Ang Makapangyarihang Diyos - Ebanghelyo ng Huling Araw

Kristo ng mga Huling Araw - Ang Makapangyarihang Diyos

Paano Maglingkod Nang Kaayon sa Kalooban ng Diyos

2020年04月02日 | Mga Pagbigkas ni Cristo
Ngayon, pangunahin tayong makikipagniig kung paano dapat maglingkod ang mga tao sa Diyos sa kanilang paniniwala sa Diyos, ano ang mga kundisyon na dapat matupad at kung ano ang mga katotohanang dapat maunawaan ng mga naglilingkod sa Diyos, at ano ang mga paglihis sa inyong serbisyo. Dapat mong maunawaan ang lahat ng ito. Ang mga isyung ito ay nakakaapektohumihipo sa iyong paniniwala sa Diyos, kung paano ka naglalakad patungo sa landas ng pamamatnubay ng Banal na Espiritu, at kung paano ka nagpapasakop sa mga pagsasaayos ng Diyos sa lahat ng bagay, at hahayaan ka ng mga iyon na malaman ang bawat hakbang ng gawain ng Diyos sa iyo. Kapag naabot mo ang puntong iyon, pahahalagahan mo kung Ano ang pananampalataya sa Diyos, kung paano maniwala nang wasto sa Diyos, at kung ano ang dapat mong gawin upang kumilos nang kaayon sa kalooban ng Diyos. Gagawin ka nitong ganap at lubos na masunurin sa gawain ng Diyos, at hindi ka magrereklamo, hindi ka hahatol, o magsusuri, at lalong hindi magsasaliksik. Dagdag pa rito, magagawa mong lahat na maging masunurin sa Diyos hanggang kamatayan, hinahayaan ang Diyos na igiya ka at katayin ka na parang isang tupa, upang kayong lahat ay maaaring maging mga Pedro ng panahong 1990, at maaaring magmahal sa Diyos hanggang sa kasukdulan kahit na nasa krus, nang wala kahit kaunting reklamo. Doon ka lamang makakapamuhay bilang mga Pedro ng panahong 1990.
Ang bawat isang nakapagpasya na ay maaaring maglingkod sa Diyos—subali’t kailangan na yaon lamang mga masusing nangangalaga sa kalooban ng Diyos at umuunawa sa kalooban ng Diyos ang mga karapat-dapat at may karapatang maglingkod sa Diyos. Natuklasan Ko nang sa gitna ninyo: Maraming tao ang naniniwala na hangga’t sila ay maalab na nagpapalaganap ng ebanghelyo para sa Diyos, humahayo para sa Diyos, gumugugol sa kanilang mga sarili at isinusuko ang mga bagay para sa Diyos, at iba pa, kung gayon ito ang paglilingkod sa Diyos; mas marami pang taong relihiyoso ang naniniwalang ang paglilingkod sa Diyos ay nangangahulugang paggala na may Biblia sa kanilang mga kamay, pinalalaganap ang ebanghelyo ng kaharian ng langit at nagliligtas ng mga tao sa pamamagitan ng pag-aakay sa kanila na magsisi at magkumpisal; maraming opisyal ng relihiyon ang nag-iisip na ang paglilingkod sa Diyos ay pangangaral sa mga kapilya matapos mag-aral at magsanay sa seminaryo, nagtuturo sa mga tao sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga kabanata ng Biblia; may mga tao rin sa mga naghihirap na rehiyon na naniniwalang ang paglilingkod sa Diyos ay ang pagpapagaling sa maysakit at pagpapalayas ng mga demonyo, o pananalangin para sa mga kapatiran, o paglilingkod sa kanila; sa gitna ninyo, marami ang naniniwalang ang paglilingkod sa Diyos ay nangangahulugan ng pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos, pananalangin sa Diyos araw-araw, pati na ang pagbisita at paggawa sa mga iglesia kung saan-saan; may mga ibang kapatid na lalaki at babae na naniniwala na ang paglilingkod sa Diyos ay nangangahulugan ng hindi kailanman pag-aasawa o pagkakaroon ng pamilya, at paglalaan ng kanilang buong sarili sa Diyos. Nguni’t iilang tao ang nakakaalam kung ano ang aktwal na kahulugan ng paglilingkod sa Diyos. Bagaman ang mga naglilingkod sa Diyos ay kasindami ng mga bituin sa kalangitan, ang bilang ng mga direktang makakapaglingkod, at mga may kakayahang maglingkod ayon sa kalooban ng Diyos, ay kakaunti—napakaliit lamang. Bakit Ko sinasabi ito? Sinasabi Ko ito dahil hindi mo naiintindihan ang nilalaman ng pariralang “paglilingkod sa Diyos,” at napakababaw ang iyong pagkaunawa hinggil sa kung paano maglingkod ayon sa kalooban ng Diyos. Ngayon, pangunahin tayong nakikipagniig kung paano maglingkod alinsunod sa kalooban ng Diyos, paano maglingkod upang mapasaya ang kalooban ng Diyos.
