sa panloob,
at ang gawain ng Diyos ay hindi umaayon
sa mga pagkakaintindi ng tao.

III
Hindi ba ang pagpapakita ni Jesus ay naiiba sa
inaasahan ng mga tao?
Hindi ba ang Kanyang imahe
at pananamit ay nagtatakip sa Kanyang pagkakakilanlan?
Hindi ba yan kung bakit sinasalungat Siya ng mga Fariseo?
Tumutok sila sa kung ano ang Kanyang hitsura
at hindi pinansin kung ano ang sinabi Niya.

IV
Inaasahan ng Diyos na ang mga kapatid na lalaki at babae
na naghahanap ng Kanyang pagpapakita
ay hindi uulitin ang kasaysayan.
Huwag sundin ang mga Fariseo
at ipako muli ang Diyos sa krus.
Kaya maingat na isaalang-alang kung
paano mo sasalubungin ang Kanyang pagbabalik.
Magkaroon ng isang malinaw na ideya
kung paano ka magsusumite sa katotohanan.
Ito’y tungkulin ng bawat isa
na naghihintay para sa pagbabalik ni Jesus.

mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

___________________________________________


Ang Diyos Mismo, ang Natatangi II Ang Matuwid na Disposisyon ng Diyos

2020-06-14 10:37:54 | Mga Pagbasa


Ang mga salita ng Diyos sa video na ito ay mula sa librong “Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao” Ang nilalaman ng video na ito:
Ang Tunay na Pagsisisi sa Puso ng mga Taga-Ninive ang Nagdulot sa Kanila ng Awa ng Diyos at Nagpabago sa Kanilang Sariling Kahihinatnan
Ang Awa at Pagpaparaya ng Diyos ay Hindi Bihira—Ang Totoong Pagsisisi ng Tao ang Ganoon

Ang Matuwid na Disposisyon ng Manlilikha ay Tunay at Malinaw
Ang Tapat na Damdamin ng Manlilikha sa Sangkatauhan
Ipinapahayag ng Manlilikha ang Kanyang Tunay na Nararamdaman sa Sangkatauhan

——————————————————————————

Gumagawa tayo ng mga panalangin ng pagsisisi sa kumpisal ng may luha, nguni madalas pa rin tayong nagkakasala. Ito ba ay tunay na pagsisisi sa Diyos?


Bakit Gumagawa Ang Panginoong Jesus sa Gitna ng Tao sa isang Ordinaryong Anyo?

2020-06-13 09:32:15 | Mga Pagbasa


Ni Li Qian


Ako ay isang pastor at nagtatrabaho at nangangaral ako para sa Panginoon sa loob ng maraming taon. Sa tuwing binubuksan ko ang Bibliya, Nakita ko ang mga salita na nakasulat sa Mateo 13:53–57 na kung saan nagsasabing: “Nang matapos ni Jesus ang mga talinghagang ito, ay umalis siya doon. At pagdating sa Kaniyang sariling lupain, ay Kaniyang tinuruan sila sa kanilang sinagoga, ano pa’t sila’y nangagtaka, at nangagsabi, Saan kumuha ang taong ito ng ganitong karunungan, at ng ganitong mga makapangyarihang gawa? Hindi baga ito ang anak ng anluwagi? hindi baga tinatawag na Maria ang Kaniyang ina? at Santiago, at Jose, at Simon, at Judas ang Kaniyang mga kapatid? At ang Kaniyang mga kapatid na babae, hindi baga silang lahat ay nanga sa atin? Saan nga kumuha ang taong ito ng lahat ng ganitong mga bagay? At Siya’y kinatisuran nila.” At pati ang Juan 19:6–7 na kung saan nagsasabing: “Pagkakita nga sa Kaniya ng mga pangulong saserdote at ng mga punong kawal, ay sila’y nangagsigawan, na sinasabi, Ipako Siya sa krus, ipako siya sa krus! Sinabi sa kanila ni Pilato, Kunin ninyo Siya, at ipako ninyo Siya sa krus: sapagka’t ako’y walang masumpungang kasalanan sa Kaniya. Nagsisagot sa kaniya ang mga Judio, Kami’y mayroong isang kautusan, at ayon sa kautusang yaon ay nararapat Siyang mamatay, sapagka’t Siya’y nagpapanggap na Anak ng Dios.”

Sa tuwing binabasa ko ang mga salitang ito, hindi ko maiwasang isipin: “Kapag isinasagawa ng Panginoong Hesus ang Kanyang gawain, maraming tao ang tumatanggi sa Kanyang pagkakakilanlan at kakanyahan dahil lumalantad Siyang normal at ordinaryo, at itinuturing nila Siya bilang isang karaniwan tao. Ang mga punong pari ng mga Judio, eskriba at Pariseo sa partikular ay nalalaman nang mabuti na ang mga himala na isinagawa at ang daan na ipinangaral ng Panginoon ay nagmula sa Diyos, ngunit hindi lamang na hindi nila sinaliksik o sinisiyasat ang daang ito nang may pusong may takot sa Diyos, sa kabaligtaran, umasa sila sa kanilang mga kuro-kuro at haka-haka upang hatulan ang Panginoong Jesus bilang walang iba kundi ang anak ng isang karpintero, at sila ay lumapastangan laban sa Panginoon, na sinasabi na pinalalayas Niya ang mga demonyo dahil Siya ay prinsipe ng mga demonyo. Sa huli, sila ay nagkipag-sabwatan sa mga awtoridad ng Roma at ipinako sa krus ang Panginoong Jesus. Ang Diyos ay napakataas, kaya bakit sinasadya niyang pumili ng ganoong normal, karaniwan anyo upang pumarito sa gitna ng tao at isagawa ang Kanyang gawain? Kung ang Diyos ay ipinanganak sa isang pamilya ng hari sa isang mataas at marangal na anyo at alinsunod sa pamamaraan ng isang mahusay na tao, kung gayon hindi lamang ang mga Pariseo ngunit ang lahat ng mga tao sa Israel ay madaling tatanggapin ang ebanghelyo ng Panginoong Jesus.” Ang isyung ito ay gumugulo sa akin sa mahabang panahon.

Upang linawin ang isyung ito, maraming beses akong nanalangin sa Panginoon, kumunsulta ako sa Bibliya at nagbasa ako ng maraming mga espirituwal na libro, ngunit hindi ko nakita ang sagot. Nang maglaon, nakilala ko ang isang kapatid na babae na Kristiyano na maalalahanin at may pag-unawa, at sa tuwing nakikipag-usap siya tungkol sa Bibliya, palagi siyang may natatanging pag-unawa at liwanag. Sa pamamagitan ng pagsasaliksik at pakikipagbahagian sa kanya, sa wakas ay naintindihan ko na ang pagdating ng Panginoong Jesus sa gitna ng tao upang maisagawa ang Kanyang gawain sa isang karaniwan anyo na nagtataglay ng isang malalim na kahulugan. Nang ang mga punong pari, eskriba at Pariseo nang panahong iyon ay nakita ang mga propesiya tungkol sa pagdating ng Mesiyas, umaasa sila sa kanilang mga paniwala at imahinasyon at naniniwala na ang Mesiyas ay ipapanganak sa isang palasyo. Ang hindi inaasahan ng mga tao ay na ang Panginoong Jesus ay nagsuot ng anyo ng isang karaniwan tao, Siya ay ipinanganak sa isang sabsaban, lumaki Siya sa pamilya ng karpintero sa Bethlehem sa lupain ng Judea, at namuhay Siya ng isang normal na buhay. Nang ang Panginoong Jesus ay nagsimulang isagawa ang Kanyang gawain, hindi Niya kailanman sinabi na Siya mismo ang Diyos, ngunit sa halip ay pinangunahan lamang Niya ang Kanyang mga alagad upang magtrabaho at mangangaral saanman sila napunta at ipinangaral Niya ang ebanghelyo ng pagsisisi. Ginamit niya ang wika na maiintindihan ng mga tao ng panahong iyon upang magbigay, pinaliwanagan at tinulungan ang mga sumunod sa Kanya. Kumakain siya kasama ng mga makasalanan, nagpatawad ng mga patutot, nanirahan kasama ng Kanyang mga alagad at naghugas ng kanilang mga paa, at iba pa. Ang mga disipulo na sumunod sa Panginoong Jesus ay lahat nagnanais na marinig nila Siya na mangaral ng ebanghelyo ng kaharian ng langit, at sa kanilang pakikipag-ugnay sa Panginoon, lahat sila ay nakakita ng pagiging kaibig-ibig ng Panginoon, ng Kanyang awa at Kanyang kapitagan, madaling lapitan, at silang lahat ay tinawag Siya na “ang mahal na Tagapagligtas na si Jesus.” Ang kataas-taasang at banal na Diyos na personal na nagkatawang-tao sa anyo ng isang ordinaryo at normal na tao, tiniis Niya ang malaking kahihiyan ng dumating sa gitna ng mga tiwaling sangkatauhan nang lihim, at isinagawa Niya ang gawain upang mailigtas ang sangkatauhan sa katahimikan at karimlan; Hindi itinuturing ng Diyos ang Kanyang sarili na mataas at makapangyarihan o ipinagparangya ang Kanyang sarili upang sambahin Siya ng mga tao. Mula rito, makikita natin ang mapagpakumbaba at nakatagong kakanyahan ng Diyos, at makikita natin ang tunay na pag-ibig at awa ng Diyos sa tao. Isipin lamang: Kung ang mga bagay ay talagang tulad ng naiisip natin at ang Panginoong Jesus ay ipinanganak sa palasyo na may isang mataas at marangal na anyo, na may kamangha-manghang hitsura at may higit sa karaniwan na kapangyarihan, ang mga mababang-ipinanganak na Judiong tapat ay maniniwala na ang Panginoong Jesus ay higit sa kanilang kayang maabot dahil sa Kanyang mataas at marangal na anyo at ang Kanyang kilalang katayuan, at hindi sila mangangahas na lumapit sa Kanya. Ito ay tiyak na dahil ang Panginoong Jesus ay lumitaw na normal at karaniwan, sapagkat Siya ay dumating sa gitna ng tao na mapagpakumbaba at sa lihim at dahil ginamit Niya ang likas na wika ng tao upang magsalita at gumawa at magbigay ng mga pangangailangan ng tao na ang mga matapat na Hudyo ay natagpuan ito na madaling lumapit sa Panginoon at makamit ang Kanyang kaligtasan. Noon lang, napag-alaman ko kung gaano kalaki ang pag-ibig ng Panginoong Jesus para sa sangkatauhan, at napagtanto ko na ang pag-gawa Niya sa gitna ng mga tao sa isang karaniwan anyo ay ginawa upang mas maayos na mailigtas ang tao.