Kung nais mong maglingkod alinsunod sa kalooban ng Diyos, kailangan mo munang maunawaan kung anong klaseng mga tao ang minamahal ng Diyos, kung anong uri ng mga tao ang kinamumuhian ng Diyos, kung anong uri ng mga tao ang ginagawang perpekto ng Diyos, at kung anong uri ng mga tao ang karapat-dapat na maglingkod sa Diyos. Kahit ito man lamang ay dapat na maisangkap sa iyo. Dagdag pa rito, dapat mong malaman ang mga mithiin ng gawain ng Diyos, at ang gawain na gagawin ng Diyos ngayon dito. Matapos unawain ito, at sa pamamagitan ng paggabay ng mga salita ng Diyos, dapat ka munang pumasok, at tumanggap muna ng tagubilin ng Diyos. Kapag aktwal kang nakakaranas batay sa mga salita ng Diyos, at kapag tunay mong alam ang gawain ng Diyos, ikaw ay magiging karapat-dapat na maglingkod sa Diyos. At kapag ikaw ay naglilingkod sa Kanya na binubuksan ng Diyos ang iyong espirituwal na mga mata, at tinutulutan kang magkaroon ng higit na pagkaunawa ng Kanyang gawain at mas malinaw itong makita. Kapag pumasok kayo sa realidad na ito, ang inyong mga karanasan ay magiging mas malalim at tunay, at ang lahat sa inyo na nagkaroon na ng ganoong mga karanasan ay makakayang maglakad sa gitna ng mga iglesia at magkaloob sa iyong mga kapatiran, upang ang bawat isa sa inyo ay makakahugot ng lakas sa iba upang punuan ang iyong sariling mga kakulangan, at nagtatamo ng mas mayamang kaalaman sa inyong mga espiritu. Matapos makamit ang epektong ito, saka lamang ninyo makakayang maglingkod ayon sa kalooban ng Diyos at gawing perpekto ng Diyos sa pagdaan ng panahon ng inyong serbisyo.
Yaong mga naglilingkod sa Diyos ay dapat maging mga kaniig ng Diyos, dapat ay nakasisiya sila sa Diyos, at may kakayahan ng sukdulang katapatan sa Diyos. Hindi alintana kung ikaw ay kumikilos sa likod ng mga tao, o sa harap nila, ikaw ay nakakatamo ng kagalakan ng Diyos sa harap ng Diyos, ikaw ay may kakayahang tumindig nang matatag sa harap ng Diyos, at paano ka man tratuhin ng ibang mga tao, lagi mong tinatahak ang sarili mong landas, at masusing nangangalaga sa pasanin ng Diyos. Tanging ito ang isang kaniig ng Diyos. Na nakakaya ng mga kaniig ng Diyos na direktang maglingkod sa Kanya ay dahil nabigyan na sila ng malaking tagubilin ng Diyos, at pasanin ng Diyos, nagagawa nilang damahin ang puso ng Diyos bilang kanila, at ang pasanin ng Diyos bilang kanila, at hindi mahalaga sa kanila kung magkamit man sila o mawalan ng pagkakataon: Kahit na wala silang mga pagkakataon, at wala silang makukuha, sila ay palaging maniniwala sa Diyos na may mapagmahal na puso. At dahil dito, ang ganitong uri ng tao ay kaniig ng Diyos. Ang mga kaniig ng Diyos ay Kanya ring mga pinagkakatiwalaan; ang mga pinagkakatiwalaan lamang ng Diyos ang makakagawang makibahagi sa Kanyang pagkabalisa, at sa Kanyang mga nais, at bagaman ang kanilang laman ay makirot at mahina, natitiis nila ang kirot at tinatalikdan yaong kanilang sariling kasiyahan upang mapasaya ang Diyos. Nagbibigay ang Diyos ng mas maraming pasanin sa nasabing mga tao, at kung ano ang gagawin ng Diyos ay ipinapahayag gamit ang mga taong ito. Sa gayon, nakasisiya ang mga taong ito sa Diyos, sila ay mga lingkod ng Diyos na kaayon ng Kanyang sariling puso, at ang mga tao lamang na tulad nito ang maaaring mamuno kasama ng Diyos. Kapag ikaw ay tunay na naging kaniig ng Diyos ay talagang kung kailan ikaw ay mamumuno kasama ng Diyos.




最新の画像もっと見る

コメントを投稿