Pagkaraan, nagsaliksik muli kami ng kapatid na babae sa Bibliya at natuklasan namin na nakatago sa loob na ang pagdating ng Panginoong Jesus upang gumawa sa isang karaniwan, normal na anyo sa gitna ng sangkatauhan ay ang karunungan ng Diyos. Pinagmamasdan ng Diyos ang buong mundo at higit pa kaya sinusuri Niya ang kailaliman ng puso ng tao. Alam ng Diyos na, bagaman mayroong maraming nanampalataya sa Kanya, maliit na minorya lamang sa kanila ang tunay na naniwala sa Kanya at nauhaw sa katotohanan. Ang Diyos ay lumitaw sa anyo ng isang karaniwan tao upang paghiwalayin ang mga tunay na naniniwala sa Kanya at uhaw sa katotohanan mula sa gitna ng pulutong na naniniwala sa Diyos. Ang mga taong ito ay hindi binibigyan pansin ang panlabas na hitsura ni Jesus ngunit nakilala Siya bilang Panginoon at nakilala ang tinig ng Panginoon mula sa Kanyang mga salita at gawa. Ang mga hindi tunay na naniniwala sa Diyos, ang hindi nauuhaw sa katotohanan at humiling lamang sa kanilang pagpuno ng tinapay na nakatuon lamang sa nakikitang panlabas na anyo ng mga bagay, at nang makita nila ang Panginoong Jesus sa karaniwan, normal na anyo ng isang tao, tinanggihan nila Siya. Ang mga taong ito ay tiyak na ang mga nailantad at binunot ng gawain ng Panginoong Jesus. Sinabi ng Panginoong Jesus, “Dinirinig ng Aking mga tupa ang Aking tinig, at sila’y Aking nakikilala, at sila’y nagsisisunod sa Akin” (Juan 10:27). Tulad ng naitala sa Bibliya, halimbawa, ang mga alagad na sina Pedro, Juan, Andres, Nathaniel at iba pa at ilang karaniwang mga tao ay hindi nakatuon sa panlabas na hitsura ng Panginoong Jesus, ngunit sa halip ay nakatuon sila sa pakikinig sa paraan ng Kanyang pangangaral. Dahil mahal nila ang katotohanan at nauuhaw sa katotohanan, nakuha nila ang pagliliwanag ng Banal na Espiritu, nakilala nila ang tinig ng Diyos at bumaling sila sa Panginoon. Ang mga Pariseo noong panahong iyon, gayunpaman, ay hindi nag-iingat upang hanapin ang katotohanan, ngunit sa halip ay nakatuon lamang sa paghatol sa mga tao at mga bagay sa pamamagitan ng kanilang panlabas na hitsura. Nang makita nila ang Panginoong Jesus na lumilitaw na karaniwan at normal, nang walang anumang kapangyarihan o impluwensya, nang walang anumang katanyagan o prestihiyo, at tumingin nang walang kabuluhan sa kanilang sariling mga haka-haka at mga paniwala, hinatulan nila ang Panginoon at nilapastangan Siya, ginawa nila ang kanilang makakaya upang maghanap ng pagkakamali sa Kanya, at sila ay lantad na hinatulan at nilabanan ang Panginoon. Isipin lamang: Kung ang Diyos ay ipinanganak sa pamilya ng isang hari tulad ng naisip ng maraming tao na gagawin Niya, at kumuha Siya ng isang mataas at marangal na anyo, paano kaya magaganap ang mga bagay? Masasabi nating tiyak na ang mga pari na Hudyo, eskriba at Pariseo ay hindi tututol sa Panginoon. Sa kabaligtaran, sila nga ay magsisi-sunod sa Panginoong Jesus, at kung gayon paano maihahayag ang kanilang kalikasan na kumaka-laban sa Diyos at kakanyahan? Hindi ba’t ang mga mapagpaimbabaw na iyon ay makapapasok sa bahay ng Diyos? Sa sandaling iyon, sa wakas nakita ko na ang mas normal at karaniwang anyo ng Panginoong Jesus, mas maraming mga tao ang hahamak sa Kanya, at ang higit na kapaki-pakinabangan nito ay ang paglalantad sa mga tao. Ang Diyos talaga ay napaka-marunong!

Nang naunawaan ko na ang mga bagay na ito, naging malinaw ang aking puso. Kaya ang Panginoong Jesukristo ay kumuha ng isang karaniwang, normal na anyo upang maisagawa ang Kanyang gawain sa dalawang kadahilanan: Ang isa ay upang ilapit ang distansya sa pagitan ng ating sarili at ng Diyos, upang gawing mas madali para sa atin na makipag-ugnay sa Diyos, makilala ang Diyos at makamit ang Kanyang kaligtasan, at sa gayon ay magkaroon ng kaalaman sa Kanyang mapagpakumbaba at nakatagong disposisyon. Ang isa pang kadahilanan ay ang karaniwang anyo ng Panginoong Jesus ay naglantad sa mga tunay na naniniwala sa Diyos at nauuhaw sa katotohanan, pati na rin sa mga hindi nagmamahal sa katotohanan, na napopoot sa katotohanan, na laging nililimitahan ang Diyos batay sa mga itsura, at ang mga napuno ng malabong mga imahinasyon tungkol sa Diyos. Mula rito, nakita ko na kahit papaano isinasagawa ng Diyos ang Kanyang gawain at kahit anong anyo ang Kanyang gagawin upang lumitaw sa gitna ng tao, ang kalooban ng Diyos ay nasa likuran ng lahat ng ito. Mas higit na salungat sa ating mga paniniwala at imahinasyon ang gawain ng Diyos ay, ang higit na karunungan ng Diyos ay nasa loob nito; hindi tayo dapat gumawa ng mga walang katuturan na mga paghuhusga, bagkus maaari lamang humingi at sumunod. Salamat sa Panginoon! Sa pagsasaliksik sa aspetong ito ng katotohanan, hindi ko maiwasang makaramdam ng paggalang sa Diyos sa aking puso. Naisip ko kung paano natutupad ang lahat ng mga propesiya tungkol sa pagbabalik ng Panginoon at na ang Panginoon ay talagang maaaring nakabalik na. Naisip ko rin kung paano ko dapat pakitunguhan ang pagbabalik ng Panginoon at nagpasya na dapat kong matutunan ang leksyon ng mga Pariseo at hindi makikitungo sa bagay na ayon sa aking sariling mga paniniwala at imahinasyon. Napagpasyahan kong dapat akong maging katulad nina Pedro at Nathaniel at tumutok sa pagkilala sa tinig ng Diyos, sapagkat sa ganoon lamang na hindi ako makagagawa ng kamalian na pagkondena sa Diyos at paglaban sa Diyos.

Salamat sa pagliliwanag at pag-gabay ng Diyos! Amen!

_______________________________________________

"Alam mo ba kung kailan babalik si Jesus? Dadalhin sa iyo ng pahinang ito ang balita ng pagbabalik ni Jesucristo at gagabayan ka upang masalubong Siya.
Mangyaring i-click at basahin ang: Ang Tagapagligtas ay Nakabalik na sa Ibabaw ng “Puting Ulap”"